Kaya naman sa halip na umatras ay pinandigan ko na lamang.
Palabas na kami ngayon ng simbahan.Nakaakbay ako sa isang braso niya habang binabati kami ng mga taong madaraanan namin.
"Congrats.""Congratulations to the both of you!""Congratulations, Mr. Sermiento."Sunud-sunod na pagbati sa kaniya at sa akin. Ngunit tikom lamang ang aking bibig at mapait na ngumingiti sa aking labi."I'm so happy for you, hijo. Sa wakas"Alona," halos namilog ang mga mata ni Alona sa gulat nang marinig niya ang pamilyar na boses."Iv... Ivan, ikaw ba 'yan?" aniya habang kumakapa siya sa paligid niya at hinahanap kung saan naroroon ang binata."Ako nga, Ms. Alona." Ang tinugon naman ng binata sa kaniya. Pagkarinig niya sa sinabi nito ay mabilis siyang napatayo at niyakap ng kay higpit ang tapat niyang alalay."Nagbalik ka. Bumalik ka!" mahinang sambit niya sa kaniyang bibig na may pagpatak ng luha sa gilid ng kaniyang labi.Mapait namang napangiti ang binata at sandali siyang binitawan nito, upang pagmasdan siya mula ulo hanggang paa. Napansin niya ang mga kamay ni Alona na may bahid ng dugo ni Kath, pati na ang puting bistidang suot nito ay namantsahan na nang pulang likido na nagkalat sa lupa."Napakaganda mo sa suot mong wedding gown, Ms. Alona. Nagagalak akong makita kang muli." Aniya sa paos na boses at animoy pahina ng pahina.Napakunot-noo naman ang dalaga sa tono
"Shaina?" mahinang sambit ni Karlos sa kaniyang labi, matapos niya matuklasan na ang dalagang si Shaina pala ang pasyenteng sakay ng ambulansyang sinundan niya.Kaagad siyang napababa at napalabas sa loob ng kotse niya habang sinusundan niya ng tingin ang ilang nurses na umaalalay sa dalaga. Sinugod nila ito kaagad sa loob ng ER o emergency room. Nakatago lang sa isang gilid ang binata at pasimpleng sinisilip ang silid na pinasukan. Patingin-tingin sa kaniyang paligid hanggang sa magtama ang tinginan nila ng isang lalaking doktor na animoy kanina pa pala nakamasid sa kaniya mula sa hindi kalayuan.Mabilis siyang napaiwas ng tingin at tumalikod sa kaniya. Tinakpan ang sariling mukha gamit ang dalawang kamay at pasimpleng lumalakad palayo sa kaniya. Nang bigla siyang tawagin nito at nilapitan siya."Excuse me!" ang boses na narinig niya mula sa doktor, kung kaya't natigilan na lang siya at nahinto sa paglalakad.Hays! ano ba kasi ang kailangan niya sa akin?
Pagkarating ni Karlos sa hospital kung saan dinala si Ivan ay naabutan naman niyang nakaupo sa waiting area si Alona at namumugto ang mga mata.Napabuga muna siya ng malalim na paghinga bago niya lapitan ang asawa niya."Hindi man lang ba magpapalit muna ng damit?" bungad niyang turan nang makalapit na siya sa kaniya. Nabosesan naman siya kaagad ni Alona, kung kaya't inangat nito ang kaniyang ulo at pinalis ang luha sa mga mata gamit ang sariling kamay.Umupo si Karlos sa tabi niya at nakaharap sila sa ICU, kung saan kasalukuyang naka-coma ang binatang si Ivan. "Ano ang sabi ng doktor? malala ba raw ang kondisyon niya?" tanong niya kay Alona habang minamasdan niyang maigi ang ekspresyon ng mukha nito. "Nakacoma siya. Hindi ko alam ang buong detalye kung anong nangyari sa kaniya, pero bakit kailangan niyang umabot sa ganito?" nangangatal ang boses niya at niyuko ang sariling ulo na may pagtulo ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Pinunasan naman
Magkahawak-kamay na pumasok sa sariling tahanan sina Alona at Karlos. Medyo naninibago pa rin si Alona dahil hindi pa niya gaanong kabisado ang bagong pinatayo nilang mansyon. Sa laki at lawak nito ay puwedeng magkasya ang limang pamilya, ngunit dahil silang dalawa lamang ang nakatira roon ay maituturing iyon na parang palasyo sa kanila. May ilan din silang kasambahay at mga taga-pagbantay. May ilan ding mamahaling kagamitan sa buong sulok ng bahay nila, na kung saan yung iba ay niregalo sa kanilang kasal at nagmula pa sa iba't-ibang bansa. Halos nasa kanilang dalawa na nga ang lahat at tangging mga batang maiingay na nga lamang ang kulang doon upang maituring silang isang pamilya.Binati rin naman sila kaagad ng mga katulong doon at hardinero, habang nakahalera sila at animoy inaabangan talaga ang kanilang pagdating."Maligayang pagdating po, Ma'am Alona at Sir Karlos. Nagagalak po kaming pagsilbihan kayo at congratulations po pala sa inyong dalawa." Ani ni ma
(ALONA's Pov) Dahil sa lakas ng ulan ay naisipan naming maghanap muna ni Dylan ng matutuluyan pansamantala. Hindi naman kasi ako makakabalik kaagad sa bahay namin, gayung hindi pa humuhupa ang galit sa aming dalawa ni Papa at tiyak ko na malayo pa ang lalakbayin naming dalawa, bago niya kami patawarin. Tumuloy kaming dalawa sa isang motel. Sa totoo lang, wala na talaga kaming ibang choice dahil ito lang naman ang bukas sa ganitong oras. Mag-aalas dose na kasi ng hating gabi at parehas pa kaming basang-basa sa malakas na ulan, kaya napilitan na lang kaming tumuloy sa ganitong lugar. Hindi naman gaano kalakihan yung nirentahan naming kwarto. Sakto lang para sa dalawang tao, ngunit ang mas pinoporoblema ko ay nung mapalingon ako sa kama at napansing nag-iisa lamang iyon. Sa hindi maipaliwanang na kadahilanan ay biglan na lang akong nakaramdam ng pag-iinit sa aking buong katawan.
Magkatabing nakahiga sa kama sina Alona at Karlos. Nakapatong ang ulo ng dalaga sa braso ni Karlos habang yakap-yakap siya nito. Parehas din hubo't-h***d ang mga katawan nila at tangging yung makapal na kumot lamang ang nagsisilbing pantakip sa kanila. Maagang dinaos ang kasal nilang dalawa, mga bandang hapon naman nangyari ang honeymoon nila. Kung kaya't inabot na rin sila ng pagtakipsilim at madilim na sa labas nang makapaghinga silang dalawa. "Puwede ba ko magtanong sa iyo?" mahinang sambit ni Alona mula sa kaniyang bibig. "Hmm?" ang nasabi lang niya habang nakapikit ang dalawa niyang mga mata. "Ito ba ang unang karanasan mo sa pakikipagtalik?" pagkasabi niyang iyon ay napamulat ng mata si Karlos at napatingin sa kaniya. "What do you mean by that?" usisa niya. "Ako kasi... ang totoo niyan, ito ang unang karanasan ko." Mahin
"Ma, tama na. Ano ba ang nagawang kasalanan sa inyo ni Alona? kakatapos lang ng kasal naming dalawa pero ganiyan na kaagad ang pinapakita niyo sa kaniya. Hindi ba kayo nahihiya sa mga sinasabi niyo sa kaniya?" ang tinuran naman ni Karlos sa kaniyang ina.Napangisi na lang ang ginang sa gilid ng kaniyang labi at may guhit ng kunot sa kaniyang noo na animoy hindi niya matanggap ang isinagot ng binata sa kaniya.Tipong kokontra sana siya sa sinabi nito ngunit kaagad naman siyang napigilan ng kaniyang asawa at hinawakan sa braso niya."Tama na 'yan. May punto naman ang anak mo at saka, baka may makarinig pa sa inyong mag-ina. Mas nakakahiya kung magkataon at baka isipin pa ng iba ay sinisermunan mo na sila kaagad gayung kakakasal pa lamang nila. Huwag kayo gumawa ng ikahihiya ng pamilya natin. Hindi 'ko ito sinasabi para lang sa kapakanan natin kundi para na rin sa iyo, Alona. Kasal ka na ngayon kay Karlos at siya lang dapat ang inaasikaso mo, hindi ang ibang tao. L
Hindi naman nakatugon ang binata sa sinabi nito, bagkus ay iniba na lamang niya ang pinag-uusapan nilang dalawa."Nga pala, hindi mo pa nasasagot yung tinanong ko sa iyo nung minsan. Kung bakit ka biglang nawala at hindi nagparamdam sa akin, pagkatapos ng huling pagkikita nating dalawa." Ani ni Karlos sa kaniya.Bigla naman naging seryoso ang mukha ng dalaga at ibinaba saglit ang hawak niyang binokulo."Mabuti at naitanong mo ulit iyan sa akin. Kung tutuusin 'yan din sana ang gusto kong marinig mula sa iyo." Ang tinugon naman niya."Kung ganoon sabihin mo sa akin, ano ba talaga ang nangyari sa iyo at bigla ka na lang nawala. At saka, ano yung tungkol sa mga taong nakamasid sa aking paligid. Sino sila at papaano mo nalaman ang tungkol doon? ano ba ang pakay nila sa akin? may kinalaman ba roon si Shaina?" pagkarinig ni Nara sa sunud-sunod nitong usisa sa kaniya ay halos napakamot na lang siya ng kaniyang ulo at binalingan ng tingin ang ilang espiyang nakaka