Share

Marry Me, Mr. Professor
Marry Me, Mr. Professor
Author: smoothiee

Chapter 1

Kagaya ng cake na dala, ganoon din katamis ang ngiti sa labi ni Alexis. 

Hindi mawala ang maganda nyang pakiramdam. Habang naglalakad patungo sa office ng kaniyang soon to be husband ay napapasayaw pa sya sa tuwa.

"Magiging Misis Soriano na ako? Hindi na ako makapaghintay," bulong nya sa sarili nang huminto sa tapat ng office ni Manuel. 

"Na sa meeting pa po si sir," bungad sa kaniya ng secretary. "Hintayin nyo na lang po sya sa loob."

Tatlong araw na simula nang pag-usapan nila ang tungkol sa kasal. Gusto nyang dalawin ang nobyo dahil magiging busy na ito sa mga susunod na araw dahil sa mga meeting. Ngayon na lang ang araw na meron sila at ngayon din nila balak mamili at maghanap ng reception venue.

Sa katunayan, wala naman nang maihihiling pa si Alexis. Sapat na sa kaniya na mapangasawa ang kaniyang kababata at long time crush. Bata pa lang kasi sila ay gusto na nya si Manuel, kaya labis ang tuwa nya noon nang ligawan sya nito. 

Isang taon na rin simula nang maging magkarelasyon sila at ngayon ay wala na syang maihihiling pa dahil ikakasal na sya rito.

Binuksan nya ang pinto at bumungad sa kaniya ang malaking office ni Manuel.  Ngayon ay nilamon na sya ng kaniyang imahinasyon. Naiisip na nya kung saan ilalagay ang wedding picture nila ni Manuel dito sa office.  

"Sa taas kaya ng tv?" tanong nya sa sarili. "Or sa magiging bedroom na lang namin sa bahay?"

Mas lalo tuloy syang hindi makapaghintay sa kasal nila.

Pumunta sya sa mini pantry at inilagay nya ang hawak na cake sa lamesa. Kumuha sya ng isang baso at nagsalin ng tubig. Nagtungo sya sa swivel chair ni Manuel para umupo at magpahinga saglit.

Ngunit habang patungo sa swivel chair ay biglang tumunog ang phone na nasa bulsa nya, dahilan para masagi nya ang isang vase na nakadisplay sa gilid ng mesa. 

Tinitignan nya ito at halos mamutla nang makita ang pira-pirasong bahagi ng vase. 

Agad nyang inilapag ang baso sa desk at agad syang lumuhod para kuhanin ang mga malalaking parte. Hanggang sa makaramdam sya ng hapdi. Nang iaangat ang kaniyang kamay ay nakita nya agad na dumugo ang kaniyang hinlalaking daliri. 

Kagat labi nyang kinuha ang cellphone sa bulsa. Wala na ang tunog, lumitaw na sa screen nya ang missed call ni Manuel.

Nagdadalawang isip syang isend kay Manuel ang picture nang nabasag nyang vase. 

Alam nya sa sarili kung anong halaga nito kay Manuel. Ang vase na nabasag nya ay regalo ng ex nito. Bago nya maging nobyo si Manuel ay nakita nya muna itong ma-inlove sa iba. Kaya ganoon na lamang ang kaba nya bago i-send ang picture.

"Ikakasal naman na kami," kagat labi nyang bulong. "Hindi naman siguro magagalit 'yon kasi aksidente lang naman ang nangyari."

Nawala ang kaba nya sa isipan. 

Wala pang isang minuto ay agad na nagreply si Manuel sa kaniya. 

"Dyan ka lang."

Dumapo na ang tingin ni Alexis sa dumudugong daliri. Pinunasan nya ito gamit ang tissue.

Makalipas ang sampung minuto ay agad na bumukas ang pinto ng office. Agad na nakita ni Alexis kung paanong magmadali si Manuel papunta sa nabasag na vase.

"Alexis, anong ginawa mo?"

"Pasensya ka na, mahal. Nasagi ko kasi kaya nahulog," sagot ni Alexis na tila ba kinakabahan sa magiging reaksyon ng nobyo.

Nagtaas baba ang balikat ni Manuel na tila ba kinakalma ang sarili. Hanggang sa tinuro nito ang mga piraso ng vase sa lapag. 

"Pulutin mo ang mga 'yan."

Galit na si Manuel, alam iyon ni Alexis. Makikita nya ito sa pagtiim bagang nya. Matagal nang malamig ang pakikitungo ng nobyo sa kaniya pero ngayon ay tila ba iba ito. Mas malala at ayaw ni Alexis ng ganitong pakiramdam. Natatakot sya.

Pinakita ni Alexis ang dumudugong daliri. "B -baka mabubog ako ulit. K -kukuha na lang ako ng walis—“

Tinaasan sya ng boses ni Manuel. "Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko pulutin mo!"

"P -pasensya na. B -bibilhan na lang kita ng bago," naiiyak na sabi niya. Hinawakan nya ang kamay ni Manuel. "May malapit na mall dito, bibilhan kita agad."

Agad naman inalis ni Manuel ang kamay nya. "Alam mong mahalaga sa akin ang vase na 'yan. Sinadya mo bang basagin—."

"Vase lang 'yan, Manuel. Bakit ba nagagalit ka?" 

Lahat ng pait at sakit ay makikita sa tanong na 'yon ni Alexis. Halata sa boses na ‘yon na nagpipigil sya ng iyak.

"Vase lang? Ayan ang mahirap sayo, di mo alam na ang vase na 'yan ay galing kay..."

Huminto si Manuel sa pagsasalita at nagtiim bagang. Pilit pa rin na kinakalma ang sarili.

"Pulitin mo na lang. Siguraduhin mong maididikit at maibabalik mo 'yan sa dati."

Hindi na alintana ni Alexis ang hapdi ng sugat sa kaniyang daliri. Kailan man ay hindi sya sinigawan ni Manuel ng ganito.

"Alam kong bigay sayo ng ex mo 'yan, kaya ka nagagalit kasi nabasag?" tanong nya habang pinipigilang pumapatak ang luha sa kanyang mata. "Ikakasal na tayo, Manuel. Hanggang kailan mo ba balak itabi ang mga gamit ng ex mo? Hindi ako makapaniwala na nagmamadali ka pa galing meeting para lang sa vase na 'yan? Kung ganon mo naman pala sya kamahal bakit hindi na lang sya ang pakasalan mo?"

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Alexis. Napahinto sya at tila hindi maiproseso ang nangyari. Hindi nya maramdaman ang kanang pisngi at tila ba nabingi ng ilang segundo.

"Lumabas ka na." 

Nang marinig ang malamig na boses ni Manuel ay doon natauhan si Alexis. Namumula na ang mata nya at kinagat nya ang kaniyang labi. 

Nag-angat sya ng tingin at tumitig kay Manuel. "D -Dinalhan kita ng paborito mong cake, itapon mo na lang." 

Nagmamadali syang lumabas ng office. Ayaw nyang umiyak sa harap ni Manuel. Samantalang si Manuel ay pinulot ang mga malalaking piraso ng vase. Tinapon nya ito sa dingding dahilan para mas lalo itong mabasag.

Nang makalabas si Alexis ay syang pagpatak ng kaniyang luha. Tila ba sinaksak ang dibdib nya sa harap-harapang pagsampal sa kaniya ni Manuel. Hindi nya matanggap na may mas halaga pa ang gamit ng ex nya kesa sa kaniya na magiging asawa nya. Nang bumukas ang elevator ay agad syang sumakay sa loob.

Gusto na nyang umuwi. Gusto nyang mailabas ang sakit na nararamdaman. Binuksan nya ang purse na dala para kumuha ng tissue at sa pagbukas ng elevator ay lumabas sya agad. 

Nagmamadali syang tumakbo. Nasagi nya ang isang matangkad na lalaki sa parking lot at hindi nya namalayang nalaglag ang panyo nya at ang susi mula sa purse.

Nang makauwi ay agad nyang hinanap ang susi ng bahay. Ngunit walang kahit na anong susi ang lumitaw. Napasandal na lamang sya sa harap ng kaniyang pintuan. Doon ay tuluyan nang bumuhos ang luhang kanina nya pa pinipigilan.

"M -may mali ba sa akin?" tanong nya sa sarili. “Ginawa ko naman ang lahat. Parang sa vase lang sisigawan at sasampalin nya ako?”

Ilang minuto rin hinayaan ni Alexis na lumabas ang hinanakit sa kaniyang dibdib. Puno na ng sakit ang katawan at ang puso nya. Hindi nya rin maramdaman ang kanang pisngi dahil sa pamamanhid nito.

Matapos mahimasmasan ay pinunasan nya ang pisngi at plinanong bumalik sa building ng office ni Manuel para hanapin ang susi. Baka sakaling nahulog nya ito doon. 

Paglabas nya ng sasakyan ay agad na huminto ang isang matangkad na lalaki sa harapan nya. Nilahad nito ang kamay at doon ay nakita ni Alexis ang susi at ang panyo. 

"Nahulog mo kanina," saad ng lalaki. 

Tinitigan ito ni Alexis. Nagtagpo ang kanilang mata. Mas matangkad ito kay Manuel. Mas gwapo rin at mukhang matalino dahil sa salamin na suot nito. Mukha syang artista.

Hindi nya namalayan na napagmasdan din sya ng lalaki. 

Napalunok si Alexis at nag-iwas ng tingin. Matapos makuha ang susi ay nagpasalamat sya. "Thank you." Nilabas nya ang wallet at kumuha ng isang libo para ibigay sa lalaki. "Kunin nyo po bilang pasasalamat."

Hindi umimik ang lalaki at iniwan syang nakatayo sa parking lot.

***************

Tatlong araw na rin ang nakalipas simula nang magkulong si Alexis sa kwarto nya. Tatlong araw nya rin pinatay ang phone nya dahil alam nyang tatawag si Manuel.

Wala syang lakas na tumayo at mas gustong humiga sa kama. Nakarinig sya ng katok mula sa kaniyang kwarto at sigurado sya kung sino 'yon. Iisang tao lang naman ang may duplicate ng susi ng bahay nya.

"Pasok," walang ganang sabi ni Alexis. 

Bumungad sa kaniyang harapan ang kaniyang matalik na kaibigan na si Joy

Kitang kita ni Joy kung gaano ka-haggard ang best friend nya. Ngunit nagtataka sya dahil tinatakpan nito ang kanang bahagi ng mukha. 

Alam nyang may mali kaya agad nya itong tinanggal at nagulat nang makita ang pasa sa pisngi nito.

"A -anong nangyari sa mukha mo?" Inalis nya ang ilang buhok na tumatakip sa pisngi ng kaibigan. "Bakit ka may pasa sa pisngi?" 

Nang makitang walang balak sumagot si Alexis ay hinawakan nya ito sa balikat.

"Sinong sumampal sayo?" 

Ang luha sa mata ay muling tumulo sa pisngi ni Alexis

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status