Share

Kabanata 15.

KEEGAN

Nagagalak ang aking ina at ama nang makita nila si Hopa. Si Hopa ay ang aming buhay ngunit mahal niya si Deriba kaya mas pinili niya ito.

Winawasak ang puso ko ngayon sapagkat hindi ko kasama si Eliha. Ngunit nang dahil sa ang kanyang ina na ang nagdesisyon ay wala akong magagawa.

Matagal ko nang iniisip ang mukha ni Eliha. Pakiramdam ko ay nakita ko na siya noon pa lang. Unang kita ko pa lang sa kanya noong nililigawan ko siya ay sigurado na ako na nakita ko siya noon pero wala akong maalala.

"Ikinasal ka na pala kay Eliha, masaya ako para sa iyo, Keegan." Niyakap ako ng aking kapatid.

"Mahal kita, Hopa. Sana ay mapatawad mo ak-"

"Keegan, napakabuti mong kapatid. Kailan man ay hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa 'yo. Ang tanging itatanim ko lang ay ang mga alaala natin. Keegan, hindi ko kaya na mapalayo kay Deriba kahit na gano'n siya sa akin."

"Hopa, batid mo na tutol ako sa inyong relasyon pero kung saan ka sasaya ay susuportahan kita."

"Salamat, wala ka bang balak na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status