Share

Chapter 13

LUMIPAS ang tatlong araw simula nang makausap ni Marilyn ang nakatatandang kapatid ni Gabriel na si Victoria. Alam rin niyang nasa San Lorenzo pa ito ngayon at pwede niya itong tawagan anumang oras kung handa na ba siyang umuwi ng Maynila at harapin ang problemang tinakasan niya.

Ngunit sa kalagayan ngayon ng pitong magkakapatid na Monroe ay hindi niya magawang iwanan ang mga ito. Siya ang nagbigay ng sigla at lakas sa magkakapatid para makaahon sila mula sa kalungkutan nang pagkamatay ng kanilang lolo't-lola. At dahil may puso siya at utang na loob sa mga ito ay hindi niya magawang iwanan sa ngayon ang magkakapatid.

Napapansin rin niyang sa bawat araw na lumilipas ay mas nagiging malapit na sa kanya ang ang mga ito lalo na si Abraham na umaming may gusto sa kanya.

Mali ang nararamdaman niyang kakaiba para kay Abraham but she can't help it.

"Hello, Marilyn! Nandito lang pala kayo,"

Napalingon si Marilyn sa dumating na si Gael. Nasa bukid siya ngayon kasama si Diego at nagpakain ulit s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status