Share

Chapter 7.2 - The Contract Marriage cont.

Pagtunog muli ng telepono ko ang bumasag sa katahimikan na namamayani sa pagitan namin ni Mikel. Kasalukuyan kami na nasa kan’yang mamahalin na kotse na nakaabang na sa amin sa daungan kanina. Naghiwalay na kami ni Stan na mayroon din sarili na kotse na minamaneho. Ganito yata talaga ang mga mayayaman, hindi sanay sa carpooling na tinatawag.

"Answer the phone, bu." Bahagya ako na nilingon ni Mikel upang ipasagot ang aking telepono na kanina pa sa pagtunog at pagkatapos ay itinuon na niya ulit ang atensyon niya sa pagmamaneho.

Gaya nang inaasahan ko, si Chad na naman ang muli na tumatawag. "Bakit ba ayaw mo na sagutin? Is that your boyfriend?"

"Hindi ah." agap ko na sagot.

"Then answer the damn phone." Iritable na naman niya na baling sa akin.

Wala akong nagawa kung hindi ang sagutin ang tawag. "Nasaan ka na, Tamara? Isang linggo na ngayon, ano ang gusto mo? Ang ipahanap na kita at kaladkarin pauwi?" Malakas na boses ni Chad ang umalingangaw sa telepono ko hindi pa man ako nakakas
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mulan
boom panis yan unang pasabog mo mikel
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status