เข้าสู่ระบบChapter 2
Kasagsagan na ng tag-lamig, malakas na ang hangin. Kahit ang heater sa van na kinaroroonan niya ay hindi kayang painitin ang nanlalamig niyang katawan. Medyo nag-aalala pa rin siya. Naisip nya, ang buhay niya ngayon ay unti-unti ng nabibilang, ano naman kayang mga panlilinlang ang gagawin niya kapag nakaharap na ang asawa. Pinakalma ni Aleighna ang sarili at nag-text kay Shanice sinasabihan siya nitong kumalma. Huminto ang sasakyan sa isa sa mga pinakamalaking entertainment club dito sa Vanth. Binuksan ng drayber ang pinto, magalang ang mga galaw nito, ngunit iba ang ipinapakita ng ugali nito. Lumabas si Aleighna,ang lalaki naman ay nauuna sa kanyang maglakad. Naglalakad sila sa isang nakakasilaw na pasilyo at huminto ito sa naiibang siliid. Bumukas ang dalawang malalaking pinto, at tumabi ang lalaki “Mr.Stone dumating na po ang babae. ” Pagkatapos ay sinenyasan siya nitong pumasok. Handa na si Aleighna, at wala nang ibang pagpipilian kundi ang pumasok. Taglay ang ugali na “dahil nandito na ako . ” kaswal siyang pumasok. Napuno ng tensyon ang nakapaloob na espasyo; parang unti-unting nawawalan sya ng hangin at napakabilis ng tibok ng kanyang puso. Napatingin sya sa buong silid, at napako ang tingin niya sa isang taong nakaupo sa sofa. Nakaupo itong naka-krus ang mga binti, nakasandal sa sofa na gawa sa leather, napakalayo nito para makita niya ito ng malinaw. May kaunting pulang kislap na kumukurap sa mahinang liwanag, at ang amoy ng tabako ay nanatili sa hangin. Huminga ng malalim si Aleighna, lumapit at nakita ng mas malinaw ang mukha nito. Hindi sya photogenic. Lahat ng larawan nito ay di binigyang hustisya ang mukha ng kaharap. Mas gwapo ito sa personal kaysa sa mga litrato, ang pagkakaiba lang ay mas maputla ang kutis nito sa personal. Tinitignan niya ito ng maigi at napansin niyang nakabukas ang kwelyo ng itim nitong kamiseta, na nagpapakita sa napaka sexy nitong lalamunan at collarbone. Ang maputlang balat nito ay nagbibigay dito ng soft features kagaya ng isang babae. Ngunit ang labis niyang ipinagtataka ay hindi naman ito nagmumukhang may sakit at naghihingalo. Ang mukha pa nga lang nito ay tiyak makaka laglag panty na sa mga kababaihan. Habang papalapit siya, nakita ni Aleighna na may hawak itong sertipiko. Sertipiko ng kanilang kasal nga ang hawak nito, at kagaya din ito ng binigay sa kanya ni Mrs. Stone. Natural at hindi nga naman nito maitatago sa anak ang katotohanan. Ang pagtatangka niyang pagtatago dito ay wala nang silbi. “Hindi mo pa ba naririnig ang tungkol sa mga taong namamatay para sa pera?. ” Tinitigan ni Bradley ang babaeng nasa harap niya. Ang isang babaeng magpapakasal sa kanya sa ganitong sitwasyon ay malamang pera lang ang habol sa kanya. Alam ni Aleighna na hindi niya ito matatakasan; ang mga salitang binitawan nito ay nagpapa alala sa kanya na mamamatay talaga siya ng dahil sa pera. Kaya, nagpasya siyang gawin ang namumuong kabaliwan sa utak niya. Isang kaakit-akit na ngiti ang naglalaro sa kanyang mga labi. “Bakit hindi mo na lang tanggapin na pinakasalan kita dahil matagal na akong may paghanga sa iyo, at lahat ng ito ay plinano ko. ” Hinigpitan ni Bradley ang hawak sa kanyang sigarilyo. Plinano… may mga taong ganyan, gagawin ang lahat para sa pera. Pero wala sa mukha mo ang magplano ng ganito. “So tell me, Are you going to keep lying to me and make yourself more dumber or you're going to tell me the truth? . ” Napansin kaagad ni Bradley ang mga kasinungalingan at mapanlinlang na ngiti ni Aleighna sa isang sulyap lang. Pinatay niya ang kanyang sigarilyo sa ashtray, sinenyasan niya ito na lumapit sa kanya. Napalunok si Aleighna at kinakabahan man ay lumapit siya papunta dito. Ibinaba ni Bradley ang kanyang mga binti, umupo ng tuwid, hinawakan ang pulso ni Aleighna at marahas niya itong hinila papunta sa kanyang mga bisig. Nabigla, bumagsak si Aleighna sa mga bisig ni Bradley kung kaya itinulak niya itong palayo sa kanya. Ngunit, isang mahigpit na pagkakahawak ang naramdaman niya sa magkabila niyang mga baywang at idinidiin pa nitong lalo ang mga kamay nito sa baywang niya. Habang si Bradley naman ay naiinitan sa suot niyang kamiseta habang hawak pa rin sa baywang si Aleighna. Nang makita niya na hindi pa ito gumagalaw at nagre react sa ginagawa nya ay ginamit niya ang sertipiko ng kanilang kasal upang iangat ang baba nito , ang malalalim niyang mga mata ay nakatingin dito na puno ng pangungutya. “Hinahangaan mo pa rin ba ako ngayon?. ” tanong ni Bradley kay Aleighna sa nanlalamig na mga mata. Bumilis ang tibok ng puso ni Aleighna ngunit nanatiling kalmado ang kanyang mukha. Hindi sya komportable sa posisyon nila ngayon at nangangati ang kanyang mga baba sa sertipikong ginamit nito para iangat ang baba niya. Ngunit hayag pa rin niyang sinalubong ang mga mata nito. “Lahat ng babae sa Vanth ay hinahangaan ka at isa na ako dun. ” Malamig na tumawa si Bradley “Hindi ka ba natatakot sa mamatay. ” “Oo.” Tumaas ang kilay ni Bradley sa narinig. “Mamamatay din naman ako, Hindi ko alam kung ilang taon, buwan, araw at oras ang mayroon ako. Pero kung mamamatay man ako bilang asawa mo at makasama ang taong hinahangaan ko, alam kong wala akong pagsisisihan. ” Matapos marinig ni Bradley ang sagot nito ay apat na salita ang pumasok sa isip niya: Kalokohan. Pinilit niya itong itinulak palayo at tinapik ang mga binti nito. “Diborsyo.” Pilit pinapakalma ni Aleighna ang sarili, napansin ang sertipiko ng kanilang kasal na Itinapon nito. Nanatili siyang kalmado. “Kailangan nating maghintay ng isang buwan bago tayo mag diborsyo. ” Tumingin sa kanya si Bradley “ Do you think I need this? Do you think I need you? . ” Nanatiling tikom ang bibig ni Aleighna at di makapagsalita. Tumayo si Bradley, ang kanyang matangkad at tuwid na pangangatawan, malapad na balikat, makitid na baywang at ang balingkinitang nitong mga binti ay talaga namang kapansin pansin. Malamig niyang sinulyapan si Aleighna at kung nakakamatay man ang tingin ay paniguradong kanina pa nakabulagta sa sahig si Aleighna. “Hindi ako makikipaghiwalay. ” Napatigil si Bradley at diretsang tiningnan ang mga mata ni Aleighna, at kitang-kita sa mga mata niya ang galit, Sinalubong din ni Aleighna ang mga tingin nito at di din siya nagpatinag salubungin ang nagbabagang galit nito. “Hindi ako nagbibiro, ayaw ko makipaghiwalay sayo. ” Pinikit ni Bradley ang kanyang mga mata at pilit pinapakalma ang kanyang sarili. “Ito ay isang desisyon na ginawa ko pagkatapos ng maingat na pagsasaalang-alang.” Taos pusong sinabi ni Aleighna. “Sa pamamagitan lamang ng pagiging asawa mo ay magkakaroon ako ng karapatan para alagaan ka at isilang ang magiging anak mo. ” “Gaano man katagal ang natitira mong oras ay gusto kong sulitin iyon na kasama ka, ayokong magsisi sa huli. Kahit na makasarili ako, handa akong gawin ang lahat para makasama ka. ” Lahat ng mga binitawang salita ni Aleighna ay galing iyon sa puso nya, dahil sa halo halong emosyon na nadarama ay di na nya napigilan ang pamumuo ng mga luha sa kanyang mga mata. Lumapit si Bradley sa kanya at nagtanong sa isang malamig na boses, “Handa ka bang gawin ang kahit ano?. ” Nakararamdam man ng kaba si Aleighna sa kanyang paglapit, pero pinatigas pa rin niya ang kanyang puso at tumango, “Syempre naman.”Chapter 11 Tiningnan lamang siya ni Bradley ng matalim at saka siya nilagpasan at umakyat sa ka silid nito. Narinig ni Aleighna ang malakas na kalabog ng pinto, pero lalong lumapad ang ngiti sa kanyang mga labi. Kinuha niya ang mga pinagkainan at nagtungo sa kusina upang hugasan ang mga ito.Pagbalik sa kanyang malaking silid, humiga si Aleighna sa kama pero hindi siya magawang dalawin ng antok.Hindi naman siya maselan sa higaan, pero kahit anong gawin niya ay hindi siya makatulog.Kinuha niya ang kanyang cellphone, at biglang tumunog ito. May tumatawag na numero na hindi niya kilala.Alas-dose na ng gabi, at sa oras na ito ay bihirang may tumatawag sa kanya mula sa mga kakilala niya.Matagal na nagri-ring ang telepono, tila hindi titigil hangga't hindi sinasagot.Sa huli, sinagot din ni Aleighna ang tawag."Aleighna... gusto kitang makita."Hindi niya kilala ang numero, pero pamilyar na pamilyar sa kanya ang boses.Mahina ang boses ni Jameson, at tila nagmamakaawa, "Pwede mo ba ak
Chapter 10 Nagulat si Aleighna nang marinig niyang muli ang sabi nito, "Mag-asawa kayo, hindi pwedeng hiwalay ang tirahan niyo.""Balak ko sana na ipatira kayo sa mansyon, pero naisip ko na baka maistorbo namin kayo, kaya binawi ko na lang ang ideya.”"Alam mo naman ang gusto ko, at alam mo rin ang pinagdadaanan ko. Sana mabigyan mo agad ng anak si Bradley."Dito na dumako ang usapan.Alam na alam ito ni Aleighna, at pumayag naman siya noon."Mommy, gusto ko rin naman po, pero si Bradley..." Nag-atubili siyang magsalita, alam niyang maiintindihan ito ni Mrs. Stone.Sabi ni Mrs. Stone, "Huwag mo na siyang intindihin. Hindi mahalaga ang proseso, basta tama ang resulta."Ramdam ni Aleighna ang matinding kagustuhan ni Mrs. Stone na magka apo. Natatakot siya na baka nga ay wala nang maraming oras si Bradley.Pero kahit gusto niyang magbuntis, kailangan ding pumayag si Bradley.At higit sa lahat, ayaw na ayaw ni Bradley ang ganu'n, halos patayin na nga sya nito sa pagka disgusto nito sa ka
Author's Note: Hello love's! Sorry, ngayon lang nakapag update ang inyong author! Para bumawi sa inyo mga readers ko, may pa give-away ako sa inyo. Kapag umabot ng 300 views ang novel natin ay magpapa cashji ang inyong author sa first 10 na mag fo-follow sa akinPasasalamat ko sa inyong walang tigil na pag supporta sa MTAWB. Follow me at I add nyo sa library niyo ang Married to a Wicked Billionaire para mas maging updated kayo sa mga ganap ng ating novel at pa giveaways. Thankiess! Chapter 9 Dumilim na ang paligid.Pagpasok ni Bradley sa istasyon ng pulisya, nakita niya si Aleighna na nakaupo sa isang upuan. Gulong-gulo ang buhok, gusot-gusot at punit ang blouse, may sugat at pasa ang mukha at bagama't halatang pagod na pagod na, tuwid pa rin ang kanyang upo.Mag-isa itong nakaupo doon, parang isang pusang nawalay sa may-ari at walang matakbuhan.Nang makita ni Aleighna ang paparating, naningkit ang kanyang malungkot na mga mata. Pero nang makilala niya kung sino ito, nagulat
Chapter 8.2 Content Warning: This chapter includes themes of sexual violence and assault. Reader discretion is advised.Pilit kumakawala si Aleighna pero mas malakas ito.Hinihila siya nito papasok at binuksan ang pinto ng kotse.Habang lumalaban siya, lalo itong nanggagalaiti.Itinulak siya nito papasok kaya napahiga siya sa upuan.Sinipa niya ito gamit ang paa pero sumampa ito papasok sa loob ng sasakyan."Jameson, nababaliw ka na ba?!."Galit na galit siya kaya sinuntok at sinipa niya ito. Kinuha niya ang cellphone at susi at paulit-ulit na hinampas sa mukha at ulo nito.Kahit na babae siya at mas malakas ito sa kanya ay hindi hahayaan ni Aleighna na saktan siya nito. Kaya sa abot ng kanyang makakaya ay pinag sisipa at pinagsusuntok niya ito. Hindi inaasahan ni Jameson na ganito katapang at kalakas ang babae. Kung may hawak lang itong kutsilyo, paniguradong napatay na siya nito.Hinawakan niya ang mga kamay nito, ikinulong ang mga binti nito at umibabaw dito. Kung hindi niya
Chapter 8 Umuwi si Aleighna. Dahil sa ulan at ginaw, lalong lumala ang kanyang sipon.Barado ang ilong, sumasakit ang ulo at lalamunan.Uminom siya ng gamot at nagtalukbong ng kumot, yumuko at niyakap ang sarili.Mag-isa lang siya sa kama at ang tagal bago i uminit.Pagsapit ng madaling araw, hindi na niya kinaya. Nagsuot siya ng makapal na jacket at sumakay ng taxi papuntang ospital.Habang naka dextrose at lutang ang isip, napansin niya na lahat ng pasyente sa paligid ay may kasama. Hindi niya maiwasang mainggit.Mabagal ang oras at ayaw niyang matulog.Pinipilit niyang gisingin ang sarili at paminsan-minsan ay sumisilip.Nagpunta si Bradley para sa check-up at aksidenteng nakita si Aleighna na nakaupo sa gilid.Nakayuko ito, magulo ang buhok, at may karayom sa kamay. Sa dami ng tao, siya ang mukhang nakakaawa dahil wala itong kasama. Biglang tumingala si Aleighna at nagtama ang paningin nila."Bradley..." awtomatiko niyang tawag.Pero parang wala itong nakita at dumiretso lang it
Chapter 7 Nawala ang ngiti sa mga labi ng lahat at napalitan ito ng pagtataka.Natigilan si Terrence, tiningnan ang walang singsing na daliri ni Aleighna, at saka ngumiti. "Para lang tanggihan ako, gagawa ka talaga ng kahit anong dahilan."Alam ni Aleighna na hindi ito maniniwala.Paano naman niya isasama si Bradley doon para patunayan ito kung ayaw nga nitong may makaalam na mag-asawa silang dalawa. "Kung ganoon, tawagin mo ang asawa mo at ipakilala mo sa akin," nakangiting hamon pa rin ni Terrence.Kinagat ni Aleighna ang kanyang labi. "Busy kasi siya...""Aleighna," putol ni Terrence sa sasabihin pa sana niya. "Sinundan kita mula sa China hanggang dito sa Pilipinas. Seryoso ako at gusto talaga kita."Wala siyang pakialam sa itsura niya sa paningin ng iba. Taimtim ang kanyang mga mata. "Kung totoo ngang may asawa ka na, rerespetuhin ko at babatiin kayo. Pero kung nagdadahilan ka lang para umiwas, sa tingin ko hindi mo na kailangang gawin 'yon.""Bigyan mo naman ako ng pagkakataon,
Chapter 4 Pagkapasok pa lang niya sa sasakyan ay sinalubong na agad siya ng mahigpit na yakap ni Mrs.Stone.“It's good to see you again, my dear. You look so stunning as ever, kaya hindi ako nag dalawang isip na ipakasal kayo ng anak ko eh. ” Nakangiti at magiliw na sabi sa kanya ng ginang. “Tha
Chapter 3.2 Padami na ng padami ang mga nakikusyoso sa naganap na komosyon at maririnig mo ditong nakiki marites na ang mga ito kung ano ang totoong nangyari. Kaya hinila at inilayo na ni Shanice ang kaibigan. Hinaplos muli ni Jameson ang kanyang nasampal na pisngi at sinigawan ang lumalayon
Chapter 3 Sinuyod ng mga mata niya ang kaakit-akit nitong pigura. Kinakabahan si Aleighna at napapaisip siya sa mga naging desisyon niya;hindi na siya pwedeng umatras kaya pikit mata na lamang niyang tinanggap ang magiging kahihinatnan niya. Hinawakan niya ang laylayan ng kanyang damit at hinila
Chapter 2.2Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi ni Bradley sa kanyang sinabi. Nakaramdam si Angeleigh ng lamig sa kanyang mga batok sa maliit na ngiti nito. Umupo muli si Bradley, bahagyang nakahiwalay ang mga binti. “Lumuhod ka. ”Akala ni Aleighna ay nagkamali sya ng narinig. Ang kanyang n







