Share

Chapter 5: Changes

Author: Elisha Rue
last update Last Updated: 2025-04-10 12:37:12

Hindi magawang pangalanan ni Tasha ang naramramdaman niya. Hindi niya alam kung dapat ba niyang ikatuwa ang mga naririnig niya kay Dimitri o ang mainis dahil napaka-out of the blue nito.

She just got out of a fresh heartbreak for pete’s sake! At nasaksihan niya pa ito kaya hindi niya lubos na maintindihan kung paano nasasabi ni Dimitri ang mga ganitong bagay. And to make it even worse, involved pa ang babaeng dapat na pakakasalan niya.

Nagpakawala siya ng mahinang tawa. Punung-puno ‘yon nang sarkasmo. “‘Yong lalaking mahal ko… mahal ang fiancée mo. Kung papayag ako sa gusto mo at pakakasalan kita, hindi ba’t parang sobra naman ‘yon?” pagrarason niya.

He was actually not making any sense at all! Hindi niya kilala kung anong klase ng lalakit ito dahil hindi naman niya ‘to madalas na nakakasama noon pa man. He’s mostly out of the country. Kaya hindi niya matantiya kung seryoso ba ito o nagbibiro lang. 

“I’m not forcing you. Sabihin mo lang kung papayag ka o hindi,” anito sa boses na puno nang lamig. Bumitaw siya sa tinginan nila. Ngunit nagawa niya pa ring makita ang tigas nang tingin nito.

“Ayoko nga!” desididong tanggi niya. Bahagya pang nagsalubong ang kaniyang kilay. “Bakit naman kita papakasalan? Hindi naman kita mahal,” pagrarason niya.

Walking along in the same situation as she has is not enough of an excuse to agree to his suggestion for heaven’s sake! Kung tutuusin, estranghero pa itong maituturing sa buhay niya.

“Hindi ba’t mahal mo ang kapatid ko? Our marriage means you’ll be able to see my brother every day,” he excused. Ngunit kahit sa sarili niyang pandinig ay napakawalang kuwentang rason nito. “Don’t worry. Marriage for convenience lang naman ‘to. Magiging kasal lang tayo sa papel. Hindi mo ba nakikita? Paralisado ako. Walang mangyayari sa pagitan natin. Kailangan lang nating makasal sa papel.”

Naririnig niya ang determinasyon sa boses ni Dimitri. Ngunit hindi niya pa rin kayang timbangin kung ano ba ang pinakatamang gawin.

“I won’t be able to stand the embarrassment of not continuing my marriage. After all the preparation we did for this? Ikaw ba kaya mo?” mapaghamon niyang tanong.

Hindi siya nakasagot. Tao lang din siya, may emosyon at may nararamdaman. Kaya naiintindihan niya ang pinaggagalingan nito. Dahil siya rin mismo ay nandoon sa sitwasyon na ‘yon. To be betrayed by the man he loved most for long years of her life was not on her bucket list.

Mas malala nga lang siguro sa parte ng lalaki dahil ikakasal na dapat ito. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao?

“Ikaw ang inaalok ko dahil pareho lang tayo ng sitwasyon. Alam kong naiintindihan mo ako. Sigurado akong nararamdaman mo kung ano ang nararamdaman ko,” aniya pa. “Hindi ka ba nagseselos? Naiinis? Nagagalit sa ginawa nila sa atin? Kung papakasalan mo ako, you’ll be Domino’s sister-in law. Just think about it. When that happened, just a mere sight of you will be torture for him. Isa pa, p’wede mo naman akong hiwalayan pagkatapos ng tatlong buwan. I have a property in BGC, ibibigay ko ‘yon sa ‘yo kapag naghiwalay na tayo.”

He’s not making any sense. Alam ‘yon ni Anastasha. Malinaw pa niya iyong naiintindihan kahit na nag-uulap na ang isip niya. Ngunit ang kagustuhan ng puso niya ay hindi na rin niya maintindihan. Alam niyang dapat niyang tanggihan ang nais nitong mangyari. Ngunit sa rami nang sinabi nito ay nagsisimula na siyang maguluhan sa kung ano ba ang dapat na gawin.

“Is separation really possible?” Tasha asked in the middle of her confusion.

“Pagkatapos ng tatlong buwan. Sabihin mo lang. I’ll have the papers signed,” he agreed immediately.

“Iyong… i-iyong paa mo…” hindi na niya naituloy ang nais niyang sabihin.

“Sinabi ko na sa ‘yo. Kasal lang tayo sa papel,” diin niya, bahagyang naiirita. “I won’t touch you. You can sleep with anyone if you’d like. I don’t care.” Seryoso siyang tiningnan ng lalaki.

Napaiwas naman siya at nakaramdam nang pagkapahiya. “S-Sorry… Hindi naman ‘yon ang ibig kong sabihin,” nakayukong aniya.

“‘Di mo kailangang mag-sorry. Totoo naman,” saad nito na parang balewala lang sa kaniyang pinag-uusapan ang kaniyang kalagayan. “Kailan mo ako bibigyan ng sagot?”

Napayuko siya. “Hindi ko alam.” Nahihirapang napailing na lang siya sa sobrang kaguluhang kaniyang nararanasan ngayon.

Tahimik siyang pinagmasdan ng lalaki sa loob ng ilang segundo bago binuksan ang bintana ng sasakyan. “Norman. Take us to my penthouse,” he ordered coldly.

“Yes, sir,” alerto namang tugon nito.

Walang sinasayang na sandali na agad nagmaneho si Norman patungo sa penthouse ni Dimitri.

“P-Penthouse?” Nervousness echoes in the heart of Tasha. Hindi niya alam ang nais nitong gawin at kung bakit nais siya nitong dalhin doon.

“Sa tingin mo ba magagawa mong umuwi sa lagay mo?” Malamig siya nitong binalingan.

Doon na siya napailing. She was feeling helpless. Simula kasi nang mamatay ang ama niya siyam na taon na ang nakakaraan, siya ang naging sandalan ng kaniyang ina. She became the backbone of their household. Kaya alam niyang mag-aalala ito oras na makita ang kalagayan niya ngayon.

Kaya alam niyang tama si Dimitri. Hindi siya p’wedeng umuwi.

“Tara na, Norman,” malamig nitong utos.

Unti-unti na siyang nawalang muli ng imik sa patuloy na pag-andar ng sasakyan patungo sa penthouse ni Dimitri.

Mahigpit niyang niyakap ang bag niya, kumukuha ng lakas doon. Parang may puwang na naiwan sa puso niya dahil sa nangyari ngayong araw. Hindi niya magawang maipaliwanag. Para bang may kulang.

Bago ang araw na ‘to, masaya pa siya. Nakakangiti pa siya. Laman pa ng isip niya ang posibilidad na baka alukin na siya ng kasal ni Domino. Pero dahil sa nasaksihan niya at sa mga katotohang isiniwalat sa kaniya ng lalaki ay naglaho ang lahat ng positibong pakiramdam na pumupuno sa puso niya.

Her smiles turned to tears.

The happiness in her heart now feels like the saddest movie.

Hindi pala totoo ang pinanghahawakan niyang saya. Pagpapanggap lang pala ang lahat. Hindi pala siya totoong mahal ng lalaking mahal niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 96: Military

    Hindi naitago ni Anastasha ang panlalaki ng kaniyang mga mata dahil sa narinig. Kahit pang-ilang beses nang nangyari ang ganito sa pagitan nila ay hindi niya pa rin magawang masanay kahit na kaunti.Gulat niya itong tiningnan. At ilang sandali lang ay naramdaman niya ang pag-akyat nang inis mula sa kaniyang leeg hanggang sa kaniyang mukha. “Uhm, ano… Teka…”What should I do? Goodness! Tuwing nahaharap siya sa ganitong problema, si Norman ang agad na nagiging solusyon nilang mag-asawa. Pero gabi na. At naipaalam nito ang tungkol sa importanteng bagay na kailangan niyang asikasuhin. And it’s not an option to keep on seeking for Norman’s presence for this problem.Mukang nabasa nito ang laman ng isip niya dahil nagbuntong-hininga ito. “Tawagin mo na lang si Mark,” utos nito sa kaniya.Napakagat siya sa kaniyang ibabang labi. “Umakyat si Kuya Mark,” saad niya sabay iwas ng tingin.Nagbuntong-hininga ang kaniyang asawa. “Hihintayin ko na lang na bumaba.”Mas lalong kinain ng konsensya si A

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 95: Understand

    Napuno nang katahimikan ang buong hapagkainan dahil sa nakabibinging ingay na nilikha nang malakas na sampal ni Dante sa bunso niyang anak. At kahit sino sa kanila ay walang dudang nararamdaman ang matinding galit nito para kay Domino.Bahagyang napaatras si Anastasha sa gulat dahil sa biglaang pagtaas ng emosyon ng lahat ng naroon. Lalo na nang makita niya kung paanong malinaw na bumalatay sa mukha ng lalaki ang galit para sa ama.“Why did you slap me, Dad?” he asked in a voice that was painted with betrayal. Nakahawak pa ito sa kaniyang pisngi at ang mukha ay larawan nang hindi pagkapaniwala.“Don’t you dare run your mouth like that again!” nagbabantang saad ni Dante sa anak. Muli pa itong nagtaas ng kamay dahil sa galit nunit mabilis nang nakalapit sa dalang nagtatalong lalaki si Adelaide upang pigilan ito sa binabalak.“Stop it, Dante!” Humarang ang kaniyang biyenan sa harapan ng lasing na si Domino upang protektahan ito. “Your son is drunk! Hindi mo siya kailangang pagbuhatan ng

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 94: Drunk

    Tahimik siyang lumuha habang pilit na pinipigilan ang sarili na humikbi. Ngunit pagkatapos ng ilang sandali ay naramdaman niya ang magaang paglapat ng isang mainit na kamay sa kaniyang likod na tila ba tinathan siya.Naramdaman din niya ang pagsilip ni Dimitri sa kaniya. Sinikap niyang itago ang kaniyang mga luha ngunit alam niyang huli na siya. “Why are you crying?” he asked in a stern yet worried voice.Isang malaking kamay ang naglahad mula sa likod at inikot ang katawan niya para matingnan siya. Nang makita niya ang mga luha sa kanyang mga mata, sumimangot si Dimitri: "Bakit ka umiiyak?"Dumaan ang pagtutol sa isip ni Anastasha. Ayaw niyang sabihin dito ang totoong nangyari. Kaya pilit na lamang siyang ngumit at nagpanggap na okay lang. “I’m fine,” she lied.Nakaramdam siya nang pagkilos mula rito ngunit nanatili lamang siya sa kaniyang posisyon. “Of course you’re not fine. Bakit ka umiiyak?” muli ay tanong nito. Mas seryoso na ang boses nito.Ipinikit niya ang kaniyang mga mata u

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 93: Tears

    “Answer me!” Domino demanded.Hindi napigilan ni Anastasha ang mapangisi nang marinig ang pagiging desperado nito sa sagot na hindi niya pa rin ibinibigay. “Naririnig mo ba ang sarili mo, Domino?” Pagak siyang natawa rito. “Dimitri and I are legally married. Wala kang pakialam kung may mangyari man sa pagitan namin o wala.”Naningkit ang mga mata nito sa kaniya. “Paralisado ang kalahati ng katawan ng kuya ko. At sigurado rin akong hindi ka niya gusto. No need to hide it from me. Walang nangyari sa inyo kagabi, tama?” tanong pa rin nito nang hindi man lang binibigyan ng atensyon ang mga salita niya.“Wala kang pakialam, Domino. Wala kang kinalaman sa kung ano man ang gawin namin o hindi. Bitawan mo nga ako!” Muli siyang nagpumiglas upang makawala sa pagkakahawak nito ngunit dahil sa hindi hamak na mas malaki ito at mas malakas sa kaniya ay walang hirap siyang nakokontrol ni Domino.Mas lalong nabuhay ang kaba sa kaniyang dibdib nang walang babalang hapitin siya nito palapit sa kaniya a

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 92: Question

    Pagkatapos ng kalahating oras na pananatili s sementeryo ay umalis na rin silang mag-asawa. Dumiretso ang dalawa sa villa ng mga Lazatine. Pagkapasok ng dalawa sa sala ay nakita nila roon si Domino na nakaupo sa sofa. Pansamantalang natigilan si Anastasha nang makita itong nakatuon ang atensyon sa kaniya.Sa isip ni Domino ay hindi niya mapigilang mapansi ang mga naging pagbabago sa pananamit ni Anastasha. Tila ba ibang tao ito. Umangat ang kagandahan ng dalaga dahil sa ayos nito kahit pa simpleng hapit na bistida lang naman ang kaniyang suot.Hindi mawari ni Domino kung dahil ba sa ang kuya niya ang napangasawa ng dalaga kaya umayos ang pananamit nito. Malinaw na kasi niyang nakikita ang angking ganda nito na noon ay nakatago sa likod ng halos walang kulay nitong mga kasuotan. Mas lalo tuloy nagiging malinaw sa kaniya na hindi ito bagay sa kuya niya.Sa kabilang banda, iwas na iwas ang tingin ni Anastasha sa nakababatang kapatid ng kaniyang asawa dahil hanggang ngayon ay malinaw pa r

  • Marrying My First Love's Brother   Chapter 91: Mother-in-Law

    Nang lumabas si Anastasha sa opisina ng doktor, nakita niya sina Norman at Dimitri na naghihintay sa dulo ng corridor. Maingat siyang tumakbo palapit sa dalawa at sabay silang tatlo na lumabas ng ospital. Nang sumakay si Anastasha sa kotse, nakita niyang isinara ni Norman ang pinto at hindi pumasok sa puwesto nito sa likod ng manibela.Dahil nasanay na sia sa routine na ganito ni Dimitri ay agad niyang napagtanto na may gustong sabihin si Dimitri sa kanya. "May sasabihin ka ba?” maingat niyang tanong dito.Sumulyap si Dimitri sa kanya, pagkatapos ay dahan-dahang tumingin sa kawalan. Nabasa niya pa ang pag-aalangan sa mga mata bago ito tuluyang makaiwas ng tingin. Kinabahan tuloy siya dahil mukhang seryoso ito base na rin sa pag-aalangan sa kaniyang mga mata.“I know that we agreed to this marriage only on papers. Pero legal pa rin kitang asawa. At parte ka na rin ng pamilyang Lazatine. Kaya gusto kitang isama at ipakilala sa isang tao,” sabi nito.Agad na nabuhay ang kaba sa dibdib ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status