Partager

CHAPTER 05

Auteur: KISMET
last update Date de publication: 2026-03-14 21:00:06

Zamira Rios POV

Habang hawak ko ang puting dress na ibinigay ni Santi, hindi ko maiwasang titigan ito nang ilang segundo na parang may sagot itong ibibigay sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot sa desisyong kakagawa ko lang. Kanina lang ay desperado akong humanap ng paraan para makaalis sa kasal na ito, pero ngayon ako mismo ang nagsabi na lalabas kami bilang mag-asawa. Alam kong partly ay dahil sa galit ko kay Nico. Isang bahagi ng utak ko ang gustong makita ang mukha ng ex ko kapag nalaman niyang ang babaeng niloko niya ay ngayon ay Mrs. Del Fierro na. Pero habang iniisip ko iyon, hindi ko rin maiwasang maramdaman na para akong naglalakad papunta sa isang mas malaking gulo. Ang pamilya Del Fierro ay hindi ordinaryong pamilya. Kahit hindi ako parte ng mundo ng mga bilyonaryo, alam kong kapag nadikit ang pangalan mo sa kanila, hindi ka na basta-basta makakaalis.

“Bakit ka nakatitig lang sa damit?” tanong ni Santi mula sa likod ko.

Napakurap ako at mabilis na napalingon sa kanya.

“Iniisip ko lang kung gaano kalala ang magiging desisyon ko kapag sinuot ko ‘to.”

Bahagya siyang ngumiti.

“Too late to worry now.”

Napairap ako. Kahit nakakairita ang pagiging kalmado niya, may bahagi ng isip ko na napapansin kung gaano ka-komportable siyang hawakan ang sitwasyon. Parang sanay siyang nasa gitna ng kaguluhan at siya pa rin ang may kontrol. Hindi ko alam kung nakakainis iyon o nakakapanatag.

“Sige,” sabi ko habang hawak pa rin ang dress. “Lilingon ka ba o kailangan kitang itulak palabas?”

Tumaas ang isang kilay niya.

“You think I’ll stare?”

“Hindi ko alam,” sagot ko agad. “Kakakilala lang natin kagabi.”

Huminga siya nang mabagal bago tumalikod.

“Relax. I have standards.”

Napangisi ako nang bahagya kahit hindi niya nakikita. Mabilis kong hinigpitan ang kumot sa katawan ko at naglakad papunta sa banyo. Pagpasok ko sa loob, saka ko lang tuluyang ibinaba ang kumot at nagsimula akong magbihis.

Habang isinusuot ko ang dress, hindi ko maiwasang titigan ang sarili ko sa salamin. Maayos ang fit nito sa katawan ko, parang sinukat talaga para sa akin. Mas lalo tuloy akong nagtataka kung bakit parang handa si Santi sa lahat ng nangyayari. Kagabi ko lang siya nakilala yan ay kung tama nga ang mga sinasabi niya pero parang may mga bagay siyang inaasahan na hindi ko maintindihan. Habang nakatitig ako sa sarili kong repleksyon, hindi ko maiwasang isipin kung paano nagbago ang buhay ko sa loob lang ng ilang oras. Kagabi, ako ay isang babaeng nasaktan lang ng ex niya. Ngayon, isa na akong asawa ng isang lalaking halos hindi ko kilala. At hindi lang basta lalaki kundi isang Del Fierro.

Huminga ako nang malalim bago tuluyang lumabas ng banyo.

Paglabas ko, nakita ko si Santi na nakatayo malapit sa bintana. Nakasuot na siya ng itim na slacks at puting polo na bahagyang nakabukas ang unang dalawang butones. Nakaharap siya sa labas, pero nang maramdaman niya siguro ang presensya ko ay agad siyang lumingon.

Sandali siyang natahimik habang tinitingnan ako.

“Okay lang?” tanong ko, bahagyang naiilang sa titig niya.

Hindi siya agad sumagot.

Sa halip ay lumapit siya ng kaunti hanggang sa tumigil siya ilang hakbang lang ang layo sa akin.

“You look like my wife,” sabi niya sa wakas.

Napairap ako.

“Technically, I am.”

Bahagya siyang ngumiti.

“Exactly.”

Huminga ako nang malalim habang sinusubukang huwag masyadong isipin ang sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing binabanggit niya ang salitang wife, parang may kakaibang bigat iyon sa hangin.

“So… paparazzi?” tanong ko habang tumitingin sa pinto.

Tumango siya.

“Still there.”

Nanlamig nang bahagya ang likod ko. Habang iniisip ko ang eksenang sasalubong sa amin sa labas, pakiramdam ko ay bigla akong naging artista sa isang pelikulang hindi ko naman sinubukang pasukin.

“At ano ang plano mo?” tanong ko.

Lumapit siya hanggang sa halos magkatabi na kami.

“Simple,” sagot niya. “We walk out.”

Napabuntong-hininga ako.

“Simple para sa’yo.”

Hindi siya sumagot agad. Sa halip ay may ginawa siyang hindi ko inaasahan. Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko. Ang kamay na may suot na singsing.

Halos mapahinto ang paghinga ko habang nakatingin sa mga daliri naming magkadikit. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang naging aware ako sa init ng balat niya sa balat ko.

“Anong ginagawa mo?” tanong ko.

“Preparing you,” sagot niya.

“Para saan?”

Tumingin siya sa akin nang diretso.

“Para sa role mo.”

Napakunot ang noo ko.

“Role?”

Bahagya siyang ngumiti.

“Yes, Zamira,” sabi niya. “From this moment on…”

dahan-dahan niyang itinaas ang kamay naming magkahawak.

“…ikaw na ang Mrs. Del Fierro.”

Hindi pa ako nakakareact nang may kumatok sa pinto.

Tatlong mabilis na katok.

Napalingon si Santi sa pinto habang hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.

“Sir,” sabi ng boses mula sa labas. “They’re waiting downstairs.”

Biglang kumabog nang malakas ang puso ko. They. Hindi ko na kailangang itanong kung sino ang tinutukoy ng taong nasa labas. Alam kong paparazzi ang ibig niyang sabihin. Ang mundo sa labas ng kwartong ito ay naghihintay na makita ang bagong eskandalo ng pamilya Del Fierro.

Huminga ako nang mabagal habang nakatingin sa pintuan.

“Ready?” tanong ni Santi.

Hindi ko alam kung ready ba talaga ako. Sa totoo lang, parang gusto ko pang umatras. Pero habang iniisip ko ang lahat—si Nico, ang panloloko niya, at ang katotohanang nagising ako ngayong umaga na may asawa na—may kakaibang tapang na biglang sumulpot sa dibdib ko. Kung magugulo na rin lang ang buhay ko, baka mas mabuti nang harapin ko ito nang diretso.

Tumango ako.

“Let’s go.”

Bahagya siyang ngumiti bago niya hinila ang pinto pabukas.

At sa sandaling iyon, hindi ko pa alam na ang paglabas ko sa kwartong iyon ay hindi lang magsisimula ng isang eskandalo—

kundi ng isang digmaan.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Dernier chapitre

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 238

    Carys Valderama POVMaliwanag ang sikat ng araw sa BGC habang nakatayo ako sa harap ng malaking glass window ng aking opisina. Hawak ko ang isang tasa ng kape habang pinapanood ang magandang tanawin ng lungsod. Katatapos lang ng aming umagang meeting kasama ang buong legal team para sa paparating na Asian Legal Alliance summit sa Singapore.Bumukas ang pinto ng aking opisina at pumasok si Alexander na suot ang kanyang dark navy blue suit. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin at ipinalupot ang kanyang dalawang malalaking braso sa aking baywang mula sa likod. Isinisiksik niya ang kanyang mukha sa leeg ko habang humihinga nang malalim.Good morning, Mrs. Del Fierro, paos niyang bulong sa tenga ko. Napagod ka na naman ba sa dami ng pinirmahang dockets kanina?Lumingon ako sa kanya at nagpakawala ng isang maliit na ngiti habang umiinom ng kape. Hindi naman, Alexander. Sadyang kailangan lang nating siguraduhin na handa na ang lahat ng cross-borde

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 237

    Carys Valderama POVMabilis na lumipas ang buong linggo sa BGC Tower at tila walang tigil ang pagdating ng mga bagong dockets sa aming opisina. Nakaupo ako sa tapat ng aking executive desk habang sinusuri ang huling pahina ng compliance report para sa susunod na regional partnership sa Singapore.Bumukas ang pinto at pumasok si Alexander na suot ang kanyang dark grey suit jacket. Lumapit siya sa kinaroroonan ng mesa ko at dahan-dahang ipinalupot ang kanyang dalawang braso sa aking baywang mula sa likod habang isinisiksik ang kanyang mukha sa leeg ko."Napagod ka na ba sa mga basbas at kontrata ngayong araw, Mrs. Del Fierro?" paos niyang bulong sa tenga ko.Lumingon ako sa kanya at nagpakawala ng isang maliit na ngiti habang isinasara ang aking laptop. "Hindi naman, Alexander. Medyo marami lang talagang ini-review na cross-border agreements para sa susunod nating summit sa Singapore.""You should take a break, Carys," madiin niyang sagot habang iniaangat ang chin ko gamit ang thumb niy

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 236

    Alexander Santiago Del Fierro POVMalamig pa rin ang simoy ng hangin sa Tagaytay nang magising ako kinabukasan. Nakatayo ako sa tapat ng malawak na glass window ng master bedroom habang hawak ang isang tasa ng mainit na kape. Sa malaking kama sa likod ko, mahimbing pa ring natutulog si Carys habang nakayakap sa unan. Si Santi naman ay payapang natutulog sa crib sa kabilang bahagi ng silid.Dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok si Gabriel na may dalang isang maliit na tablet para sa mga unang ulat ngayong Lunes. Yumuko siya nang bahagya para hindi maistorbo ang pagtulog ng mag-ina ko.Good morning, Sir Alex, pabulong na bati ni Gabriel habang inabot ang tablet. Lahat ng security arrangements para sa pagbalik natin sa BGC ngayong hapon ay naka-finalize na ni Marco.Good, pabulong ko ring sagot habang tinitingnan ang mga dockets. Mayroon bang anumang urgent na kailangan kong pirmahan bago tayo umalis dito sa Tagaytay?Wala naman po, Sir Alex, sagot ni Gabriel. Lahat ng regional compl

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 235

    Carys Valderama POV Malamig at presko ang simoy ng hangin sa Tagaytay nang bumaba kami mula sa sasakyan sa tapat ng aming pamilyang estate. Matapos ang halos dalawang oras na biyahe galing BGC, agad na sinalubong ng kapayapaan ang aming paningin. Si Santi ay tuluyang nakatulog sa kanyang car seat habang buhat-buhat siya ni Alexander papasok ng main foyer. Nakaabang na sina Tita Zamira at Tito Santiago sa may double doors habang may mga dalang mainit na tsaa para sa amin. Suot ko ang isang cream knit sweater at dark trousers habang iniaayos ang coat ko laban sa lamig ng hapon. Welcome back to Tagaytay, mga anak, masayang bati ni Tita Zamira habang dahan-dahan niya akong niyakap. Ang ganda-ganda mo talaga, Carys, lalo na ngayong suot mo ang heirloom necklace na ibinigay ko. Salamat po nang marami, Mom, nakangiti kong sagot habang pumapasok kami sa maluwag na living room. Sobrang nagpapasalamat po ako sa napakagandang regalong ito. Ika-nga ni Mom, nararapat lang sa iyo ang pinakamag

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 234

    Carys Valderama POVMaagang nagising ang buong BGC penthouse dahil sa malakas na tawa ni Santi sa kanyang silid. Habang naghahanda ako ng mainit na kape sa kitchen counter, naramdaman ko na lang ang pagyakap ni Alexander mula sa likod ko. Suot niya ang kanyang puting t-shirt at dark grey sweatpants habang isinisiksik ang kanyang mukha sa leeg ko.Good morning, Mrs. Del Fierro, paos niyang bati habang dahan-dahang hinahaplos ang baywang ko. Ang aga namang magising ng paborito nating bosing ngayon.Lumingon ako sa kanya at inabot ang isang tasa ng kape. Good morning din, Mr. Del Fierro. Hindi ka na naman ba natulog nang maayos dahil tiningnan mo pa rin kagabi ang mga bagong dockets mula sa Tagaytay estate?Isang mababang tawa ang kumawala sa lalamunan niya habang umiinom ng kape. I just wanted to make sure everything is completely secure for our family weekend, Carys. Gusto ko pagdating natin doon mamaya, walang kahit anong aberya.Huwag masyadong maging workaholic kahit weekend, Alexan

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 233

    Carys Valderama POV Maliwanag ang sikat ng araw sa BGC ngayong Linggo ng umaga. Pagkatapos ng nakakapagod at matagumpay na gala noong isang gabi sa Solaire, napagpasyahan naming mag-asawa na huwag munang lumabas ng penthouse at maglaan ng buong araw para kay Santi. Nakatayo ako sa kitchen counter habang nagtitimpla ng kape nang maramdaman ko ang pagyakap ni Alexander mula sa likod ko. Suot niya ang kanyang puting t-shirt at grey sweatpants habang nakatali nang medyo magulo ang kanyang buhok. Good morning, Mrs. Del Fierro, paos niyang bati habang dahan-dahang hinahaplos ang aking baywang. Ang aga namang magising ng mag-ama ko ngayon. Lumingon ako sa kanya at inabot ang isang tasa ng kape. Good morning din, Mr. Del Fierro. Nasaan si Santi? Kanina ko pa naririnig ang boses niya sa sala kasama si Marco. Nasa playpen siya at abalang binabagsak ang mga wooden blocks niya, sagot ni Alexander habang umiinom ng kape. Pinabantayan ko muna kay Marco para makapagsolo naman tayo kahit sa

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 04

    Zamira Rios POVHindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Santi. Hindi dahil kinilig ako dahil malinaw na hindi iyon ang dahilan kundi dahil sa paraan ng pagkakasabi niya nito. May kakaibang bigat ang boses niya, parang hindi lang iyon simpleng paha

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 03

    Zamira Rios POVParang gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko matapos marinig ang sinabi ni Santiago. Pakiramdam ko ay unti-unting bumibigat ang hangin sa paligid habang pilit kong iniisip kung ano ang posibleng mangyari kapag nalaman ni Nico ang tungkol dito. Kilala ko ang ex ko. Kilala ko kung gaa

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 02

    Zamira Rios POV Parang may sumabog sa loob ng ulo ko matapos kong marinig ang sinabi niya. Nanatili akong nakatayo sa harap niya habang nakatitig lang sa mukha niya, pilit pinoproseso ang mga salitang kakalabas lang sa bibig niya. Pamangkin ko si Nico. Paulit-ulit na umuugong iyon sa isip ko, par

  • Married to my Ex's Billionaire Uncle   CHAPTER 01

    Zamira Rios POV Sumakit agad ang ulo ko pagdilat ko. Parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa sentido ko habang mabigat ang katawan ko sa kama. Mabagal akong huminga habang sinusubukang ayusin ang paningin ko sa kisame. Hindi iyon ang kisame ng condo ko. Masyadong mataas. Masyadong eleg

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status