Mag-log inSamarah's POV “Ready na ba kayo sa star of the show natin today?” Itinaas ni Tita ang isang bra na may mga beads saka winagayway ‘yon sa taas ng ulo niya. “For sure ready na sila, kanina pa naghihintay ang mga ‘to eh. Naku, atin-atin lang ha? Baka makabuo kayo neto kahit menopause na kayo! Hahaha!” Nag apir pa sila at sabay na sumayaw nung tumugtog yung kanta. Hawak mo beat hawak mo ang beat pero yung sayaw nila parang hindi naman beat ang hawak, huhuhu! Pareho kaming nanonood ni Thea sa likod ng cellphone na ginagamit nila pang live. “Ate hindi kaya nahihiya si Mama?” bulong niya. “Syempre nahihiya. Hay nako, basta. Maiintindihan mo rin kapag lumaki ka na. Basta ‘wag mo siyang huhusgahan ha?” Ginulo ko ang buhok niya. Yumuko siya at halatang may gustong sabihin, “Kasi ate, natatakot ako eh.” “Saan?” “Natatakot akong malaman ng mga kaklase ko yung paglalivenselling ni Mama eh.” Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ‘yon, “Baka kung anong sabihin nila kay Mama kapag
Samarah’s POV Anong oras na? Bakit parang ang taas na ng araw? Ramdam ko na ang mainit na sinag non na tumatama sa mukha ko. Babangon na sana ako pero may kung anong nakapatong sa akin. Ang bigat! Lumingon ako sa kaliwa ko at doon ko nakita si Rowan. Muntik ko siyang mahalikan dahil sa sobrang lapit niya sa akin! “R-rowan.” Sinusubukan ko siyang gisingin pero lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Oo! Nakayakap siya sa akin! Nakapatong ang braso niya sa tiyan ko habang ang mukha niya ay nasa leeg ko. Grabeng tusko naman po ito Lord ang aga-aga, kapag hindi ‘to umalis, aalmusalin ko ‘to! “Hmm..” ungol niya at lalo pang sumiksik sa leeg ko.
Samarah’s POV “Walang hiya! Aaah! Lintik ka Sebastian pagpipira-pirasuhin kita!” Mahigpit ang hawak ko, maya’t maya rin ang check ko kung mahigpit na ang seatbelt. Parang last day on earth na kung makapag drive si Mama. Panay sigaw din siya sa loob ng kotse kaya lalo akong natatakot. “Ma, dahan-dahan po baka sundan tayo ng pulis.” “Edi sumunod sila!” Bigla siyang lumingon sa kain habang nanlalaki ang mga mata. Natahimik ako at napalunok. Kung Dalagang Dora siya nakaraan, ngayon naman si Smiggle ang peg niya, “Sundan nila ako nang magkasama-sama kami sa impyerno! Hahahahaha!” Halos maiyak na ako nung tumawa pa siya. Huhuhuhu! Help! Ito na yata ang karma ko sa lahat ng mga kalokohan na ginawa ko sa buong buhay
PLAYING: Pangarap lang kita by Parokya ni Edgar Samarah’s POV Alas dose na, pero hindi pa rin ako makatulog. Magkaharap kami sa kama, mukhang pagod siya ngayon dahil sobrang himbing ng tulog niya. Bakit ganon? Kapag siya ang natutulog, nakatikom ang bibig, hindi magulo, at hindi naglalaway. Bakit kapag ako? Hay… ang unfair talaga ng mundo! “Ang gwapo mo naman matulog.” Madili na ang kwarto at tanging ang lamp shade lang may bed side table ang nagbibigay liwanag sa paligid, “ Ang bilis ng panahon, ang laki-laki mo na. Alam mo kahit lagi tayong nag-aaway? Proud na proud ako sa ‘yo. HIndi lang ngayon, kahit noon pa. Ayoko lang sabihin sa ‘yo kasi alam kong aasarin mo lang ako o baka masamain mo. Ang sama-sama ng tingin mo sa ‘kin dati eh. Pero hindi rin naman kita masisisi, dahil ganon din naman ako sa ‘yo.” Mahina akong natawa. “Ni minsan hindi ko inakalang darating yung araw na ikakasal ako, tapos sa ‘yo pa talaga. Hay, tadhana nga naman. Minsan napapaisip ako kung bakit ka ip
Samarah's POV “Madaling-madali ka naman kasi umuwi, baka wala pa naman ‘yon.” “Iiih! Basta bilisan mo na! Ibaba mo na lang ako dyan sa may gilid. ‘Wag sa mismong gate.” Nangunot ang noo niya, “Huh? Bakit naman?” “Basta dito na lang ako, ayan ayan dyan sa gilid.” Tinuro ko sa kanya ang gilid kung saan maraming halaman, “Dito na. Babye! Thank you sa champorado!” “Sigurado ka ba?” Hindi ko na siya sinagot. Binuksan ko na ang pinto saka lumabas, “May utang ka pa sa akin ah?!” “Oo, bawi ako next time! Bye! Thank you!” Kumakaway ako habang tumatakbo palayo. Hapong-hapo na ako pagdating sa kwarto. Bakit naman kasi napakalaki ng bahay na ‘to? Nakakaloka! “Tulog ka na?” Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ay nakahiga na siya sa kama. Nakatalikod siya sa akin at nakapikit, nakasuot na rin siya ng pajama, “Ay, wala akong coffee.” Nakanguso kong sabi. Tatayo na sanaa ako nang bigla siyang bumangon, “Gising ka pa pala?” Hindi pa rin siya sumagot. Pumunta siya sa study table, nandon
This Chapter is dedicated to Ms Angela Grace. Thank you sa palaging pagsend ng gems. Happy reading! “H-ha? Anong ibig mong sabihin?” Naglakad siya ng mabilis, “Rowan!” Humabol ako sa kanya at humawak sa laylayan ng damit niya. “Hahahaha! Amazona na takot sa multo?” Inirapan ko siya. “Nananakot ka eh!” Paling-linga ako sa paligid, tahimik na kasi at sobrang dilim. Maaga kasi silang matulog dito hindi gaya sa amin na halos datnan na kami ng bukang liwayway. Nakatalikod ako sa kanya kaya pumunta siya sa harapan ko. Nagulat ako nang hawiin niya ang buhok ko at inipit yun sa tenga ko. Sobrang lapit niya. Nasa likod niya ang buwan, parang kumikinang siya sa repleksyon non. May hawak siyang pulang rose sa isang kamay niya at inipit niya ‘yon sa tenga ko. Heto na naman… Ang puso ko… Hindi ko na mapigilan… Hindi ko na kaya… Palapit ng palapit ang mukha niya sa akin. Pumikit ako, bilang tanda na ipinapaubaya ko na ang sarili ko sa kanya. Na handa na akong pani
“Happy?” Nakabusangot ang mukha niya habang suot-suot ang cat costume na pinarisan pa ng cat paws at cat ears. Kulay pula at hapit na hapit ang damit, at may choker na may kasamang bell. “Hahaha! Isa pa! Mag meow ka dali, pakita mo yung
“Hoy! Buksan mo ‘to!” Bigla niyang sinara ang pintuan at Ikinulong ako ron. Paulit-ulit kong kinakalampag ‘yon, “Hoy! Peppa pig buksan mo ‘to!” Tumakbo ako papunta sa gilid ng rooftop para sana humingi ng tulong sa mga taong nasa baba pero kaagad akong nal
Samarah's POV “Everyone, meet Samarah Castillo Fontano. My wife.” Hindi pa rin masanay ang pandinig ko sa bagong apelyidong nakakabit sa pangalan ko. Nagpalakpakan ang mga tao at panay ang bati.
Samarah's POV “Bastos ka talaga!” Inirapan ko siya. “Patuyuin mo muna ang yang moisturizer.” Isinara niya ang mga ginamit niyang skin care saka nag-cross arms habang nakatingin sa akin sa salamin







