Share

Kabanata 3.2

Akma na sanang aalis ang guest para pumasok sa kwarto niya nang bigla siyang pigilan ng Manager.

“Ano ba?!”

“Hindi mo ba talaga maintindihan? Alisin mo yang sigarilyo mo.”

“Aalis na nga ako diba?!” pasigaw nitong sagot, tinawag naman ng Manager ang dalawang guard.

“Palabasin niyo yan.” Utos niya rito na mabilis ding sinunod ng dalawang gwardya.

“Ibaba niyo ako! Ano ba! Nasa loob ang mga gamit ko!” pagsisigaw niya, inutusan naman ng Manager ang isang babae para isunod ang mga gamit nito na nasa loob ng kwarto niya. Sinenyasan niya ang dalawa na sumunod sa kaniya, nakayuko at tahimik silang sumunod.

Kinakabahan na si Sarah dahil baka narinig siya ng Manager nila na pinapatulan niya ang guest. Nakarating naman sila ng office, naupo ang Manager nila habang pareho silang nakatayo sa harap habang nakayuko ang mga ulo.

Ilang minutong nanaig ang katahimikan sa kanila, mariing ipinikit ni Mia ang mga mata niya dahil ramdam niya na ang pagkahilo.

“Tandaan niyo palagi ang kauna-unahang dapat ay ginagawa niyo kapag nasa ganito kayong trabaho. Sarah, ano bang unang dapat ginagawa kapag nasa ganung sitwasyon?” tanong nito, nakagat ni Sarah ang pang-ibaba niyang labi saka sinagot ang Manager.

“Maging mahinahon at mapagpasensya Ma’am.”

“Alam mo naman pala, bakit hindi mo ginawa?”

“Ginawa ko naman po Ma’am, sadyang hindi ko lang po kinaya ang pangmamaliit niya sa mga katulad natin.”

“Kahit anong klaseng sitwasyon at kahit na ano pang sabihin niya sayo, maging kalmado ka. Kung talagang makulit at ayaw pakiusapan, itapon mo sa labas! Ganun kasimple!” wika nito subalit hindi naman siya galit, kagat-kagat ni Sarah ang labi niya dahil mas brutal pa pala ito kesa sa kanila. “Akala mo kung sino ng mga binili ang mga buhay natin. Mga hindi rin naman kayang mabuhay kung walang uutusan.” Inis niya ring saad dahil narinig niya lahat ng mga sinabi ng babaeng yun na panlalait sa mga hotelier.

Tiningnan niya naman si Mia na nananatiling tahimik habang nakayuko.

“Good job Mia, wala pa ring papantay sa pagiging kalmado mo. Sige na makakaalis na kayo.” Nagpaalam naman na silang dalawa saka lumabas ng office ng kanilang Manager. Nananatiling tahimik si Mia dahil nahihilo na siya, hindi siya masyadong nakakain kanina dahil wala siyang gana.

“Okay ka lang ba? kanina ka pa tahimik. Hindi naman nagalit satin si Manager eh.” Anas ni Sarah habang tinitingnan si Mia.

“Okay lang ako, medyo napapagod lang siguro.” Tanging sagot niya, gusto pa sanang magtanong ni Sarah dahil parang hindi na maganda ang kalagayan ni Mia pero pinili na lang niyang manahimik dahil baka trip lang talaga ngayon ni Mia ang manahimik.

Napapahawak na si Mia sa ulo niya, pinagpapawisan na rin siya ng malamig. Pakiramdam niya umiikot na ang mundo niya. Tumingin siya sa gilid niya para sana sumandal saglit sa pader at makapagpahinga subalit bago pa man siya makarating ay natumba na siya at nawalan ng malay. Napatingin naman sa kaniya si Sarah at ang ilang mga empleyado na nakakita.

“Mia!” malakas na sigaw ni Sarah saka ito nilapitan at bahagya siyang tinapik sa pisngi.

“Mia, gising, Mia!” nag-aalalang saad ni Sarah dahil hindi niya naman alam kung anong gagawin. Lumapit na rin sa kanila ang ibang empleyado.

“Alisin mo yung sapatos niya saka mo hilot-hilutin yung mga daliri ng paa niya, yun ang alam ko. Tanggalin mo rin yung pagkakakabit ng bra niya sa likod.” Natataranta nang wika ng isa nilang kasama, ginawa naman nila ang sinabi nito at patuloy pa ring ginigising si Mia subalit tila isa itong patay kung matulog.

Samantala, nireready naman na ni Aiden ang pagmemeetingan nila ngayon. Mabilis niyang kinakalikot ang laptop niya, pumasok si Raoul sa loob ng conference room saka nilapitan si Aiden para may ibulong dito.

Napatigil si Aiden sa ginagawa niya dahil sa ibinulong sa kaniya ni Raoul.

“What? what happened?” gulat niyang tanong pero inilingan lang siya ni Raoul.

“That’s my fiancée, cancel the meeting.” Seryoso niyang saad na ikinatingin sa kaniya ng ilang mga taong nasa loob na ng conference room.

Tumayo na si Aiden saka lumabas ng conference room at lahat ng mga nakakasalubong niyang mga empleyado ay napapagilid at napapayuko sa kaniya. Ang tindig niyang nagbibigay ng takot sa mga empleyado niya.

“Mia ano ba? gumising ka naman. Ano bang nangyayari sayo?” halos maiyak ng wika ni Stella, hindi pa rin nagigising si Mia. Hindi pa rin dumarating ang ambulansyang tinawagan nila. Namumutla na rin si Mia na aakalain mong wala ng dugo sa katawan.

Napagilid naman silang lahat nang dumating ang Boss nila. Walang umiimik sa kanila pero mga nagpapakiramdaman dahil sa hindi naman sila sanay na nakikita ang Boss nila sa mga ganitong sitwasyon.

Napatingala si Stella nang lumuhod si Aiden para buhatin si Mia.

“Sir,” mahina nitong saad pero hindi umiimik si Aiden saka iniangat si Mia na wala pa ring malay. Tahimik silang lahat at nakayuko kahit na gusto nilang tingnan ang Boss nila. Walang umiimik sa kanilang lahat hanggang sa makaalis si Aiden kasama si Mia.

“Anong meron? Anong nangyari? Si Sir yun hindi ba?” halos hindi makapaniwalang saad ng isang babaeng empleyado. Lahat sila ay tulala habang nakatingin sa nakatalikod na Boss nila at papalayo na.

“Seryoso ba talaga si Sir sa sinabi niya?”

“Kung ganun, totoo yung bali-balita na inaya ni Mia ng kasal si Sir tapos sila na ngayon?!” tila hindi nila matanggap na saad, napatingin na lang sila sa isang babaeng bigla na lamang napaupo dahil sa panghihina ng tuhod niya.

“Ganun niya lang kadaling nakuha si Sir Aiden? Si Sir Aiden na halos crush ng bansa!” kaniya-kaniya nilang saad, napangiwi na lang si Sarah.

“Kung makapagsalita naman kayo akala niyo ang gaganda niyo. Hoy mga bubwita inggit lang kayo dahil baka kapag kayo ang nag-aya ng kasal kay Sir ay wala na kayong trabaho kinabukasan. Sadyang maganda lang si Mia! Mga inggiterang palaka.” Wika ni Sarah sa mga kasamahan niya sa trabaho.

“Sino ba naman kasing mag-aakala na papayag si Sir? Hindi niya naman kilala si Mia.” Sagot pa ng isa.

“Ha! bakit? Malay niyo, akala lang natin na hindi niya kilala si Mia pero may lihim pala siyang pagtingin kay Mia? Oh ano kayo ngayon?” pang-aasar niya sa mga ito saka siya umalis. Napapadabog na lang yung iba dahil sa sinabi ni Sarah at sa ginawa ng Boss nila. Umaasa na gagawin din ba ng Boss nila yun sa kanila kung anong ginawa niya kay Mia?

“Anong ginagawa niyong lahat diyan?!” lahat sila ay mabilis na tumakbo para magtungo sa mga trabaho nila nang marinig na nila ang sigaw ng head nila.

“Maaga pa para sa tsismisan!” sigaw pa nito at walang nakapagsalita sa kanilang lahat at kunwaring mga abala na sa mga trabaho nila.

Binuksan naman na ni Stella ang pintuan ng isang VIP suite dahil iyun ang utos ng Boss nila.

“Okay naman na po Sir sa kwarto niya baka po may magcheck in mamaya rito.” nahihiyang saad ni Stella. Ibinaba na ni Aiden si Mia sa napakalambot at napakabangong kama.

“It’s okay, I’ll tell them that she is already using this.” Hindi naman na nakasagot si Stella saka nilapitan si Mia.

“Pero nagpatawag na po kami ng ambulansya.”

“I will tell to my doctor to check her. Don’t worry, just take care of her. Stay beside her.” tumango na lang si Stella, nahihiya man sa Boss nila ay nagpapasalamat na lang din siya dahil sa kabutihan nito sa katulad ni Mia. Hindi nila kilala ang Boss nila, hindi niya alam kung seryoso ba talaga ito sa sinabi ni Mia noong mga nakaraang gabi pa. Mukha kasing sineryoso ng Boss nila ang tungkol dun.

Inayos ni Aiden ang kumot kay Mia saka niya ito tinitigan sa mga mata niya. Napapailing na lang siya dahil mukhang ibinubuhos na lang niya ang oras niya sa trabaho dahilan para mawalan ng malay.

Inutusan niya na si Raoul na tawagin ang sariling doctor ni Aiden para tingnan si Mia. Nung una ay nagulat pa si Raoul dahil ngayon lang naman ito ginawa ng Boss niya pero hindi na siya nagsalita pa saka tinawag ang Doctor.

Lumabas na si Aiden sa kwartong iyun saka nag-utos na lang ng empleyado para sabihin na ginagamit niya ngayon ang kwartong iyun kahit na may sarili na siyang kwarto sa hotel para pagstayan niya sa gabi. Wala namang imik ang mga empleyado kahit na nagtataka na sila kung bakit sa isang VIP room pa inilagay si Mia gayong may mga sarili namang kwarto ang mga empleyado.

Ang mga empleyadong walang alam sa nangyayari ay inaakala na special si Mia sa Boss nila o baka hindi nila alam ay palihim na nagkikita ang dalawa. Hindi naman masyadong nakikipag-usap ang Boss nila sa kahit kaninong empleyado bukod na lang kung may iuutos ito kaya nagtataka na lamang sila sa ikinikilos nito ngayon.

Matyaga namang nagbabantay si Stella nang matapos na tingnan ng Doctor si Mia. Masyado lang siyang napagod at nalipasan ng gutom kaya siya nawalan ng malay, maya-maya ay gigising na rin.

Pinupunasan ni Stella nang basang towel ang mukha ni Mia.

“Ano kasing ginagawa mong babae ka eh.” Wika pa nito.

“Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko, nakakahiya na kay Sir.” panenermon pa nito kahit na tulog pa rin si Mia pero napangiti rin hindi kalaunan dahil tila ba kinikilig siya dahil sa ginawa ng Boss nila sa kaibigan niya.

“Ang swerte mong babae ka.”

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Jorraline Crusillo
unlock.pls
goodnovel comment avatar
Nan
WOW! maganda Ang kwentong ito .
goodnovel comment avatar
Jolly rose Compendio
wow sana all oh ano kinikilig kayo noh
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status