Share

56: HOW CAN I SAVE HIM?

Umaga na at nagsimula na si Ren gawin ang bagay na pinapagawa ko sa kanya. Nasa office muli ako at nag aasikaso, kinausap ko rin si Cael about dito kagabi at nagsabi rin siya na hihingi siya ng tulong para mahanap si Grandpa. Sunod-sunod na rin talaga ang nangyayari sa akin kaya hindi ko na rin matukoy kung anong emosyon ba ang dapat kong maramdaman.

Maya-maya naman habang nagsusulat ako ay may kumatok sa pinto. "Ma'am Hazel, naandito po si Jeno, sabi niya kilala niyo raw po siya," saad ni Alice.

"Let him in," sagot ko sa kanya. Unti-unti namang nabuksan ang pinto at niluwa rito ang mukha ni Jeno na nakangiti. Pinakita niya sa akin ang hawak niyang dalawang ice cream, binili niya rin ang aking paboritong flavor na siya namang kinatuwa ko.

"Dumaan ako rito para kamustahin ka," sambit niya saka umupo sa upuan na nasa harapan ko. Isa-isa niya namang inalis sa plastic bag ang dalawang medium size na ice cream. "Nabalitaan ko ang nangyari sa grandpa mo," saa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status