"Talaga, bumalik na ang alaala mo?" Tanong ni Lucil. Nakangiti namang tumango si Donovan."Kailan pa?""Nung araw na naaksidente Tayo. Dun bumalik 'yong alaala ko. Hindi ko lang nagsabi Sayo Kasi naging Malala 'yong kalagayan mo at nakalimutan ko na ring sabihin ang tungkol dun dahil sa mga nangyari." Paliwanag ni Donovan. Agad na niyakap ni Lucil si Donovan sa sobrang tuwa niya."Masaya Ako para sayo, hon.""Naalala na rin kita sa wakas. Pasensiya na at medyo natagalan Bago kita maalala muli.""Wala 'yon, ang mahalaga ay bumalik na Ngayon ang memorya mo at naalala mo na ulit Ako.""Sa lahat ba Naman nang nakakalimutan ko ay 'yong babaeng pinakamamahal ko pa talaga.""Kahit papaano ay may maganda rin palang naidulot 'yong aksidente na 'yon. Dahil dun bumalik ang alaala mo. Disaster pero somehow blessing din.""Nakakalungkot lang dahil nawala 'yong first baby natin." Malungkot na Saad ni Donovan."Baka Hindi talaga para sa atin 'yong baby na 'yon. Tanggapin nalang natin.""Gawa nalang
"Eh Ikaw, bakit ang hilig mong manisi ng iba? Bakit Hindi mo rin Makita na may kasalanan at pagkukulang ka rin Naman?" Hindi na napigilan pa ni Selene na sabihin ito.Natigilan at Hindi agad nakapagsalita si Lucil dahil dito. Hindi niya inasahan na sasabihin ito sa kanya ni Selene."Ikaw 'yong mommy nila pero palagi mo Silang iniwan sa akin. Ako 'yung walang anak sa acting dalawa pero Ikaw pa itong nagbubuhay dalaga dahil iniaasa mo Naman sa akin 'yong mga anak mo. Lucil, may Sarili din Akong Buhay. Hindi Naman pwedi na Ikaw at 'yong mga anak mo lang lagi ang intindihin ko." Paglalabas ni Selene ng hinanakit niya.Natahimik nalang si Lucil, Hindi niya alam na may kinikimkim palang ganito si Selene."Yong nangyari kay Leland, sa totoo lang Hindi ko lang kasalanan 'yon, kasalanan mo rin 'yon! Pagod na pagod Ako Nung mga oras na iyon pero iniwan mo sa akin si Leland. Akala ko hahanapin mo si Lilo pero Hindi, dahil nagsaya lang kayo sa labas ni Donovan. Ako dahil sa pagod ko Hindi ko nama
Hindi na napigilan pa ni Lucil na maging emosyonal sa pinag uusapan nilang dalawa ni Wilden. "Kasalanan niya kung bakit nawala 'yong baby namin Kasi matigas ang ulo niya. Kung nakinig lang sana siya sa akin edi sana Hindi kami naaksidente at Hindi sana nawala 'yong baby namin." Umiiyak na usal ni Lucil."Pero Wala Naman nang magagawa kung magsisisihan kayo. Kahit habang Buhay mo pang kamuhian si Donovan sa pagkawala ng baby niyo ay Wala ring magagawa iyan. Hindi na maibabalik ang Buhay ng baby niyo. Pero 'yong relasyon niyong mag Asawa ay pwedi niyo pang maayos.""Lucil, huwag mong hayaan na kainin ka ng Galit mo. Please ayusin niyo 'to. Patawarin mo na si Donovan. Alam kung Hindi niya ginustong makunan ka."Umiiyak na umiling si Lucil."Hindi ko siya kayang harapin ni ang makasama ulit sa iisang bubong.""Kaya ba bumalik ka kay Nolan?""Ano? Wilden, huwag mo Akong pinagbibintangan ng kung ano-ano.""Nakita ng dalawang mata ko na masaya kayong kumakain sa labas kanina. Ikaw, si Lilo,
Habang patuloy na umiinom sa loob ng Isang bar si Donovan ay may lumapit sa kaya na Isang magandang babae."Donovan?" Tawag ng babae. Napalingon naman dito si Donovan at napangiti siya ng makilala 'yong babae."Michelle! Anong ginagawa mo dito?" Saad ni Donovan."Ikaw nga dapat ang tinatanong ko niyan eh. Ano bang ginagawa mo dito at tanghaling tapat naglalasing ka?" Umupo ito sa tabi ni Donovan.Siya si Michelle Guardian, Isa ring lawyer kagaya ni Donovan. Nagtatrabaho sila ni Donovan sa Isang law firm kaya magkakilala Silang dalawa. Pagmamay ari rin niya ang bar na ito at Hindi lamang alam ni Donovan."May problema ba kayo ng Asawa mo?" Tanong pa ni Michelle. Pero sa halip na sumagot ay uminom lang ng alak si Donovan."So may problema nga kayo? Sige na mag kwento ka na, nakikinig Ako."Nakatingin lang sa kanila mula sa likod si Wilden na Hindi pa pala umuwi."Iniwan na niya Ako." Saad ni Donovan. Nanlaki Naman ang mata ni Michelle dahil sa gulat."Bakit? Ano bang nangyari?" "Nabali
Tumuloy muna sa Isang hotel sina Lucil, Selene, at Lilo pansamantala. Habang nag-a-unpack ng mga gamit nila sina Selene at Lilo, si Lucil Naman ay nakatulala habang nakaharap sa glass window ng kwarto niya."Bes, sigurado ka bang Hindi mo 'to pagsisisihan?" Tanong ni Selene. Pero Hindi sumagot si Lucil, nakatingin parin ito sa labas.Dumaan pa ang mga araw at palagi paring nakatulala si Lucil. Halos Hindi na siya makausap. Kapag mag Isa lang siya ay palagi rin siyang umiiyak dahil sa pangungulila kay Leland at sa baby na Hindi pa niya nakikita. Parang nawalan na rin siya ng ganang mabuhay. Kada gabi hinihiling niya na sana Hindi na siya magising kinabukasan. Kaya sobra siyang naiinis kapag bumabangon siya tuwing Umaga dahil Hindi nangyari ang gusto niyang mangyari.Ngayong araw ay nasa loob lang ng kwarto niya si Lucil. Nakasandal sa glass window at umiiyak habang nakamasid sa baba.Maya-maya ay bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok si Lilo."Mommy, are you crying again?" Tanon
"Huwag ka nang mag maang-maangan pa. Nakita ko kayo kahapon na magkayakap ni Nolan sa hospital. Minahal mo ba talaga Ako? O baka naman all this time mahal mo parin si Nolan?" Saad ni Donovan.Natigilan sa pag iimpake si Lucil saka kunot ang noong hinarap si Donovan."Ano?""Bakit? Itatanggi mo na Nakita ko kayo kahapon na magkayakap?""Walang malisya 'yon." Depensa ni Lucil sa Sarili."Walang malisya? Tangna, Lucil, ex mo 'yon tapos walang malisya? Sinong niloloko mo?" Inis na Saad ni Donovan."Wala Akong pake kung ayaw mong maniwala." Saad ni Lucil saka itinuloy ang pag iimpake ng mga gamit niya.Habang inilalagay ni Lucil 'yong damit niya sa maleta ay kinukuha Naman iyon ni Donovan kaya nainis na si Lucil."Ano ba?!" Sigaw ni Lucil."Babalikan mo talaga si Nolan? Iiwan mo na talaga Ako?""Aalis Ako Hindi para balikan si Nolan, kundi aalis Ako para hanapin ang Sarili ko. Sa pagkawala ng mga anak ko para na rin Akong nawala kasama nila. Kaya hayaan mo na muna ako." Lumuluhang Saad ni