Gulat na napasinghap ang mag-inang Evah at Mariah sa ginawa ni Valeria. Mula sa gilid ng ng kanyang mga mata ay kitang-kita niya kung paano unti-unti manginig sa gigil si Mariah. Kinuyom pa nito ang palad, kulang na lang ay hampasin ang lamesa para lang maputol ang halik na ginagawa ni Valeria kay Luciano.
Ang iba namang naroon ay nagpalakpakan, tila natuwa sa inasta ni Valeria.
Ilang minuto ring magkalapat ang mga labi nila ni Luciano, at kung ibubuka ni Luciano ang bibig ay tiyak na makakapasok ang dila ni Valeria roon sa loob. Nang sa tingin niya ay sapat na ang ginawa niya para mainis ang kanyang madrasta at stepsister ay doon siya nagpasya na tapusin ang halik na iyon.
Malambing niyang pinunasan niya ang labi ni Luciano na nagkapahid ng lipstick mula sa kanya. Pagkatapos ay binalingan niya ang mag-ina nang may halong pang-aasar sa titig.
"Magpapadala ako ng invitation sa bahay. Huwag kayong mawawala sa kasal namin. Excuse us. We need to go," aniya saka tumalikod.
Matagumpay siyang nakaalis doon kasama si Luciano na hindi na nagtanong pa sa ginawa niya. Mabilis silang lumabas ng gathering room habang magkahawak ang kanilang mga kamay. Wala rin naman itong balak na bumitaw. Mariin niya itong hinawakan dahil tila biglang naging blangko ang isip niya sa mga nangyayari.
Hindi pa rin niya matanggap na kinailangan niyang gumamit ng ibang tao para lang mapatunayan ang punto niya. Hindi siya pwedeng mapahiya.
Pagdating nila sa parking lot at pagkalabas ng elevator, hindi pa sila halos nakakalayo nang bigla siyang naisandal ni Luciano sa pader. Nanlaki ang mga mata niya nang salubungin siya ng matalim nitong titig.
"What was that?" malamig nitong tanong habang mariin ang pagkakakuyom ng panga nito.
Kinurap niya ang mga mata, hindi makapagsalita matapos marealize ang mga sinabi niya kanina. Namula ang mga pisngi niya.
"H-Ha? T-That was nothing. Huwag mo na lang isipin ang sinabi ko. It's just for a show!" Iwinaksi niya ang tingin palayo rito at sinubukang itulak ito. "Tabi nga. Aalis na ako!"
"Stay. I'm not done talking to you."
Mariin siyang pinanatili nitong nakasandal upang hindi siya makaalis. Lalo pang lumaki ang mga mata niya sa galit na nahuli sa mukha nito. Halatang hindi nito nagustuhan na nagamit ito sa eksenang ginawa niya.
"Tsk. I'm sorry, okay? Iyon ba ang gusto mong marinig?" masungit niyang sabi. "Pasensya na, nawalan lang ako ng choice kaya ko nagawa ang bagay na yun. Bakit ba ang bigdeal sayo?"
Yumuko ito upang tanawin ang namumutla niyang mukha. Tinitigan siya nito nang mariin, at kumabog ang dibdib niya nang ilapit nito ang bibig sa punong tenga niya.
"Hindi sapat ang sorry lang. Pagkatapos mo akong iwanan sa bahay ko. Ilang araw kitang hinanap, pero hindi ka nagpakita. Tapos ngayong nagkita ulit tayo, you announced our wedding in front of the crowd without my consent? And that thing is just for a show for you?" mariin nitong sambit.
Nanlamig ang mukha niya sa init ng hiningang tumama sa bandang leeg niya. Hindi niya alam kung paano makakalusot sa sitwasyong ito. Napakagat na lang siya sa labi sa tensiyon sa pagitan nila.
"Ano'ng gusto mong mangyari? Totohanin natin ang kasal? Come on, ginamit lang kita para mapahiya ang kabit ni Daddy. That’s all."
"Stop bullshitting me, Valeria. Let's have our wedding."
Nalaglag ang panga niya sa diretsahan nitong pahayag. Mas lalo pang inilapit ni Luciano ang mukha nito sa kanya at hinigpitan ang hawak sa pulso niya. Sinuklian niya ng titig ito, nanlaki ang mga mata niya.
"Nababaliw ka na ba? Hindi ako magpapakasal sa'yo. Ni hindi nga kita kilala. At ayaw ko sa lalaking kagaya mo!"
Lalong humigpit ang pagkakadiin nito sa pulso niya, halos mapiga na ang balat sa lakas ng pagkakahawak. Tumagilid ito upang mas matingnan siya nang diretso sa mga mata. Tumigas ang mukha nito habang iritado siyang pinagmamasdan.
"I don't give a damn kung ayaw mo sa akin. Sinimulan mo ito, tatapusin natin sa kasalan. And you told everyone in there that we will be having our marriage next month? Then we’ll be getting married on that month, just like you said. Prepare yourself, because you can’t back out on our upcoming wedding."
Namuti ang mukha niya sa sinabi nito. Wala ni kaunting pag-aalinlangan sa tono nito. Sigurado ito. Desidido.
Ikakasal sila sa susunod na buwan?
Halos malugutan siya ng hininga.
Of all the people na pwede niyang mapangasawa, sa lalaking ito pa na halos hindi niya lubusang kilala.
Naunang maglakad papasok ng elevator si Luciano. Ayaw pa ring bitiwan ang pulso ni Valeria, na para bang baka bigla siyang kumawala at tumakas.Paano naman siya makakatakas kung ganoon kalakas ang kapit nito? Isusumbong daw siya sa mag-inang Evah at Mariah tungkol sa pagsisinungaling niya kanina sa ginanap na gathering. Sino ba naman ang hindi manginginig sa gano'ng banta?Alam nilang pareho na hindi totoo ang sinasabing kasal!“Close ba talaga kayo ni Mariah para takutin mo ako nang ganito?” hindi naiwasang tanungin ni Valeria habang nasa loob ng elevator.Ilang beses siyang huminga nang malalim. Hindi niya maisip na madali siyang sumuko sa ganitong sitwasyon. Hindi siya sanay na sumama na lang basta sa isang lalaki, lalo na sa isang tulad ni Luciano. Gusto pa nitong mag-stay siya sa parehong Hotel kung saan ito nakatira?Kailangang ma-contact ni Valeria si Attorney Herrera. Kailangan niyang mailigtas ang sarili. Kahit pa sinasabi ng isip niya na wala siyang tiwala kay Luciano, hindi
"You’ll stay here. Hindi ka na babalik roon at mas lalong hindi ka makipagkikita sa Attorney Herrera nang hindi ko nalalaman."Masama ang tingin ni Valeria habang binabaling ang mukha kay Luciano sa tabi niya. Sumulyap ito sa kanya, kunot ang noo, bago pinabilis pa ang takbo ng kotse. Napahawak siya sa gilid ng upuan, dama ang kaba sa bawat saglit."What the hell! Stop the car, please! Baliw ka na!" sigaw niya, pilit nilalabanan ang takot sa bilis ng sasakyan. "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?" Hindi niya mapigilan ang kaba lalo na’t may trauma pa siya sa mga ganitong sitwasyon. "Ayaw kitang makasama!""Keep quiet. I won’t let you escape this time. Sa hotel ka titira kung saan ako nananatili ngayon. Ako na ang bahala sa mga papeles para sa kasal natin. Wala kang ibang gagawin kundi maghintay at samahan ako hanggang sa ikasal tayo."Nanlaki ang mga mata ni Valeria. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito. Gusto na lang niyang maiyak. Pakiramdam niya ay parang kinidnap siya. At ipa
"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ni Valeria, halatang inis.Sobrang bilis ng mga pangyayari. Nasa loob na siya ngayon ng kotse ni Luciano. Pagkatapos siyang sabihan na magpapakasal raw sila sa susunod na buwan, agad siyang pinilit na sumakay sa magarang sasakyan nito—mas mahal pa kaysa sa kotse niya."Just sit in there. Don't move and stop asking," malamig ang boses nito habang nagsalita.Napapailing si Valeria. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ‘to. Siya pa ngayon ang may ganang mainis, kahit siya itong sapilitang isinama. Hindi man lang siya binigyan ng maayos na paliwanag."Yung kotse ko sa hotel? Naiwan ko 'yon. Kailangan ko iyong balikan," giit niya, pero nanatiling tahimik ang lalaki. Wala itong balak na ibalik siya roon. Halatang buo na ang desisyon nito.Patuloy lang ito sa pagmamaneho. Hindi man lang siya nilingon o pinansin. Mas lalo siyang nainis sa bawat segundo ng pananahimik nito. Wala man lang pakialam na halos manginig na siya sa kaba."Ano ba? Ibalik mo ako roon!
Gulat na napasinghap ang mag-inang Evah at Mariah sa ginawa ni Valeria. Mula sa gilid ng ng kanyang mga mata ay kitang-kita niya kung paano unti-unti manginig sa gigil si Mariah. Kinuyom pa nito ang palad, kulang na lang ay hampasin ang lamesa para lang maputol ang halik na ginagawa ni Valeria kay Luciano.Ang iba namang naroon ay nagpalakpakan, tila natuwa sa inasta ni Valeria.Ilang minuto ring magkalapat ang mga labi nila ni Luciano, at kung ibubuka ni Luciano ang bibig ay tiyak na makakapasok ang dila ni Valeria roon sa loob. Nang sa tingin niya ay sapat na ang ginawa niya para mainis ang kanyang madrasta at stepsister ay doon siya nagpasya na tapusin ang halik na iyon.Malambing niyang pinunasan niya ang labi ni Luciano na nagkapahid ng lipstick mula sa kanya. Pagkatapos ay binalingan niya ang mag-ina nang may halong pang-aasar sa titig."Magpapadala ako ng invitation sa bahay. Huwag kayong mawawala sa kasal namin. Excuse us. We need to go," aniya saka tumalikod.Matagumpay siyan
Napaupo na lang sa kama si Valeria nang mabasa ang text ni Attorney Herrera. Magdadalawang linggo na simula noong may nangyari sa kanila ni Luciano. Kinabukasan ng umaga ay umalis na rin siya sa bahay nito. Pero kaagad naman siyang sinundan ni Luciano rito sa Manila.Kinukulit nito si Attorney Herrera para malaman kung nasaan siya. Hindi niya alam kung anong kailangan nito sa kanya, pero ayaw na niya ito harapin pa. One night stand lang ang nangyari sa kanila. Pero hanggang kailan niya ba pagtataguan ang lalaking nakakuha ng virginity niya.Tinawagan niya si Attorney Herrera. Agad namang nagri-ring ang kabilang linya. Tahip-tahip ang kaba habang naghihintay sa pagsagot nito. Sana lang talaga hindi na nito kasama si Luciano oras na magkita sila."Attorney!""Valeria, something's wrong?" Himig sa boses nito ang pagkagulat."Nasaan ka ngayon? Gusto kong makipagkita sa'yo. I have some suggestions para mapaalis sa mansyon ang kabet at anak sa labas ni Daddy!" mabagsik niyang sabi. Naiinis s
Inis na bumangon si Valeria mula sa kama. Ilang beses siyang palimbag-limbag sa higaan. Hirap siyang makatulog.Siguro kailangan niya munang magmuni-muni. Iisipin niya kung ano ang mga hakbang na gagawin ngayong nandito na siya sa Pilipinas. While thinking all of it. She needs a fresh air too.Pagkarating niya sa veranda ay nilibot pa niya ang paningin sa ibaba at laking gulat niya nang makita ang lalaki sa tabi ng pool. Nakaupo ito roon, habang nakatampisaw ang dalawang paa sa tubig."I thought he's sleeping already?" Napa-iling siya ng ulo nang makitang beer ang iniinom nito.Mukhang malalim ang iniisip ng lalaking suplado dahil nakatingala pa ito sa langit. Kahit sa ganitong angulo, mariing nakatikom ang kanyang labi. Matangos ang kanyang ilong. Gumagalaw rin ang kanyang lalamunan sa tuwing iniinom nito ang beer.He's really a good looking man. Kahit sa malayo, alam mo na talaga na may itsura siya.Hindi alam ni Valeria kung bakit namalayan na lang niya ang sariling naglalakad papu