LOGINLORENZO GRAND HOTEL
6:00 P.M. “Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng grand hall. “Parating na iyon. Just wait a little bit,” sagot naman ni Isabela Averoné, ang ina ni Kian. Makailang ulit akong nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga nang muling sumagi sa isip ko ang sinabi ni Aviv kanina. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako sa mga binitawan niyang salita. Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Bakit gustong-gusto niyang dumalo ako sa kasal na ito gayong alam naman niya kung bakit ayaw ko nang magpakasal kay Kian? Muli kong inililibot ang mga mata sa paligid, pero hindi ko mahagilap si Aviv. Kung sana siya na lang ang groom ko, hindi sana ako matutuliro nang ganito. Ayaw ko na talagang magpakasal pa kay Kian pero anong magagawa ko, naririto na ako at ang pagdating na lang niya ang hinihintay ng lahat. Bumukas ang pinto ng grand hall kaya lahat ng mga mata ay naibaling ang tingin doon. “Salamat, naririto na rin siya sa wakas,” usal ni Mommy, halos pabulong lang. Para siyang nabunutan ng tinik sa pagsulpot ni Kian. Nakangiting naglakad sa aisle si Kian, taglay ang kumpiyansa sa sarili. Pagdako ng kanyang mga mata sa akin, sumilay ang ngisi sa kanyang labi bago niya ako tuluyang nilapitan. Agad na napadako ang mga mata ko sa stain ng lipstick sa gilid ng kanyang labi. Halatang nakapag-make out pa ito kay Scarlet bago dumating rito. Baka nga hindi lang make out ang nangyari sa kanilang dalawa. Napahigpit ang pagkakatikom ng kamao ko. Nakakadiri silang dalawa. “Bakit ngayon ka lang, Kian?” usisa ni Mrs. Averoné. “Traffic, Mom.” Iyon lamang ang sagot niya, pero halata namang nagsisinungaling siya. “Dahil naririto na ang groom at bride, magsimula na tayo sa ating seremonya,” anunsiyo ng pari bago niya sinimulan ang kasal. Habang abala sa pagsasalita ang pari, sinubukan ni Kian na hawakan ang kamay ko, ngunit pasimple ko itong inilayo upang hindi magdampi ang aming mga balat. “What are you doing?” pabulong na wika niya pero may gigil ang tinig niya. He grabbed my wrist. Nagbalak akong bawiin ang kamay ko pero hinigpitan niya ang pagkakahawak dito. Hindi ko naiwasang mapangiwi sa higpit ng pagkakahawak niya. “Big deal pa rin ba sa ’yo ang nangyari kagabi?” Hindi ako sumagot. “Oh, c'mon, Jane. Kahit magtampo ka pa dahil sa nangyari kagabi—wala akong pakialam. Alam mo kung anong mahalaga sa akin? Ang maging asawa ka, kaya huwag ka nang mag-inarte diyan,” asik niya sa akin at bahagya akong hinila palapit sa kanya kaya mas lalo kaming nagdikit. “Let us now proceed to the Exchange of Consent,” pormal na saad ng pari dahilan upang maputol ang tensyon sa pagitan namin. Pinagharap kami ng pari na magkahawak ang mga kamay. “Jane Del Austria at Kian Averoné, kayo ba ay malayang naririto upang makipag-isang dibdib sa isa’t isa nang walang pamimilit at buong puso ninyong tinatanggap ang kasal na ito?” Ibubuka na sana ni Kian ang kanyang bibig para sumagot pero biglang nag-ring ang kanyang phone. “Sandali lang, Father,” aniya, mabilis na binitawan ang kamay ko. Hindi naman naiwasan ng pari na mapabuga ng hangin. Hindi maitatago sa naging reaksiyon ng pari na naiinip na rin ito at gusto na ring tapusin ang seremonya. “Hello? A-Ano?! Anong nangyari kay Scarlet?” Halata ang gulat sa kanyang mga mata habang nakadikit ang phone sa kanyang tainga. “Oh, sige. Pupunta na ako riyan. Sandali lang,” aniya at agad na bumaba sa entablado. “Mom, si Scarlet naaksidente. Malala ang kondisyon niya, kailangan ko siyang puntahan sa ospital ngayon din!” lintanya ni Kian sa kanyang ina pagkababa niya, halata sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala sa pinsan ko. “Pero Kian, kasal ninyo ni Jane ngayon. Pwede bang mamaya mo na lang puntahan si Scarlet pagkatapos ng kasal ninyo ng anak ko?” mabilisang singit naman ni Mommy, ayaw na mapurnada ang mahalagang gabing ito. “Pwede namang ganapin sa ibang araw ang kasal namin ni Jane. Kailangan lang talaga ako ni Scarlet ngayon,” agad nitong sagot. “Anak! Kian!” tawag ni Mrs. Averoné sa anak noong walang pasabi itong nagmamadaling naglakad patungong pinto. “Jane! Habulin mo si Kian, ngayon din!” utos sa akin ng aking ina. “Sige na!” may gigil na utos niya sa akin. Agad naman akong napababa ng entablado at nagmamadaling sinundan siya. “Kian, sandali lang!” habol ko sa kanya pero hindi niya man lang ako nilingon. Hindi ko ininda ang bigat ng suot kong gown dahil sa haba ng train nito. Pagkalabas ko ng bulwagan, inilibot ko ang tingin sa buong hallway pero hindi ko na siya mahagilap. Muli na lamang napahigpit ang pagkakapit ng kamay ko sa mamahaling tela ng gown. Bumalik na lamang ako sa loob dahil wala na akong magagawa—mas pinili niya si Scarlet kaysa sa kasal namin. Napuno ng bulungan ng mga panauhin ang loob noong tuluyan akong nakabalik sa unahan nang mag-isa. “Let's wait for him,” anunsiyo ni Mrs. Averoné sa lahat. Hindi naman naitago ng mga panauhin ang kanilang pagkainis sa mungkahing iyon. “Dalawang oras tayong pinaghintay ng groom tapos ngayon ay umalis na lang siya bigla nang hindi pa tapos ang seremonya.” “Sinasayang niya lang ang oras natin,” dugtong naman ng isa. Nakaramdam naman ng hiya si Mrs. Averoné sa mga naririnig na reklamo mula sa mga mayayamang panauhin. “Bakit hindi mo binilisan ang takbo mo para mahabol mo siya, Jane?” asik ni Mommy sa akin pagkalapit niya sa kinatatayuan ko. “Gusto mo rin bang ipahiya ang pamilya natin kaya hinayaan mo siyang umalis?” paninisi niya. Gusto ko siyang sagutin pero sumingit na ang pari. “Sa tingin ko, dahil wala na ang groom... wala na tayong magagawa kundi kanselahin na lamang ang kasal na ito,” anunsiyo nito. “Mabuti pa nga. This is such a waste of our precious time,” asik ni Mrs. Alcaraz na isa sa mga business partner ng Averoné Group. Pagkatayo nito ay nagsitayuan na rin ang iba, handa nang umalis sa bulwagan na may bitbit na sama ng loob. Biglang bumukas ang malaking pinto ng grand hall, na ikinatigil ng lahat. Pati ang pari na balak nang bumaba ng stage ay natigilan din. “The wedding will proceed.” Isang baritonong tinig ang dumagundong sa buong hall. Napatunganga ako noong makita ko siya. Napakaguwapo niya sa suot niyang mamahaling charcoal custom suit, maayos ang pagkaka-brush back ng kanyang buhok, at ang kanyang mga mata ay kalmadong nakatitig sa akin. Si Aviv. Dahan-dahan siyang naglakad sa gitna ng aisle, at ang bawat hakbang niya ay lumilikha ng kakaibang awtoridad na nagpatahimik sa buong bulwagan. Dire-diretso siya hanggang sa makarating siya sa tapat mismo ng stage. “I will replace my nephew,” malamig at seryosong anunsiyo ni Aviv habang nakatingin sa pari, bago ibinaling ang tingin sa akin. “Ako na ang magiging groom ni Jane.” Lalong nag-ingay ang mga bisita sa anunsiyo niya. Ang mga magulang ni Kian ay nagkatinginan, halata ang labis na gulat dahil sa sinabi ni Aviv. Tulala akong pinagmasdan siya noong tuluyan siyang umakyat sa stage at tinabihan ako. “Continue, Father. I’m making sure she leaves this room as my wife, not as a bride abandoned by my bastard nephew,” aniya sa pari, may awtoridad sa tinig, bago sumilay sa kanyang labi ang isang maliit na ngisi nang muling magtagpo ang aming mga paningin. Pumaskil sa aking labi ang hindi ko mapigilang ngiti. Ito ba ang dahilan kung bakit gustong-gusto niyang dumalo ako sa kasal na ito? Dahil pumayag na siya sa alok ko?Habang naglalakad kami palabas ng hotel, mas lalo kong hinihigpitan ang yakap ko sa kanya, dinarama ang matitigas na kalamnan ng kanyang dibdib at balikat. Mas isinubsob ko pa ang mukha ko sa kanyang leeg, marahas na nilalanghap ang mamahalin at nakalalasing niyang pabango.“Anong gagawin mo, sir... I mean, Aviv?” paos kong tanong habang isinasakay niya ako sa backseat ng kanyang marangyang kotse.Mabilis siyang pumasok at tinabihan ako bago itinaas ang tinted na bintana pagkasara ng pinto.Tinitigan niya ako sa gitna ng malamlam na ilaw sa loob ng sasakyan. Ang kanyang mga mata ay matalim na nakatitig sa akin. Sa tindi ng init na nararamdaman ko, wala na akong pakialam sa hiya. Inabot ko ang kanyang necktie at marahas iyong hinila para mapalapit ang aming mga mukha.“Panonoorin mo lang ba ako?” may hapo at nagmamakaawang saad ko, habang ang hininga ko ay dumadampi na sa kanyang mga labi.Naidako niya ang paningin sa aking balikat nang dahan-dahan kong ibaba ang strap ng suot kong put
Saglit namang napakunot ang noo ni Mommy sa hiling ko. “Akala ko ba ayaw mo sa alak?”“Gusto ko na ngayon. Bilis!” agarang sagot ko, kaya naman agad siyang tumawag ng waiter para salinan muli ang kopitang hawak ko.Pagkalapit ng waiter ay agad nitong nilagyan ng mamahaling alak ang hawak kong baso. Gusto ko sanang ubusin muli iyon sa isang lagukan lang para pawiin ang kakaibang kaba sa dibdib ko, pero mabilis na humarang ang malapad at mainit na palad ni Aviv para pigilan ang kamay ko.“Hindi ganyan ang pag-inom ng wine, Jane. Malalasing ka agad sa ginagawa mo,” saway niya sa akin sa mababang tono ngunit may awtoridad.“Minsan lang naman akong uminom, hayaan mo na ako,” pakiusap ko sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata.Napailing na lamang siya. “Fine. Bahala ka. Uminom ka kung gusto mo.”At walang alinlangan akong lumagok ng alak habang nakatuon naman ang mga mata ni Aviv sa akin.Ilang minuto ang lumipas matapos umalis ni Mommy para makipag-usap sa mga kakilala niya. Doon
“I can't believe you, Aviv. Puwede naman nating hintayin si Kian na bumalik o kaya ay ipagpaliban muna ang kasal. Hindi maganda sa paningin ng lahat na pinakasalan mo ang bride ng pamangkin mo. Nakakahiya ang ginawa mo,” sermong singit ni Ernest, ang kapatid ni Aviv sa ama.“Sandali lang ang seremonya ng kasal pero hindi niya natiis na puntahan ang babae niya. Pinili niya si Scarlet kaysa pakasalan ang bride,” malamig at may diin ang bawat bigkas ni Aviv. “At kung may nakakahiya man, hindi ang ginawa ko kundi ang pagtakpan ninyong mag-asawa ang matagal nang pagtataksil ng inyong anak kay Jane.”“Pero Aviv—” sisingit pa sana si Isabel pero agad siyang pinutol ng asawa ko.“Kinukunsinti ninyo ang kataksilan ng inyong anak. At sa nangyaring ito, kung sakaling hindi ako dumating, wala kayong pakialam kung mapahiya man ang bride sa harap ng maraming tao dahil inabandona siya ng kanyang groom.”Humigpit ang kapit ni Aviv sa kamay ko habang nakatitig sa kanila nang walang emosyon.“Jane and
Saglit akong napatitig sa nakaimprentang pangalan ni Aviv sa marriage contract bago ko siya nilingon. Nauna na siyang pumirma. Bahagya siyang napalingon sa akin habang pareho pa rin kaming nakaluhod sa harap ng pari.“You still have time to change your mind,” aniya sa mababang tono.Maikling ngiti ang itinugon ko sa kanya bago walang pag-aalinlangan akong pumirma.“I won't change my mind, Mr. Averoné. Ako ang nakiusap sa ’yo na palitan mo ang pamangkin mo. Ang pagpayag mo sa hiling ko ay napakalaking bagay para sa akin,” wika ko bago marahang itinulak ang papel patungo sa pari.Tinulungan ako ni Aviv na makatayo, at magkahawak-kamay kaming humarap sa napakaraming bisita. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin, sapat para maramdaman ko ang init ng kanyang hininga na agad nagpatuyo sa lalamunan ko.“Are you sure you want me to be your husband? We still have time not to register our marriage,” bulong niya.“I won't back down,” agaran kong sagot habang nakikipagtitigan sa kanya, kahit il
LORENZO GRAND HOTEL6:00 P.M.“Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng grand hall.“Parating na iyon. Just wait a little bit,” sagot naman ni Isabela Averoné, ang ina ni Kian.Makailang ulit akong nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga nang muling sumagi sa isip ko ang sinabi ni Aviv kanina. Hanggang ngayon, naguguluhan pa rin ako sa mga binitawan niyang salita.Ano kaya ang ibig niyang sabihin? Bakit gustong-gusto niyang dumalo ako sa kasal na ito gayong alam naman niya kung bakit ayaw ko nang magpakasal kay Kian?Muli kong inililibot ang mga mata sa paligid, pero hindi ko mahagilap si Aviv.Kung sana siya na lang ang groom ko, hindi sana ako matutuliro nang ganito. Ayaw ko na talagang magpakasal pa kay Kian pero anong magagawa ko, naririto na ako at ang pag
Akala ng mga kakilala ko ay maswerte ako dahil ipinanganak akong mayaman, pero hindi nila alam na isa lamang akong ampon at ang nag-ampon sa akin ay ginawa lamang akong collateral sa mga utang nila sa mga magulang ni Kian.Si Daddy na sugapa sa sugal. Si Mommy na maluho at mahilig mag-travel. Wala na silang ibang pinagkukunan ng pera para gawin ang gusto nila kaya ang pera sa negosyong itinayo pa ng mga namayapang magulang ni Daddy ang pinagkukunan nila.Ngayon, nasa kritikal na ang kondisyon ng kompanya at kaunti na lang ang oras ay tuluyan na itong magsasara. Kung hindi lamang tumutulong sa amin ang mga magulang ni Kian, hindi namin alam kung saan kami pupulutin dahil kahit itong Del Austria Mansion ay nakasangla na rin sa kanila.Kaya napagdesisyunan ng mga magulang ko na ipakasal na lamang ako sa anak ng mga taong nagpapautang sa kanila, para lang maisalba ang papaluging kompanya.At mabilis rin naman akong pumayag sa arranged marriage dahil kahit noon pa man ay gusto ko na si Kia







