Eanna Beatrix
“Ba’t ginabi ka naman yata?”
Pahakbang pa lang papasok sa aming bahay ay malagom na boses na ang aking narinig. Sumalubong sa akin ang nakakunot na noo ni Kuya Arthur.
“Kuya! Anong ginabi? Nauna ka lang kamo sa akin umuwi,” pagbibiro ko.
“Eana naman, alam mo naman delikado riyan sa labas kapag ganitong oras ‘di ba? Mainit pa ang mata ng mga kriminal dito sa barangay natin kaya pabalik-balik sila rito,” sermon niya.
“Kuya naman, syempre nga kasi inubos ko na ‘yung paninda ko. ‘Di ba nga magpapa-check-up si Mama bukas? Sayang naman ‘yun kung matitira, dagdag kita rin.”
“Oh siya sige. Magbihis ka na ro’n. nagpaluto ako kay Mama ng sinigang. Malaki ang tip na nakuha ko sa talyer kaya. Mamaya iaabot ko sa’yo ‘yung ambag ko.
Nag-thumbs up sign ako sa kaniya at tumuloy na papasok. Pagkakita sa akin ng dalawa ay tumakbo sa akin agad si Miko at nagmano.
“Auntie! Sabi po ni Kuya Artemis, may pasalubong ka raw po sa’min?” naeexcite na tumalon-talon pa ang bata.
“Meron, pero kailangan ninyo munang kumain ng maraming gulay mamaya, okay?” pang-uuto ko sa mga ito.
“Yehey! Promise po, Auntie, kakain po kami ng gulay!” at para itong kiti-kiting bumalik sa pagkakaupo. Ako naman ay lumapit kay Artemis at humalik sa noo nito.
Pagkabihis ko ng pambahay ay tumungo na ako sa kusina. Nagmano ako kay Mama at tinulungan na siyang maghain. Pansin ko ang pananahimik nito habang naglalagay siya ng sabaw sa mangkok.
“Ma, ayos ka lang po?”
“O-oo ‘nak. Medyo naiinitan lang ako sa panahon.”
“Sigurado po kayo? Mainit nga po ang panahon kanina, kaya dapat po palagi kayong umiinom ng tubig. Hindi po ba naninikip ang dibdib mo?” nag-aalala kong saad.
“Hindi naman ‘nak. Sige na, tawagin mo na sila ng makakain na tayo.”
Sumunod ako sa kaniyang utos at pumunta sa sala. Nakita kong niwre-wrestling ni Miko si Artemis ngunit ang huli ay wala man lang karea-reaksiyon. Hindi ko tuloy alam kung mag-aalala ba ako dahil baka magkasakitan sila o matatawa sa itsura ng dalawa.
“Kakain na po, tayo na!”
Mabilis na tumakbo si Miko at parang hangin na dumaan lang sa aking gilid. Sumunod din naman ako sa kaniya at iniayos ang kanilang mga plato.
Nagsimulang magdasal si Kuya at taimtim lang kaming nakinig. Segundo lamang ang itinagal no’n at nagsimula na kaming magsandok.
Inuna ko muna ang dalawa bago ko lagyan ang aking plato. Tahimik pa rin si Mama sa mga oras na ‘yun. Maging si Kuya ay napansin din, nagkatinginan kaming dalawa at nag-uusap gamit ang mata kung sino ang unang magtatanong kay Mama.
Sa huli, nagwagi ako at siya ang bumaling kay Mama.
“Ma–”
“Mga anak–”
Nagulat ako sa sabay nilang pagsalita. Hindi ko mapigilan ang mumunting pagtawa at patuloy sa pagsubo ng aking pagkain.
“Kumain muna tayo. Mamaya ay mayroon tayong pag-uusapan.
Anunsiyo niya gamit ang kaniyang seryosong boses. Sa pagkakataon na ‘yun, alam namin na hindi lang basta ang pag-uusapan.
Tumahimik na kami ni Kuya at tanging dalawang bata na lamang ang panaka-nakang nag-uusap.
Hanggang sa matapos kami ay hindi na muling nagsalita si Mama. Hindi man mapakali sa inaakto nito ay nanatili na lang kaming tahimik ni Kuya.
“Eana, sumunod ka na lang sa sala kapag tapos ka na riyan.
Tumango ako at binilisan ang paghuhugas. Matapos ko ro’n ay agad akong pumanhik sa sala, nadatnan kong nanunuod ang tatlong lalaki habang si Mama naman ay tagos ang tingin sa tv.
Tumikhim ako upang kunin ang kanilang atensyon. Si Kuya Arthur ay saglit na nagpaalam upang ihatid sa silid ang dalawang bata. Umupo ako sa tabi ni Mama at hinaplos ang braso nito.
Tila’y nagising siya sa ginawa ko at bumaling sa akin ang kaniyang tingin.
“Ma, ano po bang meron? Kanina pa kayo tahimik. Nag-aalala na kami. May masakit po ba sa inyo?”
Sakto naman na pagdating ni Kuya ay umupo ito sa aming kaharap na sofa. Humawak ang kamay ni Mama sa akin at napabuntong-hininga.
“Ang lalim po no’n, Ma. Ano po bang problema?” si Kuya Arthur na ang unang nagsalita.
“Pumunta rito ang Attorney ng Papa ninyo. Hinatid niya sa akin ang balitang gusto na raw bawiin sa atin itong lupa at bahay,” panimula nito at mahihimigan ang kalungkutan sa kaniyang tinig.
"P-po?!” nabibiglang saad ko.
“Hindi ko alam kung anong problema ni Ernesto at gusto niya ito. Samantalang noon naman na naghiwalay kami, ipinaubaya niya na sa akin ito,” dagdag niyang wika.
“Baka naman po hindi pa nakakamove-on, Ma? Tapos kunyari gusto lang kunin itong lupain, pero dapat kasama kayo?” pabiro ko na ani upang mabawasan ang tensiyon sa paligid.
“Hindi anak, sinabi sa akin ni Attorney na gusto ng Papa mo na umalis na tayo at magpakalayo. Tayo na raw ang bahala kung saan tayo pumunta, basta raw ibalik natin ang lupa sa kaniya. Wala tayong laban doon mga anak, may titulo at patunay na sa Papa ninyo ito,” mababakas ang kaguluhan sa mukha niya at makikitang nag-aalala sa kung ano man ang mangyayari.
“Ma, paano po iyon? Si Papa po ba talaga ang may gusto no’n o ang asawa niya?” ani Kuya Arthur.
“Oo nga naman Ma, ‘di ba nga po sabi mo, siya ang nagsabi na ikaw na ang bahala sa kung ano man ang gagawin mo rito. Ma, sa tingin ko naman, wala ng pakialam ‘yun dito lalo na at ang laki naman ng bahay nila sa Bulacan,” pagsang-ayon ko kay Kuya.
“Walang nabanggit sa akin si Attorney tungkol diyan. Pati ako’y nalilito at palaisipan sa akin ito. Hindi ugali ng Papa ninyo na magpaalis o mang-angkin lalo na kung sa kaniya mismo nanggaling na ayos lang sa kaniya kung ikaw na gumamit ng bagay na dati’y sa kaniya."
“Kung siya po talaga ang nag-utos no’n, bakit hindi po siya ang humarap sa atin? Kung talagang gusto niya tayong paalisin at angkinin ang lupa na ito, aba’y pumunta siya rito Ma. Hindi iyong sa abogado niya lang inuutos, hindi natin sigurado kung siya o ang magaling niyang asawa ba ang nag-utos,” naiimbyerna ko na sambit.
“Sa makalawa ay babalik dito si Attorney, kailangan daw kasi natin magbigay kasagutan tungkol dito. Mga anak, ang mabuti pa’y magsimula na tayong maghanap ng malilipatan. Hindi na ako komportableng gumalaw lalo na sa kaisipan na gusto na itong kunin sa atin,” malungkot na suhestiyon niya pa.
“Ma, ganoon na lang ba 'yun? Matapos tayong iwanan at ipagpalit sa iba, ngayon naman kukunin sa atin ito na parang wala lang? Mayaman na siya Ma, bakit hindi na lang sila bumili ng ibang lupain,” galit na turan ni Kuya.
“Kung gusto ninyo na masagot ang mga tanong na ganyan, iminumungkahi ko na lumiban muna kayo sa mga lakad ninyo upang makausap si Atty. Benito sa issue na ito, mga anak. Alam kong hindi ninyo basta bibitawan itong bahay at lupa, lalo na at kabawasan na ito sa gastusin natin sa araw-araw. Ang hiling ko lang sana ay huminahon kayo sa sitwasyon na ito at sa oras na kaharap natin ang abogado. Kailangan natin ng kasagutan sa agarang desisyon ng ama ninyo, kaya sana ay tuparin ninyo ang kahilingan ko,” isang tango ang isinagot namin ni Kuya Arthur at pagkatapos no'n ay pinapahinga niya na kami.
Tahimik na ang paligid at tulog na ang lahat ng tao sa kabahayan, pero ako gising na gising pa rin. Saan naman kami makakahanap ng bahay? Hindi man lang nagbigay ng konsiderasyon kahit sana sa mga apo niya na lang.
Kung sabagay, wala naman siyang pakialam sa’min. Nagawa niya nga pala kaming talikuran para lang sumama sa iba.
Bakit ganoon? Buong pagkabata ko, palagi kong tinatanong kung bakit niya kami iniwan. Ano namang kinalaman ko? ‘Di sanay hindi na lang nila ako ginawa kung may balak pala siyang umalis.
Ngunit malaking palaisipan talaga sa’kin ang biglaang desisyon niya. Sa halos dalawampung-pitong taon na wala siya, ngayon niya lang naisipan na bawiin ang lupa’t bahay?! May kutob talaga ako na may kinalaman dito ang magaling niyang asawa.
Dala ko sa aking pagtulog ang plano na hanapin at sadyain sila sa Bulacan. Kahit saan man ‘yan, makita ko lang ang mukha niya pati ang bago niyang pamilya.
-----
Kinabukasan tahimik si Mama sa hapag, hindi ito ang nakasanayan namin na asta niya lalo na kung walang mabigat na problema.
Si Kuya Arthur naman ay nauna ng umalis at pumasok sa talyer. Ngayong araw din na ito ay tutungo kami upang mapa-check-up ang kalagayan niya.
Napabuntong-hininga ako at agad na kinausap siya.
“Ma, 'wag mo na pong isipin itong bagong problema natin. Ipahinga mo po muna iyang sarili mo dahil pupunta pa tayo sa doktor ‘di ba?”
“Nag-aalala ako Eana, paano na kayo ng kuya mo? At ang dalawang bata? ‘Nak… magdodoble kayod kayo ni Arthur kung sakali man na mangupahan tayo. Ayaw ko na dumagdag pa sa hirap ninyo ang ipambabayad sa upa. Mas mabuti nga itong may sarili tayong bahay at lupa, gastusin na lang natin sa pang-araw-araw ang iisipin."
“Ma. Ayos lang po, kung mangyari man 'yun, edi maghahanap pa po ako ng dagdag pagkakakitaan para may pang-suporta tayo sa pambayad."
“Tutulong ako nak, magtatahi siguro o pwede rin labandera."
“Ma! Kami na po ang bahala ni Kuya Arthur do'n, hindi mo po kailangan magtrabaho."
“Kaya ko pa naman anak, tsaka sa bahay lang din naman ako. Habang nagbabantay ako sa dalawang bata, may iba rin ako na pinagkakaabalahan.”
“Hindi pa nga po natin sigurado kung si Papa talaga ang may gusto na paalisin tayo rito e. Huwag na po muna natin pag-usapan 'yan, hintayin na lang po natin ang bukas. Basta po, hindi na kayo magtatrabaho. Kami na ang bahala ni Kuya Arthur."
“Paano naman ang dagdag na iniipon mo para sa pag-aaral mo sana sa sunod na pasukan?” may pag-aalala sa boses niya
“Ako na po ang bahala doon. Pwede rin naman pong kahit sa susunod na taon na lang. Mas mahalaga po ang pangangailangan ninyo,” tugon ko sabay paghagod sa kaniyang likod at braso.
Nagpupuyos sa sama ng loob ang aking damdamin. Hindi matatawaran ang lubos na galit ko sa aming ama. Sisiguraduhin kong makakatikim sila sa akin!
Farrel Juancho Nakangiti kong pinagmamasdan ang babaeng nakahiga sa kanang bahagi ng kama. After what she had experienced before, I cannot believe she let the situation lead us here. It felt surreal. Puno ng galak at kasiyahan ang puso ko ngayon. Indeed, all the wait that I've done before, it's all worth it. Hinayaan ko na muna siyang magpahinga. Alam kong pagod na pagod siya sa ginawa namin. How couldn't she? I didn't stop until she said she's tired. I chuckled at my own thoughts. I can't resist her body, that's all I know. Ngayon na nakita ko na at natikman ko na, I am sure that our room will fill by her moans. Artemis will gonna have lots of siblings. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at isinuot ang roba na nakasabit malapit sa cr. Idinial ko ang numero ng room service at nagpahatid ng meryenda. Matapos ko roon ay ang sariling cellphone ko naman ang aking kinuha. Lumabas ako sa terrace. Pagbukas ko ng aking cellphone ay
Eana Beatrix Warning: Mature content ahead. Not suitable for younger audiences. Read at your own risk. Isang taon ang matulin na lumipas, at sa buong taon na iyon ay maraming nangyari. Tuluyan nang ibinenta ni Papa ang dati namin na bahay. Muling umusbong ang pagmamahalan nina Mama. Ikinatuwa iyon ni Lorena Cortes na noo'y nasa Canada pa rin. Sina Lucy at Kuya Arthur naman ay kaswal pa rin ang set-up. Iyon nga lang ay mas madalas na si Kuya sa bahay, bagay na ikinagagalit nina Papa. Si Anton at Artemis, hindi namin inaasahan na mapapalagay agad ang loob ng bata sa una. May mga araw na hinihiram siya ni Anton at doon pinapatulog at kapag uuwi na siya sa amin ay may baon na siyang mga kuwento tungkol sa kung ano ang ginawa niya roon. Kami naman ni Juancho, ganoon pa rin. May pagkakataon pa rin na inaasar niya ako kaya minsan ay 'di siya nakakaligtas sa paghahampas at kurot ko sa kaniya. Nagkaroon na rin kami ng bond
Eana Beatrix "Care to explain what is the meaning of this, Beatrix?" galit ang may ari ng baritonong boses na iyon. Nanghilakbot ako sa nakikitang itsura ni Juancho. Mariin ang titig na ibinibigay niya kay Anton. Kung nakakapatay lamang ang mga iyon ay nakabulagta na siguro ang huli. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit na sa loob loob ko ay natatakot ako. "Juancho, kumalma ka, please. Huwag na tayong gumawa ng eksena pa rito." Inilibot ko ang aking paningin at may mangila-ngilan na tao ang dumaraan at hinahabol kami ng tingin. "What do you expect me to feel, Bea? This guy brought you tears and sufferings! Anong gusto mong maging reaksiyon ko?" nagkikimpian ang mga ngipin nito habang nagsasalita. "Sorry, hindi kita nasabihan. Unexpected din kaming nagkita, kung gusto mo—" "Let go of her," madiin niyang pagputol sa dapat na sasabihin ko. Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak ni Anton hanggang sa tuluy
Eana Beatrix "Bakla ka! Ilang buwan lang ako nawala, pagbalik ko may jowa ka na!" Tumawa ako sa sinabing iyon ni Gaspar. Araw ngayon ng Linggo kaya malaya akong nakasama nang inaya ako nitong lumabas. Ang maghapon na bonding dapat namin nila Mama ay naging pagsimba na lang, dahil na rin sa kagustuhan namin na makapagpahinga pa ito. "Hindi pa naman kami matagal," tanging nasabi ko. "Naku, kung hindi pa ako tumawag, hindi ko pa malalaman ito! Grabe, ang tagal kong nawala tapos ni minsan hindi mo sa akin nabanggit ito kahit na minsan lang tayong nagkakausap? I'm hurt! Parang hindi tayo magkaibigan niyan!" aniya na may drama pang pahid sa mga pisngi. Kadarating lang niya galing Samar dahil doon daw siya inilagak pansamantala ng kaniyang boss sa parlor na pinagtatrabahuhan niya rito. Isang coffee shop na hindi nalalayo sa aming lugar ang napagkasunduan naming pagkitaan. "Ang drama mo, Gaspar! Nakakalimutan ko nga kasi banggit
Farrel Juancho A smile remained on my lips even after the call was over. I'm a man yet I couldn't help myself to feel the shudder feeling that only Beatrix can give. Her calling me babe... sent shivers to my body and I cannot stop my friend down there to be arouse and well, think of something. Beatrix will surely hit me if ever she hear me say this! "Tito, nasaan na po si Mama?" It was Artemis again. His innocent eyes are fixated on mine and the worry on his face is visible. "She's in the hospital, kiddo. Mamaya narito na rin sila," malambing kong sabi sa kaniya. "Miss ko na po siya, bawal po ang bata roon? Puntahan natin, Tito." He pleaded. "I miss her, too. Pero bawal kasi ang bata sa hospital. We'll just need to wait for her call, tapos susunduin natin sila, okay?" Napipilitan itong tumango at muling itinuon ang mata sa tv. Ito ang unang beses na pambatang palabas ang nangingibabaw sa buong sala. To up his moo
Eana Beatrix Mabilis ang mga pangyayari, namalayan ko na lang na tinatahak na namin ang daan papuntang hospital. Nanginginig ang aking mga kamay habang pinagmamasdan si Mama na wala pa rin malay. Naiiyak ako pero pinipigilan ko dahil hindi ito ang tamang oras para roon. Kasunod nang sinasakyan namin ang kotse nila Papa sa likod. Mabilis ang pagmamaneho ng dalawang sasakyan na para bang nakikipagkarera. Nakarating kami sa hospital at agad kaming bumaba, si Papa mismo ang nagbuhat at natawag ang atensiyon ng mga nurses doon. Itinakbo sa emergency room si Mama, hindi kami pinapasok at inabisuhan na hintayin na lang namin hanggang sa matapos. Pagod akong naupo sa waiting area. Si Papa ay palakad-lakad at ganoon din si Kuya Arthur. Si Lucy naman ay bakas pa rin ang ilang sa presensiya ni kuya ngunit may pag-aalala rin sa kaniya. Dinaluhan ako ni Juancho at niyakap. “K-kasalanan ko ito…” “Shh. Babe, walang may