Share

Chapter 4

Ada’s Point of View

Nagpunta ako sa opisina ni Papa sa bahay sa gabing iyon dahil gusto ko sana siyang makausap at magpapaalam na rin na magbakasyon kahit isang lingo lang kasama si Jane. Sinabihan kasi ako ng kaibigan na magbakasyon na muna habang inaayos pa lang naman ang kasal ko at para na rin kahit paano bago ako ikasal sa taong hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakilala ng personal sa akin ay makapagliwaliw na muna raw ako.

Naisip ko rin na magandang ideya iyon para kahit paano ay mabawasan ang sakit na nadarama rito sa puso ko lalo pa at tanggap ko na ang katotohanang ikakasal na ako at sa taong hindi ko pa kilala. I will marry a stranger because of the agreement between my Dad and his best friend, and I can't object to that agreement. I don't have the right to do that.

Napabuntonghininga ako saka kumatok sa pinto ng opisina ni Papa.

“Come-in,” nag-uutos na boses ni Papa ang narinig ko kaya pinihit ko na ang pinto at pumasok sa loob. “Ada, Oh, Ada, why are you here? I'm busy at work, and I don't have time to talk,” sabi niya nang makita ako.

Gusto sanang umikot ng mga mata ko sa sinabi ng ama pero pinigilan ko lang.

Hindi naman kasi talaga mahilig makipag-usap ang ama kapag hindi mahahalagang dahilan kaya kung makasabi siya sa akin na abala siya at walang oras makipag-usap ay akala naman niya ay ganoon talaga kami. Na nag-uusap sa mga walang halaga para sa kaniya na bagay.

“Jane invited me to take a vacation at a beach resort in La Union. It's only one week, and after that, I will take care of my wedding,” dire-diretso kong paalam kay Papa.

Seryosong tumingin sa akin si Papa at nakapinid ang labi niya, hindi ko alam kung papayagan niya ako pero hinihiling ko na sana pumayag siya dahil hangga’t nagtatagal ako rito at naiisip ko na ikakasal ako ay mababaliw na ako. Kailangan kong mag-refresh at lumayo muna sa mga taong kinasasamaan ko ng loob at kailangan kong makakita ng ibang lugar.

“Sige,” tipid na tugon ni Papa na ikinagulat ko at bumalik ako sa reyalidad.

“Pinapayagan mo ako, Papa?” tanong ko.

“Oo. Basta matapos ang isang linggo ay dapat nandito ka na at asikasuhin ang kasal,” aniya.

“Opo,” tugon ko.

Tumuon muli si Papa sa papeles na nasa mesa niya kaya lumakad na ako paalis at lumabas ng opisina ni Papa. Napabuntonghininga muli ay pero ngayon ay magaan na ang loob ko dahil makakaalis at makakapagbakasyon ako sa ibang lugar.

“Ang ganda rito!” masayang bulalas ni Jane nang makarating kami sa beach resort sa La Union.

Abot-tenga ang ngiti sa labi ni Jane at masayang-masaya na nakapagbakasyon kami sa ibang lugar. Naging abala rin  kasi sa trabaho ang kaibigan sa flower shop nito lalo na noong nagdaang valentines at ako naman ay abala sa trabaho ko sa kompanya bilang presidente kaya halos wala silang oras para magbakasyon.  

Matagal-tagal na rin at ngayon lang kami naisipan at pinagdesisyunan na magbakasyo dahil sa pinagdadaanan ko at dinamayan naman ako ng kaibigan ko.

“Baka makahanap tayo ng boylet dito na gwapo at macho at total naman ay ikakasal ka na sa hindi mo naman kilalang lalake ay magpaka-wild ka na rito at kapag may hunk na lumapit sa’yo at niyaya kang makipag-chukchakan ay huwag mo nang tanggihan!” sabi ni Jane sa akin na ikinalaki naman ng mga mata ko.

“Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi porke’t malungkot ako ay magrerebelde na ako nang ganiyan,” tugon ko.

“Hindi naman pagrerebelde iyon, Ada. It's okay to be wild and get laid because we're old enough to do that, and your Dad won't know what we will be doing here,” tugon sa akin ni Jane. “Mas mabuting maranasan mo na ang lahat habang hindi ka pa naitatali doon sa lalaking pakakasalan mo.”

Hindi ko nagawang magsalita at napaisip lang sa sinabi ni Jane sa akin.

Hindi ko kailan man kasi naisip sa sarili kong gagawin ang mga bagay na sinabi sa akin ni Jane. Lumaki akong matino at mabuting anak na ingat na ingat sa lahat ng magiging desisyon ko sa buhay para hindi makagawa ng pagkakamali at mabigo ko si Papa subalit hindi ko inaasahan na gagawin ito sa akin ni Papa, na basta na lang magdedesisyon na ipagkasundo ako.

“Ada,” tawag ni Jane sa akin na nakalayo na pala ng paglalakad. “Bilisan mong maglakad at nang makapunta na tayo sa cabin natin! Gusto ko nang mag-swimming, eh!”

Napangiti naman ako. “Oo na!” sigaw ko saka tumakbo na palapit sa kaibigan habang hawak ang maliit na maleta.

Matapos naming makarating ng cabin namin ay nagbihis kaagad kami ng pang-swimming. Dinoblehan ko ng short ang suot kong two-piece habang si Jane naman ay hindi nahiyang ipakita ang kagandahan ng katawan nito. Sa aming dalawa kasi ay mas confident sa sarili ang kaibigan habang ako ay may pagkamahiyain pero kahit ganoon ay nagkasundo naman ang ugali namin at tanggap namin ang isa’t-isa.

“Susunod pala raw rito si Kuya Loki,” nakasimangot na balita sa akin ni Jane.

Hawak niya ang cell phone at kanina lang ay nakikipagsigawan ito sa nakakatandang kapatid habang kausap.

“Nakakainis! Bakit kailangan pa niyang sumunod dito! Paano ako makakahanap ng makaka-chukchakan na gwapings kung may Kuya akong nakabantay? Bwiset talaga sa buhay ko ang lalaking iyon!” inis na reklamo ni Jane.

Napangiti naman ako sa pagmamaktol na iyon ni Jane.

“Dapat kasi nang nangumusta sa’yo ay hindi mo na kaagad binara. Napikon na iyon kaya tuloy susundan ka,” tugon ko sa kaniya.

“Eh, kanina pa kasi tanong nang tanong kung kumusta na ba tayo at kung nasaan na tayo, nakakainis na! Hindi na tayo bata para laging kailangan mino-monitor niya!”

“Nag-aalala lang sa’yo si Loki, siyempre Kuya mo iyon at mahal ka niya kaya ganoon siya sa’yo. Mawerte ka nga dahil ganoong kapatid sa’yo si Loki, minsan hinihiling ko na sana ganoon din sa akin si Ate Natasia. Hindi man kagaya ng Kuya mo kahit man lang kinukumusta ang kalagayan ko.”

Nakadama ako ng lungkot dahil naalala ko na naman si Ate Anastasia kung gaano siya kagalit sa akin at ang hindi magandang pagturing niya sa akin.

“Huwag mo nang intindihin iyang bruha mong kapatid. Insecure lang sa’yo iyon dahil hindi hamak na mas maganda ka kaysa sa kaniya kahit maraming kolorete ang mukha niya!” inis na tugon sa akin ni Jane.

Ngumiti lang ako sa sinabi ni Jane.

Hindi ako naniniwalang mas maganda ako kay Ate Anastasia dahil marami ang nagsasabing maganda ang Ate ko at mas nauuna siyang napapansin sa tuwing naisasama kami sa party na dinadaluhan ni Papa. Mas charming din kasi si Ate kaysa sa akin dahil mas nasanay kasi akong nasa bahay o hindi kaya ay kasama si Jane na namamasyal kaysa magpupunta sa mga party.

Nang lumabas kami ni Jane ng cabin ay kaagad na naligo sa dagat ang kaibigan habang ako naman ay naisipang maglakad-lakad at pagmasdan ang magandang tanawin ng beach resort na iyon. Gusto ko ang masarap at preskong hangin na dumadapo sa balat ko lalo pa at hapon na at natutuwa rin ako sa napagmamasdan kong kalangitan na malapit ng magdilim.

Hawak ko ang cell phone ko at naisipan kong kumuha ng litrato ng dagat at ng kalangitan saka mag-selfie pero natigilan ako nang may nahagip ang camera ko na isang tao at napalingon ako sa likod ko.

Nakangiti ang magandang mukha niya sa akin at parang nabatubalani ako dahil sa ganda ng ngiting iyon sa kaniya.

“Hi,” bati ng magandang nilalang sa kaniya.

Napalunok ako ng laway at bumaba ang tingin ko sa suot nitong fitted T-shirt, ripped jeans na kulay blue at naka-rubber shoes.

“H-hello,” tugon ko nang muling bumalik ang tingin sa mukha niya.

“Isinama ako ni Loki rito at ang sabi niya ay pupuntahan daw namin ang kapatid at kaibigan niya rito saka magbakasyon na rin,” nakangiting sabi niya sa akin saka napakamot ng batok.

Ang gwapo niya talaga at parang gustong matunaw ng puso ko dahil sa kagwapuhan ng lalaking nasa harapan ko. Siya ang lalaking nagligtas sa akin sa pagtatangka ng masama sa akin ni Trevor at ang lalaking hinangaan ko sa mabilis na oras na pagkikita namin.

Hindi lang naman kasi siya gwapo kundi gentle man pa dahil ligtas akong nakauwi sa bahay namin kahit pa lasing na lasing na ako at p’wede niyang pagsamantalahan kagaya na lang ng ginawa ni Trevor sa akin.

“Hmm, naiilang ka ba sa akin?” tanong niya sa akin.

“H-hindi,” kaagad na tanggi ko. “N-natutuwa nga ako na nakita kita ulit p-para sana magpasalamat kasi niligtas mo ako kay Trevor saka nakauwi ako ng ligtas sa bahay namin,” nauutal na sab niya.

Ngumiti sa kaniya ang lalake. “Natatandaan mo pa pala ako,” aniya.

“O-oo naman. Kahit sino hindi ka makakalimutan kasi niligtas mo ako.”

“I’m Nik,” pakilala niya sa sarili saka inilahad ang kamay sa akin na tinanggap ko naman at nadama ang mainit na balat niya at parang may kuryenteng dumaan sa buong pagkatao ko dahil sa pagkakadaiti ng mga balat namin.

“A-Ada,” pakilala ko naman sa sarili ko.

“Nice name. Its suit to you,” komento naman niya sa akin.

“Thanks,” tugon ko saka namin binitiwan ang kamay ng isa’t-isa.

“Nasaan nga pala si Loki?” usisa ko.

“Nandoon kasama ni Jane. Nag-aaway na nga ang dalawa at mukhang bad trip na bad trip si Loki dahil sa suot ni Jane,” natatawang kwento ni Nik sa kaniya.

Kahit ako ay natawa na rin. Nakakadala naman kasi ang tawa ni Nik at  naisip ko rin sina Jane at Loki na nag-aaway. Siguradong nakasimangot na naman ngayon si Jane dahil sa kahigpitan ng nakakatandang kapatid.

“Lagi naman naba-bad trip iyan si Jane sa Kuya niya.”

“Sinabihan ko na nga iyon na huwag masiyadong higpitan ang kapatid at matatanda naman na sila,” aniya.

“Iyon din ang sinabi ni Jane sa akin na dapat hindi na siya paghigpitan kasi nga matanda na siya,” sabi niya.

Naglakad-lakad na silang dalawa sa tabi ng dagat at kaagad nagkapalagayan sila ng loob kahit hindi pa naman nila lubusang kilala ang isa’t-isa. Hindi ko rin maintindihan pero palagay na kaagad ako kay Nik na parang matagal na kaming magkakilala samantalang hindi naman ako ganoong klase ng tao na mabilis makipagpalagayan ng loob sa bagong kakilala.

Marahil malaking puntos ang pagligtas ni Nik sa akin sa kapahamakan at sa pag-uwi niya sa akin ng ligtas sa bahay.

“Mga babae kasi mga kapatid ni Loki kaya siguro pino-protektahan niya kahit ako ganoon din ang gagawin ko,” tugon ni Nik sa kaniya.

“Wala ka bang kapatid na babae?” tanong ko.

“Wala pero kung meron ay magiging kagaya ako kay Loki. Ayokong mapahamak ang kapatid ko dahil sa mga lalaking may masamang balak sa babae kagaya na lang ng nagtangka sa’yo,” aniya.

Napangiti naman si Ada sa sinabi ni Nik.

“Mabuti na lang talaga nandoon ka dahil kung hindi ay baka talagang natuloy ni Trevor ang masama niyang balak.”

“Nireklamo na nga ni Loki, nagsumbong pala si Jane kaya siguradong magbabayad siya sa ginawa niya,” sabi niya. “Pero sa susunod huwag na kayong masiyadong magpapakalasing lalo na kapag may mga kasama kayong lalake. Hindi naman kasi lahat ng lalake ay mapagkakatiwalaan,” payo niya sa akin.

“Aalalahanin ko iyang sinabi mo para hindi na maulit iyon,” nakangiting tugon ko.

“Good,” nakangiti namang sabi ni Nik sa akin.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Myla Gumamela
19 palang wala ng kasunod
goodnovel comment avatar
Senallagam Isabelle
nka lock,ano ba Jan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status