Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2025-05-19 12:34:36

“Sinasabi mo bang sinungaling ako? Bahay ito ng mga magulang ko!" giit ni Valeria sa estrangherong lalaki.

Madali niyang kinuha ng mapa sa bag na dala. Pinakita niya ito sa lalaking kaharap ngayon. Nagtagal ang titig ng lalaki sa mapa. Ilang segundo itong hindi makapagsalita.

“Who gave you that?” Nasa mapa ang atensyon nito, kalaunan ay inangat ang tingin sa mukha sa kanya.

“Ang Attorney ko!"

“His name?”

Pinandilatan niya ito ng mata. “Gerald Herrera. That's my attorney's name. So, do you have any problem?” pagsusungit pa niya.

Namewang siya sa harapan ng lalaki.

“As I have said. This house isn't yours. So leave.” Nanaliksik pa rin ang titig ng lalaki sa kanya.

“May proweba ka ba na bahay mo nga ito?” paghahamon niya. Tinubuan na naman siya ng panibagong galit sa lalaki.

“There's no need for that, Miss.” Hindi maipinta ang mukha ng lalaki sa iritasyon.

“At bakit? Kung wala kang proweba na ipapakita sa akin na bahay mo talaga ito, ibig sabihin lang nun, manyakis ka talaga at akyat-bahay ka lang! Sinungaling ka rin!”

Umasim ang mukha ng lalaki. Tila may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ni Valeria nang magtagal ang titig nito sa tuwalyang nakatapis sa katawan niya. Hindi na talaga niya alam ang sasabihin dahil namutla na lang siya nang mapagtantong hindi pa siya nakapagbihis.

Bago pa niya ito masabihan ulit ng manyakis, agad pinutol ng lalaki ang maduming iniisip niya.

“Ipapakita ko sa’yo ang titulo ng bahay na ito. Bago 'yon, magbihis ka muna sa banyo. Kababae mong tao, naka-ganyan ka sa harapan ko. Give respect to yourself,” anito nang may inis.

Agad itong nag-iwas ng tingin. Ginulo nito ang buhok. Sa simpleng paggulo nito sa buhok, mas bumagay iyon. Mas sumingkit rin ang mga mata.

At aaminin ni Valeria na gwapo ito, pero hindi niya nagustuhan ang titig nito sa kanya nang inangat ang tingin sa suot niyang tuwalya.

“Go to the bathroom and put your clothes on...” anito nang hindi pa rin gumagalaw si Valeria.

“Hindi ka ba nakakita ng babaeng nakatapis ng tuwalya? As if naman virgin ka pa sa ganito?” Umismid siya para lang hindi mahalatang nahihiya na siya.

Tumitig sa kanya ang lalaki ng blangkong tingin.

“Magbihis ka na, Miss. Nandoon ang banyo,” mariin nitong sabi, na para bang allergic itong makita ang babae sa harapan na nakatuwalya lang at basa pa ang buhok.

“Magbibihis ako, pero make sure ipapakita mo sa akin ang titulo ng lupa!” tugon niya, dahil ayaw rin naman niyang magpatalo sa lalaki.

Kinuha niya ang mga susuotin niya, including her phone, at doon muna siya nanatili sa harapan ng sink ng banyo. Ilang beses siyang naghilamos ng mukha. Gusto niyang mahimasmasan sa kahihiyan.

Sa totoo lang, unang beses niyang naging conscious sa katawan niya. Doon sa ibang bansa, hindi siya conservative na tao. Halos maghubad na nga siya roon, pero nang makita niya ang mapagmataas na titig ng lalaking 'yon sa suot niyang tuwalya—na para bang tagos ang tingin nito sa katawan niya—nanliit siya sa sarili niya.

Ang lakas pa rin ng pintig ng puso niya. Hindi humuhupa habang kaharap ang salamin. Baka iniisip ng lalaking 'yon na kung sino-sino na lang ang pinapakitaan niya ng katawan niya.

Well... bahala na kung ano'ng iniisip nito. His thoughts are not important to her. Ang gusto lang niya, ang makaalis na sa kahihiyan.

Dahil hawak niya ang cellphone, ilang beses niyang tinawagan ang number ng Attorney. Ngunit kahit ano'ng gawin niya, hindi niya ito ma-contact. Wala pa rin siyang mahanap na signal.

"Nasaan na ang titulo ng bahay mo?" mayabang niyang tanong matapos magbihis.

"Kung si Mr. Herrera ang nagdala sa’yo rito, siya ang magpapaliwanag sa’yo tungkol sa mapang binigay niya. Hindi na kailangan ng titulo," anito sa walang kabuhay-buhay na boses.

"Tinawagan ko siya pero hindi ko ma-contact!"

"I'm currently talking to him on the phone. Wanna talk to your attorney?" Nagtaas ito ng kilay. Nilahad rin sa kanya ang cellphone nito.

"Wait? Paano mo siya natawagan?" taka niyang tanong.

"Using WiFi. Wala bang WiFi sa lugar niyo?" pang-insulto pa nito.

Nasampal tuloy siya sa kahihiyan. Pero of course, siya naman ang babaeng hindi nagpapatinag kaya tinawanan niya ito.

"Malay ko bang may WiFi ka!" sarkastiko niyang sabi.

Inikutan niya ito ng mata pagkatapos ay padabog niyang kinuha ang cellphone mula sa kamay nito. 

"Hello, Valeria!" boses ni Attorney ang narinig niya.

"Attorney? What the hell? Ano ito? Bakit dito ako dinala ng mapa!" Pumunta siya sa dulo ng kama at agad na umupo roon.

"Pasensiya na, Valeria! Nagmadali akong ibigay sa'yo ang mapa. Hindi ko napansin na ibang mapa ang naibigay ko. Actually, ang mapa na 'yan ay bigay rin sa akin ng lalaking kasama mo riyan. Lokasyon 'yan ng lugar kung saan siya nakatira ngayon. Gusto niyang ipatingin sa akin ang malaki nilang lupain kaya binigyan niya ako ng mapa para matuntun ko ang lugar—"

"So are you telling me na mali talaga ang bahay na pinuntahan ko?" Putol niya sa walang kwentang paliwanag ng attorney.

"Ganoon na nga!" Halakhak nito.

Umusbong ang poot ni Valeria sa abogado. Natuwa pa talaga ito dahil doon siya napadpad.

"Bakit ngayon ka lang tumawag para ipaalam sa akin na mali pala ang naipadala mong mapa!" galit niyang tugon.

Hinilamos niya ang kanyang mukha gamit ang palad. Ang tapang pa naman niya kanina na inaangkin ng lalaki ang bahay ng mga magulang niya, pero sa bandang huli—siya pala talaga ang mali.

"Pasensiya na ulit, Valeria. Mali ang bahay na 'yan. Nasa akin ang totoong mapa kung saan pagmamay-ari ng magulang mo. Ibibigay ko ito sa'yo. Magkita tayo bukas."

"Alam mo bang pwede kitang tanggalin sa trabaho mo? Pinapahamak mo pa ako! Paano ako makakaalis rito? Sobrang lalim na ng gabi at hindi madali ang tinahak kong daan papunta rito! Tapos ganito lang ang aabutin ko sa'yo?! Kapalpakan?"

Agad na siyang tumayo sa pagkakaupo. Gusto na lang niyang magwala sa galit.

Naramdaman niyang nasa likuran na niya ang lalaki. Sigurado siyang rinig nito ang lahat ng sermon niya kay Attorney.

"It was my mistake. Hindi na mauulit—"

"Hindi na talaga dahil tatanggalin na kita bilang abogado!"

"Hindi mo ako basta-bastang matanggal, Valeria. Ako ang nakakaalam sa lahat ng ari-arian ng magulang mo. Alam mong ako lang din ang makakatulong sa'yo para mabawi natin ang pagmamay-ari—"

"Fine! Shut up! Uuwi na lang ako ngayon pabalik ng siyudad," pagsuko niya, dahil wala rin naman siyang magawa.

Tanging si Attorney Herrera lang ang nakakaalam sa gagawin niya. Gusto pa niyang harapin ang kabit ng kanyang ama at isampal sa mga ito ang maling pag-aangkin sa pinaghirapan ng kanyang mga magulang.

"Delikado na kung uuwi ka pa. Pasado alas-diyes na ng gabi. Diyan ka na muna matulog sa bahay ni Luciano Navarro."

"Luciano Navarro...?" takha niyang tanong.

Narinig niya ang tawa ni Mr. Herrera sa kabilang linya.

"Oo, kay Luciano ka muna. Iyang lalaking kasama mo riyan. Siya ang totoong may-ari sa bahay. Bigay 'yan ng kanyang magulang."

"I don't trust him. Bakit dito mo ako gustong matulog?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Hindi ka niya ipapahamak. Mapoprotektahan ka rin niyang ngayong gabi. Matagal ko nang kaibigan si Luciano—"

"No way! I'd rather sleep in my car kaysa matulog kasama ang lalaking ito! Aalis ako ngayon!"

Narinig na naman niya ang pagtawa ng Attorney sa kabilang linya. Agad niyang hinarap ang lalaki para ibigay rito ang cellphone.

Ngunit laking gulat niya nang masalubong niya ang mabangis nitong mga tingin sa kanya.

"You stay. Hindi pa tayo tapos mag-usap," anito nang lalagpasan na sana niya ito.

Hinawakan siya bigla sa siko, pagkatapos kinuha nito ang cellphone mula sa kanya.

"Attorney Herrera, don’t worry dito siya matutulog ngayong gabi. She’s safe in my house. Hindi ko siya paaalisin hangga’t hindi mo siya kukunin rito. Make sure your come tomorrow," iyon ang huling sinabi ni Luciano bago ibaba ang tawag.

"Sa tingin mo talaga dito ako matutulog? Ni hindi nga kita kilala?" iingos ni Valeria.

"Binilin ng Attorney mo na dito ka muna. Bukas ka niya susunduin. Kung may problema ka, sa kanya ka magalit."

Umigting ang panga nito.

"Akala ko ba gusto mo akong paalisin rito sa bahay mo? Bakit nagpumilit ka yata na dito muna ako matulog?" natatawa niyang tanong.

"Kilala ko ang ama mo. Mabuti siyang tao. Hindi ko akalain na kabaliktaran ang anak niya. Matigas ang ulo at hindi nakikinig."

Kinurap ni Valeria ang mga mata. Is he insulting her attitude?

There’s a coldness in his eyes. Nakakatakot iyong pagmasdan. Habang patagal nang patagal, mas nagiging misteryoso ito sa paningin niya.

"Dito ka muna ngayong gabi. Tapos ang usapan. Huwag matigas ang ulo mo."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)   Chapter 8

    Naunang maglakad papasok ng elevator si Luciano. Ayaw pa ring bitiwan ang pulso ni Valeria, na para bang baka bigla siyang kumawala at tumakas.Paano naman siya makakatakas kung ganoon kalakas ang kapit nito? Isusumbong daw siya sa mag-inang Evah at Mariah tungkol sa pagsisinungaling niya kanina sa ginanap na gathering. Sino ba naman ang hindi manginginig sa gano'ng banta?Alam nilang pareho na hindi totoo ang sinasabing kasal!“Close ba talaga kayo ni Mariah para takutin mo ako nang ganito?” hindi naiwasang tanungin ni Valeria habang nasa loob ng elevator.Ilang beses siyang huminga nang malalim. Hindi niya maisip na madali siyang sumuko sa ganitong sitwasyon. Hindi siya sanay na sumama na lang basta sa isang lalaki, lalo na sa isang tulad ni Luciano. Gusto pa nitong mag-stay siya sa parehong Hotel kung saan ito nakatira?Kailangang ma-contact ni Valeria si Attorney Herrera. Kailangan niyang mailigtas ang sarili. Kahit pa sinasabi ng isip niya na wala siyang tiwala kay Luciano, hindi

  • Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)   Chapter 7

    "You’ll stay here. Hindi ka na babalik roon at mas lalong hindi ka makipagkikita sa Attorney Herrera nang hindi ko nalalaman."Masama ang tingin ni Valeria habang binabaling ang mukha kay Luciano sa tabi niya. Sumulyap ito sa kanya, kunot ang noo, bago pinabilis pa ang takbo ng kotse. Napahawak siya sa gilid ng upuan, dama ang kaba sa bawat saglit."What the hell! Stop the car, please! Baliw ka na!" sigaw niya, pilit nilalabanan ang takot sa bilis ng sasakyan. "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?" Hindi niya mapigilan ang kaba lalo na’t may trauma pa siya sa mga ganitong sitwasyon. "Ayaw kitang makasama!""Keep quiet. I won’t let you escape this time. Sa hotel ka titira kung saan ako nananatili ngayon. Ako na ang bahala sa mga papeles para sa kasal natin. Wala kang ibang gagawin kundi maghintay at samahan ako hanggang sa ikasal tayo."Nanlaki ang mga mata ni Valeria. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito. Gusto na lang niyang maiyak. Pakiramdam niya ay parang kinidnap siya. At ipa

  • Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)   Chapter 6

    "Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ni Valeria, halatang inis.Sobrang bilis ng mga pangyayari. Nasa loob na siya ngayon ng kotse ni Luciano. Pagkatapos siyang sabihan na magpapakasal raw sila sa susunod na buwan, agad siyang pinilit na sumakay sa magarang sasakyan nito—mas mahal pa kaysa sa kotse niya."Just sit in there. Don't move and stop asking," malamig ang boses nito habang nagsalita.Napapailing si Valeria. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ‘to. Siya pa ngayon ang may ganang mainis, kahit siya itong sapilitang isinama. Hindi man lang siya binigyan ng maayos na paliwanag."Yung kotse ko sa hotel? Naiwan ko 'yon. Kailangan ko iyong balikan," giit niya, pero nanatiling tahimik ang lalaki. Wala itong balak na ibalik siya roon. Halatang buo na ang desisyon nito.Patuloy lang ito sa pagmamaneho. Hindi man lang siya nilingon o pinansin. Mas lalo siyang nainis sa bawat segundo ng pananahimik nito. Wala man lang pakialam na halos manginig na siya sa kaba."Ano ba? Ibalik mo ako roon!

  • Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)   Chapter 5

    Gulat na napasinghap ang mag-inang Evah at Mariah sa ginawa ni Valeria. Mula sa gilid ng ng kanyang mga mata ay kitang-kita niya kung paano unti-unti manginig sa gigil si Mariah. Kinuyom pa nito ang palad, kulang na lang ay hampasin ang lamesa para lang maputol ang halik na ginagawa ni Valeria kay Luciano.Ang iba namang naroon ay nagpalakpakan, tila natuwa sa inasta ni Valeria.Ilang minuto ring magkalapat ang mga labi nila ni Luciano, at kung ibubuka ni Luciano ang bibig ay tiyak na makakapasok ang dila ni Valeria roon sa loob. Nang sa tingin niya ay sapat na ang ginawa niya para mainis ang kanyang madrasta at stepsister ay doon siya nagpasya na tapusin ang halik na iyon.Malambing niyang pinunasan niya ang labi ni Luciano na nagkapahid ng lipstick mula sa kanya. Pagkatapos ay binalingan niya ang mag-ina nang may halong pang-aasar sa titig."Magpapadala ako ng invitation sa bahay. Huwag kayong mawawala sa kasal namin. Excuse us. We need to go," aniya saka tumalikod.Matagumpay siyan

  • Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)   Chapter 4

    Napaupo na lang sa kama si Valeria nang mabasa ang text ni Attorney Herrera. Magdadalawang linggo na simula noong may nangyari sa kanila ni Luciano. Kinabukasan ng umaga ay umalis na rin siya sa bahay nito. Pero kaagad naman siyang sinundan ni Luciano rito sa Manila.Kinukulit nito si Attorney Herrera para malaman kung nasaan siya. Hindi niya alam kung anong kailangan nito sa kanya, pero ayaw na niya ito harapin pa. One night stand lang ang nangyari sa kanila. Pero hanggang kailan niya ba pagtataguan ang lalaking nakakuha ng virginity niya.Tinawagan niya si Attorney Herrera. Agad namang nagri-ring ang kabilang linya. Tahip-tahip ang kaba habang naghihintay sa pagsagot nito. Sana lang talaga hindi na nito kasama si Luciano oras na magkita sila."Attorney!""Valeria, something's wrong?" Himig sa boses nito ang pagkagulat."Nasaan ka ngayon? Gusto kong makipagkita sa'yo. I have some suggestions para mapaalis sa mansyon ang kabet at anak sa labas ni Daddy!" mabagsik niyang sabi. Naiinis s

  • Mark by Him: A Marriage Meant To Burn (Series #1)   Chapter 3

    Inis na bumangon si Valeria mula sa kama. Ilang beses siyang palimbag-limbag sa higaan. Hirap siyang makatulog.Siguro kailangan niya munang magmuni-muni. Iisipin niya kung ano ang mga hakbang na gagawin ngayong nandito na siya sa Pilipinas. While thinking all of it. She needs a fresh air too.Pagkarating niya sa veranda ay nilibot pa niya ang paningin sa ibaba at laking gulat niya nang makita ang lalaki sa tabi ng pool. Nakaupo ito roon, habang nakatampisaw ang dalawang paa sa tubig."I thought he's sleeping already?" Napa-iling siya ng ulo nang makitang beer ang iniinom nito.Mukhang malalim ang iniisip ng lalaking suplado dahil nakatingala pa ito sa langit. Kahit sa ganitong angulo, mariing nakatikom ang kanyang labi. Matangos ang kanyang ilong. Gumagalaw rin ang kanyang lalamunan sa tuwing iniinom nito ang beer.He's really a good looking man. Kahit sa malayo, alam mo na talaga na may itsura siya.Hindi alam ni Valeria kung bakit namalayan na lang niya ang sariling naglalakad papu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status