Pagpasok pa lang namin sa lobby ng hotel, ramdam ko na agad ang bigat ng buong araw. Nakaka-drain ang sunod-sunod na meetings, at dagdagan pa ng oras na nakasama ko si Leandro sa iisang kotse. Para akong niluto sa sarili kong inis. Habang nakatayo kami sa reception, inayos ko agad ang sling bag ko at humugot ng malalim na hininga. Please lang, kahit dito man lang hiwalay kami ng kwarto. “Good evening, Ma’am, Sir,” bati ng receptionist, nakangiti pa na parang hindi siya napapagod. “Reservation under Mr. Leandro Vergara?” “Yes,” sagot agad ni Leandro, malamig ang tono pero angas ang dating. Nakaayos pa ang suit niya kahit maghapon kaming gumala sa clients. Samantalang ako, pakiramdam ko gusot na pati kaluluwa ko. Binuksan ng receptionist ang computer at nag-click-click. Ilang segundo pa, ngumiti siya pero may bahid ng kaba sa boses. “Sir, Ma’am… we apologize, pero nagkaroon po ng system error. The hotel is fully booked tonight. Only one executive suite is available for you bot
Mainit pa rin ang noo ni Leonardo nang silipin siya ni Arielle kinabukasan. Nakaupo siya sa gilid ng kama, may dalang maliit na tray, lugaw at tubig. Kahit papaano, mas maayos na ang kulay ng mukha nito kumpara kagabi. “Here,” ani Arielle, inilapag ang mangkok sa bedside table. “Kahit konti, kumain ka. Hindi ka pwedeng puro tulog lang.” Napatingin si Leonardo sa kanya, malamlam pa ang mga mata pero kita ang inis. “You don’t have to do this. Hindi mo trabaho na alagaan ako.” Napataas ang kilay ni Arielle. “Wow. Ang saya mong pasyente. Kung ayaw mong kumain, fine. Gutumin mo na lang sarili mo.” Tumayo siya, parang aalis na. Pero bago pa siya makalayo, nagsalita si Leonardo, mababa ang boses. “Hindi mo naman kailangang magpanggap na concerned ka.” Napahinto si Arielle, dahan-dahan siyang lumingon. “Excuse me?” “You heard me,” sagot niya, malamig. “Ginawa mo lang ‘to kasi… wala kang choice. Guilt, o dahil ayaw mong mapahiya kung may mangyari sa’kin habang nandito ka.” Humigp
Tahimik ang buong mansion nang magising si Arielle. Nakasiksik pa ang dilim sa bawat sulok, at ang tanging maririnig lang ay ang mahihinang tik-tak ng orasan sa sala. Nang tingnan niya ang kaniyang cellphone ay kumislap agad ang oras sa screen. 2:03 AM. “Ugh… nauuhaw ako,” mahina niyang bulong, halos paos pa ang boses. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama, naglakad papunta sa kusina habang pinapasan pa ang antok. Sa pagbalik niya, dala ang basong tubig, napansin niya ang kakaibang tanawin, bahagyang nakabukas ang pinto ng silid ni Leonardo. Napahinto siya. Hindi naman ito ugali ni Leonardo. Laging sarado, laging maingat, laging tila may tinatago. Pero ngayong gabi, parang may imbitasyon ang siwang ng pinto. Nag-atubili siya, pero bago pa niya mapigilan ang sarili, dumulas ang tingin niya sa loob. Doon siya napatigil. Si Leonardo, nakahiga, nanginginig, pawis na pawis, at mabigat ang paghinga. Halos marinig pa niya ang mahihinang ungol nito sa gitna ng katahimikan ng
Maingay ang bar. Tawanan, kantiyawan, tunog ng mga basong nagbabanggaan. Pero sa pinakadulong booth, mag-isa lang si Leonardo, nakatitig sa baso ng alak na para bang nando’n lahat ng kasagutan na matagal na niyang hinahanap. Mabigat ang bawat lagok. Masakit ang bawat lunok. Para bang bawat patak ng whiskey ay may kasamang alaala na ayaw na ayaw na niyang balikan. Pero gano’n yata talaga ang sakit—kahit anong pilit mong lunukin, bumabalik pa rin. Mas matalim. Mas malupit. Flashback. “Leo, hindi mo naman kailangang gawin ‘to,” mahinang sabi ni Daniella noon, habang nagkakapatong ang mga librong binili niya mula sa sahod na halos wala na siyang itinira para sa sarili. Ngumiti siya noon, kahit ramdam na ramdam ang pagod. “Gusto ko. Huwag mong isipin na tinutulungan lang kita. Isipin mo na ini-invest ko ‘to para sa atin. Para sa future na bubuuin natin.” At sa sandaling iyon, nakita niya ang mga mata ni Daniella, puno ng ningning, puno ng pangako. Hanggang sa araw na iyon.
Hinawakan ni Leonardo ang manibela nang mas mahigpit kaysa kinakailangan, ang kanyang panga ay umigting, ang mga mata ay nakatutok sa daan. Malabo ang mga ilaw ng lungsod sa ilalim ng ambon, ngunit hindi siya makapag-focus. Something felt… off. He had left the office hours ago, but the image of Arielle, ang katigasan ng ulo, ang distansya, ang tingin na ibinigay niya kanina. Sa bawat pagtatangkang itaboy ang alaala, mas matindi at mas nakakainis itong bumabalik. “Damn,” he muttered under his breath, shaking his head. “Bakit ba kailangan mo na lang palagi gawing komplikado ang lahat?" And then, out of nowhere, he saw her. There she was, standing in the middle of the sidewalk, wala siyang payong, basang-basa na ng ulan, mag-isang niyayakap ang sarili. Leonardo’s chest tightened, hindi dahil sa galit kun'di dahil sa iritasyon at paga-alala na ayaw niyang tanggapin. He slammed the brakes. The tires screeched slightly on the wet asphalt, drawing a few glances from passersby. N
“Mr. De Vergara, pasensya na, pero kailangan naming sabihin nang diretsahan,” malamig pero may kaba ang boses ng isa sa mga investors. “Ang engagement mo kay… kay Miss Velasco, sa totoo lang, hindi magandang tingnan. The press is buzzing. Her background, hindi siya galing sa mundo natin. I mean yes, may background sa industry ang pamilya niya pero hindi gano'n katibay. It might damage your image, and by extension, the company’s.” Napatigil si Arielle sa paglalakad nang marinig ang sariling pangalan mula sa loob ng conference room. Dumaan lang siya para kunin ang naiwan niyang folder, pero biglang nanlamig ang katawan niya. “Hindi personal,” dagdag ng isa, halatang nahihirapan maghanap ng tamang salita. “Pero… she doesn’t belong. Walang koneksyon, walang credibility.” Tahimik saglit. Hanggang sa marinig niya ang boses ni Leandro. “What did you say?" Isang salita lang, pero parang kumidlat sa loob ng silid. Mabilis na natahimik ang lahat. “Kung may sasabihin kayo, siguradu