Share

Chapter 7

Penulis: Zxoul49
last update Terakhir Diperbarui: 2022-11-03 19:00:00

NAPANSIN ni Artemio kung saan ito nakatingin at nagtanong, "Kasama mo ba sila, Boss?"

"Hindi. Nakasabay ko lang sa eroplano. Saka huwag mo na akong tawaging boss, wala ka na sa kulungan."

Nangiti si Artemio at umiling-iling. "Naku, mukhang mahihirapan ako riyan, dahil nasanay na akong tawaging boss."

"Ayos lang kung hindi ka sanay," sagot ni Marcus at sumulyap sa driver na kanina pa niya napapansing nakatingin sa kanya mula sa rearview mirror.

"Magandang araw, Boss," magalang na bati ng driver.

"Siya nga pala ang driver ko. Mahigit sampung taon na siyang nagtatrabaho sa akin," pakilala ni Artemio.

"Madalas ho kayong nakukuwento ni Sir noong makabalik siya. Maraming salamat sa pagtulong ninyo sa kanya," sabi ng driver na labis na ipinagpapasalamat ni Artemio. Dahil kung hindi siya tinulungan ni Marcus, wala siya ngayon dito, kasama ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Isa siyang dating bilanggo sa Heaven na tinulungan noon ni Marcus na makalaya. Simula pa noon, matapos mapunta sa pangangalaga ni Marcus ang isla, ay sinusuri na niya ang bawat kriminal na ipinapasok o inililipat sa Heaven. Pinag-aaralan niyang mabuti ang kaso ng mga kriminal at ang dahilan ng pagkakakulong ng mga ito.

Napag-alaman ni Marcus, base na rin sa kanyang imbestigasyon, na na-frame up si Artemio. Ang totoong kriminal ay malayang namumuhay sa labas upang angkinin ang yamang naiwan ni Artemio matapos itong makulong.

Dahil sa ginawang pagtulong ni Marcus, nakalaya si Artemio mahigit dalawang taon na ang nakalilipas. At kahit nakalaya na siya, nananatili pa rin ang komunikasyon nila ni Marcus.

"Bago ko pala makalimutan, Boss..." Mula sa passenger seat sa tabi ng driver ay may kinuha si Artemio at iniabot kay Marcus. "I bought these two bottles of wine from London, noong magpunta ako roon."

Agad na tinanggihan ni Marcus ang alok. Hindi siya sanay tumanggap ng regalo, lalo pa’t hindi naman siya mahilig uminom. Wala rin siyang anumang pasalubong na maibibigay bilang kapalit.

"Thank you, pero wala akong dalang kahit ano. Nakakahiya, pero salamat na lang."

Ngunit hinawakan ni Artemio ang palapulsuhan ni Marcus at ipinasalo sa kanya ang paper bag na naglalaman ng dalawang bote ng alak. Hindi na muling tumanggi si Marcus at kusa na lang tinanggap ang regalo.

Mabuti na lamang at hindi nabanggit ni Artemio kung paano niya nakuha o nabili ang wine. Kung nalaman ni Marcus na binili ito sa isang private auction sa halagang hindi bababa sa isang bilyon, tiyak na isauli niya iyon.

"'Wag mo nang isipin 'yun, Boss. Hindi ko naman 'yan binibigay sa 'yo nang may kapalit. Saka bukod sa mura, napakaraming ganyan doon sa London. Kahit saang store, meron niyan. Pasasalamat ko lang sa laki ng naitulong mo sa akin."

Kung hindi siya tinulungan ni Marcus, malamang ay nasa kulungan pa rin siya hanggang ngayon—hinahaplos ang malamig na rehas habang iniisip ang pamilyang naiwan. Kung nagkataon, baka nasiraan na siya ng bait sa kakaisip sa asawa at dalawa niyang anak.

Hindi na nagsalita si Marcus kahit alam niyang hindi ito nagsasabi ng totoo. Bukod sa napakamahal, hindi totoo na mabibili iyon sa kahit saang tindahan sa London. Minsan na niyang nakita ang ganoong klase ng wine mula sa koleksiyon ni Timoteo Lopelion, ama ni Army General Maximo Lopelion.

Hindi niya makakalimutang halos magwala sa tuwa si Timoteo nang mabili ang naturang wine sa isang auction sa Hong Kong.

Naikuwento pa nito na iyon ang pinakahuling bote na nabenta, kaya may hinala si Marcus na sa isa pang auction din nakuha ni Artemio ang dalawang bote ng alak. May muling nagbenta ng parehong brand sa mas mataas na halaga.

ISANG babae na may mala-diyosang ganda at porselanang balat ang tahimik na nakaupo sa sofa habang ang ama na si Fausto Fajardo at inang si Liliane ay nagtatalo sa kanyang harapan.

Labis ang pagtutol ni Liliane na ipakasal ang nag-iisang anak kay Marcus nang malaman niyang isa lamang itong warden. Ang akala niya ay isang mayaman at kilalang tao ang napili ng asawang si Fausto na ipakasal kay Luna.

"Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari. Paano mo naipagkasundo si Luna sa isang mababang-uri?"

"Huminahon ka muna. Hindi ko naman kasi akalaing hindi pala siya totoong anak ni General Lopelion," sagot ni Fausto.

"Bakit kasi hindi mo muna inalam? Ah, basta! Hindi ako papayag na makasal si Luna sa lalaking 'yan. Hindi ang baby ko."

"Anong gusto mong mangyari? Ang umatras sa kasal at ipahiya si General? Paano na ang mga plano natin? Saka ikaw na mismo ang nagsuggest na ipakasal ang dalawa noong makausap natin si General Lopelion."

Hindi na nakasagot si Liliane dahil aminado siyang siya mismo ang nag-isip ng ideyang iyon. Sa inis ay napaiyak siya, at agad siyang dinaluhan ni Luna.

"Don't cry, Mom."

"Sinasadya mo 'to!" sigaw ni Liliane kay Fausto sabay hagulhol sa bisig ni Luna. "My poor baby."

"Listen to me, Liliane. Sa oras na hindi na natin kailangan ang lalaking iyon, ako na mismo ang magpapalayas sa kanya. Kaya sa ngayon, hayaan mo munang gawin ko ang matagal na nating pinaplano."

Muling napaiyak si Liliane dahil alam niyang wala na siyang magagawa pa. Sila mismo ng asawa niya ang may pakana ng lahat.

Nalungkot naman si Luna. Ayaw na ayaw niyang nakikitang umiiyak ang kanyang ina dahil lang sa isang hindi kilalang lalaki na kailangang pakasalan.

Nasa ganoon silang sitwasyon nang pumasok ang mayordoma.

"Nasa labas na po ang bisita."

Ang tinutukoy nitong bisita ay si Marcus.

"Okay, papasukin mo," utos ni Fausto at saka nilingon si Liliane. "Ayusin mo ang sarili mo at punasan ang mga luha mo. Hindi magandang makita ng bisita na galing ka sa pag-iyak."

Kailangan ni Fausto si Army General Maximo Lopelion, at si Marcus ang daan patungo roon.

Samantala, hindi gusto ni Luna ang nangyayari. Bakit kailangan nilang ayusin ang sarili dahil lang sa dumating ang bisita na animo’y napakaespesyal? Isa lang naman itong warden ng mga kriminal. Baka nga isa rin itong malupit at masamang tao tulad ng mga binabantayan niya.

Pagbalik ng mayordoma ay kasama na nito si Marcus. Pinagmasdan siya ni Luna. May itsura at masasabi mong gwapo, ngunit hindi sapat iyon. Dapat ay perpekto, ayon sa mataas niyang pamantayan.

"Oh my gosh, ano ba 'yang suot niya?" bulong ni Liliane, hindi makapaniwalang mukhang pulubi ang lalaking pakakasalan ng anak.

Pati si Fausto ay natigilan nang makita si Marcus na naka-black hoodie jacket at itim na cap—pormal man sa paningin ng iba, ngunit para sa kanila ay mukhang kawatan.

Sana ay hindi mali ang kanyang naging pasya na ipakasal si Luna sa lalaking ito.

Lumapit si Fausto kay Marcus na may pilit na ngiti. "Finally, you're here. Kanina ka pa namin hinihintay." Akbay niya ito upang iparamdam na welcome si Marcus sa kanilang tahanan. "Kumusta ang biyahe?"

"Ayos lang, Sir," tipid na sagot ni Marcus. Hindi pa niya alam kung anong itatawag dito. Bilin sa kanya ng ama na kailangan niyang maging mabait at magalang upang hindi maghinala ang mga Fajardo.

Napansin ni Fausto ang dala nitong paper bag. "Ano 'yang dala mo?" tanong niya habang tinitingnan ang loob. "Para sa amin ba 'to?"

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 83

    Tapos napaka-elagante pa ng pag-reserved ng waiter sa pagkain.She felt really special.“Anong problema? Ayaw mo sa pagkain?” puna ni Marcus nang huminto si Luna at binaba ang kamay na may hawak na kubyertos.“No, it’s just that… hindi ako makapaniwalang ma-i-experience ko ‘tong kasama ka,” kulang at marami pa sana siyang gustong sabihin pero sa sobrang taas ng emosiyong nararamdaman ay hindi na niya alam kung pa'no isasatinig ang nasa isip ng hindi naiiyak.Ngumiti si Marcus. “Kung may gusto kang puntahan, sabihin mo lang at sasamahan kita.”“Kahit out-of-the-country? Underground or under the water?” biro ni Luna upang pagaanin ang atmosphere at para na rin itago ang emosyong nararamdaman dahil sa sobrang tuwa.“Kahit sa outerspace pa,” biro ring tugon ni Marcus sa asawa at napansin pa ang pagsilip ni Artemio mula sa may sulok.Pasimple naman siyang nag-thumbs up dahil sa mabilis na pag-response nito kahit pa biglaan ang request niya. At nag-serve pa ng mamahaling alak para sa kanilan

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 82

    NAPATINGIN PA SA CELLPHONE si Marcus nang bigla na lamang tinapos ni Scarlette ang tawag. At nagtaka kung bakit tila galit ito?Binaba na lang niya ang cellphone at saka muling hinarap ang team, lalo na si Daniel. Nasa kalagitnaan siya ng break-time nang mag-text ito at sabi’y may ipapakita raw itong video footage. Kaya agad siyang nagtungo.“Ano nga ulit ‘yung gusto mong ipakita?”Hinarap ni Daniel ang laptop kay Marcus at pinakita ang isang video kung saan ay makikitang may dumadaan na sasakyan. At isa nga rito ang kotseng sinakyan ni Ramon na hinabol niya pa no'ng nando'n siya sa Cebu. “Hindi ko pa magawang mapasok ang system sa hotel sa higpit ng security kaya ang kalapit na establishment na lang ang h-in-ack ko at ito nga ang nakuha ko.”Hinawakan ni Marcus ang laptop at ni-replay ang video. “Ito ‘yung kotseng sinakyan ni Ramon,” pahayag niya kaya nagsitinginan ang team.“Sandali't iso-zoom ko para makita ang plate number,” ani Daniel at may kung anong t-ina-ype sa laptop. Ilang s

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 81

    Ilang ring pa ang narinig niya bago tuluyang nasagot ang tawag. “Hello?”“Bakit?” ani Marcus habang nakalapat ang index-finger sa labi. Pinapatahimik saglit ang mga kasama.Narito siya ngayon sa resort dahil may ipapakita raw si Daniel sa kanyang footage.Si Scarlette naman ay agad na sumimangot. Ni wala man lang ‘hi' or ‘hello'? Basta na lang ‘bakit'?Ang lamig talaga ng pakikitungo ni Marcus sa kanya. Pero ano pa bang bago? Lagi namang gano'n, maliban na lang siguro kapag tungkol na sa asawa nito ang usapan. “’Yung pinag-usapan natin, baka nakakalimutan mo na?” tinumbasan niya ng inis ang walang kabuhay-buhay nitong sagot. “Kailangan ko na ang testimony mo.”“Kailan?”“Ngayon na.”“May inaasikaso pa ‘ko, ipapadala ko na lang sa email mo.”“Hindi ka pwede kahit after work?” Bahagyang humigpit ang hawak ni Scarlette sa cellphone nang mapagtantong nagtutunog demanding na siya para lang makipagkita si Marcus.“Hindi.”“Okay, fine. Isi-send ko na lang sa ‘yo email ko, ipadala mo do'n.” Hi

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 80

    SA HUMIGIT-KUMULANG na nasa sampung katao na naroon ay tanging si Ramon lang ang makikitang naaaliw sa pinapanuod.Ang mga tauhan na nakabantay sa lugar ay tahimik na napapatingin sa kanya. Ang iba ay naguguluhan sa pagbabagong nakikita sa Amo.Misan lang kasi nila itong makita na masaya. Hindi tuloy nila malaman kung dapat ba nilang ikatuwa ang masayang Ramon o mas lalo silang dapat na matakot. Lalo pa nang marinig ang pigil na halakhak nito. Hindi maiwasan ng ibang tauhan na kilabutan at mag-isip ng masama. Sa tingin nila'y may hatid na delubyo ang tawa ng Amo.Ilang sandali pa’y tinawag ni Ramon ang tauhan at kanang-kamay na si Mr. O.. “Pabalikin mo na ‘tong dalawa—" ang tinutukoy ay sina Alberto at ang kasama nitong lawyer. “Saka, ano sa tingin mo? Convincing ba ang arte ni Alberto?”Tumango naman si Mr. O., bilang pagsang-ayon at saka ginawa ang pinaguutos ng Amo. Pinadalhan niya ng message ang lawyer na kailangan na ng mga itong bumalik.Ilang sandali pa'y muling lumapit si Mr. O

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 79

    SA OFFICE, habang abala si Luna sa ginagawa ay kumatok si Jenny sa pinto sabay pasok.“Miss Luna, nasa baba si Mr. Alberto Roces.”Tiningnan muna ni Luna ang secretary saka tinigil ang ginagawa. “Anong kailangan? Sinabi mo bang nasa factory ang Chairman?”Tumango si Jenny. “Kaya mga manager lang ho ang naro'n sa baba.”“Bakit, nasa'n ang ilang chief-director? Sumama bang lahat sa factory?”“Ang ilan lang, habang ‘yung iba ay may out-of-town appointment.”Saglit na napaisip si Luna kung ba't biglaan naman ang pagbisita ni Mr. Roces?At itinaon pa talaga na wala ang kanyang Ama na siyang madalas humaharap dito.Kaya tumayo si Luna at nagpasiyang bababa para harapin si Mr. Roces. Pero sa elevator pa lang ay nagkita na sila. Kasama nito ang lawyer na sa tingin niya'y secretary na rin nito.“Luna!” tuwang bati ni Alberto. Nakalahad ang dalawang braso na animo'y yayakapin siya.Bahagya namang yumuko si Luna bilang paggalang. “What a sudden surprise, Mr. Roces. Sayang at hindi kayo nagpang-ab

  • Married to the Prominent Family's Adopted Son   Chapter 78

    NALILITO si Fausto sa dapat niyang maging desisiyon. Kung susundin niya si Liliane ay hindi lang si Marcus ang kailangan niyang harapin. Pati na si Luna.At sigurado siyang ipaglalaban ng anak si Marcus.Kung pagbibigyan naman niya ang pakiusap ni Marcus ay mapapasama naman siya sa asawa na baka humantong pa sa pag-aaway. Iisipin nitong kinakampihan niya ang dalawa.Isa pa'y masiyado na siyang abala sa kompanya kaya ang problema sa bahay ay sobra na sa dapat niyang isipin. Kaya kapag nagrereklamo na si Liliane ay tinutulugan na lamang niya para makaiwas.“Fausto—”“’Wag muna ngayon, Liliane. Marami akong ginawa kaya gusto ko ng magpahinga.” Sinadya niyang tumalikod upang hindi ito maharap.“Hahayaan mo na lang ba ang ampon na ‘yun na kunin sa ‘tin si Luna?!”May pumitik na kung ano sa sintido ni Fausto at tuluyan siyang nawalan ng pasensiya. “Walang kinukuha si Marcus! Hindi si Luna o kung ano pa man sa pamamahay na ‘to!”Sa biglaang pagtaas ng boses ni Fausto ay natameme si Liliane. M

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status