Mag-log inMasaya naming natapos ang selebrasyon ng kaarawan ng anak namin. Kahit pribado at simple lamang ang selebrasyong naganap, sinigurado talaga ng pamilya ni Theo na maganda at matutuwa pa rin ang iilang mga bisita sa simpleng handaan. Halos isang linggo na rin ang lumipas. Kalmado ako at kampante na sa lahat. Walang gulong nangyari, walang Leon na nagpakita, at sana ay tuloy-tuloy na ito hanggang dulo."Dadaanan kita mamayang lunch, okay?" paalala ni Theo sa akin nang maihatid niya na ako sa flower shop. Nakangiti akong tumango. "We will have our lunch together.""Yes, Hubby... Tsaka tatapusin ko na ang mga pending ko ngayon para bukas ay tuloy tayo sa date natin," sabi ko pa. Matagal nang plano ni Theo ang date na 'yun. Naisip niya kasi na naging busy talaga kami nang sobra bilang magulang at sa kanya-kanya naming trabaho. Ngayon na lang namin napagbigyan ang sarili namin ng oras. Sakto namang hiniram ng mga magulang namin si Alessia kaya masosolo namin ang isa't isa buong magdamag buka
Yakap-yakap ako ni Theo mula sa likuran habang nakalubog kami pareho sa bathtub. Kakatapos lang namin at pagod kami pareho. We decided to take a bath bago kami magpahinga nang sabay. Mas maayos na ang isip naming dalawa, nalinawan kami pareho at kalmado."I love you..." bulong niya sa akin habang panay ang pagpatak ng halik sa aking pisngi. "I am so sorry again, Darling...""Sorry din..." paumanhin ko at mas inihilig ang katawan ko sa kanya. "Mali ko rin naman talaga iyon, Theo... Alam kong naiintindihan mo ako palagi at mahaba ang pasensya mo sa akin, pero huwag mo sanang kalimutan na tao pa rin ako. Kapag nagkakamali ako, hayaan mo akong itama ang maling iyon," seryoso kong sabi.Hindi naman kasi porke si Theo ang lalaki ay siya na palagi ang iintindi. May mali ako bilang asawa, at may karapatan si Theo bilang asawa ko kaya siya nakaramdam nang ganoon. Sa buhay, hindi naman kasi lahat ng tao ay perpekto, pero hindi ibig sabihin na dahil pwedeng magkamali ay kailangan na itong i-tole
Mabilis akong nagpunas ng pisngi. Hindi pwedeng ganoon. Ang hina ko naman masyado!Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Nang mapansin kong nakatayo pa rin siya roon at pinagmamasdan ako ay pilit ko pa rin tinatagan ang aking sarili.Huminga ako nang malalim tsaka dahan-dahang binuhat ang plato at naglakad papunta sa lababo. Ngunit hindi pa ako nakakarating doon ay nabitawan ko ang aking hawak. Mariin akong napapikit at inis na lumuhod.Akmang lilikumin ko na sana ang mga iyon nang hilahin ako bigla patayo ni Theo. Nanlalabo ang mga mata ko siyang tinignan."Ako na—""Maupo ka roon," malamig niyang utos sa akin habang mariin akong tininitigan. "Stay away from here. Maupo ka roon," dagdag niya pa.Hindi na ako nakipagtalo pa. Pero imbes na sundin siyang maupo lang doon ay lumakad na ako paakyat sa itaas. Pumasok ako sa kwarto naming mag-asawa at kumuha ng gamit tsaka naglakad papunta sa isang guest room. Ayoko sa kwarto ni Alessia dahil baka mas lalo lang akong maiyak d
Buong gabi kaming hindi nag-usap. Hindi na rin kami sabay kumain. Hindi kami tabi natulog. Iyon yata ang unang beses na hindi kami nagtabi sa isang kwarto, at ito na yata ang unang beses na natulog kami pareho nang hindi inaayos ang pinag-awayan namin. Sa kwarto ako ni Alessia natulog. Nang magising ako kinabukasan, wala na si Theo. Sabi ni Manang Lourdes, maaga raw itong umalis at baka nasa trabaho na. I am guilty. Aware ako at aminado rin akong may kasalanan din talaga ako. Mali ko na imbes tawagan siya ay pumayag agad ako sa gusto ni Ethan. I really know he hates that guy, pero ayoko kasing idamay si Ethan dahil lang may nararamdaman na iba si Theo sa kanya. I love my husband, I respect him. Pero may respeto rin ako kay Ethan. Gusto niya lang naman ng trabaho at wala naman siyang ginagawang masama kaya pinagtatanggol ko siya sa tuwing nagagalit si Theo dahil sa kanya. I just realized na imbes intindihin at kausapin nang maayos si Theo kagabi, sinabayan ko pa ang galit niya. Hind
Halos dalawang buwan ang lumipas at naging maayos at payapa ang buhay naming lahat. Walang paramdam o kahit anong balita kay Leon. Sa totoo lang nakakapagtaka, ngunit hindi na muna namin masyadong binigyang-pansin iyon. Lalo na't walong buwan na ang anak namin at mas lumalago ang negosyo ko.Napapadalas ang tao ko sa shop, halos hindi na kami nagkakasama mag-asawa dahil abala rin si Theo sa ospital. Tuwing uuwi kami, minsan ginagabi na ako nang sobra at umuuwi na akong mag-isa, minsan naman kapag siya ang ginagabi ng uwi ay tulog na kaming mag-ina."Ma'am, busy po ba kayo?" mabilis kong nilingon si Ethan na nasa kabilang lamesa lang."Hindi naman, bakit?" tanong ko. Wala naman ako masyadong ginagawa ngayon dahil halos si Ethan na ang gumawa ng lahat. Honestly, malaki ang pasasalamat ko dahil sa kanya. Mas naging magaan ang trabaho ko. Maalam siya sa lahat, mabait, at maasahan kaya madalas hindi ko na kailangan mag-alala pa. "Do you need anything?""Wala naman, Ma'am. Itatanong ko lang
Magagaan at maiingat na halik ang ibinigay sa akin ni Theo dahilan upang kumalma ako. Mabilis akong nagdilat ng mata nang pakawalan niya ang labi ko. Halos habulin ko pa iyon sa sobrang dala at sabik sa labi niya. "You want more?" malambing niyang tanong sa akin. Agad akong tumango nang wala man lang pag-aalinlangan. Para akong nalalasing sa halik niya. Tanging si Theo lang talaga ang kaya akong pakalmahain nang ganito. Muli niya akong hinalikan at mas idinikit ang katawan namin sa isa't isa. Kusa akong yumapos sa leeg niya upang mas diinan ang halikan naming dalawa. Nang mapagod at malapit nang kapusin ng hininga ay tsaka lamang kaming tumigil dalawa. Titig na titig ako sa mga mata niya. Marahan niyang hinahaplos ang pisngi ko at nginitian ako. "You think you should focus more on your flower shop, hmm?" seryoso niyang tanong habang patuloy na hinahaplos ang pisngi ko. "You've been stressed lately... I think kailangan mo ring libangin ang sarili mo maliban sa anak natin." Bumunto
Mabilis na napabalikwas sa pagkakahiga sa malambot na kama si Cassandra nang maramdaman niyang nasusuka siya, ngunit hindi siya natuloy sa gustong pagtayo mula sa kama nang maramdaman ang pananakit ng gitna niya. Nang tingnan niya ang buong sarili, mabilis siyang kumunot ang noo at umawang ang labi
Malalakas na hagulgol ang kumawala sa mga labi ni Cassandra. Nahihilo na siya sa dami ng alak na nainom niya, ngunit hindi pa rin siya tumigil sa pag-inom, lalo na sa pag-iyak. Hindi naman siya umiinom, ngunit dahil nahuli niyang nagbabae at nagloko ang fiancé niya na si Leon, ay hindi na siya nagp
Kunot-noong nakatayo si Cassandra sa loob ng hotel room niya. Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang huli niyang makita si Theo. She’s getting impatient. Gusto na niyang balikan si Theo sa hotel room nito para sugurin. Ayaw niyang masira ang planong nabuo sa utak niya. Mahaba na ang tatlong araw
Sunod-sunod na hagulgol ni Cassandra ang umalingawngaw sa loob ng kwarto ni Theo. Hindi na niya napigilan ang sarili niyang umiyak. Ubos na ubos na siya. She can’t believe this! Naloko na nga siya, nagmukha pa siyang masama sa mga tao dahil sa walanghiya niyang ex-fiance.“Why are you crying?” Nanl







