Share

Chapter 1

Chapter 1

Ada’s Point of View

Ngayong araw ay hindi ko naisipang lumabas ng bahay at ang tanging gusto ko lang gawin ay magbasa ng libro na hawak ko sa aking kamay habang kalmadong nakaupo sa malambong kong upuan at nasa lanai ng kwarto ko. Damang-dama ko ang malamig na hangin na dumadapo sa balat ko at ang presko niyon dahil sa mga puno at halaman sa paligod ng aming bahay.

Mahilig magtanim ang Mama ko noong hindi pa raw ako pinapanganak at lahat ng mga halaman at mga puno sa paligid ng bahay na may malawak na lupain ay si Mama ang nagtanim na mas matanda pa sa akin. Ang nagkwento niyon sa akin ay si Yaya Perla na nagpalaki na sa akin at itinuring ko ng pangalawang ina dahil pumanaw na si Mama sa pagkakapanganak sa kaniya.

Ngayong naalala ko si Mama na maagang nawala sa buhay ko ay nakadama ako ng kalungkutan dahil sobrang pangungulila ang pakiramdam ko dahil wala akong ina at palagi pang wala si Papa at kung nandito naman sa bahay ay parang wala rin dahil palagi nasa opisina lang niya ito sa bahay o hindi kaya ay nasa kwarto. May nakakatanda akong kapatid, si Anastasia, subalit kagaya ni Papa ay parang wala rin siyang pakealam sa akin at tanging sarili lang ang iniintindi.

Palagi pa akong inaaway at itinuring na hindi kapatid sa tuwing magkakatagpo kami sa bahay. Hindi ko maintindihan pero ang init ang dugo sa akin ni Ate Anastasia samantalang lahat naman ginagawa ko upang mapansin niya at maging maayos kaming magkapatid.

Napabuntonghininga ako saka binuklat ang librong hawak-hawak ko saka nagsimula ng magbasa. Naumpisahan ko nang basahing ang English romance novel na iyon kahapon subalit hindi ko natuloy dahil may inasikaso ako at ngayon ay tatapusin ko na lalo pa at nandoon na ako sa parte ng kwento kung saan nagkakagustuhan na ang bidang babae at lalake na talagang nagpapakilig sa akin.

Sa edad ko kasing bente-sais ay hanggang ngayon ay hindi pa ako nagkaka-nobyo, may nanliligaw naman subalit sa tuwing nalalaman ni Papa kung sino iyon ay pinapaiwas ako dahil ang gusto niya ay ang papasa sa standard niya na mas nababagay daw sa akin at sa pamilya namin. Naranasan ko na rin magkagusto subalit dahil alam kong hindi rin magugustuhan ni Papa ay inilihim ko na lang iyon at pinabayaan ang taong iyon na makahanap ng ibang babae na makakarelasyon.

Mayamaya ay narinig ko na bumukas ang pinto ng kwarto ko at pagtingin ko sa loob ng kwarto ay si Ate Anatasia ang pumasok na may inis sa mukha at masamang tumingin sa akin habang naglalakad papuntang lanai.

“Hinahanap ka ni Papa. Pumunta ka raw ng opisina, ngayon na!” inis na sabi ni Ate Anatasia sa akin.

“Bakit daw?” usisa ko.

“Hindi ko alam! Baka naman may ginawa kang katangahan kaya gusto kang makausap!” inis na tugon niya. “Tumayo ka na nga at puntahan mo si Papa!” utos niya sa akin.

Tumayo naman ako sa kinauupuan saka inilapag sa mesang babasagin ang librong hawak ko at pumasok sa kwarto. Inayos ko lang ang sarili ko habang nakatingin sa salamin saka lumakad na palabas sa kwarto kasunod ni Ate Anastasia. Naghiwalay na kami ni Ate ng patutunguhan dahil siya ay pumunta sa kwarto niya habang ako ay papunta sa opisina ni Papa.

Pagdating ko sa pinto ng opisina ni Papa ay bumuga muna ako ng hangin sa bibig upang alisin ang kaba na kumukutkot doon saka kumatok para kunin ang atensiyon ni Papa.

“Pasok,” sabi ni Papa sa loob ng opisina.

Binuksan ko ang pinto at dalawang tao na nakaupo sa mahabang sofa ang naabutan ko na tumingin  kaagad sa akin na ipinagtaka ko.

Hindi ko kilala ang kasama ni Papa subalit base sa mukha ng bisita ay hindi nalalayo ang edad niya kay Papa at nakapormal na damit siya at mukha siyang dayuhan.

“Is that your daughter? She’s beautiful like you older daughter,” nakangiting komento sa akin ng bisita ni Papa.

“Yes, she is,” tugon ni Papa. “Come here, iha,” aya ni Papa sa akin.

 Mabilis akong lumapit kina Papa at pinaupo niya ako sa tabi niya na sinunod ko naman pero nananatiling kumakabog pa rin ang dibdib ko dahil wala akong alam na dahilan kung bakit ako pinatawag ni Papa at may bisita pa pala siya.

“She’s Adeline, twenty-six years old, ang matalino at mabait kong anak,” pagmamalaki ni Papa sa akin.

Napatingin ako kay Papa at may ngiti siya sa labi habang sinasabi ang katagang iyon sa  bisita namin. Ngayon ko lang kasi narinig na ipinagmalaki niya ako sa ibang tao at masaya pa siyang ginagawa iyon. Akala ko nga ay wala siyang pakealam sa mga achievement ko noon bilang estudyante at sa pagiging mabuting anak ko, na ginagawa ko talaga upang mapansin niya at maipagmalaki.

Ang sarap pala sa pakiramdam na ipagmalaki sa ibang tao ng sariling ama at makitang masaya siya sa mabubuting nagawa ko. Gusto ko sanang maluha pero nagpigil ako dahil baka mapagsabihan akong masiyadong madrama ng mga kasama ko ngayon.

“Nakikita ko ngang mukhang mabuting anak si Adeline at matalino,” ayon ng bisita. “Ako nga pala si Antonov Alexeyev, isa akong Russian pero matagal ng nanirahan sa bansang ito kaya matatas ng magtagalog. Matalik kaming magkaibigan ng Papa mo at nandito ako upang makilala ka. Ang mapapangasawa ng anak ko,” nakangiting sabi ng bisita sa akin.

Napangiti ako sa sinabi ng ginoo. Sa tingin ko ay nagbibiro lang siya sa huling sinabi niya kaya dinaan ko na lang sa ngiti ang sinabi nito.

“Napagkasunduan namin Ada na magpakasal kayong dalawa ng unico iho ni Antonov dahil nasa tamang edad naman na kayo para mag-asawa,” sabi ni Papa.

Napatingin ako kay Papa at naglaho ang ngiti sa labi ko nang mapagtantong seryoso pala ang bisita sa sinabi kanina dahil sa sinabi ni Papa.

“Thirty-years-old na si Nikola at gusto kong mag-asawa na siya at magkaroon ng pamilya subalit napakaabala kasi ng anak ko kaya hindi makapaghanap ng nababagay na babae para sa kaniya. Mabuti na lang at muli kaming nag-usap nitong matalik kong kaibigan at nabanggit nga niyang may dalaga siyang anak na napakaganda, matalino at mabait pa,” nakangiting sabi ng bisita.

“P-pero po si Ate Anastasia, ay mas malapit ang edad sa anak niyo. Hindi niyo po ba siya gusto—“

“Ako ang umaayaw na mapangasawa ng anak ni Anton ang Ate mo. Pasaway si Ana at maraming kabulastugan at mukhang hindi mapapatino ni Nikola ang Ate mo dahil abala ito sa negosyo. Mas nararapat kayo dahil mabait kang babae. Ayaw kong bigyan ng problema si Nikola para ipakasal ang Ate mo sa kaniya,” sabat ni Papa.

Napakagat ako muli ng labi at hindi magawang makapagsalita sa mga nalaman ngayong araw.

“Hindi ko lang naisama ngayon si Nikola para pormal na maipakilala sana sa’yo dahil nasa ibang bansa siya para asikasuhin ang negosyo naming doon pero ang masasabi ko ay mabuting tao ang anak ko at nasisigurado kong magkakasundo kayo,” nakangiting paliwanag ng bisita sa akin.

“Magkakaintindihan din iyan sila lalo na kapag magkasama na sila sa iisang bahay,” nakangiting tugon ni Papa. “Sa ngayon ay pag-usapan na natin ang kasal nila at mabuting sa lalong-madaling panahon dahil baka makahanap pa ang unico iho mo ng babaeng mapapangasawa,” nagbibirong sabi pa ni Papa sa kaibigan.

Natawa naman si Antonov dahil sa birong iyon habang ako ay nananatiling tahimik at parang binagsakan ng langit at lupa sa naging desisyon na ipagkasundo siya ng ama sa lalaking hindi ko kilala.

“Kung ganoon ay dapat talagang madaliin na natin dahil ngayon pa lang ay gusto ko na si Adeline para sa anak ko. Napakarami pa namang babae na nagkakagusto sa anak ko, paano ay manang-mana rin sa ganda kong lalake,” tugon ni Antonov.

“Kaya nga pag-usapan at pagplanuhan na natin ngayon para wala nang urungan,” nakangiting sabi ni Papa.

“P-paano po pala ang anak niyo, Sir? Pumayag na po ba siyang magpakasal sa akin?” hindi napigilang tanong ko kay Antonov.

Bigla ay naisip ko ang anak ni Antonov na baka walang alam pa sa usapang ito at maari kong pakiusapan na tutulan ang kasal na ito dahil hindi ko kayang gawin iyon kay Papa, ang tumutol at sumuway sa gusto niya sa akin.

“Oo. Binigyan ko kasi siya nang palugit noong nasa edad siya ng bente-siyete na kapag umabot siya ng trenta at wala pa ring maipakilala sa aking mapapangasawa ay ipagkakasundo ko na siya at pumayag naman siya noon. May isang salita ang anak ko kaya nang sinabi ko sa kaniya na ipinagkasundo ko na siya sa anak ng matalik kong kaibigan ay pumayag kaagad siya at hindi na tumutol pa,” tugon ni Antonov.

Muli ay parang binagsakan na naman ako ng langit ang lupa sa nalamang pumayag na pala ang anak ni Antonov na ikasal kami kahit hindi pa ako nakikilala. Nawalan na ako ng pag-asa at nakadama ng matinding lungkot. Nais ko na naman maiyak ngunit hindi dahil sa kaligayahan kundi dahil sa lungkot at sama ng loob kay Papa na hindi man lang inisip kung matutuwa ba ako sa naging desisyon niya sa buhay ko.

Pinigilan ko muling maiyak dahil wala na rin naman magagawa ang pag-iyak sa harapan ni Papa at ng bisita nila dahil nagkasundo na sila at pinagpaplanuhan na ang magiging kasal namin ng unico iho ni Antonov.

Tahimik lang ako habang nakikinig sa usapan nila Papa at Antonov at kapag tinatanong nila ako ay saka lang ako sumasagot. Nang sa paningin nila ay hindi na ako kailangan sa usapan ay pinaalis na ako ni Papa at paglabas pa lang ng pinto ay tumulo na kaagad ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Nagulat pa ako dahil nasa pinto pala si Ate Anastasi at nang makita ang paglabas ko ay ngumiti pa siya na parang nasisiyahan sa pagluha ko.

“Mukhang hindi ikaw ang tanga kundi si Papa dahil ipapakasal ka pa talaga sa isang napakayaman, successful at gwapong lalake. Ano naman ang maitutulong mo sa taong iyon samantalang wala ka namang kaalam-alam at siguradong magagaya ka lang sa ibang babae na dumaan sa kaniya. Gagamitin ang katawan at pagsasawaan,” nakangising insult ng kapatid ko sa akin.

Dumagdag pa siya sa sama ng loob ko. Imbes na tulungan akong huwag makulong sa kasal sa lalaking hindi ko kilala ay ininsulto pa ako at tinakot.

Natatakot ako dahil baka nga totoo ang sinabi ni Ate Anastasia na magagaya ako sa mga babae ng lalaking iyon at mukhang kilala ni Ate kung sino ang anak ni Antonov at babaero pa yata dahil maraming dumaan daw na babae ayon kay Ate.

“Paano na ang magiging buhay ko kapag naging asawa na niya ako?” tanong ko sa sa sarili.

“By the way, congratulation sa nalalapit mong kasal at good luck,” nakangising bati pa sa akin ni Ate saka tumalikod at iniwwan siya.

Wala man lang bang yayakap sa akin at  aalisin kahit paano ang sama ng loob na nararamdaman ko? Sa bahay na ito ay wala ba akong magiging kakampi dahil lahat sila ay parang walang pakiramdam at pakealam sa nararamdaman ko?

Lumuluha na akong lumakad patungo sa kwarto ko at doon hindi napigilang mapaiyak habang nakaupo sa kama. Nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay sa araw na ito dahil sa ginawa ni Papa at sinabi ni Ate Anastasia. Wala pa naman si Yaya Perla dahil umuwi siya ng probinsiya dahil nagkasakit ang panganay niyang anak kaya nag-iisa ako ngayon na nalulungkot at walang karamay.

Noon kapag may hindi magandang nangyayari sa akin ay hinihilinng ko na sana ay hindi na lang ako naging anak ni Papa at kapatid ni Anastasia, mas mabuti pang maging simple ang buhay basta kasama ang pamilya at nagmamahalan kaysa mayaman ka nga kulang naman sa pagmamahalan ng pamilya at walang pagpapahalagahan.

Ngayon ay damang-dama ko ang pakiramdam na iyon at hinihiling na sana sa paggising ko kinabukasan ay isang simpleng Ada na lang ako na may buo at masayang pamiya.

“Mama, sana nandito ka at hindi mo ako iniwan. Dahil siguro kong nandito ka ay baka ikaw ang unang tututol sa gusto ni Papa at makakaramay ko sa mga panahong nalulungkot at umiiyak ako kagaya ngayon.”

Wala akong magawa kundi mag-isang umiyak at hindi ipakita iyon kay Papa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status