Share

Chapter 18

Ada’s Point of View

Isang linggo na naming kasama sa bahay si Verona at wala naman naging problema na nakasama namin siya dahil mabait naman talaga ang dalaga at wala akong naging problema sa ugali niya. Napansin ko ngang malapit talaga si Nikola at Verona at masaya silang laging nag-uusap. Napapansin ko rin ang mga effort ni Verona para kay Nikola at pinaglulutuan pa niya si Nikola ng agahan at baon sa trabaho na hindi ko nagagawa sa sarili kong asawa.

Masaya si Nikola kapag nag-uusap sila ni Verona at kapag ibinibigay ng dalaga ang niluto niyang pagkain sa asawa at ang saya sa mga mata ni Nikola ay nakita niya noon sa La Union noong magkasama sila, na matagal ko nang hindi nakikita. Nakakaramdam ako ng lungkot dahil palagay ko ay hindi magtatagal ay magugustuhan ni Nikola si Verona at hindi magiging katulad namin ang pagsasama nila Verona at Nikola sa oras na ikinasal sila sa Spain at tuluyan na kaming maghiwalay.

Napabuntonghininga ako

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status