Napaupo na lang sa kama si Valeria nang mabasa ang text ni Attorney Herrera. Magdadalawang linggo na simula noong may nangyari sa kanila ni Luciano. Kinabukasan ng umaga ay umalis na rin siya sa bahay nito. Pero kaagad naman siyang sinundan ni Luciano rito sa Manila.
Kinukulit nito si Attorney Herrera para malaman kung nasaan siya. Hindi niya alam kung anong kailangan nito sa kanya, pero ayaw na niya ito harapin pa. One night stand lang ang nangyari sa kanila. Pero hanggang kailan niya ba pagtataguan ang lalaking nakakuha ng virginity niya.
Tinawagan niya si Attorney Herrera. Agad namang nagri-ring ang kabilang linya. Tahip-tahip ang kaba habang naghihintay sa pagsagot nito. Sana lang talaga hindi na nito kasama si Luciano oras na magkita sila.
"Attorney!"
"Valeria, something's wrong?" Himig sa boses nito ang pagkagulat.
"Nasaan ka ngayon? Gusto kong makipagkita sa'yo. I have some suggestions para mapaalis sa mansyon ang kabet at anak sa labas ni Daddy!" mabagsik niyang sabi. Naiinis siya dahil malaking pera na ang nawaldas niya dahil lang sa hotel room niya.
"Pupuntahan kita. Diyan na lang tayo mag-usap," iritado niyang presinta.
"Nasa social gatherings ako ngayon. Mas mabuti pa nga na puntahan mo ako."
"Social gatherings? Saan iyan?" Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay.
"I will text you the location. And by the way... nandito rin si Mariah at ang kaniyang ina."
"Just tell me where you are. Pupunta agad ako riyan."
Pinatay na niya ang tawag at nagmadaling magbihis ng babagay sa social gatherings na sinasabi nito.
Nawala na nga sa isipan ni Valeria ang magtanong kung nandoon rin ba si Luciano kasama ni Attorney Herrera. Pero bahala na, naroon an pinakapakay niya. Ang mag-inang Dantes kaya pupunta talaga siya roon.
Nagtitimpi siya nang ilang araw para lang hindi ito komprontahin. Maybe this is the right time to confront her. I don't want to lose this chance.
After she's done preparing herself, agad na siyang dumiretso sa lokasyon na ibinigay ni Attorney sa kanya.
Isang malaking Hotel iyon. Agad siyang nagtanong sa front desk kung saan ginanap ang malaking event sa Hotel. May umaalalay agad sa kanya papuntang event room.
May mga cameraman ang bumungad sa kanya nang makapasok siya sa red carpet. Hindi niya alam kung ano'ng mayroon sa event na iyon dahil nakapasok agad siya na walang pag-uusisa sa mga nagbabantay.
Tinext niya si Attorney na nandito na siya sa pinagdadausan ng event. Agaran naman siya nitong nahanap sa daming tao na nandito.
"I thought, hindi ka na pupunta. Wala sa itsura mo ang mahilig sa ganito," sabi ni Attorney Yanson. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.
"Let's talk about my plan first." Nalaman ni Valeria na possible na hindi niya talaga kapatid si Mariah dahil pinagsabay ni Evah ang Daddy niya at ang dati nitong boyfriend.
"Kukunin ko lang ang susi ng sasakyan sa bag ko. Hintayin mo ako rito," wika ni attorney. "Huwag kang gagawa ng eksena. Nasa paligid lang ang mag-inang Dantes. Kumalma ka kung gusto mo silang kausapin. Go ahead, but don't make a scene. Baka lalabas agad 'yan sa balita."
Napairap siya. "Alright, I won't," hindi sigurado niyang tugon.
Pagka-alis ni Attorney. Nilibot niya ang paningin sa paligid at nahagip si Evah sa pinakagitna ng maraming tao. May kausap itong mga grupo ng matatanda na ka-edad niya lang. Nasa tabi nito ang anak na si Mariah. May kausap rin namang matangkad na lalaki. Maputi, mukhang may itsura. Ngumingiti si Mariah roon, at hinawakan sa braso. Nagbeso pa ito sa lalaki. Kumikislap ang mga mata habang kinakausap niya ito.
Mabilis ang hakbang ni Valeria palapit sa mag-inang Dantes. Agad siyang nakita ni Evah, nawala ang nakapaskil nitong ngiti sa kanyang labi.
"Iha—"
"How dare you para kuhanin mo lahat ng properties ni Mommy at Daddy!" sumbat niya rito at malakas na hinampas ang lamesa.
Napa-awang ang labi ni Evah. Nagsinghapan ang lahat ng taong nakakita sa ginawa niya. Hindi man lang siya nakaramdam ng takot o mahiya sa pag-eskandalo sa malaking gatherings na ito.
"W-What... are you saying, iha? Wala akong inangkin sa mga properties niyo. Can we talk in private? Huwag tayong gagawa ng eksena rito." Lumingon ito sa paligid. Humingi ng paumanhin sa lahat.
Dahil hindi na siya natutubuan ng hiya, iniling niya ito ng ulo.
"You want in private? Ayaw mo bang malaman ng lahat ng taong nandito ang baho niyong mag-ina?" Tumawa siya nang pagak.
Halos hindi na makangiti si Mariah.
"I don’t know what you're talking, Valeria. You’re just overreacting."
"Mapagpanggap ka talaga! Hindi ka lang mahilig sumira ng pamilya kundi isa ka rin palang sinungaling!" Dinuro niya ito.
Namutla ang ginang sa hiya dahil nasa kanila ang buong atensyon. Matagal na hinintay ni Valeria na ipahiya ito at ipaalam sa lahat na isa itong kabit ng Daddy niya.
"Huwag na nating palakihin ito, Valeria," nginig na pakiusap ni Evah. "Magkapatid kayo ni Mariah, huwag mo naman kaming bigyan ng eskandalo."
Tinuro ni Valeria si Mariah na halatang takot na takot. Hindi niya napigilang tingnan ang kausap nitong lalaki kanina, na familiar sa kanya. At doon niya lang napagtanto na dalawang pares na mata ang nakatitig sa kanya mula pa noong nakalapit siya rito.
Luciano...
Namanhid ang mukha niya nang magkasalubong ang titigan nila. Pero nagpanggap na hindi ito namukhaan, kahit ang totoo, nangatog ang kanyang mga binti.
Luciano's wearing a white longsleeve with black torso pants. Bumagay iyon sa kanya. Even his black piercing, and a gold watch.
Kilala ng halfsister niya si Luciano? Paano?
Mabilis niyang iniwas ang tingin sa lalaki nang wala itong balak mag-iwas sa kanya ng tingin. Siguro hindi nito inaasahan na magkikita ulit sila. She looked at him coldly.
"Hindi pa ba sinabi ng attorney mo ang tungkol sa last will and testament na hinabilin ng magulang mo bago sila mawala?" tanong ni Evah. Nang makita nitong hindi makaimik si Valeria ay napangisi ito nang malaki. "Handa akong ibigay lahat ng naiwan ng daddy mo at bitawan ang kompanya kung nagawa mo na ang nasa last will and testament—"
"Oh, I'm getting married," pagpapatahimik niya rito.
"K-Kanino?" Doon lang nakapagsalita si Mariah. Mukhang kinain ng curiosity. "Wala ka namang boyfriend, Valeria. Huwag mo nga kaming niloloko."
Itaas ni Valeria ang kanyang kilay. Tiningnan niya ito nang may paghamak.
"Mariah, hindi mo ba alam na magiging asawa ko ang lalaking kinakapitan mo ngayon sa braso. He's my fiancé, by the way. Haven't the news on our wedding—hindi pa ba dumating sa inyo? Kaya umuwi ako rito sa Pilipinas para sa kasal namin..." Tumingin siya sa lahat ng nakiusyoso. "Everyone, he's Luciano Navarro. My fiancé. Siya ang papakasalan ko. All of you in here are invited."
Bumaling ulit siya kay Luciano. He was watching her, confused on her statement. Bumababa ang tingin niya sa kamay ni Mariah na mariing nakakapit sa braso nito.
"Let go his arm, Mariah. Wala kang karapatang hawakan siya. Balak mo bang landiin itong fiancé ko?" ingos pa niya at marahas na hinila si Luciano palayo sa halfsister niya.
Tumingala si Valeria kay Luciano at hinawakan ang mukha niya, kasabay ng pagtingkayad niya ay hinalikan niya ang labi nito sa harapan ng kabet ng Daddy niya at halfsister niya.
Napaupo na lang sa kama si Valeria nang mabasa ang text ni Attorney Herrera. Magdadalawang linggo na simula noong may nangyari sa kanila ni Luciano. Kinabukasan ng umaga ay umalis na rin siya sa bahay nito. Pero kaagad naman siyang sinundan ni Luciano rito sa Manila.Kinukulit nito si Attorney Herrera para malaman kung nasaan siya. Hindi niya alam kung anong kailangan nito sa kanya, pero ayaw na niya ito harapin pa. One night stand lang ang nangyari sa kanila. Pero hanggang kailan niya ba pagtataguan ang lalaking nakakuha ng virginity niya.Tinawagan niya si Attorney Herrera. Agad namang nagri-ring ang kabilang linya. Tahip-tahip ang kaba habang naghihintay sa pagsagot nito. Sana lang talaga hindi na nito kasama si Luciano oras na magkita sila."Attorney!""Valeria, something's wrong?" Himig sa boses nito ang pagkagulat."Nasaan ka ngayon? Gusto kong makipagkita sa'yo. I have some suggestions para mapaalis sa mansyon ang kabet at anak sa labas ni Daddy!" mabagsik niyang sabi. Naiinis
Inis na bumangon si Valeria mula sa kama. Ilang beses siyang palimbag-limbag sa higaan. Hirap siyang makatulog.Siguro kailangan niya munang magmuni-muni. Iisipin niya kung ano ang mga hakbang na gagawin ngayong nandito na siya sa Pilipinas. While thinking all of it. She needs a fresh air too.Pagkarating niya sa veranda ay nilibot pa niya ang paningin sa ibaba at laking gulat niya nang makita ang lalaki sa tabi ng pool. Nakaupo ito roon, habang nakatampisaw ang dalawang paa sa tubig."I thought he's sleeping already?" Napa-iling siya ng ulo nang makitang beer ang iniinom nito.Mukhang malalim ang iniisip ng lalaking suplado dahil nakatingala pa ito sa langit. Kahit sa ganitong angulo, mariing nakatikom ang kanyang labi. Matangos ang kanyang ilong. Gumagalaw rin ang kanyang lalamunan sa tuwing iniinom nito ang beer.He's really a good looking man. Kahit sa malayo, alam mo na talaga na may itsura siya.Hindi alam ni Valeria kung bakit namalayan na lang niya ang sariling naglalakad papu
“Sinasabi mo bang sinungaling ako? Bahay ito ng mga magulang ko!" giit ni Valeria sa estrangherong lalaki.Madali niyang kinuha ng mapa sa bag na dala. Pinakita niya ito sa lalaking kaharap ngayon. Nagtagal ang titig ng lalaki sa mapa. Ilang segundo itong hindi makapagsalita.“Who gave you that?” Nasa mapa ang atensyon nito, kalaunan ay inangat ang tingin sa mukha sa kanya.“Ang Attorney ko!"“His name?”Pinandilatan niya ito ng mata. “Gerald Herrera. That's my attorney's name. So, do you have any problem?” pagsusungit pa niya.Namewang siya sa harapan ng lalaki.“As I have said. This house isn't yours. So leave.” Nanaliksik pa rin ang titig ng lalaki sa kanya.“May proweba ka ba na bahay mo nga ito?” paghahamon niya. Tinubuan na naman siya ng panibagong galit sa lalaki.“There's no need for that, Miss.” Hindi maipinta ang mukha ng lalaki sa iritasyon.“At bakit? Kung wala kang proweba na ipapakita sa akin na bahay mo talaga ito, ibig sabihin lang nun, manyakis ka talaga at akyat-baha
"Ano?!" Parang biglang nabingi si Valeria sa narinig mula sa kanilang family attorney. "Pakiulit nga, attorney ang last will and testament na yan!""Kailangan mong magpakasal at magka-anak, bago mo makuha ang ari-arian ng mga magulang mo, Valeria," pag-uulit ng attorney.Sa lahat ng pwedeng gawin, bakit ang magpakasal at magkaroon pa ng anak ang ipapagawa para lang makuha niya ang mana?"What the heck?!" halos bulyaw niyang tugon kay attorney."Wala ka nang magawa, Valeria. Ito ang nakasaad sa last will and testament ng magulang mo."Nilapag ni attorney sa harapan ni Valeria ang folder. Agad namang binuklat at binasa ni Valeria ang nakasulat roon.Pabagsak niyang binaba ang folder nang mabasa ang gustong mangyari ng magulang niya. Wala siya sa sarili nang angat ang tingin kay Attorney Herrera, at mariin niya itong tinitigan."Kaka-graduate ko lang ng college!" Hinilamos niya ang mukha. "Kahit boyfriend ay wala ako!""May panahon pa para makahanap ka ng lalaking—""Gusto mo akong pumat