LOGINJane POV “Simula noong may nangyari sa kanila sa birthday celebration mo noon sa hotel, ayon, nabaliw na si Kian sa ex-fiancée mo. Noong nasa Singapore ka, nagkausap kami ni Kian. Ilang araw siyang walang tulog kakaisip kay Madison. Para siyang zombie sa itsura niya. Akala ko nga naka-drugs siya pero si Madison lang pala ang dahilan. Kahit paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na ako ang mahal niya, pero si Madison ang laman ng puso niya. He is too in denial about his feelings for Madison. Gusto niya pa ring itulak na ako ang gusto niya—na ako ang mahal niya, kahit si Madison naman talaga ang dahilan kung bakit nababaliw siya,” kuwento ko. Agad namang sinang-ayunan ni Nicole. “Tama po si Ma’am, Sir. Masyado siyang in denial sa nararamdaman niya para kay Miss Maddie.” Hindi na umimik si Aviv. Bumaba ang balikat niya, nawala ang bahagyang inis sa mukha niya, at walang salitang nauna na siyang lumabas ng kuwarto. Mabilis naman kaming sumunod ni Nicole sa kanya. Magkakasama kaming mabil
Kian POVNapahalakhak ako nang walang katuturan.“Selos? Hindi pa ba obvious? Oo. Nagseselos ako! Nagseselos ako kasi nakikita ko kung gaano ka-sweet sina Jane at Uncle kanina. Nasasaktan ako na makita silang masaya. Tapos dumagdag ka pa! Imbes na ako ang alalahanin mo, si Uncle pa rin ’yang nasa isip mo. Si Uncle lang ang mahalaga sa'yo!”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa isang mabilis na galaw, hinawakan niya ang kwelyo ko at marahas akong hinila. Matalim at madilim ang mga matang ipinukol niya sa akin.“Do you still love Jane?” deretso at may panggigigil niyang tanong.Napalunok ako ng laway. Unti-unti niyang inilapit ang labi niya sa labi ko, isang pulgada na lang ang pagitan. Ramdam na ramdam ko na ang mainit at mabango niyang hininga na tumatama sa balat ko, dahilan para magwala ang tibok ng puso ko.“Of course... I love Jane—”Hindi ko pa man lubos na naiintindihan ang sarili kong sinasabi nang, sa isang iglap, hinawakan niya ang braso ko, pumuwesto sa gilid ko, at
Kian POV Habang abala ang limang babae sa tabi ko sa paglalambing, paghaplos sa mga braso ko, at paggawa ng lahat ng paraan para makuha ang atensyon ko, ako naman ay nakatitig nang matalim sa kinaroroonan ni Madison. Masama at matalim na titig. ’Yung tipong kung nakakapatay lang ang tingin, dumanak na ang dugo sa loob ng VVIP section. May dalawang lalaking walang saplot sa pang-itaas na nasa tabi niya. Parehong mamahalin ang tindig, sculpted ang katawan, at panay ang alok ng inumin at pagkain sa kanya habang ang mga kaibigan naman niya ay masayang nakikipagkuwentuhan sa sarili nilang mga lalaki. Halos hindi ko malunok ang alak na hawak ko dahil sa sobrang pait ng mood ko. Ang saya-saya niya habang may dalawang ugok na panay ang dikit sa kanya na parang mga linta. Hinahaplos pa ng isa ang balikat at makinis niyang balat tuwing nagsi-serve ng alak sa kanya. Punyéta. Hinahawakan ng mga hampaslupang ’yan ang babaeng dapat sa akin lang. “Kian, what’s wrong, baby? Kanina ka pa tahimik
Kian POV “Kian, nasaan ka?” tanong sa akin ni Mommy nang marinig niya ang ingay sa loob ng bar. “Nasa bar ka ba? Anong oras pa lang? My God, Kian, alas dos pa lang ng hapon.” “Mom. Ngayon lang ako ulit nag-bar. Gusto ko lang mag-unwind. Gusto ko lang maghanap ng panibagong mga kaibigan. Alam mo naman, hindi ba? Nawala lahat ng mga kaibigan ko?” Narinig ko siyang napabuntong-hininga sa kabilang linya. “Fine. Basta huwag kang magpapakalasing diyan. At please lang, kung makikipag-sex ka, use condoms. Ayaw kong makabuntis ka ng kung sino-sinong babae riyan. Maliwanag ba?” paalala niya sa akin. “Okay. No worries.” Pagkababa ng tawag, napatingin ako sa entrance ng VIP lounge habang hawak-hawak ang baso ng alak. Nakakumpiyansa akong napangiti nang makita ang unang babaeng pumasok. Halos lumuwa ang mga mata ko. Blonde hair, piercing blue eyes, at flawless ang kutis. Nakasuot siya ng fitted black mini dress na may manipis na straps at mataas na slit sa isang gilid, habang ang neckline
Madison POVNapahilamos ako ng mukha pagkababa ko ng phone.“Sinong Karen naman kaya ang ka-date niya?” pabulong na tanong ko sa sarili.May inis kong inabot ang wine glass at isahang nilagok ang laman nito.Sabi niya sa akin, if I want someone to fuck me, tawagan ko lang siya dahil darating siya kaagad? Pero anong sagot niya? Tinanggihan niya ako dahil kay Karen.“Sinasabi ko na nga ba, hindi magbabago ang loko na ’yon. Babaero pa rin siya. Hindi pa rin talaga siya kuntento sa iisang babae.”Muli akong nagsalin ng alak sa baso at balak ko na sanang isahang lagukin ito pero bigla akong natigilan.Dahan-dahan kong ibinaba ang baso sa mesa at napabuga ng hangin.“Bakit ba kasi hindi mo na lang siya diniretso kanina, Madison?” may pagsisising tanong ko sa sarili.Binalak ko lang naman siyang pagselosin kaya ang tungkol kay Aviv ang una kong itinanong sa kanya, pero hindi ako nagtagumpay. Bakit ba ako umaasa na magkaroon ng something sa amin samantalang libog lang naman ang dahilan kung b
Kian POVNapapahigpit ang hawak ko sa phone ko habang nakatitig sa numero ni Madison. Kanina ko pa naiisip na tawagan siya pero hindi ko magawa. Napapaatras ako, naduduwag na tawagan siya. Makailang beses akong napabuntong-hininga at naisipan na lamang itabi ang phone. Inabot ko ang beer at uminom.“Kailan ba siya tatawag sa akin nang kusa? Talaga bang sineryoso niya ang sinabi niya noon na iyon na ang huling bembang namin?”Napapailing na lamang ako.“Sobra naman siya. Pagkatapos niyang masarapan sa ginawa namin, hindi man lang siya nagpasalamat sa akin noon. Hindi man lang siya nag-text kahit isang letra lang. Wala talaga siyang sense of gratitude.”Napatingin ako sa pìnto nang may kumatok. Agad akong tumayo para pagbuksan iyon.“Sir Kian, good afternoon po,” bati sa akin ni Nicole na nakangiti. “Nariyan na po sila Ma’am Jane at Sir Aviv.”“Oh, talaga?” Namimilog ang mga mata kong tanong.Napatango siya. Mabil
Nasa loob na ako ng isang bakanteng kuwarto dito sa bahay nina Lolo Esteban at Lola Alicia. Katatapos ko lang maligo at ngayon ay abala na ako sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya. Naibaling ko ang tingin sa pintong gawa sa lumang tabla. Unang pumasok si Lola Alicia, kasunod si Aviv na may
“Paano po ’yung kotse ko, sir?” ani ko, sabay lingon sa kotse kong nakaparada sa gilid ng kalsada “I’ll have my staff to take care of your car,” he said calmly. “Get in,” utos niya pagkabukas ng pinto kaya walang sabi-sabing sumunod ako. Pagkaupo ko sa mamahaling leather seat, muli akong napaya
LORENZO GRAND HOTEL 6:00 P.M. “Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng
Akala ng mga kakilala ko ay maswerte ako dahil ipinanganak akong mayaman, pero hindi nila alam na isa lamang akong ampon at ang nag-ampon sa akin ay ginawa lamang akong collateral sa mga utang nila sa mga magulang ni Kian.Si Daddy na sugapa sa sugal. Si Mommy na maluho at mahilig mag-travel. Wala







