تسجيل الدخول📌 Golf Terms 📌 Tee – patungan ng golf ball bago ang unang palo sa bawat hole. Golf club – tawag sa pamalo sa golf. Driver – pinakamahabang golf club, ginagamit para sa unang palo at pinakamalayong tira. Caddie – taong tumutulong sa golfer sa buong laro Teeing area – lugar kung saan nagsisimula ang bawat hole at ginagawa ang unang palo. Fairway – ideal na lugar kung saan gustong mapunta ang bola matapos ang tee shot. Tee shot – unang palo mula sa teeing area.
Aviv POVNang tuluyang makapasok si Jane sa Del Austria Enterprises Building at tuluyan nang makaalis ang sasakyan namin sa harap nito, sandali kong pinagmasdan ang gusali bago ako humarap sa driver.“Feid, pumunta tayo sa Infinite Flower Shop,” malamig kong utos.“Sige po, Boss,” mabilis niyang sagot at iniliko ang sasakyan.Gusto kong siguraduhing hindi na muling makakapagpadala si Kian ng anumang bulaklak para sa asawa ko. Ayaw ko nang maramdaman muli ang matinding selos at inis sa tuwing may dumarating na bouquet sa opisina niya na hindi galing sa akin.Nang banggitin ni Jane kanina na akala niya ay galing sa akin ang mga natatanggap niyang bulaklak at iyon ang dahilan kung bakit niya tinatanggap at dinadala sa mansiyon, tila bahagyang nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Nag-assume lang pala siya. Akala ko pa naman ay alam niyang kay Kian galing ang mga iyon, pero tinatanggap pa rin niya.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko inilabas ang mamahaling folded tabl
Jane POVPagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto, agad niya akong ibinaba mula sa pagkakarga niya sa akin. Dahil nakapaghanda na ako ng malinis na tuwalya at mga damit na susuotin namin bago kami nakisabay sa pag-aalmusal kanina, diretso kong inabot ang tuwalya na nakalapag sa ibabaw ng kama, katabi ng mga damit naming pang-opisina. Ibinigay ko sa kaniya ang isa at pinauna ko na siyang pumasok sa banyo, pero agad niyang hinawakan ang pulsuhan ko at hinila ako papasok.“Sayang ang oras. Magsabay na lang tayo,” aniya.Ayaw ko pa sana, pero wala na akong nagawa nang hilahin niya ako papasok ng banyo nang may puwersa.Nang pareho na kaming walang saplot, agad niyang binuksan ang shower sa warm setting. Maingat niyang hinaplos at hinugasan ang katawan ko, tinitiyak na hindi niya masyadong nahahawakan ang mga bahaging may mga kalmot.“Kaya ko na,” alma ko sa ginagawa niya. “Masyado mo naman akong bina-baby.”“Of course! You're my baby,” paboritong banat niya, na ikinatawa ko na lang.Mabil
Mabilis na itinusok ni Jane ang tinidor sa kaharap na steak. “Mukhang matigas pa ang steak na 'to kaya kailangan ko ng puwersa para matusok ko ang karne,” paliwanag niya bago bumalik sa pagkakaupo. Pero alam kong palusot niya lamang iyon. “Bantayan mo nang mabuti ang pusa mo, Kian. Kapag naubusan uli ako ng pasensya, hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sa kaniya,” matapang niyang wika sa kaniyang ex-fiancé bago muling naitakda ang tingin kay Scarlet, na kanina pa pilit na nagtatapang-tapangan kahit malinaw na nakita ng lahat kung paano siya nanginig nang tutukan siya ni Jane ng tinidor. Saglit na napatulala si Kian sa sinabi ng asawa ko. Halatang naguguluhan din siya bago naibaling ang tingin sa katabi niya. “Kapag nagkamali siya ulit... gawin mo ang gusto mo sa kaniya. Bigyan mo ng leksiyon para magtanda,” ani Kian. “K-Kian...” halos walang boses na sambit ni Scarlet sa pangalan ng kaniyang fiancé. Muling napaawang ang labi ko nang tuluyan kong mapagtanto na hindi liter
Magkahawak ang mga kamay namin ni Jane habang bumababa sa hagdan patungo sa dining hall. Sa kabila ng matinding kirot sa ulo ko dahil sa hangover, nangingibabaw pa rin ang magaan na pakiramdam dahil mukhang ayos na kami ng asawa ko. Pinipigilan kong ngumiti habang nakatitig sa mukha niya. “By the way, baby. Sinong nagdala sa akin sa kwarto?” usisa ko. “Nadatnan kitang lasing na lasing sa wine cellar kaya tumawag na ako sa mga tauhan mo para dalhin ka sa kwarto natin,” aniya, na ikinatango ko. “Paano mo nalaman na naroroon ako sa wine cellar?” “Pinuntahan ako ni Nicole,” tanging sagot niya, may bahagyang ngiting pinasilay. “Ayos ka na ba? Hindi na ba masama ang loob mo sa akin?” Natigilan siya pagkarating namin sa baba, at ganoon din ako. Ilang segundo kaming nagkatitigan bago siya bahagyang napakunot noo. “Bakit mo naman nasabi na masama ang loob ko sa’yo?” Maigi kong tinitigan ang kaniyang mukha bago bahagyang ngumiti. “Halata namang masama ang loob mo.” Napabuntong-hininga
Aviv POVPagkamulat ng mga mata ko, ang mukha agad ni Jane ang sumalubong sa akin. Makailang ulit pa akong napapikit at nagpumilit dumilat para makasigurong hindi lang ako nagmamalikmata. Nang mapagtanto kong totoo ngang naririto ang asawa ko sa tabi ko at payapang natutulog, isang bahagyang ngiti ang sumilay sa mga labi ko.Pero agad ding napawi ang ngiting iyon nang mapansin ko ang mga gasgas at bahagyang pamamaga sa pisngi at braso niya. Masinop kong sinuri ang balat niya para makasigurong tama ang nakikita ko. And it was confirmed—mga kalmot at malalaking pasa nga ang mga iyon.“What happened?” bulong ko sa sarili habang marahan kong hinahaplos ang kaniyang pisngi gamit ang hintuturo.Kahit natutuwa akong magising na katabi siya sa kama, hindi ko maiwasang mangamba dahil sa mga marka sa balat niya. Pilit kong inalala ang mga pangyayari kagabi, pero masyadong malabo ang mga alaala ko dahil sa matinding alak. Ang tanging malinaw lang sa akin ay ang pag-inom ko sa wine cellar dahil s
Jane POVHindi pa rin siya nagpapigil at ipinagpatuloy ang paghalik sa leeg ko hanggang sa clavicle ko. Nang ibalik niya ang labi niya sa itaas, naisipan niya akong halikan sa labi, pero agad akong umiwas. Pinipigilan ko ang sarili na halikan siya, dahil pakiramdam ko, nasa labi pa rin niya ang bakas ng halik ni Scarlet.Ginamit niya ang malapad niyang palad para hawakan ang panga ko at pinaharap ang mukha ko sa kanya.“B-Baby, kiss me... do you still hate me? Sorry na...” may pagmamakawa sa boses niya.Pinagtitigas ko ang panga ko, pilit na pinipigilan ang sarili kong sumuko. Pero hindi ko rin kayang lokohin ang sarili ko.I want him too.Mabilis kong inabot ang bote ng wine na nasa kalahati pa ang laman. Tinungga ko iyon, pero hindi ko nilunok ang alak.Hinawakan ko ang panga niya at pinabuka ang kanyang bibig. Hindi naman siya nag-alangan na ibuka iyon. Doon ko na siya hinalikan, saka ko ipinainom sa kanya ang wine na nasa bibig ko.At least, kahit paano, mabawasan ang lasa at baka
LORENZO GRAND HOTEL 6:00 P.M. “Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng
Akala ng mga kakilala ko ay maswerte ako dahil ipinanganak akong mayaman, pero hindi nila alam na isa lamang akong ampon at ang nag-ampon sa akin ay ginawa lamang akong collateral sa mga utang nila sa mga magulang ni Kian.Si Daddy na sugapa sa sugal. Si Mommy na maluho at mahilig mag-travel. Wala
Isang matangkad na lalaki ang makikita sa hindi kalayuan. Nakasuot siya ng charcoal overcoat. Anino pa lang nito ay bakas na ang awtoridad at panganib. Nanlaki ang mga mata ko noong hubarin ng lalaki ang suot niyang overcoat at tumambad ang dalawang baril na nakasuksok sa kanyang tagiliran. Marahan
Jane's POV Umuulan habang tinatahak ko ang daan papunta sa charity gala ng mga Averoné. Dumaan ako sa isang liblib na shortcut dahil pinagmamadali na ako ng boyfriend ko na makarating kaagad sa destinasyon. Ito ang huling gabi na dadalo ako sa isang magarbong event na hindi pa ako kasal. Dahil buk
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






