INICIAR SESIÓNJane POVNapakapa ako sa batok ko habang inuunat ang naninigas kong likod. Napasandal ako sa swivel chair at napabuntong-hininga nang mapako ang tingin ko sa bunton ng mga papeles at dokumentong naghihintay pa ng pagsusuri at lagda ko.Sabado ngayon, pero mapipilitan akong mag-overtime sa opisina dahil sa dami ng mga trabahong kailangan kong tapusin para sa susunod na linggo.Lumingon ako sa gilid ng mesa at napatingin sa suot kong wristwatch bago ibinaling ang tingin sa bintana. Magtatakip-silim na pala.“Tapos na kaya ang laro niya?” pabulong kong tanong sa sarili habang nakatitig sa oras.Naisipan kong kunin ang phone ko para tawagan si Aviv, pero mabilis ding napahinto ang kamay ko. Napakagat ako sa ibabang labi at napailing.Baka nakakaabala lang ako sa kaniya. Alam ko kung paano ang kalakaran ng mga mayayamang negosyante kapag natatapos ang golf match. Madalas, dumidiretso sila sa grand clubhouse para mag-usap tungkol sa negosyo, uminom, at magkaroon ng munting salu-salo.Habang
Aviv POVNaglakad kami patungo sa unang teeing ground. Sa likuran naman namin, tahimik na sumunod sina Mr. Montefalco at Mr. Ross, halatang inaabangan ang magiging takbo ng laro.Inilapag ng mga caddie ang aming mga golf bag sa gilid ng teeing area. Pumuwesto ang dalawang matanda sa shaded viewdeck para doon na lamang manood habang nagpapalitan ng mababang usapan tungkol sa kanilang pusta. Nang maipuwesto na ang bola sa ibabaw ng tee, bahagyang umatras ang lahat para bigyan ng sapat na espasyo ang unang magpapakawala ng tira.Si Madison ang naunang tumira. Kinuha niya ang kaniyang driver mula sa custom golf bag at pumuwesto sa teeing ground, nakatanaw sa mahabang fairway na kaniyang puntirya. Kita sa tindig niya ang buong kumpiyansa sa sarili.Nang magpakawala siya ng swing, narinig ang malinis na tunog ng pagtama ng club sa bola. Lumipad iyon nang diretso at malayo bago banayad na bumagsak sa gitna ng fairway.“Nice shot, Madison!” masayang palakpak ng kaniyang ama na si Mr. Ross.Pu
Aviv POVLumipas ang mga araw hanggang sa dumating ang Sabado, ang araw na itinakda para sa pakikipagkita ko kay Mr. Montefalco para sa isang golf match.Maaga akong nakarating sa malawak at eksklusibong golf course. Sariwa ang hangin at maaliwalas ang panahon, perpekto para sa isang larong madalas ay hindi lang tungkol sa husay, kundi isa ring tahimik na paraan ng pakikipagnegosasyon.Agad kong namataan si Mr. Montefalco na nakatayo sa may green field habang hawak ang kaniyang golf club. Kasama niya si Mr. Arthur Ross. Halos magkaedad lang ang dalawa, at kapwa sila mga beteranong negosyante na matagal nang iginagalang sa industriya.“Aviv! Mabuti at nakarating ka,” nakangiting bati ni Mr. Montefalco nang makalapit ako. Lumapit siya at nakipagkamay. “Matagal na rin mula nang huli tayong magkita sa business summit.”“It's a pleasure to see you again, Mr. Montefalco, Mr. Ross,” pormal kong bati habang nakikipagkamay sa kanilang dalawa.Nagkaroon muna kami ng maikling kumustahan. Gaya ng
Jane POVMatapos naming maubos ang ice cream at makipagpalitan ng kaunting kulitan kay Rochelle, nagpasya na kaming maghiwa-hiwalay pauwi. Inatasan ni Aviv si Sid na ihatid nang ligtas si Rochelle sa kanilang bahay bago kami tuluyang sumakay sa loob ng kotse.Tahimik lang ako habang nakasandal ang ulo ko sa passenger seat. Ramdam ko pa rin ang bahagyang hapdi sa aking mga mata dahil sa matagal na pag-iyak kanina, pero ang paninikip ng dibdib ko ay unti-unti nang gumagaan.Naramdaman ko ang pag-abot ng kamay ni Aviv sa kandungan ko. Marahan niyang hinawakan ang mga daliri ko at pinaglapit ang mga kamay namin. Tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ko, hindi binibitawan ang kamay ko habang marahan niyang hinahaplos ang likod ng aking palad gamit ang kaniyang hinlalaki.“Malamig ba?” mahinahon niyang tanong.Umiling ako at tipid na ngumiti sa kaniya. “Hindi naman... sakto lang.”“Get some rest habang nasa biyahe tayo. Gigisingin na lang kita kapag nasa mansiyon na tayo,” malumanay niyang sa
Hindi ako agad nakapagsalita kaya si Rochelle na mismo ang sumagot para sa akin. “Nag-krus ang landas nila ng biological mother niya kanina,” panimula ni Rochelle habang bahagyang pinapalambot ang boses. “Masakit 'yung mga salitang binitiwan sa kaniya. Itinanggi siya at sinabi pang isa siyang bunga ng kasalanan at isang malaking kamalasan sa buhay nito. Kaya ayan... durog na durog ang puso ng asawa mo.” Bahagyang lumambot ang matigas na ekspresyon sa mukha ni Aviv nang marinig iyon. Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ko, habang si Rochelle naman ay kusang umusog nang kaunti para bigyan kami ng espasyo. Maingat niyang inabot ang mukha ko. Dahan-dahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok na dumikit sa basa kong pisngi bago marahang hinimas ang ulo ko. “Listen to me, Jane,” malumanay niyang sabi habang diretso ang titig sa akin. “Huwag mong hayaang ubusin ka ng mga salitang binitiwan niya. Alam kong masakit... sobrang sakit. Pero huwag mong hayaang sirain ng mga iyon ang sarili mo dah
Jane POV“Tama na 'yan, Jane. Kanina ka pa umiiyak...” mahinahong pagpapatahan sa akin ni Rochelle habang dahan-dahan niyang hinahaplos ang likuran ko.Makailang ulit akong napapasinghap nang marahas. Paulit-ulit akong napapatingala sa madilim na kalangitan para pigilan ang mga luhang patuloy na bumabagsak, pero ayaw talaga nilang tumigil.Hinila ako ni Rochelle at marahan akong pinasandal sa kaniyang balikat.Napatanaw na lamang ako sa malayo. Gabi na at tahimik na ang paligid dito sa Metro Sea Side Park. Sa di-kalayuan, maririnig ang banayad na paghampas ng mga alon sa dalampasigan na sinasabayan ng malamig na simoy ng hangin.Nang ikuwento ko sa kaniya ang pait ng naging komprontasyon namin ng biological mother ko kanina, at nang mapansin niyang halos hindi na ako makahinga sa sobrang pag-iyak, hindi na siya nag-atubiling samahan at dalhin ako sa lugar na ito.Dalawang beses pa lang akong nakaranas ng ganitong klaseng pagkawasak sa buong buhay ko. Ang una ay noong nalaman kong hind
LORENZO GRAND HOTEL 6:00 P.M. “Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng
Akala ng mga kakilala ko ay maswerte ako dahil ipinanganak akong mayaman, pero hindi nila alam na isa lamang akong ampon at ang nag-ampon sa akin ay ginawa lamang akong collateral sa mga utang nila sa mga magulang ni Kian.Si Daddy na sugapa sa sugal. Si Mommy na maluho at mahilig mag-travel. Wala
Nasa loob na ako ng isang bakanteng kuwarto dito sa bahay nina Lolo Esteban at Lola Alicia. Katatapos ko lang maligo at ngayon ay abala na ako sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya. Naibaling ko ang tingin sa pintong gawa sa lumang tabla. Unang pumasok si Lola Alicia, kasunod si Aviv na may
“Paano po ’yung kotse ko, sir?” ani ko, sabay lingon sa kotse kong nakaparada sa gilid ng kalsada “I’ll have my staff to take care of your car,” he said calmly. “Get in,” utos niya pagkabukas ng pinto kaya walang sabi-sabing sumunod ako. Pagkaupo ko sa mamahaling leather seat, muli akong napaya







