Share

Marrying My First Love's Brother
Marrying My First Love's Brother
Author: Elisha Rue

Chapter 1: Stupidity

Author: Elisha Rue
last update Last Updated: 2025-04-10 12:35:36

Balot ng antisipasyon ang puso ni Anastasha habang pinagmamasdan ang mabagal na pagpapalit ng numero ng elevator na kaniyang sinasakyan. Maisip pa lang na makikita na niya si Domino matapos ang isang buwan ay napupuno na ng galak ang kaniyang puso. Sabi nito ay may maganda siyang balitang nais niyang ibahagi sa kaniya.

Magpo-propose na kaya siya? Ang tagal niya na ‘yong hinihintay!

Puno ng ingat niyang bitbit ang paboritong pagkain ng lalaking mahal niya, lasagna. Gumising pa siya nang maaga para lang gawin ‘yon. Kapares no’n, naghanda rin siya ng iced coffee bilang panulak kung sakali mang mauhaw ito. 

Gustung-gusto niyang pinagsisilbihan si Domino. Lalo na’t alam niyang gusto rin ito ng lalaki. Hindi naman siya nagrereklamo. For as long as it will make him happy, Tash would be glad to do it each day.

Walang pagsidlan ang galak niya nang sa wakas ay kaniyang marating ang top floor kung nasaan ang opisina ni Domino, ang kasalukuyang presidente ng kumpaniya. She was feeling extra giddy that morning. Ramdam niya iyon sa bawat maingay na tibok ng puso niya.

Katahimikan ang bumati sa kaniya nang lumabas siya ng elevator dahil may isang oras pa bago ang pasok ng mga empleyado. Wala pang tao. Kaya solo niya ang buong pasilidad.

At sa kagustuhan niyang sorpresahin si Domino ay sinadiya niyang magdahan-dahan sa kaniyang bawat paghakbang. Tinungo niya ang opisina nito at papasok na sana ng tuluyan nang matigilan siya dahil sa bahagyang pagkakabukas nito. Kasunod no’n, tuluyan na siyang ‘di nakagalaw dahil sa ingay na nanggagaling sa loob.

Naging mabilis ang mga sunod niyang hakbang patungo sa pinto. Kasabay no’n ay ang mas lalo pang pag-ingay ng tibok ng puso niya sa iba ng rason. Halos pabalibag na niyang binuksan ang pinto ngunit walang nakita sa loob. Ngunit ang ingay ay mas luminaw pa sa kaniyang pandinig.

“D-Domino… d-don’t…” halinghing ng babae.

Natulos siya sa kaniyang tinatayuan. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. At para nang sasabog ang kaniyang utak sa nangyayari. Hindi siya bobo para hindi maintindihan ang nangyayari. Ngunit hindi niya ‘yon lubos na mapaniwalaan.

Imposible! Opisina ‘to ng lalaki kaya paanong may gano’ng bagay na mangyayari. Hindi ‘yon magagawa ni Domino sa kaniya! Hindi gano’n klase ng lalaki ang mahal niya!

Ngunit kahit ano pang gawin niyang pagkumbinsi sa kaniyang sarili, mas malinaw ang reyalidad ng kaniyang naririnig. Na tuluyang dumudurog hindi lang sa pag-asang kinakapitan niya kundi maging sa puso niya rin.

“You’re so beautiful, babe. I love you so much.”

Boses ‘yon ni Domino!

Sigurado siya ro’n. Dahil kahit pa lumipas ang taon at mahabang panahon ay patuloy niyang makikilala ang ganda nito.

“Mahal din kita, Domino. Pero… paano ang kuya mo?” tanong ng babae na mas nagpatigil sa kaniya. “We’re still engaged. At bukas na ang balik niya. Kapag nalaman niyang may relasyon tayo, mapapatay ako no’n.”

“Of course not! Hindi ko ‘yon hahayaang mangyari. Dala mo ang anak ko. At gustung-gusto na ni Mama ng apo. Kapag nalaman niyang magkakaanak na tayo, sigurado akong tutulungan niya tayong kumbinsihin si Kuya na ituloy ang relasyon natin,” puno nang kasiguraduhang tugon ni Domino.

Sa bawat segundong naririnig niya ang sinasabi nito ay mas lalong nadudurog ang puso niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kaniyang dala-dala kasabay nang unti-unting pagsikip ng daluyan ng hangin sa kaniyang katawan dala ng pagbigat ng emosyong kaniyang nararamdaman.

Gusto niyang itanggi ang kaniyang naririnig. Ngunit sa sobrang linaw no’n ay hindi makuhang maghanap ng rason upang pasinungalingan ‘yon.

“Pa’no ang sekretarya mo? Hindi ba’t may kasunduhan kayo noong mga bata kayo? Paano siya?” tanong pa nito.

“Hindi problema ang tangang ‘yon. Kung hindi lang dahil sapabor ng Tatay niya noon, matagal ko na sana siyang pinalayas sa kumpaniyang ‘to. Baby… ikaw lang ang mahal ko,” suyo ni Domino sa babae. 

Pagkatapos nitong magsalita ay saka naman napuno ng ingay ang paligid dahil sa mga sunud-sunod na nagsipasikan na mga empleyado.

Pigil na pigil niya ang kaniyang mga luha huwag lang itong tuluyang tumulo. Matagal na niyang gusto si Domino. At alam iyon ng lalaki. Mula pa noong high school sila. Siyam na taon na rin ang lumipas nang mapagtanto niya ang kaniyang nararamdaman.

Pero ano? Isa lang siyang tangang babae para rito? Isa lang siyang uto-uto?

Sa reyalisasyong ‘yon ay hindi na niya nagawa pang pigilan ang tuluyang pagdaloy ng luha sa kaniyang mga mata. Dinama niya ang pagguhit nang init nito sa magkabila niyang pisngi. Nanlalabo na ang kaniyang paningin. Tuluyan na rin niyang nabitawan ang kaniyang mga dala-dala nang mawalan ng lakas ang kaniyang kamay dahilan upang kumalat ‘yon sa sahig.

Patuloy na naglalandas ang mga luha sa kaniyang magkabilang pisngi ngunit pinanatili niyang nakapaskit ang kaniyang ngiti. Sobrang sakit ng bawat pintig ng puso niya. Durog na durog ‘yon at hindi na siya halos makahinga.

Siyam na taon! Siyam na taong ginugol niya upang mahalin ang lalaking ‘yon. Lahat ng tungkol dito ay alam niya. Malinaw niyang naaalala. Mula sa pananalita nito, sa mga gusto’t ayaw niya, sa kaniyang pananamit, mga gawi. Lahat-lahat!

Lubos niya ‘tong kilala. Pero sobrang nakakapanliit pala na malaman na wala pala ‘yong halaga. Huh, tanga? Siguro nga ay tanga siya. Sobrang tanga para mahulog sa lalaking ‘di siya kayang bigyan ng importansya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 163: Lazy Morning

    Natagpuan niya ang sarili na komportable pa ring nakakulong sa mga bisig ni Dimitri nang magising siya kinabukasan. Hindi na iyon kinagulatan pa dahil bago matulog ay gano’n na rin ang posisyon nilang dalawa, yakap-yakap ang isa’t isa.Mukhang maging ang katawan niya ay kusa na lang ding nasanay sa presensya nito na hindi man lang siya nagising ng kahit na isang beses man lang. Ang sarap ng tulog niya na para bang ang mga bisig nito ang pinakamabisang pampatulog na naimbento sa buong mundo.Wala na rin ang hiya sa sistema niya ngayon, hindi katulad noong mga nakaraang araw na iyon ang una niyang nararamdaman tuwing nagigising.She shifted in his arms, tilting her head to look at him. She can’t help but admire his handsomeness. Lalaking-lalaki talaga ang dating nito lalo na tuwing balbas-sarado tulad ngayon. Ang haba pa ng pilikmata na natural na ang kulot. Ang tangos pa ng ilong at ang kissble ng mga labi.If only they met in a different time and situation, she would definitely fall i

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 162: Dimitri's Effect

    “Anong plano mo pagkabalik mo ng Maynila?” masuyo nitong tanong habang hinahaplos nang marahan ang kaniyang buhok.Naramdaman din niyang nagbaba ito ng tingin sa kaniya ngunit hindi na niya iyon nagawang saluhin dahil sa hiyang nararamdaman. She kept her eyes focused on her hand that was feeling the heartbeat of Dimitri.At first, she struggled to find the fitting word to tell him what her plan is. Dahil ang totoo ay hindi rin siya sigurado sa sunod niyang magiging hakbang pagkauwi.Before their marriage, everything was like a default in her life. May trabaho siya, may lalaking pakakasalan, masaya, at walang problema. Ngunit sa isang iglap, biglang naging komplikado ang lahat. Problems stemmed one after another that she’s having a hard time keeping track of everything. Ngayon, bigla ay nagkaroon siya ng asawa, nawalan ng trabaho, at may komplikadong puso.Humugot siya ng isang malalim na hininga. “Hindi ko pa alam,” pagtatapat niya. “Maybe I’ll start by looking for a new job.”Hindi n

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 161: Leaving

    Anastasha has been speechless for a while. Kaharap niya si Dimitri na seryosong nakatingin sa kaniya. Pareho silang nakaupo sa iisang sofa at nakaharap sa isa’t isa.Kaaalis lang ni Norman matapos itong pagbilinan ni Dimitri ng kung anong tungkol sa negosyo. At ngayon nga ay silang dalawa na lang ang natitira sa malaking sala ng tinitirhan nila.She just heard of something she never thought she would. Kaya hindi niya alam kung paanong magre-react kay Dimitri. A part of her feels happy, she won’t deny that. But she also feels strange that she’s having a hard time processing things.Nalaman niya kasi ngayon-ngayon lang na kakailanganin palang umalis ni Dimitri papuntang Leyte para sa isang business meeting kasama si Norman. At isa lang ang ibig sabihin no’n. Puwede siyang umuwi pansamantala sa kanila habang wala ito.“What’s your call? I’ll be gone for a week at most to attend some business in Leyte,” he informed her for the second time. “Gusto mo bang mag-stay muna rito o gusto mong um

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 160: Better Morning

    For a while, they were both silently feeling each other. Pasulyap-sulyap siya kay Dimitri habang ramdam naman niya ang titig nitong hindi na yata siya nilubayan simula pa kanina.Out of the mornings they have spent together, this is probably the most time they spent on the bed together. She just want to laze around for the first time. Hindi niya alam kung ano pa ang gusto niyang sabihin ngunit gusto niya pa itong kausapin.Si Dimitri naman ay mukhang hindi pa rin kuntento sa usapang namagitan sa kanila. Hindi lang nila parehong alam kung ano pa ba ang dapat sabihin kahit pa alam niyang marami pa silang dapat na pag-usapan.“Anastasha,” he melancholically calls her name.Muli siyang nag-angat ng tingin at walang hirap na nasalubong ang mga mata nitong nakapako pa rin sa kaniyang mukha.She was still lying on the bad with Dimitri sitting besider her. Everything about this morning feels natural for her—like they were a real married couple living the early days of their married life.“Hmm

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 159: Reason

    Litong-lito si Anastasha sa kung ano ba ang dapat niyang gawin. Tulog na si Dimitri at hindi niya alam kung dapat ban tabihan niya ito.Intimacy has been the center of their argument. And for her, it didin’t feel right to be sharing the same bed. Naisip niya pang mas magiging mainam para sa kaniya kung sa sofa na lang siya matutulog. Subalit alam niyang kapag ginawa niya iyon ay magreresulta na naman iyon sa panibagong away.Anastasha hessitated for a long time, but finally got on the bed and lay beside Dimitri. Wala naman sigurong mangyayari lalo na’t may sugat ito sa binti.Dala na lang din marahil nang pagod ay agad siyang dinapuan ng antok. Sinubukan niyang matulog nang tuwid upang hindi ito mayakap sa gitna nang kaniyang pagtulog ngunit nang magising kinabukasan ay nakayapos na naman siya rito. She woke up comfortably hugging his toned body while resting his head on his chest.Napamulagat siya at natulos sa kinahihigaan.My God, Anastasha!She mentally slapped the back of her he

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 158: At Peace

    Habang nasa daan pauwi sa kanilang tahanan, walang patid ang tahimik na pagdadasal ni Anastasha na nasa maayos na kalagayan ang kaniyang asawa. Na wala itong malalang sugat na natamo.Bagamat kay Norman na rin mismo galing na okay lang ito, hindi niya pa rin mapigilan ang pag-aalala sa kaniyang puso. She has to see him herself in order to finally breathe freely. Kaya hindi na niya hinayaan pang tumagal siya sa labas kahit na mas matagal pa ang naging biyahe niya patungong bayan,Thinking about how she had walked away so resolutely even though she knew that their conversation isn’t even through yet, she couldn't help but blame herself. Naninikip na rin ang dibdib niya.Halo-halo na ang nararamdaman niya. Pag-aalala, kaba, takot, at lahat-lahat na. Sabay-sabay niya iyong nararamdaman at hindi na siya mapakali. As long as he is safe and sound, she didn't care about about anything else but Dimitri.Sa sobra niyang pagmamadali ay hindi na niya nagawang hintayin pa ang kaniyang sukli pagkat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status