LOGINEMERYMaya-maya, biglang may nagsalita mula sa pinto. “Ang corny talaga ng lovey-dovey na 'to.”Napalingon ako at agad na nanlaki ang mata ko nang makita ko si Morgan. Nakatayo siya sa may pintuan habang may dalang maleta.Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ring magpahinga ang mga bagong dating.Biglang napaubo si Don Marshal kaya agad siyang nilapitan ni Eris. “Dad, magpahinga muna kayo.”Tumango si Victoria. “Mahaba rin ang biyahe natin mula States.”“May jet lag pa tayo. Mas magandang magpahinga na muna,” dagdag ni Miguel.Napabuntong-hininga si Don Marshal. “Sige.”Isa-isa silang tumayo.Nagpaalam muna sila sa akin bago nagtungo sa kani-kanilang kuwarto.Hindi nagtagal ay naiwan na lang kami ni Zion. At ako na sobrang namumula pa rin dahil sa nangyari.***Pagkatapos ng nakakahiyang eksena kanina kasama ang pamilya ni Zion, nagpasya kaming mag-almusal sa labas malapit sa pool.Tahimik ang paligid. Maririnig lamang ang mahinang tunog ng fountain at ang huni ng mga ibon mula
EMERYPagkatapos ng bakasyon namin sa Boracay, kinabukasan ay maaga akong nagising. Agad kong hinanap si Zion na katabi ko lang noon matulog, ngunit nang kapain ko ang kabilang bahagi ng kama, wala na siya roon.Napakunot-noo ako. Maaga ba siyang nagising?Napaupo ako sa kama at sumulyap sa orasan. Hindi naman ganoon kaaga.Napabuntong-hininga na lang ako bago tumayo. Naligo ako at nag-ayos. Pagkatapos ay bumaba na ako para mag-almusal.Ngunit bago pa man ako makarating sa ground floor, narinig ko na ang mga boses ng maraming tao.Napatigil ako.Hindi pamilyar ang mga boses na iyon. May mga nagtatawanan at masayang nagkukuwentuhan, habang may isang batang babae na tila tuwang-tuwa sa kung anumang pinag-uusapan nila.Napakunot-noo ako. May bisita ba?Pagbaba ko ng hagdan, agad akong natigilan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga taong nasa sala. Hindi ko sila kilala. Sa gitna ng mga ito ay may isang matandang lalaki na kahit nakaupo lamang ay kapansin-pansin ang awtoridad sa k
EMERYKinabukasan ay maaga kaming nagising ni Zion. Sumakay kami ng helicopter para sa island tour.Nang umangat ang helicopter sa himpapawid, kusang hinawakan ni Zion ang kamay ko. Napangiti ako. “Natatakot ka?”Umiling si Zion. “Tinitiyak ko lang na hindi ka mahuhulog.”“Tingin mo mahuhulog ako sa helicopter?” tanong ko.Ngiting tiningnan ako ni Zion. Lumapit ang bibig niya sa tenga ko at marahang bumulog, “Tingin ko makulit ka.”Natawa ako sa sinabi niya.Ngunit nang bahagya siyang umurong, saka ko lamang napansin kung gaano kami kalapit sa isa’t isa. Nanlaki ang mga mata ko. Saglit na bumaba ang tingin niya sa mga labi ko dahilan para kabahan ako.Maya-maya, bahagyang kumiling ang helicopter dahil sa hangin. Napalapit kami sa isa’t isa at muntik nang magdikit ang mga labi namin.Pareho kaming natigilan.Ilang segundo kaming walang imik habang magkatitigan. Unti-unting naging mabigat ang hangin sa pagitan namin.Napalunok ako. Samantalang si Zion ay agad na umiwas ng tingin at humi
EMERY“So tayo na?” tanong ni Zion.Nanlaki ang mata ko saka marahang natawa. “Hindi pa ba officially tayo sa lagay na ‘to?”Napatingin siya sa malayo, halatang naiilang. “Wala... sinisigurado ko lang.”Mas lalo akong natawa. “Edi tayo na nga.”Agad siyang napangiti, pero halatang pilit niyang pinipigilan iyon.“Kinilig ka 'no?” pang-aasar kong sabi.Nanlaki agad ang mata niya at mabilis na humarap sa akin. “S-Sakto lang... Teka, inaasar mo ba ako?”Napatakip ako ng bibig. Hindi ko napigilang matawa nang makitang namumula ang mukha niya.“You’re blushing, Zion!” sabi ko.“Hindi kaya.”“Talagang namumula ka, Zion,” pang-aasar kong sabi sa kanya.Lalo siyang namula at iyon ang tuluyang nagpatawa sa akin. Hindi ko akalaing darating ang araw na makikita kong nahihiya ang isang Zion Laurent Del Fierro.Biglang may sumingit na boses mula sa likod namin. “Tingin po dito, Sir Zion!”Napalingon kami pareho at nagulat na makita si Spencer. Hawak nito ang DSLR camera habang nakatutok sa mukha ni
EMERYParang nawala ang hangin sa pagitan naming dalawa. Natigilan si Zion sa sinabi ko. Kahit ang dagat ay tila tumahimik din.“Zion,” pagpapatuloy ko habang umiiyak pa rin, “gusto na kita noon. Hindi ko lang alam kung gaano kalalim. Litong-lito ako kasi ang akala ko, si Weston ang nakatadhana sa akin. Akala ko siya ang dahilan kaya nabubuhay ako ngayon. Pero kung sinabi mo lang sa akin noon, baka…”Hindi ko na naituloy ang sunod kong sasabihin dahil bigla siyang lumapit at hinalikan ako.Napasinghap ako sa gulat. “Zion—uhmm…”Pero bago ko pa siya mapigilan, naramdaman ko ang init ng labi niya sa akin. Hindi ito tulad ng mabilis na halik na ginawa niya sa stage. Hindi rin ito nakaw. Ito ay halik na puno ng pananabik, pangungulila, at mga damdaming matagal niyang kinimkim. Napapikit ako. At sa halip na itulak ko siya palayo, hinawakan ko ang damit niya. Diniinan ko ang halik niya.Ramdam kong natigilan siya, parang siya mismo ay nagulat sa ginawa ko. Pero sa sumunod na segundo, mas ma
EMERYNilapitan ko siya saka naman umalis si Mia para bigyan kami ng pribadong pag-uusap. Hindi ko na alam kung paano ko itatanong nang kalmado. Nanginginig na ang kamay ko, at bumibilis na rin ang tibok ng puso ko.“Ikaw ba ang kasama ni Zion noong may niligtas siyang babae five years ago?”Natigilan si Spencer, agad na nawala ang ngiti niya.“Ma’am…”“Sumagot ka, Spencer,” seryoso kong sabi.Napatingin siya sa paligid, parang natatakot na may makarinig. Pagkatapos, dahan-dahan siyang tumango.“Opo. May niligtas si Sir Zion noon,” mahina niyang sabi. “Pero hindi ko kilala kung sino ang babaeng iyon. Bakit, Ma’am Emery?”Parang may mainit na bumara sa lalamunan ko.“Suot ba niya iyong black hood jacket?” tanong ko. “Iyong may Nike check logo sa likod?”Nanlaki ang mata ni Spencer. Doon ko nakuha ang sagot bago pa man siya magsalita.“O-Opo,” sagot niya.Napaatras ako ng isang hakbang. Bakit pakiramdam ko na matagal na palang nasa harap ko ang sagot.“Nasan si Zion?” tanong ko.“Tingin
EMERYParang tumigil ang paligid ko. Wala akong narinig kundi ang mabilis na tibok ng puso ko. Wala akong naramdaman kundi ang init ng hininga niya, ang bigat ng presensya niya, at ang paraan ng marahan niyang paghalik sa akin na parang pinipigilan pa rin niya ang sarili niya.Hindi ko namalayang s
EMERY Bahagya siyang natawa, pero agad ding napaubo. Agad akong napaupo sa kama. “Ayan kasi. Ang dami mong sinasabi.” Dahan-dahan siyang tumayo mula sa sofa. Kita sa mukha niya ang sakit, kaya mabilis akong bumaba sa kama at inalalayan siya. “Careful,” sabi ko. “Mag-iingat ka rin,” sagot niya.
EMERY Nagpunta ako kanina sa nurse station para kunin ang ilang gamit ko. Sinilip ko na rin ang kuwarto ko, at totoo ngang may naka-occupy na roon. Napabuga ako ng hangin habang hawak ang maliit kong bag. Gusto kong maniwala na coincidence lang iyon, pero kilala ko na si Zion kahit papaano. Sa
EMERYNatigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong humaplos sa dibdib ko. Gusto kong magreklamo. Gusto kong sabihin na hindi niya kailangang gawin iyon para sa akin. Pero hindi ko magawa, nakatikom lang ang bibig ko habang nakatingin sa kanya.“Zion…” mahina ko







