Sa sandaling iyon, huminto ang paghinga ni Cassandra. Ang lahat ng sakit at pagkawasak na pinipilit niyang takasan ay biglang bumangga sa bigat ng tingin ng lalaking na sa harap niya.
“Ayos lang ako.” Mahina at basag na tinig ni Cassandra,.pilit pa ring ikinukubli ang panginginig ng kanyang katawan. Hindi man sila ganoon kakilala, naalala niyang minsan o dalawang beses niyang nang nakita ang lalaking ito sa pamilya Valdez. Si Xyler ang panganay na kapatid ni Ethan.
Ngunit bago pa man siya makapagtuloy ng kahit anong salita, dumagundong ang malamig na tinig ng lalaki.
“Sumakay ka sa kotse!” Matigas walang puwang sa pagtutol. Ang kanyang mukha ay tila ukit na bato seryoso malamig, at puno ng awtoridad na hindi kayang suwayin.
Napakurap si Cassandra, tila natauhan. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga daliri at ang sakit na kumakalat mula sa sugat sa kanyang ulo. Ngunit higit pa sa lahat, naramdaman niyang sa malamig na boses na iyon ay may halong bigat na parang hindi lang basta utos, kundi isang uri ng pag-utos na may kasamang pag-aalala, bagama’t ayaw nitong ipakita.
“Ayos lang talaga ako.” Mahina ngunit mariing wika ni Cassandra, pilit niyang inaalis ang kamay mula sa pagkakahawak ni Xyler. Ngunit ang kawalan ng lakas. Ang bigat mg kanyang katawan at ang panghihina mula sa pagdurugo sa kanyang ulo ay pagbubunyag ng katotohanan wala na siyang kontrol.
“Miss sumakay na po kayo!” Singit ni Dominic, mabilis na binuksan ang pinto ng SUV. May bahid ng pag-aalala ang boses nito. “Kung hindi maagapan, maaaring maging banta sa buhay ang sugat ninyo sa ulo!”
Namilog ang mga mata ni Cassandra bahagyang natigilan. Sa loob-looban niya gusto niyang ipagsigawan na wala nang saysay ang lahat, na mas matindi ang sugat sa kanyang puso kaysa sa ulo. Ngunit sa higpit ng pagkakahawak ng malamig na kamay ni Xyler, ramdam niyang hindi ito magbibigay ng pagkakataon para siya ay tumakas.
Sa loob ng looby, ang ilaw ay tila nagiging malabong anino. Ang bigat ng bawat hakbang, ang init ng dugong dumadaloy sa kanyang sentido, at ang malamig na titig ng lalaki sa harap niya lahat iyon ay tila nagtutulak sa kanya sa isang desisyon hindi na niya kayang iwasan.
“Kung ayaw mong mas lalong marami pang makakita sa kalagayan mo, bumalik ka rito at sumakay!” sigaw na utos ni Xyler.
Ang boses niya’y walang bahid ng pakiusap, tanging utos lamang. Binitawan niya ang kamay ni Cassandra, subalit nanatili ang bigat ng kanyang titig na nakatutok sa harap niya para bang ayaw niyang ipakitang siya man ay naapektuhan.
Napatigil si Cassandra, tila pinipigilan ng sariling pagmamataas ang mga paa niyang gumalaw. Ngunit nang maramdaman ang lagkit ng dugong patuloy na dumadaloy sa kanyang buhok, napapikit siya sa gitna ng kahinaan at hiya isang mahinang buntong-hininga ang kumawala sa kanya. Nag-aalangan man, marahan siyang pumasok sa loob ng sasakyan.
Agad namang isinara ni Dominic ang pinto at, sa mabilis na galaw, itinulak niya ang wheelchair ni Xyler papunta sa kabilang gilid. Ang kanyang mga kamay ay sanay at maingat habang inaalalayan ang opisyal na tila malamig at walang emosyon. Ngunit sa likod ng malamig na anyo ni Xyler ang kanyang mga mata ay muling kumislap hindi galit, kundi isang matinding paghuhusga at isang lihim na pag-aalala na ayaw niyang ipahalata.
Umandar ang land Rover, mabilis na pinaandar ni Dominic ang manika at agad na kumaripas patungo sa ospital. Sa bawat pag-ikot ng gulong, para bang mas lalo lamang bumibigat ang dibdib ni Cassandra.
Sa labas ng bintana, mabilis na nagbabago ang tanawin ng mga gusali, poste ng ilaw, at anino ng mga taong abala sa sariling buhay. Ngunit sa mga mata ni Cassandra, lahat ay naging malabong kulay-abo. Wala siyang naririnig, wala siyang nakikita. Ang buong mundo niya’y tila natigilan sa mismong sandali nang itulak siya ng lalaking minamahal niya ng siyam na taon.
Ang kirot sa kanyang ulo ay matalim, dumadaloy ang dugo, ngunit ang sakit sa kanyang puso ang higit na pumupunit sa kanya. Sa bawat pintig ng ugat sa kanyang sentido, kasabay din ang pagbabalik ng masasakit na alaala ang mga ngiti ang mga pangako, at ang kasinungalingan itinago sa likod ng mga iyon.
Sa kabilang bahagi ng sasakyan, si Xyler ay nakaupo nang tahimik. Ang kanyang mga mata ay nakapikit ng bahagya, ngunit paminsan-minsan ay dumidilat lihim na sinusulyapan ang babae sa tabi niya. Wala siyang sinasabi at ang mukha niya’y nananatiling malamig, ngunit ang bawat patak ng dugong nakikita niyang dumadaloy mula sa ulo ni Cassandra ay para bang patalim na sumasaksak sa kanyang dibdib isang damdaming ayaw niyang ipakita kanunuman.
“Tanga.” mahina at mapait na bulong ni Cassandra, kasabay ng isang ngiti na mas masakit pa kaysa sa luha. Ang ngiti niya’y hindi ng kasayahan kundi ng pait at kawalan ng pag-asa isang ngiting kapag nasilayan ay nakakasugat sa puso ng sinumang makakakita.
Siyam na taon. Sa kanyang isipan paulit-ulit na umiikot ang bilang na iyon. Siyam na taon ng pagtitiis ng pag-asa, ng paniniwala sa isang pag-ibig na akala niya'y totoo. Ilang beses siyang lumaban? Ilang beses siyang naghintay? At ngayong nasa harap niya ang katotohanan, napagtanto niyang lahat ng iyon ay nauwi lamang sa isang malupit na biro ng kapalaran.
Para kay Cassandra, ang siyam na taon ay dapat naging isang kwento ng katapatan at gantimpala sa dulo. Ngunit sa halip, ngayon ay tila naging isang malamig na biro lamang, isang hungkag na numero na walang kabuluhan.
At sa kanyang maputlang labi, nanatili ang ngiti ng isang babaeng lubos nang sinuko ang lahat ng pinanghahawakan
Mabilis na nakarating ang sasakyan sa ospital. Tahimik na sumunod si Cassandra kina Dominic at sa lalaking seryoso ang aura papunta sa emergency room. Doon maingat na nilinis at tinahi ng doktor ang sugat niya. Bawat dampi ng alcohol, bawat tusok ng karayom ay parang humihiwa rin sa puso niyang wasak na. Pagkatapos ay binigyan siya ng ilang gamot pero walang reseta ang nakakagamot sa sugat ng kanyang damdamin.
Makalipas ang halos kalahating oras, muli siyang sumakay sa Land Rover ni Xyler. habang tinatahak ng sasakyan ang madilim at tahimik na lansangan ng siyudad. Sa loob ng kotse,
tanging ugong ng makina ang maririnig at ang tanawin sa labas ay dumaraan lamang na parang mga anino walang saysay, walang kulay.
Sampung minuto ang lumipas mula nang iwan nila ang ospital, at biglang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang maluwang na plaza. Walang salitang binitiwan ni Xyler ngunit malamig na titig ang ipinukol niya sa labas ng bintana. Agad namang bumaba si Dominic binuksan ang pinto, at humakbang palabas ng sasakyan.
Pinutol ng malamig ngunit mababang tinig ni Xyler ang katahimikan sa loob ng sasakyan.“Cassandra ang pangalan mo, tama ba?”Bihira na siyang umuwi nitong mga nakaraang taon, ngunit madalas niyang marinig mula kay Ethan ang pangalang iyon kaya’t kahit paano’y may kaunting alaala siyang naiiwan tungkol sa dalaga.Dahan-dahan na napalingon si Cassandra, saka dahan-dahang tumango. “Oo…” mahina niyang tugon, halos wala nang buhay sa boses niya.Hindi siya tumingin sa lalaki. Sa halip, nakapako ang kanyang mga mata sa labas ng bintana, doon sa kalangitang tila walang hanggan. Ang ulap na dumaraan ay tila ba mga bakas ng panahong lumipas magaan at madaling naglalaho, gaya ng siyam na taong ibinuhos niya sa maling tao.Muling bumasag sa katahimikan ang malamig na tinig ni Xyler.“Bumalik ako mula sa hukbo ngayong pagkakataon para magpakasal.”Bahagyang gumalaw ang labi ni Cassandra, ngunit ang sagot ay tila wala sa loob.“Ah…” mahina niyang tugon, halos hindi niya alam kung ano ang sinabi ni
Sa sandaling iyon, huminto ang paghinga ni Cassandra. Ang lahat ng sakit at pagkawasak na pinipilit niyang takasan ay biglang bumangga sa bigat ng tingin ng lalaking na sa harap niya.“Ayos lang ako.” Mahina at basag na tinig ni Cassandra,.pilit pa ring ikinukubli ang panginginig ng kanyang katawan. Hindi man sila ganoon kakilala, naalala niyang minsan o dalawang beses niyang nang nakita ang lalaking ito sa pamilya Valdez. Si Xyler ang panganay na kapatid ni Ethan.Ngunit bago pa man siya makapagtuloy ng kahit anong salita, dumagundong ang malamig na tinig ng lalaki.“Sumakay ka sa kotse!” Matigas walang puwang sa pagtutol. Ang kanyang mukha ay tila ukit na bato seryoso malamig, at puno ng awtoridad na hindi kayang suwayin.Napakurap si Cassandra, tila natauhan. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga daliri at ang sakit na kumakalat mula sa sugat sa kanyang ulo. Ngunit higit pa sa lahat, naramdaman niyang sa malamig na boses na iyon ay may halong bigat na parang hindi lang basta u
Nang marinig ni Cassandra ang tinig na iyon, kusa siyang napalingon sa direksyon ng pinto. Doon sa labas ng opisina ay nakaparada ang isang wheelchair.Nakaupo roon ang isang lalaki na agad na agaw-pansin sa kanyang presensya nakasuot ng military uniform , mahigpit at maayos ang tindig kahit nakaupo lamang. Maikli at malinis ang gupit ng kanyang buhok, na lalong nagbigay-diin sa kanyang matikas na anyo. Sa ilalim ng makakapal at matalim na kilay, nagliliyab ang isang pares ng mga matang tila espada matatalim, malamig, at galit na galit habang nakatuon sa eksenang bumungad sa kanya.Para bang ang titig na iyon ay kayang tumagos sa laman, punitin ang kaluluwa, at walang sinuman ang makakatakas sa bigat ng kanyang presensya.Nanigas si Ethan nang tuluyang makita ang taong nasa pinto. Bahagyang kumislot ang kanyang labi, halatang hindi makahanap ng tamang salita. Sa kabila ng tikas ng kanyang tindig, kitang-kita ang pamumutla ng kanyang mukha at ang alanganing pagkakatayo.“Kuya a-anong
Paano ba siya hindi nadudurog? Paano ba hindi guguho ang puso at kaluluwa niya?At ang pinakamasakit sa lahat kahit sa harap ng katotohanan, kahit sa gitna ng bangungot kumakapit parin siya sa isang munting sinag ng pag-asa. Umaasa siyang nagsisinungaling lamang si Ethan. Umaasa siyang ang lahat ng ito’y peke isang maling panaginip, isang malupit na palabas na magigising din siya.Ngunit ang bigat ng kanyang dibdib ay nagsasabing totoo ang lahat at iyon ang pinakamasakit sa lahat.“Ethan niloloko mo lang ako diba?” nanginginig na tinig ni Cassandra halos pabulong ngunit puno ng pighati. “Ikaw at ang babaeng iyon ay sinusubukan niyo lang ang damdamin ko para sayo hindi ba.?”Ramdam niyang unting-unting gumuho ang mundo niya. Hindi matanggap ng puso at isip niya ang katotohanan. Buong lakas niyang pinaghahampas ang kwelyo ng damit ni Ethan desperadang nag hahanap ng sagot na mapapawi sa lahat ng sakit. Habang ginagawa niya ito bumuhos ang walang tigil na mga luha puno ng pagkawasak at w
Patuloy na dumaloy ang mga luha ni Cassandra ngunit pilit siyang ngumiti sa gitna ng mga ito. Ang bawat pintig ng kanyang puso ay masakit na para bang may matalim na kamay na humahapit sa kanyang dibdiba, hanggang sa pakiramdam niya’y hindi na siya makahinga.Siyam na taon! Sa loob ng siyam na taon, itinanim niya sa kanyang puso ang bawat salitang binitawan ni Ethan, ang bawat hilig nito, ang bawat paboritong kulay ng damit, maging ang mga malilit na gawi at istilo ng pamumuhay niya. Wala siyang nakalimutan lahat ay nakaukit sa kanyang ala-ala dahil ganoon niya ito kamahal.Ngunit ano ang sinabi nito ngayon? Tanga? Isang mapait na tawa napilit na lumabas sa kanyang bibig. Oo nga naman. Hindi ba’t siya nga ang tunay na hangal? Isang ganap na hangal. Isang katawang-tawang hangal na buong pusong nagmahal habang siya pala ang pinaka niloloko.“Ethan Valdez” Isang malakas at hysterical na sigaw kumawala mula sa bibig ni Cassandra. Hindi na niya napigilan ang mga luhang patuloy na dumadalo
Dahan-dahan umakyat ang elevator. Puno ng pananabik at matamis na pag-asa ang puso ni Cassandra Villanueva habang iniisip si Ethan Valdez, na matagal na niyang hindi nakikita sa loob ng isang buwan. Sinabi nitong may magandang balita na sasabihin sa kanya. Napaisip siya na mag-propose na kaya ito ngayon? Matagal na niyang inaasam ang araw na iyon, at ngayon tila nasa harap na niya ang sagot, halos hindi na siya mapakali sobrang lakas ng kaba sa kanyang dibdib. Mahigpit na hinawakan ni Cassandra ang dala-dala niya ng siomai at cup cake na siya mismo ang pinaghirapan gawin alas tres ng madaling-araw. Ginising niya ang sarili sa maagang oras na iyon, hindi alintana ang antok at pagod, para lamang maihanda ang paboritong pagkain ni Ethan. Hindi pa siya nakuntento-nag luto din siya ng adobong manok na paborito rin ni Ethan. Sa bawat galaw niya ay naroon ang taos-pusong pag-aalala. Para kay Cassandra sapat na ang makita ang kasiyahan sa mukha ni Ethan hangga’t natutuwa siya, handa siyang m