Share

KABANATA 17

MARI

Marami nang tao sa venue ng party ng mama ni SJ nang dumating kami roon. And as much as I want to look for Zequiel and Riya, wala naman akong nagawa nang hilahin ako ni SJ at sabihing kailangan ko siyang samahan na magpalit ng damit sa isa sa mga cottage. Ang galing lang. What a great waste of time.

Kahit naiinis ako ay sinamahan ko na lang din siya dahil wala na rin naman akong choice. Ayoko namang mag-ikot mag isa sa party na iyon nang wala man lang kasamang kakilala kahit isa. Mahirap na, baka mapagkamalan pa akong gate crasher o kung ano pa man.

Kanina, nang nasa sasakyan pa kami ay aligaga na ang isip ko sa pag-ooverthink ng paano kung may makakita sa amin na dumating ng magkasama? ‘Tapos makita rin kaming pumasok sa iisang cottage room? Iba na ang mundo ngayon at hindi na natin masasabi ang mga tumatakbo sa isip ng tao. Ayoko ring ma-issue sakaling may kahit isang makakilala sa akin sa party na iyon dahil paniguradong hindi lang ako ang maiiskandalo kundi ang buong pamilya
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status