Share

Kabanata 57

"Alona," halos namilog ang mga mata ni Alona sa gulat nang marinig niya ang pamilyar na boses.

"Iv... Ivan, ikaw ba 'yan?" aniya habang kumakapa siya sa paligid niya at hinahanap kung saan naroroon ang binata.

"Ako nga, Ms. Alona." Ang tinugon naman ng binata sa kaniya. Pagkarinig niya sa sinabi nito ay mabilis siyang napatayo at niyakap ng kay higpit ang tapat niyang alalay.

"Nagbalik ka. Bumalik ka!" mahinang sambit niya sa kaniyang bibig na may pagpatak ng luha sa gilid ng kaniyang labi.

Mapait namang napangiti ang binata at sandali siyang binitawan nito, upang pagmasdan siya mula ulo hanggang paa. Napansin niya ang mga kamay ni Alona na may bahid ng dugo ni Kath, pati na ang puting bistidang suot nito ay namantsahan na nang pulang likido na nagkalat sa lupa.

"Napakaganda mo sa suot mong wedding gown, Ms. Alona. Nagagalak akong makita kang muli." Aniya sa paos na boses at animoy pahina ng pahina.

Napakunot-noo naman ang dalaga sa tono
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status