Share

Married to my Ex's Billionaire Uncle
Married to my Ex's Billionaire Uncle
Penulis: KISMET

CHAPTER 01

Penulis: KISMET
last update Tanggal publikasi: 2026-03-14 20:36:09

Zamira Rios POV

Sumakit agad ang ulo ko pagdilat ko.

Parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa sentido ko habang mabigat ang katawan ko sa kama. Mabagal akong huminga habang sinusubukang ayusin ang paningin ko sa kisame. Hindi iyon ang kisame ng condo ko. Masyadong mataas. Masyadong elegante. May chandelier pa sa gitna na mukhang mas mahal pa kaysa sa kotse ng karamihan sa kakilala ko. Kumunot ang noo ko habang unti-unting pumapasok sa isip ko ang tanong na hindi ko agad masagot—nasaan ako?

Dahan-dahan akong umupo sa kama at napangiwi dahil sa hilo. Doon ko lang napansin ang malamig na hangin na dumampi sa balat ko. Pagtingin ko sa sarili ko, halos tumalon palabas ang puso ko sa kaba.

Hubad ako.

Agad kong hinila ang kumot at binalot iyon sa katawan ko habang pilit kong inaalala ang nangyari kagabi. Pilit kong hinahalungkat ang memorya ko, pero puro putol-putol na eksena lang ang bumabalik. Ang malinaw lang ay ang bar, ang Fantasy Lounge sa Makati. Ang matinis na tunog ng mga baso, ang ilaw na umiikot sa kisame, at ang lasa ng alak na halos hindi na mawala sa dila ko. Naaalala ko ring umiiyak ako habang nagkukwento sa bartender kung gaano ka-gago ang ex kong si Nico. Paulit-ulit kong sinasabi kung paano ko sila nahuli ng ibang babae niya, kung paano niya ako tiningnan na parang wala lang akong halaga. Tatlong taon kaming magkasintahan. Tatlong taon kong ibinigay ang lahat sa kanya ang tiwala, oras, at pagmamahal ko tapos ganoon lang kadali para sa kanya na sirain iyon.

Napamura ako nang mahina habang pinipilit kontrolin ang kumukulong galit sa dibdib ko.

Bigla akong napahinto nang maramdaman ko ang kakaibang bigat sa kaliwang kamay ko.

Dahan-dahan kong itinaas iyon.

At doon tuluyang tumigil ang mundo ko.

May singsing sa daliri ko.

Hindi ito simpleng singsing. Malaki ang bato—diamond, at mukhang hindi mumurahin. Sa unang tingin pa lang, alam kong hindi ito ‘yung klaseng nabibili lang kung saan-saan. Nanlamig ang buo kong katawan habang nakatitig doon.

“Ano ‘to?” bulong ko.

Hindi pa ako nakakabawi sa gulat nang may naramdaman akong gumalaw sa kama sa tabi ko.

Napatigil ang paghinga ko.

May lalaki sa kama.

Mabagal akong lumingon, halos takot na takot sa makikita ko. Nakahiga siya nang nakatagilid, ang isang braso ay nakapatong sa unan kung saan nakahiga ako kanina. Magulo ang itim niyang buhok, at kalahati ng mukha niya ay natatakpan ng anino mula sa kurtina. Pero kahit ganoon, kitang-kita ko ang matigas niyang panga at ang matangos niyang ilong. Malapad ang balikat niya at malinaw na hubad din siya.

Halos masakal ako sa hangin.

Diyos ko.

Hindi ko alam kung ano ang mas nakakabigla—ang katotohanang may estrangherong lalaki sa kama ko o ang ideyang posibleng may nangyari sa amin kagabi. Pakiramdam ko ay biglang nagkagulo ang lahat sa loob ng ulo ko. Please, sabihin mong wala lang ‘to. Sabihin mong wala kaming ginawa. Sabihin mong bangungot lang ‘to.

Maingat akong gumalaw palabas ng kama, pilit na hindi siya ginigising. Pinulot ko ang kumot at binalot iyon sa katawan ko habang dahan-dahan akong tumayo.

Pero bago pa ako makalayo—

“Going somewhere?”

Napahinto ako.

Malalim.

Mababa.

At sobrang kalmadong boses ng lalaki.

Dahan-dahan akong napalingon.

Gising na siya.

At ngayon ay nakatingin siya sa akin ng diretso, matalim, parang sinusuri ang bawat galaw ko.

Napayakap ako nang mahigpit sa kumot.

“Uh… I think may misunderstanding,” mabilis kong sabi.

Umangat ang isang kilay niya.

“Misunderstanding?”

Tumango ako nang mabilis. “Oo. Kasi—uh—hindi ko talaga alam kung paano ako napunta dito.”

Umupo siya sa kama.

Mas lalo kong nakita ang katawan niya—malapad ang dibdib, may malinaw na linya ng muscle sa tiyan, at may tattoo sa gilid ng ribs niya. Bigla akong nahiya kahit hindi ko maintindihan kung bakit. Parang may kakaibang pressure sa hangin sa pagitan namin, kahit wala naman siyang ginagawa kundi tumingin lang sa akin.

Pinagmasdan niya ako ng ilang segundo bago siya nagsalita.

“Hindi mo alam?”

Napailing ako. “Last thing I remember, nasa bar ako.”

Sandaling natahimik ang kwarto.

Tapos… bigla siyang natawa nang mahina.

Hindi ito masayang tawa. Parang amusement lang, parang may alam siyang hindi ko alam.

“Oo,” sabi niya. “Nasa bar ka.”

Napakurap ako.

“Umiiyak ka,” dagdag niya. “At paulit-ulit mong sinasabing gaganti ka sa ex mo.”

Ramdam kong uminit ang mukha ko. Great. So hindi lang pala ako lasing kagabi naging dramatic pa ako sa harap ng estranghero.

“Tapos?” maingat kong tanong.

Tumayo siya.

At halos mapaatras ako nang lumapit siya. Mas matangkad siya kaysa sa inaakala ko yung halos isang ulo ang lamang niya sa akin. Habang papalapit siya, parang lalong sumisikip ang hangin sa pagitan namin. Naamoy ko ang pabango niya, malinis, medyo matapang, at nakakabaliw.

Huminto siya sa harap ko.

Sobrang lapit.

“After that,” mababa niyang sabi, “ikaw ang nag-aya.”

Nanlaki ang mata ko.

“Ano?!”

Tumango siya, parang walang big deal.

“Your exact words were—” bahagya siyang yumuko para mas mapalapit ang mukha niya sa akin.

“At dahil niloko ako ng ex ko…” bulong niya.

“Magpapakasal ako sa unang lalaking lalapit sa akin.”

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

“H-Hindi ko sasabihin ‘yon—”

Naputol ang sasabihin ko nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

Ang kamay na may singsing.

Dahan-dahan niya iyong tinaas sa pagitan namin.

“Too late,” kalmado niyang sabi.

Parang tumigil ang mundo ko.

“Bakit?” halos pabulong kong tanong.

Nagkibit-balikat siya.

“Because,” sabi niya, “you insisted.”

Nanlamig ang likod ko.

“Insisted… what?”

Tinitigan niya ako.

Diretso sa mata.

“Na pakasalan kita.”

Napabuga ako ng hangin.

“That's impossible.”

Hindi siya sumagot.

Sa halip, kinuha niya ang isang bagay sa side table.

Isang folder.

Binuksan niya iyon at inilabas ang isang papel. Pagkakita ko pa lang sa header, parang nawalan ng lakas ang tuhod ko.

Marriage Certificate.

Nakasulat doon ang pangalan ko.

Zamira Rios.

At ang pangalan niya.

Santiago Del Fierro.

Napaatras ako.

“H-Hindi… hindi ito totoo.”

“It's legal,” kalmado niyang sagot.

Hindi ko alam kung mas gusto kong sumigaw o himatayin. Parang sabay-sabay na nagkagulo ang lahat sa loob ng ulo ko. Hindi ito pwedeng mangyari. Hindi ako pwedeng magising isang umaga na may asawa na akong hindi ko man lang kilala.

“Bakit mo ginawa ‘to?!” halos sigaw ko.

Pero imbes na magalit, lalo lang siyang naging kalmado.

“Hindi ako ang nagpilit,” sabi niya.

Napayakap ako sa ulo ko.

Diyos ko.

Pinakasalan ko ang isang estranghero.

Huminga ako nang malalim, pilit na kinakalma ang sarili ko. Kahit papaano, may solusyon naman sa ganitong bagay. Hindi pa naman huli ang lahat.

“Okay,” sabi ko. “Fine. We'll just annul this. Easy.”

Tahimik siyang tumingin sa akin.

Tapos… bahagya siyang ngumiti.

Hindi iyon mabait na ngiti. Parang may alam siyang hindi ko alam.

“Pwede naman,” sabi niya.

Bahagya akong gumaan.

“Good—”

“Pero,” putol niya.

Nanikip ulit ang dibdib ko.

“May maliit na problema.”

Napakunot ang noo ko.

“Ano?”

Humakbang siya palapit.

Mas lalo kaming nagkalapit.

Halos magdikit ang hininga namin.

“Ang ex mo,” mahina niyang sabi.

“...kilala mo siya?”

Sumilay ang isang mapanganib na ngiti sa labi niya.

“Of course.”

Tumigil ang puso ko sa sumunod niyang sinabi.

“Kasi,” bulong niya,

“pamangkin ko si Nico.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 238

    Carys Valderama POVMaliwanag ang sikat ng araw sa BGC habang nakatayo ako sa harap ng malaking glass window ng aking opisina. Hawak ko ang isang tasa ng kape habang pinapanood ang magandang tanawin ng lungsod. Katatapos lang ng aming umagang meeting kasama ang buong legal team para sa paparating na Asian Legal Alliance summit sa Singapore.Bumukas ang pinto ng aking opisina at pumasok si Alexander na suot ang kanyang dark navy blue suit. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin at ipinalupot ang kanyang dalawang malalaking braso sa aking baywang mula sa likod. Isinisiksik niya ang kanyang mukha sa leeg ko habang humihinga nang malalim.Good morning, Mrs. Del Fierro, paos niyang bulong sa tenga ko. Napagod ka na naman ba sa dami ng pinirmahang dockets kanina?Lumingon ako sa kanya at nagpakawala ng isang maliit na ngiti habang umiinom ng kape. Hindi naman, Alexander. Sadyang kailangan lang nating siguraduhin na handa na ang lahat ng cross-borde

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 237

    Carys Valderama POVMabilis na lumipas ang buong linggo sa BGC Tower at tila walang tigil ang pagdating ng mga bagong dockets sa aming opisina. Nakaupo ako sa tapat ng aking executive desk habang sinusuri ang huling pahina ng compliance report para sa susunod na regional partnership sa Singapore.Bumukas ang pinto at pumasok si Alexander na suot ang kanyang dark grey suit jacket. Lumapit siya sa kinaroroonan ng mesa ko at dahan-dahang ipinalupot ang kanyang dalawang braso sa aking baywang mula sa likod habang isinisiksik ang kanyang mukha sa leeg ko."Napagod ka na ba sa mga basbas at kontrata ngayong araw, Mrs. Del Fierro?" paos niyang bulong sa tenga ko.Lumingon ako sa kanya at nagpakawala ng isang maliit na ngiti habang isinasara ang aking laptop. "Hindi naman, Alexander. Medyo marami lang talagang ini-review na cross-border agreements para sa susunod nating summit sa Singapore.""You should take a break, Carys," madiin niyang sagot habang iniaangat ang chin ko gamit ang thumb niy

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 236

    Alexander Santiago Del Fierro POVMalamig pa rin ang simoy ng hangin sa Tagaytay nang magising ako kinabukasan. Nakatayo ako sa tapat ng malawak na glass window ng master bedroom habang hawak ang isang tasa ng mainit na kape. Sa malaking kama sa likod ko, mahimbing pa ring natutulog si Carys habang nakayakap sa unan. Si Santi naman ay payapang natutulog sa crib sa kabilang bahagi ng silid.Dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok si Gabriel na may dalang isang maliit na tablet para sa mga unang ulat ngayong Lunes. Yumuko siya nang bahagya para hindi maistorbo ang pagtulog ng mag-ina ko.Good morning, Sir Alex, pabulong na bati ni Gabriel habang inabot ang tablet. Lahat ng security arrangements para sa pagbalik natin sa BGC ngayong hapon ay naka-finalize na ni Marco.Good, pabulong ko ring sagot habang tinitingnan ang mga dockets. Mayroon bang anumang urgent na kailangan kong pirmahan bago tayo umalis dito sa Tagaytay?Wala naman po, Sir Alex, sagot ni Gabriel. Lahat ng regional compl

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 235

    Carys Valderama POV Malamig at presko ang simoy ng hangin sa Tagaytay nang bumaba kami mula sa sasakyan sa tapat ng aming pamilyang estate. Matapos ang halos dalawang oras na biyahe galing BGC, agad na sinalubong ng kapayapaan ang aming paningin. Si Santi ay tuluyang nakatulog sa kanyang car seat habang buhat-buhat siya ni Alexander papasok ng main foyer. Nakaabang na sina Tita Zamira at Tito Santiago sa may double doors habang may mga dalang mainit na tsaa para sa amin. Suot ko ang isang cream knit sweater at dark trousers habang iniaayos ang coat ko laban sa lamig ng hapon. Welcome back to Tagaytay, mga anak, masayang bati ni Tita Zamira habang dahan-dahan niya akong niyakap. Ang ganda-ganda mo talaga, Carys, lalo na ngayong suot mo ang heirloom necklace na ibinigay ko. Salamat po nang marami, Mom, nakangiti kong sagot habang pumapasok kami sa maluwag na living room. Sobrang nagpapasalamat po ako sa napakagandang regalong ito. Ika-nga ni Mom, nararapat lang sa iyo ang pinakamag

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 234

    Carys Valderama POVMaagang nagising ang buong BGC penthouse dahil sa malakas na tawa ni Santi sa kanyang silid. Habang naghahanda ako ng mainit na kape sa kitchen counter, naramdaman ko na lang ang pagyakap ni Alexander mula sa likod ko. Suot niya ang kanyang puting t-shirt at dark grey sweatpants habang isinisiksik ang kanyang mukha sa leeg ko.Good morning, Mrs. Del Fierro, paos niyang bati habang dahan-dahang hinahaplos ang baywang ko. Ang aga namang magising ng paborito nating bosing ngayon.Lumingon ako sa kanya at inabot ang isang tasa ng kape. Good morning din, Mr. Del Fierro. Hindi ka na naman ba natulog nang maayos dahil tiningnan mo pa rin kagabi ang mga bagong dockets mula sa Tagaytay estate?Isang mababang tawa ang kumawala sa lalamunan niya habang umiinom ng kape. I just wanted to make sure everything is completely secure for our family weekend, Carys. Gusto ko pagdating natin doon mamaya, walang kahit anong aberya.Huwag masyadong maging workaholic kahit weekend, Alexan

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 233

    Carys Valderama POV Maliwanag ang sikat ng araw sa BGC ngayong Linggo ng umaga. Pagkatapos ng nakakapagod at matagumpay na gala noong isang gabi sa Solaire, napagpasyahan naming mag-asawa na huwag munang lumabas ng penthouse at maglaan ng buong araw para kay Santi. Nakatayo ako sa kitchen counter habang nagtitimpla ng kape nang maramdaman ko ang pagyakap ni Alexander mula sa likod ko. Suot niya ang kanyang puting t-shirt at grey sweatpants habang nakatali nang medyo magulo ang kanyang buhok. Good morning, Mrs. Del Fierro, paos niyang bati habang dahan-dahang hinahaplos ang aking baywang. Ang aga namang magising ng mag-ama ko ngayon. Lumingon ako sa kanya at inabot ang isang tasa ng kape. Good morning din, Mr. Del Fierro. Nasaan si Santi? Kanina ko pa naririnig ang boses niya sa sala kasama si Marco. Nasa playpen siya at abalang binabagsak ang mga wooden blocks niya, sagot ni Alexander habang umiinom ng kape. Pinabantayan ko muna kay Marco para makapagsolo naman tayo kahit sa

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 03

    Zamira Rios POVParang gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko matapos marinig ang sinabi ni Santiago. Pakiramdam ko ay unti-unting bumibigat ang hangin sa paligid habang pilit kong iniisip kung ano ang posibleng mangyari kapag nalaman ni Nico ang tungkol dito. Kilala ko ang ex ko. Kilala ko kung gaa

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 02

    Zamira Rios POV Parang may sumabog sa loob ng ulo ko matapos kong marinig ang sinabi niya. Nanatili akong nakatayo sa harap niya habang nakatitig lang sa mukha niya, pilit pinoproseso ang mga salitang kakalabas lang sa bibig niya. Pamangkin ko si Nico. Paulit-ulit na umuugong iyon sa isip ko, par

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 05

    Zamira Rios POV Habang hawak ko ang puting dress na ibinigay ni Santi, hindi ko maiwasang titigan ito nang ilang segundo na parang may sagot itong ibibigay sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot sa desisyong kakagawa ko lang. Kanina lang ay desperado akong humanap ng paraan para m

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 04

    Zamira Rios POVHindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Santi. Hindi dahil kinilig ako dahil malinaw na hindi iyon ang dahilan kundi dahil sa paraan ng pagkakasabi niya nito. May kakaibang bigat ang boses niya, parang hindi lang iyon simpleng paha

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status