Home / Romance / Married To My Evil Boss: Instant Mommy / Chapter 13: Meeting the Grandma

Share

Chapter 13: Meeting the Grandma

Author: jhowrites12
last update Last Updated: 2025-08-10 22:10:03

Justine's Point of View

Walang nagawa si Sir Xander kundi sundin ako dahil hawak ko si River. At sa unang pagkakataon ay wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Para ngang balisa pa siya. Siguro dahil ihaharap na niya kami sa kanyang Lola. Kabado din siguro siya.

Wala akong ideya kung ano ang kahaharapin ko. Kung sino at ano ba ang ugali ng Lola ni Sir Xander. Mabait kaya? Matapobre? Pero batay sa kinikilos ni Sir Xander, mukhang iyong pangalawa iyon.

Hindi ako nagsasalita pero lihim akong nagmamasid sa kanya. Kahit na ang atensiyon ko ay nasa sanggol na hawak ko, panaka-naka ko siyang nililingon.

Medyo may kaba tuloy akong nararamdaman. Kung si Sir Xander ay kinakabahan, ako pa kaya na kunwaring asawa lang. Paano kung magkamali ako at mabuko kami sa pagkukunwari namin?

Akala ko talaga ay handa na ako. Pero hindi pa pala. Nang dumating kami sa mansiyon ay nangatog ang tuhod ko at sinalakay ako ng matinding kaba. Lalo na noong sinalubong kami ng isang mayordoma.

"Aling Ising, gi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Joyce Enorme
kakatawa talaga author Ang Bida nating babae sana ganyan lng sya palagi dapat si Xander Ang maunang ma in love sa kanya para Masaya hehe
goodnovel comment avatar
Trendsterchum Chronicles
wala na yung sampung milyon inubos din ni Xander hahaha
goodnovel comment avatar
Angelyne Millo
......... naghihintay talaga 10million .........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 16: Deal and Sealed

    Justine's Point of View "Bayaran na babae..."Mabilis na umangat ang tingin ko sa kanya. Ang nanlilisik kong mga mata ay halos patayin na siya. Kung nakakamatay ang titig ay talagang bumulagta na siya roon.Dahil hapit pa rin niya ako sa beywang at magkalapit pa rin kami ay nagawa kong apakan ang paa niya. Napasigaw siya sa lakas ng ginawa kong pagtapak sa paa niya. Nakasuot na lang kami ng tsinelas na panloob. At talagang nilakasan ko ang pagtapak sa mga daliri niyang mas magaganda pa ang shape kaysa sa akin. At least, malakandila kanina, ngayon sigurado akong mangingitim iyon at mangangapal dahil nasaktan."What the fùck is wrong with you?" galit na singhal niya. Nabitiwan ako at hinawakan ang paang nasaktan. "What's wrong with me?" Nagpupuyos pa rin sa galit na binalikan ko si River na nakahiga sa kama. Tahimik itong naglalaro doon. "Ikaw, Sir Xander. Ikaw ang malaking problema ko! Akala mo naman hindi ikaw ang nangailangan ng tulong ko. Bayarang babae pala tingin mo sa akin? Puw

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 15: Hòoker

    Justine's Point of View "Narinig mo ba ako?"Dahan-dahan akong napatango. Pero ang totoo, hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang sinabi ng Lola ni Sir Xander. Pakiramdam ko nabingi lang ako dahil sa kaba."Simula ngayon, dito na kayo titira." Pero inulit pa niya ang sinabi. Na para bang ipinapaintindi talaga sa akin iyon.Parang gusto kong tumakbo. Maglaho. Mukhang hindi lang kay Sir Xander ako mahihirapan kundi sa Lola nito. Wala na ngang sampong milyon ay mukhang pahihirapan pa talaga ako."Nasaan po si Si—Xander?" Muli akong sumilip sa likuran niya. Wala talaga si Sir Xander. Nasaan na ba siya ngayon kailangan ko ng magtatanggol sa amin ng anak niya. Dapat ay siya ang tumanggi sa kagustuhan ng Lola niya."Huwag kang maghanap ng saklolo dahil walang magagawa ang apo ko sa kagustuhan ko," pero muking nagsalita ang Lola ni Sir Xander.Napalunok ako. Gusto kong umapela pero wala akong magawa. Lalo at maliwanag pa sa sikat ng araw ang sinabi niya. Hindi ako masasaklolohan ni Sir Xander

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 14: Protect

    Xander's Point of ViewNakuyom ko ang kamao ko habang sinusundan si Grandma Teresa. I cracked my neck as if it's became stiff. Sakit talaga sa ulo itong si Tin. Para akong kumuha ng batong ipinukpok ko sa ulo ko. Mas maigi yatang hindi na lang sana siya ang pinakasalan ko."Explain this to me, Xander?" agad na saad ni grandma. Hindi pa nga siya nakakaupo sa swivel chair niya. Kapapasok ko pa lamang din at hindi pa naisasara ang pinto sa opisina ay tinalakan na ako."Grandma, I told you already, may nabuntis ako. At para itama ang maling nagawa ko, pinakasalan ko. Now, we have a child together. Pumunta kami dito bilang respeto at ipakilala na rin siya sa iyo..."Bigla akong pinameywangan ni Grandma. Nanliit ang mga mata niya sa akin. "At paano kang nakasisiguro na sa iyo ang batang iyon, aber?"Alam kong kukuwestiyunin ni Grandma iyon kaya dala ko na rin ang DNA results. Nakinita ko na iyon and I am fully prepared. Maging ang marriage certificate namin na agad na naproseso ni Leandro

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 13: Meeting the Grandma

    Justine's Point of ViewWalang nagawa si Sir Xander kundi sundin ako dahil hawak ko si River. At sa unang pagkakataon ay wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Para ngang balisa pa siya. Siguro dahil ihaharap na niya kami sa kanyang Lola. Kabado din siguro siya. Wala akong ideya kung ano ang kahaharapin ko. Kung sino at ano ba ang ugali ng Lola ni Sir Xander. Mabait kaya? Matapobre? Pero batay sa kinikilos ni Sir Xander, mukhang iyong pangalawa iyon.Hindi ako nagsasalita pero lihim akong nagmamasid sa kanya. Kahit na ang atensiyon ko ay nasa sanggol na hawak ko, panaka-naka ko siyang nililingon. Medyo may kaba tuloy akong nararamdaman. Kung si Sir Xander ay kinakabahan, ako pa kaya na kunwaring asawa lang. Paano kung magkamali ako at mabuko kami sa pagkukunwari namin?Akala ko talaga ay handa na ako. Pero hindi pa pala. Nang dumating kami sa mansiyon ay nangatog ang tuhod ko at sinalakay ako ng matinding kaba. Lalo na noong sinalubong kami ng isang mayordoma."Aling Ising, gi

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 12:Makakaganti na rin

    Justine's Point of View Wala ako masyadong tulog. Halos kada dalawang oras ay umiingit ng iyak ang baby na katabi ko sa kama. At ang demònyo kong amo, ni hindi nakakatulong. Ang sarap pa ng hilik niya habang mahimbing na natutulog.Mukhang nanibago ang baby sa bagong lugar niya Ang sarap pa naman humiga sa kama ni Sir Xander. Malambot at mabango pa. Pero nakakainis dahil hindi man lamang siya magising kahit isang beses lang. Gumawa at kumuha ng responsibilidad pero hindi alam panindigan. Sa inis ko ay kinuha ko ang unan at ibinato iyon sa gawi niya. Sapul siya sa mukha kaya nagulat siya at napabalikwas ng bangon. "What?" At siya pa talaga ang galit! Ang sarap na talagang layasan ang amo kong ito. Isasama ko na lang ang baby para hindi na mahirapan pa sa iresponsable niyang ama. "Sir, wala na pong panggatas si Baby. Puwede po bang magpakulo ka ng tubig at dalhin dito..."Mula sa night lamp ay kitang kita ko ang paggalaw ng panga niya at ang matalim niyang titig. "Inuutusan mo b

  • Married To My Evil Boss: Instant Mommy    Chapter 11: From Experience

    Justine's Point of View Karga ko ang sanggol habang bumabiyahe na kami pauwi. Hanggang ngayon ay wala pang malinaw na kasagutan kung sino ang sanggol na karga ko at bakit kinuha ito ni Sir Xander sa ampunan na iyon."Sir Xander...""What?" Napaismid ako nang tila iritadong napabaling siya sa akin. Ang sarap niyang tirisin ng buhay na parang garapata! Wala pa akong sinasabi pero heto siya, parang galit na naman. May regla pa rin yata. Kanina lang ang sweet-sweet kuno."Sino ba itong baby na ito? At bakit kailangan natin ng baby?" tanong kong hindi nagpapigil sa katarayan niya. Wala na kasi sa lugar. Minsan naiisip kong bakla si Sir Xander at pantakip niya lang ang may asawa at anak siya para pagtakpan ang tunay na dugo niya— dugong berde.Hindi naman ako against sa kanila. Kung sana ay umaamin na lamang si Sir Xander eh 'di sana naintindihan ko pa. Tskk! Sumulyap siya sa amin ng sanggol nang magsimula itong umingit ng iyak. Medyo nataranta ako. Baka nagugutom na ito kaya umingit na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status