Share

Chapter 2

Author: Helenmaria
last update Last Updated: 2025-12-17 03:10:13

Feeling agitated, pinanood niya ang kanilang family doctor na sinusuri si Alec habang ang kapatid  ay nakahiga sa kama na walang malay. Mayroon siyang mga pasa at sugat sa kanyang braso na natamo nito  mula sa pagbagsak  sa kabayo.

 

"Kumusta na po siya, Dr. Ramirez?" May pag-aalalang tanong ni Mr. De Guzman- ang kanilang butler, sa doktor matapos nitong suriin si Alec.

"Nagtamo siya ng mga pasa at sugat sa buong katawan at nabali din ang kaliwang kamay. Salamat sa Diyos hindi siya nahulog sa mabatong lugar at hindi natamaan ang ulo."

 

"Maraming salamat po, Dr. Edwards. Agad na tumawag si Senior Alonzo mula sa Itally nang malaman niya ang nangyari sa kanyang unico hijo. Magiging maayos na po ba siya doktor?" Tanong ni Mr. De Guzman.

"Kapag gumising na siya, tiyak na makakaramdam siya ng kirot at pananakit dulot ng aksidente, kaya inirerekomenda kong turukan siya  ng pain relievers. Tiyakin ninyong naipapainom ang  mga ibibigay kong gamot sa tamang oras. I'll send a personal nurse here to take good care of him for days." Bilin ng doctor bago lumisan at nagpa-alam. 

Nang makaalis na ang doktor, nagpasya siyang lumapit kay Alec habang pinapanood itong nakahiga pa rin sa kama na walang malay. Nakakunot ang mukha nito habang pantay ang kanyang paghinga na para bang nararamdaman nito ang sakit maging sa pagtulog. 

 

"Mr.  De Guzman,  is he going to be okay?  Why he's  not waking up  yet?" Hindi niya napigilang itanong sa matanda habang sinusubukang pigilan ang sariling umiyak. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili sa nangyari.

"Maayos na siya, Señorita, kaya huwag ka ng masyadong mag-alala. Matapang na bata si Señorito Alec." Sagot ng butler.

  

"Claudia, sabihin mo sa mga guwardya sa main gate na darating anumang oras ang personal nurse ni Señorito Alec. Ipinadala siya ni Dr. Edwards at mangyaring asistahin ninto siya  patungo sa kwarto ni Señorito Alec kapag dumating na siya..." Utos naman ni Mr. De Guzman sa isa sa mga kasambahay.

 

Tumango naman ang kasambahay bilang sagot at agad na sinunod ang utos ni Mr. De Guzman.

"Oh God! Did Dad  know about what happened  to Alec?" Biglang pasok ni Patty sa kwarto na hinihingal. Sa hitsura nito ay mukhang galing ito sa pagtakbo. Pawis na pawis ang noo nito at ang mukha nito ay may bahid ng pag-aalala.

Patty was supposed to be in the city shopping for herself.  Umalis ito ng maaga kanina kasama ang isang kasambahay at mukhang natanggap nito ang masamang balita tungkol kay Alec kaya agad  napasugod ito ng balik sa mansiyon. 

"Yes Senorita, sobrang nag-alala siya kay Señorito Alec at agad na nagbigay sa akin ng utos na tanggalin si Mr. Collins at ang miyembro ng kanyang pamilya na nagtatrabaho sa hacienda." Walang emosyong sagot ng Butler. 

"That was too much, Mr De Guzman..." Sagot ni Patty habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa  kapatid.

"No! You can't fire Mr. Collins, he  never gave Alec permission  to ride Black Tornado! It was Alec who untied the horse and manipulated it to move even Mr. Collins forbid him not tobecause it's dangerous." Paliwanag niya na nagsasabi ng totoo. Totoong walang kasalanan si Mr. Collins kaya hindi tama na mawalan ng trabaho at basta na lang tanggalin ito.

"Oo, alam namin iyan, Señorita, ngunit galit na galit ang inyong ama at naniniwala siyang kapabayaan ni Mr. Collins Ang nangyari at dapat nito iyong panagutan. Ipinaliwanag ko na ang nangyari ngunit  ipinilit parin niyang tanggalin ko si Mr. Collins at ang mga miyembro ng  pamilya nitong nagtatrabaho sa hacienda.”

"No, Mr. De Guzman! You should have told my Dad that it was my fault because I brought Cinnamon in the paddock and it caused Black Tornado to get alarmed and afraid and  that made him run faster so he fell Alec. You should have told Dad that it was my fault." Paliwanag niya sa naiiyak ng tono. 

"Paumanhin po, Señorita. Kapag nagbigay ng utos ang inyong ama, tiyak na tiyak na ito. Lalo lang siyang magagalit kapag nagatwiran at sinaway natin ang kanyang utos. At kapag sinubukan ko pang pagpaliwanag ay tiyak na ako rin ay malalagot at mawawalan ng trabaho.” malungkot na paliwanag ni Mr. De Guzman.

Dahil doon, nakaramdam siya ng pagkaguilty at lungkot kayat  tumakbo  siya palayo sa kwarto ni Alec. Mabuting tao si Mr. Collins at hindi nararapat na mawalan ng trabaho. Alam niya kung gaano kahalaga ang trabaho sa mga simpleng manggagawa sa kanilang hacienda. Minsan nang sinabi sa kanya ni Sheila na kung mawawalan ng trabaho ang kanyang mga magulang sa mansyon, mawawalan sila ng  perang panustos sa kanilang pagkain at pati narin pampaaral ng kanyang mga kapatid. Nang malamang mawawalan ng trabaho si Mr. Collins at ang kanyang pamilya ay bigla niyang naalala ang  sinabi noon sa kanya ni Sheila. Maaaring magutom Ang  pamilya ni Mr. Collins at kasalanan niya iyon. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili sa nangyari.

 

*   *  *

Makalipas ang isang linggo, sa kasamaang palad, matapos mawalan ng trabaho ni Mr. Collins at ng kanyang pamilya sa hacienda, napilitan Ang mga itong  umalis ng bayan at humanap ng ibang trabaho sa kabilang bayan. Nakaramdam ng kalungkutan ang mga kasambahay ng mansyon para sa pamilya Collins at napagpasyahang mag-ambag-ambag ng maliit na halaga para tulungan ang pamilya nito.

Lumaki siya sa hacienda at matagal na nakasama ang mga trabahador, kaya alam niyang pinahahalagaan ng mga ito ang kanilang mga trabaho. Kaya bilang isang bata, sobrang nagi-guilty siya dahil alam niyang may kasalanan siya sa nangyari. Although palaging ipinapaliwanag  ni Nana Marcela na hindi niya kasalanan, ngunit sa kanyang loob, alam niyang  may mali din siyang nagawa, kasalanan nilang dalawa ni Alec ang nangyari. 

 

Agad namang umuwi ang kanilang ama mula sa ibang bansa pagkatapos ng insidente. Lumaki silang ang ama lang ang tumatayong magulang, kaya bihira silang magkita-kita sa loob ng isang taon. Pumupunta ang kanilang ama sa iba't ibang bansa para pamahalaan ang kanilang negosyo sa iba't ibang bahagi ng mundo. Mayaman sila at  alam niya iyon. Kilala ang pamilya nila sa lipunan at alam niyang sila ang pinakamayaman sa bayan. Minsan, nagtataka siya kung bakit walang siyang tinatawag na Ina tulad ng kanyang mga kaklase at ni Sheila. Minsan nang sinabi sa kanya ni Nana Marcela na namatay ito noong siya ay bata pa. Sinubukan niya pa ngang minsan na  tumawag kay Patty sa London at tanungin ang tungkol dito. Masaya namang nagkwento si Patty tungkol sa kanilang Ina. Sinabi niyang maganda, sweet, mabait at maasikaso ito. Ipinakita pa nga nito  ang larawan nito at ng kanilang ina na magkasama. And with that, her questions and curiosity came to an end. 

Mabilis namang gumaling si Alec although neron paring benda ang kanyang kaliwang braso habang patuloy parin ito sa kanyang therapy at pag-inom ng mga gamot.  Halos dalawang Linggo din siyang nanatili sa mansiyon at hindi pinapayagang lumabas. Galit parin  si Alec sa kanya dahil sa nangyari. Sinisisi siya nito sa kanyang aksidente. Dahil doon, palagi itong nakasigaw sa  kanya at madalas siyang inaaway.

 

"Ano bang ginagawa mo diyan! Nag-alala na si Nana Marcela at hinahanap  ka."

 

Natagpuan siya ni Alec na nag-iisa sa lawa noong oras na  iyon. Naghahagis siya ng mga bato sa lawa habang namamangha sa layo ng nararating ng mga bato sa tubig tuwing kanyang malakas na inihahagis. 

Naalala niyang kaninang umaga aysinigawan siya nito dahil pumasok si Cinnamon sa kanyang kwarto. Ayaw ni Alec Kay Cinnamon mula noong mangyari ang aksidente sa kanya. Dahil sa pagkainis, lumabas siya ng mansyon at pumunta sa lugar na malayo kay Alec at dahil bumisita  si Sheila sa kanyang lola sa lungsod, mag-isa na lang siyang pumunta sa lawa at naglaro doon.

 

"Iwan mo na ako, Alec. Hayaan mo akong mag-isa dito!" Inis na sagot niya dito. 

"Lunch is ready. Dad wanted the whole family at the table. Don't keep Dad waiting. Come on Emerald!" Sigaw ulit nito sa kanya. 

"Pumunta ka na doon, susunod ako mamaya." Sagot niya at ipinagpatuloy parin ang paglalaro ng bato sa lawa.

 

"Nana Marcela told me to look for you and she told me not to go home without you, you understand! So better come with me or else I'll drag you even if you get hurt." Banta nito. 

Natakot siya sa sinabi ni Alec. Minsan nang binalaan siya ni Alec na ibabato sa kanya ang mga nakakatakot na insektong hawak nito noong sila ay nag-away at talagang ginawa iyon ng kanyang hangal na kapatid. Ibinato nito ang ilang tipaklong sa kanyang kama habang siya ay natutulog, kaya hindi nakakapagtaka na kayang nitong  gawin ang banta. 

"I'll tell Patty you're hurting me so she'll hit you in the head." Sagot niya. 

 

Alam niyang takot si Alec sa kanilang panganay na kapatid, kaya iyon ang taktika na sinabi niya para huwag gawin nito ang banta. Napansin niyang hindi nakikinig si Alec sa kanyang sinabi,  nakatingin lamang  ito sa isang parte ng lawa, at nang tingnan niya kung saan ito nkatingin ay nakita niya ang isang grupo ng mga swan ang naglalaro sa tubig.

"They're beautiful aren't they?" Bulong niya habang nakatingin parin sa grupo ng mga swan sa lawa.

"They're just some freaking ugly birds.." Narinig niyang inis na sabi nito ngunit ang kanyang mga mata ay nagsasabi ng kabaligtaran. Mukhang namamangha ito sa mga swan na bumubuo ng hugis sa lawa.

"Alam mo ba, naniniwala ang mga matatanda na kung makikita mo ang isang grupo ng mga swan na bumubuo ng hugis sa buong liwanag ng buwan sa lawang ito, you will be granted an amazing love in your lifetime.” Kwento niya dito. 

"You believe in that folklore? People here are idiots and pathetic. I hate this place. I wanna go back to London." Inis na turan naman nito. 

"You don't know them to even called them idiots, Alec!"

 

"Whatever!" Nakita niyang umupo ito sa malaking bato habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa mga swan. Sandaling natahimik silang dalawa pagkatapos habang nakamasid lamang sa mga sisne. 

"Alec why do you hate me?" Bigla niyang naitanong na bumasag sa kanilang katahimikan. Tumingin sa kanya si Alec na may pagtataka sa mga mata.

"I don't hate you, silly." 

   

"Kung ganoon, bakit mo ako palaging sinisigawan at inaaway?”

"Because your presence pisses me off." Maikling sagot nito. 

  

"Huh?" Sambit niya na naguguluhan.

 

Muling nanaig sa kanila ang katahimikan. 

"Alec?" Tawag niya ngunit hindi ito sumagot.

 

"Alec!" Ulit niya.

"What!" He answered annoyingly. 

 

"Bakit naiinis ka sa  presence ko?”

"Because you're so annoying and very nosy." Nais niyang magalit sa sinabi nito. 

Alam niyang hindi siya makulit at hindi rin siya nakakainis! Sa totoo lang, napakamasayahin at mabuting bata niya. Mahal siya ng lahat sa mansyon at sa buong hacienda. 

"If I stop being annoying and nosy, will you stop teasing and shouting at me? Will you be kind and play with me then?" Hindi niya mapigilang itanong. 

"No."

"You're cruel Alec...."  Nakaramdam siya ng pagtatampo sa sinabi nito at tila gusto niyang maiiyak. 

"I know..." Sagot nito. 

 

"Halika na, bumalik na tayo sa mansyon. Baka hinihintay na tayo ni Dad at Patty sa hapag-kainan." Turan nito at pagkatapos ay tumayo na sa malaking bato na kinauupuan nito. 

 

Sinimulan niyang sundan ito habang sila ay tumatawid sa maliit na daanan patungo sa mansyon. Nais niyang suntukin si Alec sa ulo habang nakatalikod ito sa kanya habang sila ay naglalakad. Nakakainis ang kanyang kapatid at sobrang naiinis siya sa trato nito sa kanya.  

 

"Alec..." Tawag niya 

 

"Alec...." Muling tawag  niya ngunit hindi parin ito sumasagot at tinatapunan siya ng pansin.  .

"Alec!" Malakas na sigaw niya. 

"What!" Galit na sagot nito saka tumigil sa paglalakad.  

"Why do you hate me?" Tanong niyang umiiyak na.

"I don't!"

"Why do you keep shouting and getting mad at me if you don't hate me?" 

Natigilan si Alec habang nakatingin lamang sa kanya. Nakita niya ang iba't ibang emosyon sa kanyang mukha na hindi niya mapangalanan.

 

"Fine, I hate you! Happy now?" He shouted disgustingly afterwards, that made her cry even more.

"You're so bad, Alec! I hate you! I hate you!!" Sigaw niya pabalik saka tumakbo palayo dito. 

Mabilis siyang tumakbo palayo at tinahak ang daan patungo sa mansyon.

 

Nang marinig ni Nana Marcela na umiiyak siya pagpasok niya sa mansyon, nag-aalalang tinanong siya ng matanda. Nang sabihin niya na si Alec ang dahilan, pinatahan lamang siya ng matandang upang tumigil na sa pag-iyak.

Kinaiinisan niya si Alec, kinaiinisan niya ang kanyang kapatid!

 

Hindi siya sumalo sa tanghalian noong hapong iyon kahit na sinubukan ni Nana Marcela na kumbinsihin siya. Nag stay lang siya sa kanyang kwarto at ikinulong ang sarili doon.

And that night, sabay sabay na kumain ng hapunan ang buong pamilya sa utos narin ng kanilang ama. Bukas ang flight nito pabalik sa Italy at hiniling na lahat ng kanyang anak ay dapat nasa hapag-kainan.  Bilang isang mabuting anak, hindi niya gustong biguin ang  kanyang ama, kaya wala siyang pagpipilian kundi sumunod kahit na hindi niya gustong makita si Alec dahil galit pa rin siya sa dito. Sa buong hapunan, tahimik at malungkot siya. Napansin ng kanyang ama ang kanyang pananahimik, kaya tinanong siya nito kung bakit tahimik at malungkot siya. Sinagot naman niya Ang ama na hindi maganda ang kanyang pakiramdam at nais ng umakyat sa kanyang silid. Pinayagan  siya ng kanyang ama na umakyat pagkatapos ng hapunan, kaya agad siyang sumunod.

 

Nang umalis ang kanilang ama sa bansa, isang linggo lang ang lumipas ay umalis din sina Patty at Alec papuntang London para sa kanilang pag-aaral. Umalis si Alec nang walang paalam sa kanya. Hindi man lang siya nag-sorry o nakipagbati sa kanya. Umalis ito nang hindi pa rin sila nag-uusap. Dahil doon nakaramdam siya ng pagkabigo at pagkainis kay Alec nang mga  panahong iyon…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married To The Ruthless   Chapter 3

    10 years ago:It was another summer vacation, inasahan niyang uuwi ang kanyang dalawang kapatid. Parang noong nakaraang taon lang, napakasaya niya at hindi makapaghintay na umuwi sila ng hacienda. Ang hacienda ang kanilang tahanan at dito dapat sila magpalipas ng summer vacation. Noong nakaraang taon, si Patty lamang ang umuwi sa hacienda at nalungkot siya dahil hindi nakasama si Alec. Ayon kay Patty, pinili ni Alec na magbakasyon sa New Zealand kasama ang kanyang matalik na kaibigan na si Joachin sa rancho ng pamilya nito. Iniisip niya kung uuwi ba si Alec ngayong darating na bakasyon. Naaalala pa niya ang aksidente na nangyari dito at kung paano siya sinisi nito sa nangyari apat na taon na ang nakalipas at kung paano umalis ito ng hacienda nang hindi man lamang sila nagkabati. Hindi na sila nag-usap mula noon. Parang naging lamat iyon sa kanilang relasyon bilang magkakapatid dahil ang magkakasunod na mga taon ng bakasyon ay hindi na nito piniling magpalipas ng summer sa hacienda.

  • Married To The Ruthless   Chapter 2

    Feeling agitated, pinanood niya ang kanilang family doctor na sinusuri si Alec habang ang kapatid ay nakahiga sa kama na walang malay. Mayroon siyang mga pasa at sugat sa kanyang braso na natamo nito mula sa pagbagsak sa kabayo. "Kumusta na po siya, Dr. Ramirez?" May pag-aalalang tanong ni Mr. De Guzman- ang kanilang butler, sa doktor matapos nitong suriin si Alec."Nagtamo siya ng mga pasa at sugat sa buong katawan at nabali din ang kaliwang kamay. Salamat sa Diyos hindi siya nahulog sa mabatong lugar at hindi natamaan ang ulo." "Maraming salamat po, Dr. Edwards. Agad na tumawag si Senior Alonzo mula sa Itally nang malaman niya ang nangyari sa kanyang unico hijo. Magiging maayos na po ba siya doktor?" Tanong ni Mr. De Guzman."Kapag gumising na siya, tiyak na makakaramdam siya ng kirot at pananakit dulot ng aksidente, kaya inirerekomenda kong turukan siya ng pain relievers. Tiyakin ninyong naipapainom ang mga ibibigay kong gamot sa tamang oras. I'll send a personal nurse here

  • Married To The Ruthless   Chapter 1

    14 years ago: “Nana, paparating na ba sila?” Masiglang tanong niya sa kanyang Yaya. “Oo, Señorita. Dumating na sila mula sa airport ayon kay Mr. De Guzman,” sagot ng kanyang Yaya.Ngayon ang araw ng pag-uwi ng kanyang mga kapatid mula sa London. Magbabakasyon Ang mga ito sa hacienda ngayong tapos na ang pasukan. Si Patricia at Alec ay ipinadala sa England upang doon mag-aral at umuuwi lamang ang mga ito sa bansa tuwing semestral break o katapusan ng taon. Si Patricia ang panganay ng kanilang amang si Don Alonzo De Hizon at katorse na siya ngayon samantalang si Alec ay sampung tao na. Dalawang taong mas matanda ito sa kanya at siya na bunso na walong taong lamang. Tuwing bumibisita sila sa hacienda, hindi niya mapigilan ang kagalakan at antisipasyon na makita ang mga kapatid. Sobrang na miss niya ang mga ito. Mula nang tumawag ang kanyang ama mula sa Italy at sabihin kay Mr. De Guzman —ang mayordomo na uuwi sina Alec at Patty sa hacienda ay nagsimula nang maging abala ang mga tao

  • Married To The Ruthless   Prologue

    "I want you to get married as soon as possible." Nagulat siya at biglang napatayo matapos marinig ang sinabi ng kanyang Ama.Kakauwi lang nito sa kanilang mansyon at agad-agad na ipinatawag sila ni Alec sa library pagdating nito. Si Senior Alonzo De Hizon ang pinuno ng tahanan. Bawat sabihin niya ay parang batas na dapat sundin. "D-Dad!" Galit na sigaw din ni Alec. Sinusubukan man nitong panatilihing maging mahinahon, malinaw na malinaw ang galit sa mukha nito. "Did it sound like one to you, young man? You heard me right, gusto kong magpakasal na kayo sa lalong madaling panahon " Seryosong turan ng ama. Ang mukha nito ay napaka seryoso, at alam niyang hindi nagbibiro ang matanda. "B-But D-Dad, magkapatid po kami!" Sa wakas ay nahanap niya ang boses at nagkaroon ng lakas ng loob na tumutol. Sa kanyang pagtataka, ang matandang Don ay tumawa lamang nang mapanuya."Sinasabi ko na sa'yo, hindi kita tunay na anak. Inampon lamang kita kaya walang dugong nag-uugnay sa inyo." Ang mapait n

  • Married To The Ruthless   Sypnosis

    Hindi kailanman naging madali ang maging anak ni Senior Alonzo De HizonTrying hard to be worth on his praises,Being the good daughter I thought I could be,Trying my hardest so he can be proud of me,And yet being hidden in society, and not being recognized.Hindi kailanman naging madali ang maging ako...Yes, I may have everythingWealth, luxurious and glamorous life,Lots of girls maybe even wanted to be in my shoes,Pero hindi ako.Hindi ko ito hiniling at lalong hindi ko ito ginustoI've never been satisfied,And I've never been happy. It's so lonely being meTo be confined in a golden cage, with one's freedom narrowed and restrictedTo find out, that you're not truly a part of your so-called family,It's so hard to accept, but that's the truth I have to acceptStriving hard to be your best, yet knowing it will never be enoughStriving hard to earn your family's praise, just to be loved in returnKahit katiting na pansin at pagkilala man lang, Gusto ko lang na tanggapin at mah

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status