Share

CHAPTER 9

Author: Pot
last update publish date: 2026-09-26 23:23:43

Hindi ako nakatulog nang maayos nang gabing iyon.

Hindi dahil sa board presentation.

Hindi rin dahil sa deadline na ilang araw na lang ang pagitan namin at ng posibleng pagpunta sa korte.

Kundi dahil sa isang nawawalang pahina.

Isang pahina na labing-anim na taon nang wala sa mga dokumentong hawak namin.

At sa isang tanong na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.

May nagtago ba nito?

Kinabukasan, mas maaga akong nakarating sa Sinclair Group kaysa sa napag-usapan namin.

Hindi ko rin alam kung bakit.

Wala naman kaming presentation ngayon. Wala ring kailangan akong ihabol na dokumento.

Pero nang makita ko ang pangalan ni Dominic sa listahan ng mga dadalo sa meeting, bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba.

I ignored it.

Hindi lahat ng kaba kailangang may ibig sabihin.

Paglabas ko ng elevator, bukas na ang conference room.

Nandoon na ang legal team.

At si Dominic.

Nakatayo siya sa dulo ng mahabang mesa, may hawak na folder.

Nang mapansin niya ako, bahagya siyang tumango.

“Good morning.”

“Good morning.”

Saglit siyang tumingin sa relo niya.

“On time.”

“Akala ko ba lagi akong late?”

“Hindi ko sinabi iyon.”

“Pero iniisip mo.”

“Hindi ako nag-a-assume.”

Napangiti ako.

“Convenient.”

Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya.

“Good morning, Amara.”

Umupo ako bago pa lumalim ang usapan namin.

Ilang minuto lang, nagsimula na ang meeting.

At wala pang limang minuto, nawala ang lahat ng biro sa pagitan namin.

“May nahanap kami kagabi,” sabi ng senior counsel ng Sinclair Group.

Isang lumang folder ang inilapag niya sa gitna ng mesa.

Walang label.

Nanilaw na ang mga gilid ng papel.

Napatingin ako kay Dominic.

“Saang archive galing?”

“Old storage records. Hindi sa pangunahing legal archive.”

Binuksan ng lawyer ang folder.

May dalawang photocopy ng property records.

Pamilyar sa akin ang mga iyon.

Pero ang pangatlong dokumento ang nagpatingin sa akin nang mas mabuti.

Isang handwritten inventory.

Binasa ko ang unang linya.

Items transferred during the original settlement discussion.

Napakunot ang noo ko.

“Transferred?”

Tumango ang lawyer.

“According to this record, may ilang documents na ipinasa mula sa Velasco side papunta sa Sinclair representative noong araw ng original settlement discussion.”

“Anong documents?” tanong ko.

“Hindi malinaw.”

“Bakit?”

Itinuro niya ang ibabang bahagi ng papel.

May isang linya roon.

One original copy — retained by representative.

Tahimik akong napatingin kay Dominic.

“Representative?” tanong niya.

“Yes.”

“Sinong representative?”

Naglabas ang lawyer ng isa pang papel.

“That's the problem.”

Inilapag niya iyon sa harap namin.

May initials.

A.V.

Hindi ako agad nakapagsalita.

A.V.

Velasco.

Napahawak ako sa gilid ng mesa.

“Lolo ko?”

“Possible.”

“Possible?”

“Initials lang ang mayroon tayo. Hindi natin puwedeng sabihing siya iyon nang walang confirmation.”

Tiningnan ko ulit ang papel.

Hindi ko alam kung bakit parang biglang naging mabigat ang hangin sa loob ng conference room.

“May isa pa,” sabi ng lawyer.

Napatingin ako sa kanya.

“According to the inventory, hindi lang isang original copy ang ginawa.”

“Dalawa?” tanong ko.

“Three.”

Tatlo.

Napatingin ako kay Dominic.

Pareho kaming natahimik.

“Nasaan ang third copy?” tanong niya.

Umiling ang lawyer.

“Hindi namin alam.”

“May record ba kung sino ang huling may hawak?”

“Wala.”

“May access sa archive?”

“Both families had access to the original records at that time.”

“Names.”

Inilapag ng lawyer ang isang listahan.

Isa-isa iyong binasa ni Dominic.

Tahimik siya.

Pero nang makarating siya sa isang pangalan, bahagyang tumigil ang daliri niya sa papel.

Napansin ko iyon.

“Who is that?”

Tumingin siya sa akin.

“Someone who worked with my father.”

“Alive?”

“Yes.”

“Nasaan siya ngayon?”

“Retired. Nakatira sa probinsiya.”

“Can we talk to him?”

Sandaling tumahimik ang lawyer.

“Possibly. Kailangan lang naming ma-contact.”

Tumingin si Dominic sa akin.

“Do you want to?”

Hindi ko agad sinagot.

Hindi dahil ayaw ko.

Kundi dahil napansin ko na naman ang paraan niya ng pagtatanong.

Hindi niya sinabi na we should.

Hindi niya sinabi na I'll handle it.

Tinanong niya ako.

Do you want to?

Tumango ako.

“Yes.”

“Then we'll talk to him.”

Simple.

Walang pilitan.

Walang pag-angkin sa desisyon.

At hindi ko alam kung bakit mas tumatak iyon sa akin kaysa sa mismong dokumentong nasa harapan ko.

---

Natapos ang meeting makalipas ang halos isang oras.

Lumabas ang legal team para ayusin ang contact sa retired employee.

Naiwan kaming dalawa sa conference room.

Sa pagitan namin, nakabukas pa rin ang lumang folder.

“Three copies,” sabi ko.

“Yes.”

“Two copies are accounted for.”

“One is missing.”

“Technically, hindi natin alam kung nawawala talaga.”

Napatingin ako sa kanya.

“Dominic.”

“Yes?”

“Hindi mo ba kayang minsan sumang-ayon na lang?”

“Hindi.”

Napailing ako.

“Ang hirap mo kausap.”

“I've heard that before.”

“Compliment ba sa'yo?”

“No.”

“Sayang.”

Napatingin siya sa akin.

“Why?”

“Wala.”

Mabilis akong tumayo.

“Kailangan ko nang umalis.”

Pero bago pa ako makalayo, narinig ko ang boses niya.

“Amara.”

Huminto ako.

“Yes?”

“Dinner.”

Napakunot ang noo ko.

“What about it?”

“You haven't eaten.”

Napatingin ako sa mesa.

Nandoon pa rin ang food delivery receipt na iniwan ko kanina.

“Paano mo napansin?”

Tinuro niya ang resibo.

“It's still there.”

“Hindi ibig sabihin noon gutom ako.”

“Usually, that's what not eating means.”

“Ang kulit mo.”

“I'm consistent.”

Napailing ako.

“Fine. Kakain ako.”

“Good.”

“Happy?”

“Yes.”

Isang salita lang.

Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, parang may kung anong dumampi sa dibdib ko.

Mabilis akong umiwas ng tingin.

“Goodbye, Dominic.”

“Goodbye, Amara.”

Paglababas ko ng conference room, saka ko lang napansin na nakangiti pala ako.

At nakakainis iyon.

Kasi hindi naman dapat ganito kasimple ang epekto niya sa akin.

---

Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko ang nanay ko sa kusina.

“May nahanap ba kayo?” tanong niya.

Ibinaba ko ang bag ko.

“May third copy daw.”

Biglang tumigil ang kamay niya.

“Third copy?”

“Yes.”

“Nasaan?”

“Hindi nila alam.”

Sandaling natahimik si Mama.

Masyadong mahaba ang katahimikan.

“Ma?”

“Wala.”

“May naaalala ka ba tungkol sa original agreement?”

Umiling siya.

“Matagal na iyon, Amara.”

“I know.”

“Wala na tayong kailangang balikan.”

Napakunot ang noo ko.

“Bakit parang ayaw mong pag-usapan?”

Hindi siya sumagot.

Sa halip, bumalik siya sa ginagawa niya.

Pero bago siya tuluyang tumalikod, napansin kong mahigpit ang pagkakahawak niya sa gilid ng apron niya.

“Ma.”

Huminto siya.

“May alam ka ba?”

Ilang segundo siyang hindi gumalaw.

Pagkatapos, marahan siyang umiling.

“Wala.”

Isang salita.

Pero sa unang pagkakataon, hindi ako naniwala.

---

Kinagabihan, hinanap ko ang mga lumang dokumento sa cabinet ng bahay.

Hindi ko alam kung ano ang eksaktong hinahanap ko.

Siguro isang clue.

Siguro kahit anong makakapagpaliwanag kung bakit parang may mga bagay na alam ang pamilya ko na hindi nila sinasabi sa akin.

Habang hinihila ko ang isang lumang folder sa pinakailalim ng cabinet, may maliit na kahon na nahulog sa sahig.

Thud.

Napatingin ako rito.

Hindi ko iyon maalalang nakita ko dati.

May makapal na alikabok ang takip.

Dahan-dahan ko itong binuksan.

Mga lumang litrato.

Mga resibo.

Dalawang sulat.

At isang maliit na susi.

Kinuha ko ang papel na nasa ilalim ng kahon.

May pangalan.

D. Sinclair.

Nanlamig ang mga kamay ko.

Binaliktad ko ang papel.

May petsa.

Sixteen years ago.

At sa ibaba nito, may isang maikling sulat.

“If they ever ask about the missing page, give this to the Sinclair heir.”

Hindi ako gumalaw.

Binasa ko ulit.

Isa pa.

At isa pa.

The missing page.

Alam na nila.

Hindi lang namin ngayon unang narinig ang tungkol sa nawawalang pahina.

May taong labing-anim na taon nang naghihintay na may magtanong tungkol dito.

At may isang bagay sa kahong iyon na sadyang itinago para makarating kay Dominic.

Dahan-dahan kong tiningnan ang maliit na susi sa palad ko.

Hindi ko alam kung saan iyon ginagamit.

Hindi ko rin alam kung sino ang nag-iwan nito.

Pero isang bagay ang malinaw.

Hindi na lang ito tungkol sa property.

At hindi na rin lang ito tungkol sa dalawang pamilyang may matagal nang hindi pagkakaunawaan.

May isang taong labing-anim na taon nang may alam sa katotohanan.

At ngayon—

ako na ang may hawak ng susi papunta roon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Married to the Man I Can't Fall For   CHAPTER 14

    Hindi ko alam kung kailan naging parte ng routine ko ang paghihintay sa isang text mula kay Dominic.Pero nitong mga nakaraang araw, parang may kulang kapag walang notification mula sa kanya.Hindi naman kailangan.Hindi naman kami magkasintahan.At lalong hindi naman namin kailangang mag-good morning o good night sa isa't isa.Pero kagabi, bago ako matulog, ilang beses kong tiningnan ang phone ko.Wala.Napabuntong-hininga ako.“Amara, ano ba.”Ibinaba ko ang phone sa bedside table at pumikit.Five minutes later, kinuha ko ulit.Wala pa rin.Napailing ako sa sarili ko.Hindi ko dapat hinihintay.Kaya nang mag-vibrate ang phone ko kinabukasan habang nag-aalmusal ako, muntik ko nang mabitawan ang kutsara.Dominic:Are you free this afternoon?Tinitigan ko ang message.Simple.Diretso.Very Dominic.Me:Why?Ilang segundo lang bago siya sumagot.Dominic:I need to check something at the property.Napataas ang kilay ko.Me:That's all?Matagal bago siya nag-reply.Dominic:Do you want me

  • Married to the Man I Can't Fall For   CHAPTER 13

    Nagising ako nang mas maaga kaysa sa alarm ko.Hindi ko alam kung bakit.Siguro dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw.Siguro dahil sa lahat ng tanong na wala pang sagot.O baka dahil may isang taong nagsabing pupunta siya ngayong araw.I'll come tomorrow.Hindi ko dapat binibigyan iyon ng ibang kahulugan.May documents kaming kailangang tingnan.May records kaming kailangang ayusin.May property dispute kaming kailangang lutasin.Simple.Professional.Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang gumagawa ako ng kape.Tumunog ang doorbell.Napatingin ako sa orasan.8:15 AM.Napakunot ang noo ko.Masyadong maaga.Binuksan ko ang pinto.At napahinto ako.Si Dominic.Naka-dark jeans at plain white shirt. Walang suit. Walang tie. May hawak siyang dalawang paper bags.“Good morning.”Tinitigan ko siya.“Bakit ang aga mo?”“Good morning din.”“Hindi ko tinatanong kung good morning.”“I know.”Napatingin ako sa dala niya.“What are those?”“Breakfast.”“Para kanino?”“You

  • Married to the Man I Can't Fall For   CHAPTER 12

    Tahimik ang buong biyahe pauwi.Hindi dahil wala kaming gustong pag-usapan.Marami.Sobrang dami.Pero parang pareho naming alam na kapag nagsimula kaming magsalita, baka mas lalo lang kaming malunod sa mga tanong na wala pang sagot.Nakatingin ako sa labas ng bintana habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Mr. Reyes.The person your father was afraid of was never part of either family.Hindi ko alam kung sino iyon.Hindi ko rin alam kung bakit parang mas mabigat sa akin ang bagay na iyon kaysa sa mismong property dispute.“Amara.”Napalingon ako kay Dominic.“Yes?”“You've been quiet.”“I'm thinking.”“I noticed.”“Do you always notice everything?”“Not everything.”“Parang oo.”Bahagya siyang ngumiti.“Not everything.”Napatingin ako sa kamay ko.Kanina ko pa pala nilalaro ang maliit na susi.“Kinakabahan ka?” tanong niya.Umiling ako.“Hindi.”“Liar.”Napatingin ako sa kanya.“Excuse me?”“You've been holding that key since we left.”Napatingin ako sa kamay ko.Nap

  • Married to the Man I Can't Fall For   CHAPTER 11

    Hindi ko alam kung ano ang mas nakakabahala.Ang pagpunta sa isang taong labing-anim na taon nang piniling manahimik—o ang katotohanang ako mismo ang hiniling niyang makita.Tahimik ang biyahe.Nasa passenger seat ako habang si Dominic ang nagmamaneho.Hindi ko na tinanong kung bakit siya mismo ang nag-drive.Hindi rin niya ipinaliwanag.Siguro pareho naming alam na masyadong maraming bagay ang kailangang pag-isipan para pag-usapan pa kung sino ang dapat magmaneho.Hawak ko pa rin ang maliit na susi.Hindi ko ito inilagay sa bag.Parang natatakot akong mawala.“Kinakabahan ka?” tanong ni Dominic.Napatingin ako sa kanya.“Hindi.”“Liar.”“Excuse me?”“Kanina mo pa nilalaro yung susi.”Napatingin ako sa kamay ko.Totoo.Huminto ako.“Hindi lang ako sanay sa ganito.”“Sa alin?”“Sa paghahanap ng mga sikreto ng pamilya ko.”Hindi siya agad sumagot.After a few seconds, sinabi niya—“Neither am I.”Napatingin ako sa kanya.“Akala ko sanay ka.”“Sa business.”“Hindi sa family?”“No.”May

  • Married to the Man I Can't Fall For   CHAPTER 10

    Hindi ko dinala sa kusina ang kahon.Hindi ko rin sinabi kay Mama na nakita ko iyon.Sa halip, dinala ko ito sa kwarto ko at isinara ang pinto.Inilapag ko ang maliit na kahon sa ibabaw ng kama.Nandoon pa rin ang mga lumang litrato, dalawang sulat, at ang maliit na susi na may ukit na 17.Paulit-ulit kong tinitingnan ang pangalan sa papel.D. Sinclair.Hindi ko alam kung bakit parang mas mabigat iyon kaysa sa mismong susi.Kung talagang para kay Dominic ang kahon na ito, bakit nasa bahay namin?At bakit labing-anim na taon itong itinago?Kinuha ko ang unang litrato.Nasa harap nito ang dating function hall ng property.Mas luma.Mas simple.At sa likod, may petsa.Sixteen years ago.Binaliktad ko ang pangalawang litrato.Dalawang lalaki ang nasa larawan.Isa roon ang kilala ko.Si Papa.Ang isa naman ay isang lalaking hindi ko nakilala.May sulat sa ibaba.Velasco — Sinclair, final meeting.Napakunot ang noo ko.Final meeting.Hindi lang pala isang settlement discussion ang nangyari

  • Married to the Man I Can't Fall For   CHAPTER 9

    Hindi ako nakatulog nang maayos nang gabing iyon.Hindi dahil sa board presentation.Hindi rin dahil sa deadline na ilang araw na lang ang pagitan namin at ng posibleng pagpunta sa korte.Kundi dahil sa isang nawawalang pahina.Isang pahina na labing-anim na taon nang wala sa mga dokumentong hawak namin.At sa isang tanong na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.May nagtago ba nito?Kinabukasan, mas maaga akong nakarating sa Sinclair Group kaysa sa napag-usapan namin.Hindi ko rin alam kung bakit.Wala naman kaming presentation ngayon. Wala ring kailangan akong ihabol na dokumento.Pero nang makita ko ang pangalan ni Dominic sa listahan ng mga dadalo sa meeting, bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba.I ignored it.Hindi lahat ng kaba kailangang may ibig sabihin.Paglabas ko ng elevator, bukas na ang conference room.Nandoon na ang legal team.At si Dominic.Nakatayo siya sa dulo ng mahabang mesa, may hawak na folder.Nang mapansin niya ako, bahagya siyang tumango.“Good morning.”“

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status