INICIAR SESIÓNHindi ko dinala sa kusina ang kahon.
Hindi ko rin sinabi kay Mama na nakita ko iyon. Sa halip, dinala ko ito sa kwarto ko at isinara ang p***o. Inilapag ko ang maliit na kahon sa ibabaw ng kama. Nandoon pa rin ang mga lumang litrato, dalawang sulat, at ang maliit na susi na may ukit na 17. Paulit-ulit kong tinitingnan ang pangalan sa papel. D. Sinclair. Hindi ko alam kung bakit parang mas mabigat iyon kaysa sa mismong susi. Kung talagang para kay Dominic ang kahon na ito, bakit nasa bahay namin? At bakit labing-anim na taon itong itinago? Kinuha ko ang unang litrato. Nasa harap nito ang dating function hall ng property. Mas luma. Mas simple. At sa likod, may petsa. Sixteen years ago. Binaliktad ko ang pangalawang litrato. Dalawang lalaki ang nasa larawan. Isa roon ang kilala ko. Si Papa. Ang isa naman ay isang lalaking hindi ko nakilala. May sulat sa ibaba. Velasco — Sinclair, final meeting. Napakunot ang noo ko. Final meeting. Hindi lang pala isang settlement discussion ang nangyari noon. May huling pagpupulong. At may taong nag-abala pang itala iyon. Kinuha ko ang susi. Maliit lang. Bronze ang kulay at kupas na ang ilang bahagi. Sa dulo nito, may ukit. 17. Room 17? Drawer 17? Locker? Wala akong maisip. Pero habang hawak ko iyon, bigla kong naalala ang lumang storage building sa property. May mga metal cabinet doon na matagal nang hindi ginagamit. At may mga numero. --- Kinabukasan, dumiretso ako sa property. Hindi ko muna sinabi kay Dominic. Hindi dahil ayaw kong sabihin. Kailangan ko lang munang malaman kung may ibig sabihin ba talaga ang susi bago ko siya isama sa paghahanap. Tahimik ang buong lugar nang makarating ako. Wala pang staff sa function hall. Naglakad ako papunta sa likod ng property, kung saan naroon ang lumang storage building. Binuksan ko ang p***o. Agad akong sinalubong ng amoy ng alikabok at lumang kahoy. Isa-isa kong tiningnan ang mga metal cabinet. 12. 13. 14. 15. 16. Huminto ako. Sa pinakadulo, halos natatakpan ng dalawang lumang kahon, may isa pang cabinet. Hindi agad makita ang numero. Pinunasan ko ng kamay ang alikabok sa harapan. 17. Napatigil ako. Dahan-dahan kong inilabas ang susi. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o matakot. Ipinasok ko ito sa lock. Click. Bumukas. Pero bago ko pa nahawakan ang handle— “Amara.” Napalingon ako. Nakatayo si Dominic sa may pintuan. Napahawak ako sa dibdib ko. “Jesus!” “Sorry.” “Paano ka nakapasok?” “Bukas ang main gate.” “Hindi iyon sagot.” “Hindi rin tanong ang sinabi mo.” Napatingin ako sa kanya. “Bakit ka nandito?” “Hinahanap kita.” “Bakit?” “You weren't answering my messages.” Napatingin ako sa cellphone ko. Tatlong unread messages. Hindi ko napansin. “Busy ako.” “Clearly.” Napatingin siya sa cabinet. Then at me. “What is that?” Sandali akong nag-isip kung magsisinungaling ba ako. Hindi ko ginawa. “May nakita akong kahon kagabi sa bahay.” Lumapit siya nang kaunti. “What's inside?” “Mga lumang litrato. Sulat.” “And the key?” “Kasama rin.” Tumingin siya sa susi. Sa unang pagkakataon, nakita kong nawala ang pagiging kalmado niya. Hindi matagal. Isang segundo lang. Pero nakita ko. “Where did you get it?” “Sa bahay namin.” “May pangalan?” Tumango ako. “Yung note may pangalan mo.” Tahimik siya. “D. Sinclair.” Hindi siya agad nagsalita. Pagkatapos ay tumingin siya sa cabinet. “Open it.” Napataas ang kilay ko. “Hindi ka man lang magtatanong kung sigurado ako?” “I think you already decided.” Napangiti ako nang bahagya. “Ang convenient ng ugali mo.” “I'm learning.” “From whom?” “You.” Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung biro iyon. Pero bago pa ako makapagtanong, tumingin na siya sa cabinet. Ibinaba ko ang kamay ko sa handle. “Ready?” “Yes.” Dahan-dahan kong binuksan ang cabinet. May tatlong lumang folder sa loob. Isang maliit na envelope. At isang kahon na halos kasinglaki ng palad ko. Kinuha ko muna ang envelope. Walang pangalan. May isang linya lang sa harap. FOR THE TWO REPRESENTATIVES. Napatingin ako kay Dominic. Pareho kaming natahimik. “Open it,” sabi niya. Binuksan ko. May isang papel. Isang linya lang. “If you're reading this, then the truth could no longer remain buried.” Humigpit ang hawak ko sa papel. “Truth?” Hindi agad sumagot si Dominic. Kinuha niya ang papel at binasa. Dalawang beses. Pagkatapos ay ibinalik niya sa akin. “Hindi pa natin alam kung anong katotohanan ang tinutukoy.” “Pero may tinatago sila.” “Possible.” “Both families.” Tumango siya. “Yes.” Wala siyang pagtatanggol. Wala ring dahilan. At iyon ang mas nakakabigla. Sa unang pagkakataon, parang hindi na niya sinusubukang protektahan ang pangalan ng Sinclair family. Umupo ako sa harap ng cabinet. “Bakit parang ang dami nilang desisyon na ginawa para sa atin?” Umupo siya sa tabi ko. Hindi malapit. Pero hindi rin malayo. “People make decisions for others when they think they know what's best.” Napatingin ako sa kanya. “Parang ikaw?” Tahimik siya. Isang segundo. Dalawa. Then he looked at me. “Maybe.” Hindi ko inaasahan ang sagot niya. Walang depensa. Walang paliwanag. Isang simpleng maybe. “Hindi ka pala palaging sigurado sa sarili mo.” “Hindi naman ako nagsabing sigurado ako.” Napangiti ako nang bahagya. “Ang hirap mong basahin.” “So are you.” “Hindi ako mysterious.” “You hide things.” “Dahil hindi kita kilala.” “And I don't know you.” Napatingin kami sa isa't isa. Walang nagsalita. At sa ilang segundo, parang nawala sa isip ko kung bakit kami naroon. Mabilis akong umiwas ng tingin. “May isa pa.” Tinuro ko ang maliit na kahon sa loob ng cabinet. Kinuha ko iyon. May pangalan sa ibabaw. ELENA SINCLAIR. Nawala ang bahagyang ngiti sa mukha ni Dominic. “Elena?” “Mother ko.” “Alam mo ba kung bakit nandito ang pangalan niya?” Umiling siya. “No.” “Never mo bang narinig ang tungkol sa meeting na ito?” “Not like this.” “Like what?” Tumingin siya sa kahon. “Alam kong may dispute ang dalawang pamilya noon. Pero hindi ko alam na may ganitong records.” Binuksan niya ang kahon. Walang laman. Tanging isang maliit na papel ang nasa ilalim. Kinuha niya iyon. May tatlong salita. Ask Elena first. Natahimik siya. “Dominic?” Hindi siya sumagot. “May alam ba ang mama mo?” “I don't know.” First time kong marinig sa boses niya ang ganung klaseng uncertainty. Hindi galit. Hindi takot. Pero parang may bagay siyang biglang kailangang harapin na hindi niya inaasahan. Tumayo siya. “We need to talk to her.” Tumango ako. Pero bago pa kami makaalis, tumunog ang cellphone niya. Isang tawag. Galing sa legal team. Sinagot niya. “Hello?” Tahimik siyang nakinig. Unti-unting naging seryoso ang expression niya. “Where?” Sandali siyang natahimik. “Send me the address.” Ibinaba niya ang tawag. “What happened?” tanong ko. Tumingin siya sa akin. “The retired employee.” “Found him?” “Yes.” “Nasaan?” Naglakad siya papunta sa pintuan. “He wants to meet us.” “Us?” Tumigil siya at tumingin sa akin. “He specifically asked for you.” Napatigil ako. “Bakit ako?” Hindi siya sumagot. Sa halip, tumingin siya sa hawak kong susi. At doon ko naisip— Baka hindi aksidente na sa akin napunta ang kahong ito. Baka may taong labing-anim na taon nang naghihintay na mahanap ko ito. At baka ang lalaking matagal nang piniling manahimik ang tanging taong makakapagsabi sa amin kung bakit.Hindi ko alam kung kailan naging parte ng routine ko ang paghihintay sa isang text mula kay Dominic.Pero nitong mga nakaraang araw, parang may kulang kapag walang notification mula sa kanya.Hindi naman kailangan.Hindi naman kami magkasintahan.At lalong hindi naman namin kailangang mag-good morning o good night sa isa't isa.Pero kagabi, bago ako matulog, ilang beses kong tiningnan ang phone ko.Wala.Napabuntong-hininga ako.“Amara, ano ba.”Ibinaba ko ang phone sa bedside table at pumikit.Five minutes later, kinuha ko ulit.Wala pa rin.Napailing ako sa sarili ko.Hindi ko dapat hinihintay.Kaya nang mag-vibrate ang phone ko kinabukasan habang nag-aalmusal ako, muntik ko nang mabitawan ang kutsara.Dominic:Are you free this afternoon?Tinitigan ko ang message.Simple.Diretso.Very Dominic.Me:Why?Ilang segundo lang bago siya sumagot.Dominic:I need to check something at the property.Napataas ang kilay ko.Me:That's all?Matagal bago siya nag-reply.Dominic:Do you want me
Nagising ako nang mas maaga kaysa sa alarm ko.Hindi ko alam kung bakit.Siguro dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw.Siguro dahil sa lahat ng tanong na wala pang sagot.O baka dahil may isang taong nagsabing pupunta siya ngayong araw.I'll come tomorrow.Hindi ko dapat binibigyan iyon ng ibang kahulugan.May documents kaming kailangang tingnan.May records kaming kailangang ayusin.May property dispute kaming kailangang lutasin.Simple.Professional.Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang gumagawa ako ng kape.Tumunog ang doorbell.Napatingin ako sa orasan.8:15 AM.Napakunot ang noo ko.Masyadong maaga.Binuksan ko ang pinto.At napahinto ako.Si Dominic.Naka-dark jeans at plain white shirt. Walang suit. Walang tie. May hawak siyang dalawang paper bags.“Good morning.”Tinitigan ko siya.“Bakit ang aga mo?”“Good morning din.”“Hindi ko tinatanong kung good morning.”“I know.”Napatingin ako sa dala niya.“What are those?”“Breakfast.”“Para kanino?”“You
Tahimik ang buong biyahe pauwi.Hindi dahil wala kaming gustong pag-usapan.Marami.Sobrang dami.Pero parang pareho naming alam na kapag nagsimula kaming magsalita, baka mas lalo lang kaming malunod sa mga tanong na wala pang sagot.Nakatingin ako sa labas ng bintana habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Mr. Reyes.The person your father was afraid of was never part of either family.Hindi ko alam kung sino iyon.Hindi ko rin alam kung bakit parang mas mabigat sa akin ang bagay na iyon kaysa sa mismong property dispute.“Amara.”Napalingon ako kay Dominic.“Yes?”“You've been quiet.”“I'm thinking.”“I noticed.”“Do you always notice everything?”“Not everything.”“Parang oo.”Bahagya siyang ngumiti.“Not everything.”Napatingin ako sa kamay ko.Kanina ko pa pala nilalaro ang maliit na susi.“Kinakabahan ka?” tanong niya.Umiling ako.“Hindi.”“Liar.”Napatingin ako sa kanya.“Excuse me?”“You've been holding that key since we left.”Napatingin ako sa kamay ko.Nap
Hindi ko alam kung ano ang mas nakakabahala.Ang pagpunta sa isang taong labing-anim na taon nang piniling manahimik—o ang katotohanang ako mismo ang hiniling niyang makita.Tahimik ang biyahe.Nasa passenger seat ako habang si Dominic ang nagmamaneho.Hindi ko na tinanong kung bakit siya mismo ang nag-drive.Hindi rin niya ipinaliwanag.Siguro pareho naming alam na masyadong maraming bagay ang kailangang pag-isipan para pag-usapan pa kung sino ang dapat magmaneho.Hawak ko pa rin ang maliit na susi.Hindi ko ito inilagay sa bag.Parang natatakot akong mawala.“Kinakabahan ka?” tanong ni Dominic.Napatingin ako sa kanya.“Hindi.”“Liar.”“Excuse me?”“Kanina mo pa nilalaro yung susi.”Napatingin ako sa kamay ko.Totoo.Huminto ako.“Hindi lang ako sanay sa ganito.”“Sa alin?”“Sa paghahanap ng mga sikreto ng pamilya ko.”Hindi siya agad sumagot.After a few seconds, sinabi niya—“Neither am I.”Napatingin ako sa kanya.“Akala ko sanay ka.”“Sa business.”“Hindi sa family?”“No.”May
Hindi ko dinala sa kusina ang kahon.Hindi ko rin sinabi kay Mama na nakita ko iyon.Sa halip, dinala ko ito sa kwarto ko at isinara ang pinto.Inilapag ko ang maliit na kahon sa ibabaw ng kama.Nandoon pa rin ang mga lumang litrato, dalawang sulat, at ang maliit na susi na may ukit na 17.Paulit-ulit kong tinitingnan ang pangalan sa papel.D. Sinclair.Hindi ko alam kung bakit parang mas mabigat iyon kaysa sa mismong susi.Kung talagang para kay Dominic ang kahon na ito, bakit nasa bahay namin?At bakit labing-anim na taon itong itinago?Kinuha ko ang unang litrato.Nasa harap nito ang dating function hall ng property.Mas luma.Mas simple.At sa likod, may petsa.Sixteen years ago.Binaliktad ko ang pangalawang litrato.Dalawang lalaki ang nasa larawan.Isa roon ang kilala ko.Si Papa.Ang isa naman ay isang lalaking hindi ko nakilala.May sulat sa ibaba.Velasco — Sinclair, final meeting.Napakunot ang noo ko.Final meeting.Hindi lang pala isang settlement discussion ang nangyari
Hindi ako nakatulog nang maayos nang gabing iyon.Hindi dahil sa board presentation.Hindi rin dahil sa deadline na ilang araw na lang ang pagitan namin at ng posibleng pagpunta sa korte.Kundi dahil sa isang nawawalang pahina.Isang pahina na labing-anim na taon nang wala sa mga dokumentong hawak namin.At sa isang tanong na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.May nagtago ba nito?Kinabukasan, mas maaga akong nakarating sa Sinclair Group kaysa sa napag-usapan namin.Hindi ko rin alam kung bakit.Wala naman kaming presentation ngayon. Wala ring kailangan akong ihabol na dokumento.Pero nang makita ko ang pangalan ni Dominic sa listahan ng mga dadalo sa meeting, bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba.I ignored it.Hindi lahat ng kaba kailangang may ibig sabihin.Paglabas ko ng elevator, bukas na ang conference room.Nandoon na ang legal team.At si Dominic.Nakatayo siya sa dulo ng mahabang mesa, may hawak na folder.Nang mapansin niya ako, bahagya siyang tumango.“Good morning.”“







