Share

KABANATA 6: Poisoned Truths

Author: aisley
last update Last Updated: 2025-12-20 21:42:37

Ang hangin ng unang bahagi ng taglagas ay may dalang kakaibang lamig, tila nanununtok sa balat ni Zoey habang nakatayo siya sa tapat ng lumang mansyon. Suot ni Liam ang paboritong madilim na amerikana na madalas niyang makita noon isang imahe ng pamilyar na seguridad na ngayon ay nagdudulot na lamang ng pait. Sa mga mata ni Liam, mababanaag ang isang uri ng pagmamahal na tila walang pinagdaanang bagyo. Malumanay, maayos, at tila perpekto.

Subalit sa bawat pintig ng puso ni Zoey na tila mas mabilis pa sa tambol, alam niya ang katotohanan. Sa likod ng maamong mukhang iyon ay isang ambisyong kasing lamig ng yelo. Kusa siyang umatras, nililikha ang distansyang sapat upang hindi siya lamunin ng presensya ng lalaki.

"Anong ginagawa mo rito?" matigas na tanong ni Zoey.

Ngumiti si Liam, yung ngiting dati ay nagpapatunaw sa kanya.

"I know that after your mother and father passed away, your greatest dream was to reclaim this place. These past few years, I’ve been working hard to take control of the Navarro family affairs. At sa wakas, Zoey, I finally have the time."

Humakbang ito palapit, ang titig ay nakapako sa kanya. "I never forgot your dream."

"Ha." Isang mapait na tawa ang kumawala sa mga labi ni Zoey. Kung ito ay nangyari noong nakaraang taon, baka humagulhol siya sa tuwa at nagpasalamat sa langit. Ngunit ang pusong durog ay hindi na muling mabubuo ng parehong mga kamay na sumira rito.

"Stop acting, Liam. Hindi mo na ako maloloko. Your family was good to me, and I don’t want a total fall out. Kaya please, huwag ka nang magsalita ng mga bagay na magbibigay lang ng maling akala." sabi ni Zoey

Nang tumalikod si Zoey, biglang hinablot ni Liam ang kanyang pulso. Sa isang malakas na hila, napasubsob siya sa dibdib nito. Ang dibdib na dati ay kanyang kanlungan, ngayon ay tila lason na sumasakal sa kanya.

"Liam, bitawan mo ako!" pagpupumiglas niya.

"Ang pagpipinta mo, ang pakikipagkaibigan kay Luna, ang pagkuha sa lupang ito are you truly happy, Zoey?" madiing tanong ng lalaki.

Nanikip ang dibdib ni Zoey. Ang implikasyon sa boses nito ay malinaw, iniisip ni Liam na ginagamit lang niya si Luna para sa pera.

"Liam, you are disgusting." wika ni Zoey

Kumislap ang galit sa mga mata ni Liam. Mahigpit niyang hinawakan ang baywang ng dalaga.

"Don’t be naive. Luna is only seventeen. How could she afford this land? I investigated. Ang nakabili nito bago ang pamilya Navarro ay ang mga Monteverde, long time associates of the Villanueva's! Do you know what that means now that the land is in her hands?"

Napagat labi si Zoey. Alam na ba niya? Imposible. Lihim ang kasal nila ni Jasper.

"What's your point?"

"Ang punto ko? Walang negosyante na gumagawa ng bagay nang walang kapalit. Isipin mo kung anong gusto ni Luna sa iyo! Even her father, Jasper Villanueva that man has been a widower for seventeen years. He came back from Canada looking like a mess with a so called daughter. Don't you see it? He's using you." wika ni Liam

"Gagamitin ako ni Mr. Villanueva? For what?" tanong ni Zoey

"You're young, beautiful, and an orphan with no connections in Tarlac City," ani ni Liam na tila isang guro na nagpapaliwanag sa isang batang musmos. "Jasper is a businessman, he doesn't want a high maintenance wife from his own social circle. He wants someone he can control. Someone like you."

Nanginginig ang mga daliri ni Zoey. Ganoon nga ba? Isang transaksyon lang ba ang lahat? Ngunit kahit totoo man ang sinasabi ni Liam, mas pipiliin pa rin niya ang malamig na katotohanan kay Jasper kaysa sa mapanlinlang na pag ibig ni Liam.

"Zoey, you can’t go to the supermarket when you're hungry, you’ll end up buying the wrong things," makahulugang sabi ni Liam.

Pak!

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Liam. Nabigla ang lalaki, hindi nakailag sa bilis ng galaw ni Zoey.

"Hindi lahat ng tao ay kasing sama mo," naiiyak na sabi ni Zoey. "Even if Luna needs something from me, I gave it willingly! Stop poisoning my mind!"

"You believe her more than me? You've only known her for a year!" sigaw ni Liam, ang desperasyon ay lumalabas na sa kanyang boses. "I am the only one who truly cares for you! The land I couldn't buy for millions, she just handed it to you? Do you really think you have the merit to accept that kind of luck?"

Lumambot ang tono ni Liam, pilit na hinahawakan ang kamay ng dalaga.

"Zoey, it's for your own good. The Villanueva family is messy. Don't get too close to them. Come home with me." wika ni Liam

Tumingin si Zoey sa kanya, ang mga mata ay puno na ng kawalang paki.

"Ang dahilan mo? Ang dahilan mo ay ang pagpapaasa sa akin habang nakikipag engaged ka sa babaeng kasing antas mo? You treated me like a sister in public, but a toy in private. Liam, broken glass can never be mended. There is nothing left between us but three months of deception."

Sa itaas ng rooftop, hindi kalayuan sa kanila, nakatayo ang isang matipunong pigura.

"Dad? Why are you just standing here?" tanong ni Luna. Nakita niya ang kahon ng alahas sa kamay ng kanyang ama.

"Oh my god... is that the 'Tear of Neptune'? The one Uncle Carlos was eyeing in France?" tanong ni Luna

Hindi sumagot si Jasper. Ang kanyang seryoso at malamig na mukha ay bahagyang natatamaan ng asul na kislap ng hiyas. Ang kanyang titig ay nakapako sa ibaba kay Zoey na pilit na niyayakap ni Liam.

Asawa niya iyon. Ang kanyang Misis ay nasa bisig ng ibang lalaki at umiiyak. Ang kanyang pride ay nag uutos na bumaba at bawiin ang sa kanya, ngunit nanatili siyang estatwa. He knew how fragile she was.

"Is that Lucky Bro?" tanong ni Luna nang makita ang eksena sa ibaba.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love   KABANATA 18: From One Cage to Another

    Sa loob ng maliit na espasyo ng banyo ng hospital, pakiramdam ni Zoey ay isa siyang maliit na bangkang hinahampas ng naglalakihang alon sa gitna ng madilim na karagatan. Ang mga bisig ni Jasper na nakakulong sa kaniya ay tila mga pader na walang lagusan. Umiikot ang kaniyang mundo nang mapanganib na anumang sandali ay maaari siyang mahulog sa madilim na kailalimang iyon na pilit niyang iniiwasan.Mariing hinalikan ng lalaki ang kaniyang mga labi. Hindi ito banayad. Ito ay isang pag angkin, isang marahas na pagbura sa anumang bakas na maaaring iniwan doon ng pangalan o alaala ni Liam. Ramdam ni Zoey ang hapdi sa kaniyang sugatang labi, ngunit ang sakit na iyon ay may halong kakaibang kiliti at kuryenteng gumagapang sa kaniyang buong pagkatao isang sensasyong hindi niya maipaliwanag at lalong hindi niya mapigilan.Unti unting naghabol ng hininga si Zoey. Ang kaniyang dibdib ay mabilis na tumataas at bumababa, sumasabay sa mabigat na hininga ng lalaki. Pakiramdam niya ay nawawala na siya

  • Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love   KABANATA 17: Whom Do You Belong To

    Hindi mawala sa isip ni Zoey ang imahe ni Liam kanina sa mansyon. Pinanood siya nito. Pinanood siya ni Liam habang dahan dahang isinusubo ang kamandag na nakatago sa tamis ng cake. Pinanood siya nitong nahihirapan, naglalakad palayo sa bahay na itinuring niyang tahanan sa loob ng sampung taon, nang walang kahit anong pigil. Kaya naman hindi maintindihan ni Zoey kung bakit siya hinahabol nito ngayon. Bakit ngayon pa? Kung kailan ang lason ay nasa kaniya nang sistema?Pinilit niyang pakalmahin ang kaniyang nangangatog na kalamnan. "Nasaan ang fiancée mo?" ang unang tanong na lumabas sa kaniyang tuyot na labi."Umuwi na siya," tipid na sagot ni Liam. Ang boses nito ay puno ng lumbay, ngunit para kay Zoey, tunog itong isang malaking insulto.Napangiti si Zoey nang mapait, isang ngiting hindi umaabot sa kaniyang mga mata. Of course. Kapag wala lang ang reyna, doon lang siya nagkakaroon ng halaga. Kapag wala si Bianca, doon lang may espasyo para sa isang ampon na tulad niya. Sampung taon si

  • Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love   KABANATA 16: She Drew the Line

    Pinagmasdan ni Jasper ang eksena sa loob ng silid. Ang paraan ng pagiging maprotekta ni Luna kay Zoey ay tila isang kumpas na nagpapahinto sa kaniyang mundo. Naningkit ang kaniyang mapanganib na mga mata isang tingin na tila ba binabasa ang bawat hibla ng katotohanan sa silid. Sa gitna ng katahimikan, biglang nag vibrate ang kaniyang telepono sa loob ng bulsa ng kaniyang coat."Excuse me. I have to take this," malamig niyang sabi. Ang kaniyang boses ay walang bakas ng emosyon, ngunit ang kaniyang presensya ay nag iwan ng isang mabigat na bakas bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.Nang sumara ang pinto, tila ba ang hangin sa loob ay naging mas magaan. Ang bigat na dala ng presensya ng isang Jasper ay unti unting napalitan ng pamilyar na ingay ni Luna."Kailangan ko na ring bumalik sa duty, Zoey. Mag ingat ka rito. I’ll check on you later," paalam ni Dr. Cruz. Ngumiti siya nang bahagya, isang ngiting nagpapakita ng pag aalala na higit pa sa isang doktor para sa kaniyang pasyente."Sige

  • Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love   KABANATA 15: Between Past and Possession

    Nalunod si Zoey sa sarili niyang kaisipan, ang mga alaala ni Liam ay tila mga alon na humahampas sa kaniyang pagkatao. Pinanood ni Jasper ang dalaga nakita niya sa mga mata nito ang pait ng nakaraan at ang pangungulila sa isang pangakong napako. Bawat patak ng luha ni Zoey ay tila isang kurot sa kaniyang sariling puso isang pakiramdam na bago at nakakabigla para sa isang lalaking tulad niya na sanay sa malamig na mundo ng negosyo.Biglang ibinaba ni Jasper ang kaniyang ulo. Sa isang galaw na puno ng paggalang at pagsuyo, dahan dahan niyang hinalikan ang likod ng kamay ni Zoey.Agad na natauhan ang dalaga! Ang init ng labi ng lalaki sa kaniyang balat ay tila kuryenteng gumising sa kaniyang natutulog na diwa."Mr. Villanueva, kayo..." Gulat siyang tumingin sa lalaki, ang kaniyang mga mata ay nanlalaki sa pagkabigla.Hindi umiwas si Jasper. Tumingin siya nang diretso sa mga mata ni Zoey bago dahan dahang tumayo. Yumuko siya nang bahagya, at bago pa makahuma ang dalaga, naramdaman na nito

  • Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love   KABANATA 14: Saved by Him

    “Zoey…” Nangangatal ang mga labi ni Liam habang binibigkas ang pangalang iyon, isang bulong na nalunod sa ingay ng pagdiriwang. Ngunit tila naging bingi ang mundo sa kaniya. Si Bianca, na may suot na mapaglarong ngiti, ay masiglang inanyayahan ang lahat na pagsaluhan ang cake. Ang kaniyang boses ang namayani sa silid, isang matamis na deklarasyon ng tagumpay na tuluyang nagbaon sa mahinang tawag ni Liam. Maging si Zoey ay hindi lumingon. Sa sandaling iyon, ang distansya sa pagitan nilang dalawa ay hindi lamang mga hakbang, kundi mga milya ng pagkakanulo. Padabog na tinabig ni Zoey ang kamay ni Bianca. Ang bawat hibla ng kaniyang pagkatao ay nag uutos na tumakas. Lumingon siya nang diretso sa direksyon ng banyo, ang kaniyang mga hakbang ay mabigat at puno ng pagmamadali. Sa loob ng kaniyang bibig, ang tamis ng cream at ang kakaibang bango ng sariwang mangga ay unti unting natutunaw. Sa ibang pagkakataon, marahil ay ituturing niya itong langit, ngunit sa bawat segundong dumadaan

  • Marrying My Best Friend's Father: Forbidden Billionaire Love   KABANATA 13: ANG MATAMIS NA LASON

    “Zoey, may mukha ka pang ipapakita rito?” Biglang sumigaw nang matalim at mapang asar si Camille, na suot ang isang agaw pansing pulang damit. Gusto niyang mapahiya si Zoey at mapilitang umalis. May misyon siya ngayong gabi. “Tsk, ‘yang suot mo, binili mo lang sa internet, ‘no? Mukhang naghihirap ka na simula nang umalis ka sa pamilya Navarro. Akala ko ba nakadikit ka na kay Miss Villanueva at namumuhay nang marangya?” Nagsalubong ang kilay ni Luna. “Camille, kumain ka ba ng dumi bago ka pumunta rito? Ang baho ng bunganga mo!” “Luna, hindi kita papatulan ngayon! Malaking okasyon ito para sa pamilya Sandoval. Kahit Miss Villanueva ka pa, matuto kang lumugar!” “Tsk, kung makapagsalita ka, akala mo kung sinong super rich ang pamilya Sandoval niyo, eh maliit na catering company lang naman ‘yan.” “Ikaw—” Dahan dahang hinawakan ni Zoey ang pulso ni Luna habang nakatingin nang diretso sa nanunuksong mga mata ni Camille. “May invitation ako. Kung kailangang paghiwalayin ng pamilya San

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status