"Ouch!"Mariin siyang napapikit dahil sa sakit."Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Drake.Napakurap-kurap siya at mabilis na tumango. "Yโyeah..."Nakita niya ang isang munting ngiti sa labi ni Drake. Nais man niyang mainis pero dahil minsan lang ito ngumiti, hinayaan na niya."Ano ba kasing iniisip mo?" May bahid ng panunukso nitong tanong.Napatikhim siya at agad na nag-iwas ng tingin. "Iโiniisip ko lang kung ano ang kakainin para sa hapunan!" Sagot niya at bahagya pang napataas ang boses niya."Oh, okay," tugon nito na para bang hindi naman naniniwala sa sinabi niya.Huminga siya ng malalim habang iniisip kung paano makaalis sa awkwardness na nararamdaman niya nang maalala niya ang kanyang tiyahin dahilan para napalingon siya may Drake."Paano mo nga pala napalayag si Auntie Celia na magsalita para sa akin at ilaglag ang sarili niyang asawa? Kilala ko si Auntie. Napakahirap niyang pakiusapan at napakahirap pang hanapin? Saan mo pala siya natagpuan?" Curious niyang tanong."Si
Natigilan naman si Graciella sa narinig. Hindi isang tanong ang sinabi ni Drake kundi isang pahayag.Marunong na magbasa ng tao si Drake. And for fรบcksake lalaki siya! Alam niya ang klase ng titig na ipinukol ng lalaki yun kay Graciella kanina. Sigurado siyang may gusto iyon sa asawa niya!The thought of it makes him mad. Siguro dapat tanggalan niya ng trabaho ang lalaking yun! Or should he throw him outside the Philippines? He's getting on his nerves right now!Maya-maya pa'y napakurap-kurap si Graciella at sandaling hindi alam kung ano ang kanyang gagawin. Nahihiya siya at nag-iinit ang kanyang mukha. Drake seems mad. Nagseselos ba ito? Pero agad niyang iwinaksi ang ideyang yun sa isipan niya at kinalma ang kanyang sarili bago nagsalita."Si Sir Manny ang co-director at main anchor ng newsroom. Responsable siya sa live broadcast na naganap. Siguro naguilty lang siya at nakaramdam ng simpatiya dahil sa nangyari sakin kaya maganda ang pakikitungo niya," paliwanag niya.Dahan-dahan niy
"Paano naman po ang local news room kung saan nangyari ang live broadcast kanina. Marami din silang masasamang salitang binitawan patungkol kay Miss Santiago. Anong parusa ang ipapataw ninyo sa kanila, Master Levine?" Curious na tanong ni Owen.Tiningnan ni Drake ang screen ng kanyang cellphone at sinuyod ng tingin ang official page ng local newsroom kung saan may maraming video of apology para kay Graciella. Umangat ang sulok ng kanyang labi bago siya muling nagsalita."Wag na muna natin silang pagtuunan ng pansin. I guess they're doing their job as of this moment.""Okay, Master Levine!" Masiglang tugon ni Owen pero ilang segundo lang ay natigilan ito. "Oo nga pala, Master, hindi ba't kabilin-bilinan ni Miss Santiago na siya na ang gagawa ng paraan para maayos ang problema niya at hindi kayo pwedeng makialam? Paano nalang kapag nalaman niya na sikreto niyo siyang tinutulunganโ""Nosy! Gusto mo bang bawasan ko ang year-end bonus mo?!"Putol nito sa sasabihin sana ni Owen. Wala ng nag
Ilang minutong napatulala sa sarili niyang upuan si Manny habang inaanalisa ang mga bagay-bagay. Naisip niya ang mga kamag-anak ni Graciella. Kung si Master Levine nga ang asawa ni Graciella, sigurado siyang hindi ganun ang magiging trato ng mga ito sa babae.Hindi ba't nakapagtataka?Pero hindi parin mawala sa utak niya ang nakita niya kanina sa labas ng building. Sabagay, naloko nga silang lahat ni Mina sa mga content nito. Sandali pa siyang nag-alangan bago patakbong nagtungo sa opisina ng head ng newsroom para ibalita ang nakita niya.Nanlaki ang mga mata ng kanilang leader sa isinalaysay ni Manny. "Sigurado ka ba talaga na si Master Levine ang nakita mo?"Napakamot ng sentido si Manny bago nagsalita. "Hindi ako ganun kasigurado, Sir dahil medyo may kalayuan sila mula sa kinatatayuan koโ""Hindi na mahalaga pa kung hindi ka sigurado kung si Master Levine nga o hindi ang nakita mo. Sabihan mo ang mga crew na magpalabas ng maraming video of apology sa lalong madaling panahon para ma
Tumikhim siya ng isang beses at matamis na ngumiti bago nagsalita. "Uhm, pwede ko bang mahingi ang personal number mo, Miss Santiago?" Pagbabakasakali niya.Nais niyang makuha ang numero nito para pwede niya itong matawagan kahit anong oras niya gusto. Kita niyang bahagya itong nasorpresa kaya naman hilaw siyang ngumiti."Or maybe I can treat you a meal bilang kabayaran sa gulo na inabot mo ngayon," pagpapatuloy niya.Ngumiti si Graciella bago marahang umiling. "Naku, salamat nalang po Sir Manny pero may iba pa po kasi akong gagawin."At dahil hindi napagbigyan ni Graciella ang dalawa niyang hiling, pinili nalang niyang ihatid sa ground floor ang babae. Nang makaalis sina Graciella at Manny ay saka naman nagtawanan ang mga kasamahan ng lalaki dahil sa inaasal nito. "Ngayon ko lang nakita na napakagentleman pala ni Sir Manny," komento ng isang crew."Oo nga no? Pero ang ganda din naman kasi si Miss Santiago." "Maganda siya tapos miserable ang buhay pero nagsusumikap paring maigi sa
Dahil sa labis na nerbyos ni Mina, nagdilim ang kanyang paningin at agad na bumagsak sa sahig. Ang pag-vovlog sa internet ang pangunahing pangkabuhayan niya. At ngayong nasira na ang pangalan niya sa madla, mas mahirap pa siya sa daga! Ano ng magiging kapalaran niya sa hinaharap?Nalilito naman ang team ng director. Dahil sa biglaang pagsingit ni Mina kanina, hindi pa sila nakakatawag ng pulis kaya bakit may mga otoridad ng sumugod sa loob ng studio?Subalit walang nakasagot sa katanungan nila. Dinala ng mga pulis si Mina na ngayon ay unti-unti ng nakabawi ng lakas. Pati sina Ramon at Thelma ay sapilitang kinaladkad ng mga pulis palabas ng newsroom. Maging si Celia na may kasong blackmailing ay kailangan ding sumama sa mga ito.Mabilis na kumawala mula sa mga pulis si Celia at muling nilapitan si Graciella. "Gโgraciella... Nilinaw ko na ang lahat. Ayos na ba yun sayo? Hindi ka naman galit sakin ngayon, diba? Tinulungan na kita. Pโpwede bangโ"Bago paman niya matapos ang sasabihin niya
"Auntie?!" Gulat na sambit ni Graciella.Tama! Ang babaeng bagong dating ay walang iba kundi ang kanyang tiyahin na si Auntie Celia. Kinumpara ng mga netizens ang mukha ng ginang sa video ng suicide nito at napagtantong iisa nga ang mga ito.Labis na gulat ang naramdaman ng lahat. Hindi ba't kasasabi lang nina Mina at Ramon na patay na ang asawa nito? Bakit naroon sa harapan nila ang babae?! May patay ba na bigla na lang nabubuhay?Hindi nakapagsalita sa labis na gulat si Mina. Hindi niya aakalain na katatapos palang ng plano niyang idiin si Graciella ay makakabawi ito agad!Naglakad naman ang lalaki palapit kay Graciella bago bumulong. "Pinakiusapan ako ng asawa ninyo tungkol sa bagay na ito. Sana hindi pa huli ang pagdating ko."Siya ang secretary ni Master Levine na si Donny pero hindi pa siya kailanman nakikita ni Graciella. Nang makita nang babae na pormal ang pananamit nito, inaakala niyang kaibigan ni Drake ang lalaki kaya't agad niya itong pinasalamatan."Tamang-tama lang ang
'Woah! What a plot twist! Hindi lang pala simple itong nangyayari sa kanila! Parang nasa telenovela lang!''Grabe siguro ang trauma ni Graciella sa pinagdaanan niya. Mabuti nalang at malakas ang loob niyang sabihin ang totoo.''Siguro kaya gusto ni Thelma na mapalapit kay Graciella kasi matanda na siya at wala ng mag-aalaga sa kanya saka maalwan ang buhay niya kasama ang anak niya.''Ang kapal ng mukha ng babaeng yan! Ang galing magmanipula!''Napakamiserable ng buhay ni Graciella at nadiin pa sa madla. Yan tuloy, kailangan pa niyang balikan ang masakit na nakaraan niya.'Puno na ng iba't-ibang comments ang page ng live broadcast at lahat ng mga ito ay pinapagalitan si Thelma sa ginawa nito kay Graciella. Hindi naman napigilan pa ni Thelma ang galit niya para sa huli kaya agad siyang tumayo mula sa kinauupuan niya at walang pasabing sinugod si Graciella."Walang hiyang kang babae ka! Ang lakas ng loob mong magdala ng kung anu-anong ebidensya laban sakin at labanan ako! Plano mo ito di
"Nitong nakaraan lang diba bumili ka ng bagong bahay sa isang subdivision? Binayaran mo na ng down payment na three hundred thousand. Balita ko isang three-bedroom house ang kinuha mo. Hindi lang iyon, nagbayad ka pa ng interior decorators para sa bahay sa halagang higit one hundred thousand? Noong nakaraang taon din bumili ka rin ng mink cloth sa halagang one hundred thirty thousand.""Nirespeto kita bilang nanay ko. Kaya nga ibinigay ko sayo ang lahat sa abot ng makakaya ko diba? Kahit na kakasimula ko palang na magtrabaho ikaw na ang naging priority ko. Pero ngayon napagtanto ko kung gaano ako katanga. Dahil kahit na ibigay ko pa sayo ang lahat, hinding-hindi ka makukuntento. At ngayon umabot ka pa sa pagpapahiya sakin sa internet para lang ipagpatuloy ko ang pagbibigay ng pera sayo."Huminga ng malalim si Graciella bago sinuyod ng tingin ang kabuuan ni Thelma. "Simpleng-simple nga ang dating mo ngayon. Pero baka nakakalimutan mong nag-iiwan ng bakas ang mga jewelry na madalas mong