Share

Chapter 8

last update Last Updated: 2025-06-10 18:01:49

Naunang maglakad papasok ng elevator si Luciano. Ayaw pa ring bitiwan ang pulso ni Valeria, na para bang baka bigla siyang kumawala at tumakas.

Paano naman siya makakatakas kung ganoon kalakas ang kapit nito? Isusumbong daw siya sa mag-inang Evah at Mariah tungkol sa pagsisinungaling niya kanina sa ginanap na gathering. Sino ba naman ang hindi manginginig sa gano'ng banta?

Alam nilang pareho na hindi totoo ang sinasabing kasal!

“Close ba talaga kayo ni Mariah para takutin mo ako nang ganito?” hindi naiwasang tanungin ni Valeria habang nasa loob ng elevator.

Ilang beses siyang huminga nang malalim. Hindi niya maisip na madali siyang sumuko sa ganitong sitwasyon. Hindi siya sanay na sumama na lang basta sa isang lalaki, lalo na sa isang tulad ni Luciano. Gusto pa nitong mag-stay siya sa parehong Hotel kung saan ito nakatira?

Kailangang ma-contact ni Valeria si Attorney Herrera. Kailangan niyang mailigtas ang sarili. Kahit pa sinasabi ng isip niya na wala siyang tiwala kay Luciano, hindi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)   Chapter 8

    Naunang maglakad papasok ng elevator si Luciano. Ayaw pa ring bitiwan ang pulso ni Valeria, na para bang baka bigla siyang kumawala at tumakas.Paano naman siya makakatakas kung ganoon kalakas ang kapit nito? Isusumbong daw siya sa mag-inang Evah at Mariah tungkol sa pagsisinungaling niya kanina sa ginanap na gathering. Sino ba naman ang hindi manginginig sa gano'ng banta?Alam nilang pareho na hindi totoo ang sinasabing kasal!“Close ba talaga kayo ni Mariah para takutin mo ako nang ganito?” hindi naiwasang tanungin ni Valeria habang nasa loob ng elevator.Ilang beses siyang huminga nang malalim. Hindi niya maisip na madali siyang sumuko sa ganitong sitwasyon. Hindi siya sanay na sumama na lang basta sa isang lalaki, lalo na sa isang tulad ni Luciano. Gusto pa nitong mag-stay siya sa parehong Hotel kung saan ito nakatira?Kailangang ma-contact ni Valeria si Attorney Herrera. Kailangan niyang mailigtas ang sarili. Kahit pa sinasabi ng isip niya na wala siyang tiwala kay Luciano, hindi

  • Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)   Chapter 7

    "You’ll stay here. Hindi ka na babalik roon at mas lalong hindi ka makipagkikita sa Attorney Herrera nang hindi ko nalalaman."Masama ang tingin ni Valeria habang binabaling ang mukha kay Luciano sa tabi niya. Sumulyap ito sa kanya, kunot ang noo, bago pinabilis pa ang takbo ng kotse. Napahawak siya sa gilid ng upuan, dama ang kaba sa bawat saglit."What the hell! Stop the car, please! Baliw ka na!" sigaw niya, pilit nilalabanan ang takot sa bilis ng sasakyan. "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?" Hindi niya mapigilan ang kaba lalo na’t may trauma pa siya sa mga ganitong sitwasyon. "Ayaw kitang makasama!""Keep quiet. I won’t let you escape this time. Sa hotel ka titira kung saan ako nananatili ngayon. Ako na ang bahala sa mga papeles para sa kasal natin. Wala kang ibang gagawin kundi maghintay at samahan ako hanggang sa ikasal tayo."Nanlaki ang mga mata ni Valeria. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito. Gusto na lang niyang maiyak. Pakiramdam niya ay parang kinidnap siya. At ipa

  • Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)   Chapter 6

    "Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ni Valeria, halatang inis.Sobrang bilis ng mga pangyayari. Nasa loob na siya ngayon ng kotse ni Luciano. Pagkatapos siyang sabihan na magpapakasal raw sila sa susunod na buwan, agad siyang pinilit na sumakay sa magarang sasakyan nito—mas mahal pa kaysa sa kotse niya."Just sit in there. Don't move and stop asking," malamig ang boses nito habang nagsalita.Napapailing si Valeria. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ‘to. Siya pa ngayon ang may ganang mainis, kahit siya itong sapilitang isinama. Hindi man lang siya binigyan ng maayos na paliwanag."Yung kotse ko sa hotel? Naiwan ko 'yon. Kailangan ko iyong balikan," giit niya, pero nanatiling tahimik ang lalaki. Wala itong balak na ibalik siya roon. Halatang buo na ang desisyon nito.Patuloy lang ito sa pagmamaneho. Hindi man lang siya nilingon o pinansin. Mas lalo siyang nainis sa bawat segundo ng pananahimik nito. Wala man lang pakialam na halos manginig na siya sa kaba."Ano ba? Ibalik mo ako roon!

  • Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)   Chapter 5

    Gulat na napasinghap ang mag-inang Evah at Mariah sa ginawa ni Valeria. Mula sa gilid ng ng kanyang mga mata ay kitang-kita niya kung paano unti-unti manginig sa gigil si Mariah. Kinuyom pa nito ang palad, kulang na lang ay hampasin ang lamesa para lang maputol ang halik na ginagawa ni Valeria kay Luciano.Ang iba namang naroon ay nagpalakpakan, tila natuwa sa inasta ni Valeria.Ilang minuto ring magkalapat ang mga labi nila ni Luciano, at kung ibubuka ni Luciano ang bibig ay tiyak na makakapasok ang dila ni Valeria roon sa loob. Nang sa tingin niya ay sapat na ang ginawa niya para mainis ang kanyang madrasta at stepsister ay doon siya nagpasya na tapusin ang halik na iyon.Malambing niyang pinunasan niya ang labi ni Luciano na nagkapahid ng lipstick mula sa kanya. Pagkatapos ay binalingan niya ang mag-ina nang may halong pang-aasar sa titig."Magpapadala ako ng invitation sa bahay. Huwag kayong mawawala sa kasal namin. Excuse us. We need to go," aniya saka tumalikod.Matagumpay siyan

  • Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)   Chapter 4

    Napaupo na lang sa kama si Valeria nang mabasa ang text ni Attorney Herrera. Magdadalawang linggo na simula noong may nangyari sa kanila ni Luciano. Kinabukasan ng umaga ay umalis na rin siya sa bahay nito. Pero kaagad naman siyang sinundan ni Luciano rito sa Manila.Kinukulit nito si Attorney Herrera para malaman kung nasaan siya. Hindi niya alam kung anong kailangan nito sa kanya, pero ayaw na niya ito harapin pa. One night stand lang ang nangyari sa kanila. Pero hanggang kailan niya ba pagtataguan ang lalaking nakakuha ng virginity niya.Tinawagan niya si Attorney Herrera. Agad namang nagri-ring ang kabilang linya. Tahip-tahip ang kaba habang naghihintay sa pagsagot nito. Sana lang talaga hindi na nito kasama si Luciano oras na magkita sila."Attorney!""Valeria, something's wrong?" Himig sa boses nito ang pagkagulat."Nasaan ka ngayon? Gusto kong makipagkita sa'yo. I have some suggestions para mapaalis sa mansyon ang kabet at anak sa labas ni Daddy!" mabagsik niyang sabi. Naiinis s

  • Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)   Chapter 3

    Inis na bumangon si Valeria mula sa kama. Ilang beses siyang palimbag-limbag sa higaan. Hirap siyang makatulog.Siguro kailangan niya munang magmuni-muni. Iisipin niya kung ano ang mga hakbang na gagawin ngayong nandito na siya sa Pilipinas. While thinking all of it. She needs a fresh air too.Pagkarating niya sa veranda ay nilibot pa niya ang paningin sa ibaba at laking gulat niya nang makita ang lalaki sa tabi ng pool. Nakaupo ito roon, habang nakatampisaw ang dalawang paa sa tubig."I thought he's sleeping already?" Napa-iling siya ng ulo nang makitang beer ang iniinom nito.Mukhang malalim ang iniisip ng lalaking suplado dahil nakatingala pa ito sa langit. Kahit sa ganitong angulo, mariing nakatikom ang kanyang labi. Matangos ang kanyang ilong. Gumagalaw rin ang kanyang lalamunan sa tuwing iniinom nito ang beer.He's really a good looking man. Kahit sa malayo, alam mo na talaga na may itsura siya.Hindi alam ni Valeria kung bakit namalayan na lang niya ang sariling naglalakad papu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status