Home / Romance / Married By My CEO Enemy / Kabanata 12: Love Triangle

Share

Kabanata 12: Love Triangle

Author: authorj_
last update Last Updated: 2025-09-17 19:29:51

“Marcus, please sagutin mo…” nanginginig ang boses ko habang hawak ang cellphone. Ilang ulit na akong nag-ring pero wala pa rin siyang sagot.

“Damn it, Marcus… kumusta ka na ba? Okay ka lang ba?”

Napapikit ako, pinipigilan ang luha. Sobrang bigat ng lahat. Yung eksenang sumugod si Leandro kanina, parang pelikula pero ako ang bida sa bangungot. At si Marcus… napahawak ako sa dibdib ko habang naaalala ang pagkakahila sa akin ni Leandro palayo.

“Please, kahit isang text lang. Tell me you’re fine,” bulong ko, parang umaasa sa hangin na makarating ang dasal ko sa kanya.

Pero tahimik ang kabilang linya.

Huminga ako nang malalim at ibinaba ang phone. Nakatingin lang ako sa kawalan, sa mismong repleksyon ko sa salamin ng bintana.

Galit. Yun dapat ang nangingibabaw. Galit kasi wala namang karapatan si Leandro na i-control ang buhay ko. Galit kasi ginagamit niya lang ako para sa sariling laro niya. Galit kasi pinahiya niya si Marcus, at ako pa ang nadamay.

Pero bakit may parte sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 21: Nanatili Siya

    Mainit pa rin ang noo ni Leonardo nang silipin siya ni Arielle kinabukasan. Nakaupo siya sa gilid ng kama, may dalang maliit na tray, lugaw at tubig. Kahit papaano, mas maayos na ang kulay ng mukha nito kumpara kagabi. “Here,” ani Arielle, inilapag ang mangkok sa bedside table. “Kahit konti, kumain ka. Hindi ka pwedeng puro tulog lang.” Napatingin si Leonardo sa kanya, malamlam pa ang mga mata pero kita ang inis. “You don’t have to do this. Hindi mo trabaho na alagaan ako.” Napataas ang kilay ni Arielle. “Wow. Ang saya mong pasyente. Kung ayaw mong kumain, fine. Gutumin mo na lang sarili mo.” Tumayo siya, parang aalis na. Pero bago pa siya makalayo, nagsalita si Leonardo, mababa ang boses. “Hindi mo naman kailangang magpanggap na concerned ka.” Napahinto si Arielle, dahan-dahan siyang lumingon. “Excuse me?” “You heard me,” sagot niya, malamig. “Ginawa mo lang ‘to kasi… wala kang choice. Guilt, o dahil ayaw mong mapahiya kung may mangyari sa’kin habang nandito ka.” Humigp

  • Married By My CEO Enemy    Kabaitan 20: Ang Laman ng Kaniyang Puso

    Tahimik ang buong mansion nang magising si Arielle. Nakasiksik pa ang dilim sa bawat sulok, at ang tanging maririnig lang ay ang mahihinang tik-tak ng orasan sa sala. Nang tingnan niya ang kaniyang cellphone ay kumislap agad ang oras sa screen. 2:03 AM. “Ugh… nauuhaw ako,” mahina niyang bulong, halos paos pa ang boses. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama, naglakad papunta sa kusina habang pinapasan pa ang antok. Sa pagbalik niya, dala ang basong tubig, napansin niya ang kakaibang tanawin, bahagyang nakabukas ang pinto ng silid ni Leonardo. Napahinto siya. Hindi naman ito ugali ni Leonardo. Laging sarado, laging maingat, laging tila may tinatago. Pero ngayong gabi, parang may imbitasyon ang siwang ng pinto. Nag-atubili siya, pero bago pa niya mapigilan ang sarili, dumulas ang tingin niya sa loob. Doon siya napatigil. Si Leonardo, nakahiga, nanginginig, pawis na pawis, at mabigat ang paghinga. Halos marinig pa niya ang mahihinang ungol nito sa gitna ng katahimikan ng

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 19: Nahuhulog Ka Na Ba?

    Maingay ang bar. Tawanan, kantiyawan, tunog ng mga basong nagbabanggaan. Pero sa pinakadulong booth, mag-isa lang si Leonardo, nakatitig sa baso ng alak na para bang nando’n lahat ng kasagutan na matagal na niyang hinahanap. Mabigat ang bawat lagok. Masakit ang bawat lunok. Para bang bawat patak ng whiskey ay may kasamang alaala na ayaw na ayaw na niyang balikan. Pero gano’n yata talaga ang sakit—kahit anong pilit mong lunukin, bumabalik pa rin. Mas matalim. Mas malupit. Flashback. “Leo, hindi mo naman kailangang gawin ‘to,” mahinang sabi ni Daniella noon, habang nagkakapatong ang mga librong binili niya mula sa sahod na halos wala na siyang itinira para sa sarili. Ngumiti siya noon, kahit ramdam na ramdam ang pagod. “Gusto ko. Huwag mong isipin na tinutulungan lang kita. Isipin mo na ini-invest ko ‘to para sa atin. Para sa future na bubuuin natin.” At sa sandaling iyon, nakita niya ang mga mata ni Daniella, puno ng ningning, puno ng pangako. Hanggang sa araw na iyon.

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 18: Huminto Siya

    Hinawakan ni Leonardo ang manibela nang mas mahigpit kaysa kinakailangan, ang kanyang panga ay umigting, ang mga mata ay nakatutok sa daan. Malabo ang mga ilaw ng lungsod sa ilalim ng ambon, ngunit hindi siya makapag-focus. Something felt… off. He had left the office hours ago, but the image of Arielle, ang katigasan ng ulo, ang distansya, ang tingin na ibinigay niya kanina. Sa bawat pagtatangkang itaboy ang alaala, mas matindi at mas nakakainis itong bumabalik. “Damn,” he muttered under his breath, shaking his head. “Bakit ba kailangan mo na lang palagi gawing komplikado ang lahat?" And then, out of nowhere, he saw her. There she was, standing in the middle of the sidewalk, wala siyang payong, basang-basa na ng ulan, mag-isang niyayakap ang sarili. Leonardo’s chest tightened, hindi dahil sa galit kun'di dahil sa iritasyon at paga-alala na ayaw niyang tanggapin. He slammed the brakes. The tires screeched slightly on the wet asphalt, drawing a few glances from passersby. N

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 17: Ang Pait ng Kahapon

    “Mr. De Vergara, pasensya na, pero kailangan naming sabihin nang diretsahan,” malamig pero may kaba ang boses ng isa sa mga investors. “Ang engagement mo kay… kay Miss Velasco, sa totoo lang, hindi magandang tingnan. The press is buzzing. Her background, hindi siya galing sa mundo natin. I mean yes, may background sa industry ang pamilya niya pero hindi gano'n katibay. It might damage your image, and by extension, the company’s.” Napatigil si Arielle sa paglalakad nang marinig ang sariling pangalan mula sa loob ng conference room. Dumaan lang siya para kunin ang naiwan niyang folder, pero biglang nanlamig ang katawan niya. “Hindi personal,” dagdag ng isa, halatang nahihirapan maghanap ng tamang salita. “Pero… she doesn’t belong. Walang koneksyon, walang credibility.” Tahimik saglit. Hanggang sa marinig niya ang boses ni Leandro. “What did you say?" Isang salita lang, pero parang kumidlat sa loob ng silid. Mabilis na natahimik ang lahat. “Kung may sasabihin kayo, siguradu

  • Married By My CEO Enemy    Kabanata 16: Distansya at Katahimikan

    Simula nang bumalik si Arielle sa mansyon, parang nag-iba ang himig ng buong paligid. Dati, kahit puno ng tensyon, maririnig pa rin ang pagtatalo nila, ang mga sigaw, o kahit ang mga mabibigat na salita ni Leandro. Pero ngayon, ang katahimikan ang siyang umuukit ng lamat sa hangin. Tahimik si Arielle. Walang pagtingin, walang salita. Kung makikita siya ni Leandro sa dining table, palaging nakatungo, kumakain lang kung kinakailangan, walang kahit anong pagtutol. Kung may utos, susunod siya. Kung may tanong, maikli ang sagot. “Handa na,” sabi niya minsan habang inihahain ang kape. Walang emosyon, walang tingin. Nakatitig lang si Leandro sa tasa, kinuha iyon na para bang hindi siya naroroon. Wala siyang sinabi, wala ring reaksyon. Parang wala silang koneksyon kundi ang hangin sa pagitan nila. At kahit na ganyan, ramdam ni Leandro ang pagbabago. Oo, bumalik si Arielle. Oo, nasa mansyon pa rin siya. Pero ang katahimikan nito ay hindi kapareho ng dati. Kung dati, pinupuno niya ang bahay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status