Share

Kabanata 6

Author: Georgina Lee
last update publish date: 2026-07-01 17:18:10

Buong byahe ay hindi natulog si Chantal. Nanatili lang siyang nakamasid sa ibaba ng helicopter habang tinitingnan ang unti-unting pagbabago ng bawat lugar na nadadaanan nila. Hindi rin naman nag-abala si Marco na kausapin siya kaya nanatili siyang tahimik.

Hindi nagtagal, lumapag ang helicopter sa isang malawak na lupain. It took them some minutes before Marco finally stopped out of the helicopter. Sumunod din naman agad siya.

Pagtapak ng kanyang mga paa sa estrangherong lupain, sariwang hangin ang sumalubong sa kanya. Inilipad ng malakas na hangin ang kanyang nakalugay at mahabang buhok.

Nang mapalingon siya sa gawi ni Marco, nahuli niya ang lalaki na nakatitig sa kanya subalit nang makita nitong nakatingin siya, agad din itong nag-iwas ng tingin.

Ilang sandali pa'y lumapit ang isang medyo may edad na lalaki sa kinatatayuan nila. "Magandang araw po, Boss Marco. Nakahanda na po ang sasakyan," anito at iminuwestra ang isang kulay itim at makintab na Wrangler.

"Magandang araw din Mang Erning," tipid na tugon ni Marco.

Dumako ang mga mata ng lalaki sa kanya kaya bahagya siyang napayuko sabay takip ng bahagya sa kanyang mukha. "Magandang araw po," mahina niyang bati.

"May kasama pala kayo, Boss," anito bago muling ibinaling ang tingin sa kanya. "Magandang araw din po, Ma'am."

Bahagya siyang nakahinga nang mapagtantong hindi siya namukhaan ng lalaki.

"Let's go," aya ni Marco sa kanya at nagpatiuna na sa paglalakad.

Sumunod din naman sa lalaki ang tinawag nitong Mang Erning kaya't nagsimula narin siyang maglakad. Subalit nasa kalagitnaan sila ng daan patungo sa sasakyan nang makita niyang masyadong malayo na ang agwat ni Marco sa kanya.

"Grabe naman. Ang bilis niyang maglakad!" Bulong niya sa kanyang sarili.

Mukhang napansin din naman nito na napag-iwanan siya kaya naman huminto ang lalaki at tumingin sa gawi niya. Halos lakad-takbo na ang kanyang ginawa para makarating agad sa kinatatayuan ng lalaking ngayon ay tila inip na inip at nakahalukipkip na naghihintay sa kanya.

"Ang bagal mong maglakad," puna nito.

"Hindi no. Masyado ka lang mabilis," nakasimangot niyang sambit.

Marco tsk. Napailing pa ito at muli ng naglakad. Nang makarating sila sa may sasakyan, dumiretso na ang lalaki passenger's seat habang ang kasama naman nito ay sa driver's seat. Sandali pa siyang natigilan habang nakatingin sa dalawa.

Aren't they going to open the door for her?

Pero ilang sandali lang ay napabuntong hininga siya. Oo nga pala. Hindi na siya si Chantal Rivera na pagbubuksan ng pinto tuwing papasok at lalabas. She's a normal citizen now. Not a famous actress anymore. With that thought, she heaved a deep sigh.

"What are you still waiting for? Hindi ka pa ba sasakay?" Untag ni Marco sa pananahimik niya.

Isang pilit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi bago binuksan ang pintuan sa backseat. Nang makapwesto siya, agad na umusad ang sasakyan paalis. Gaya ng ginawa niya kanina, inabala nalang niya ang kanyang sarili sa pagmamasid sa paligid. Kanina pa nila binabaybay ang lugar subalit puro puno ng saging sa bawat lote ang nakikita niya.

Maya-maya pa'y malawak na lupain ang bumungad sa kanya nang makalamapas sila sa saggingan hanggang sa huminto ang sasakyan sa gate na gawa sa bato. Isang busina ang ginawa ng driver at ilang sandali pa'y kusa na iyong bumukas. Muling umandar ang sasakyan hanggang sa huminto iyon sa harap ng isang malaking mansion.

Marco and the driver stepped out so she naturally followed. Iginala niya ang kanyang mga mata sa buong paligid. The mansion was two storey. It is built with stone, cement and polished woods. Maihahalintulad niya iyon sa mga bahay na nakikita niya sa mga Mexican novelas.

"Ito ba ang bahay mo, Marco?" Curious niyang tanong.

"Yeah. It's not that kind of mansion you see in the cities but as you requested, malayo na ito sa siyudad so you have no choice but to live with it whether you like it or not," malamig nitong turan.

Napanguso siya. "Wala naman akong sinabing iba," argumento niya.

Marco stared at her intently. "You may have not said a word but your face says otherwise," masungit nitong asik at nauna ng maglakad sa loob.

Huminga siya ng malalim para gumaan ang kalooban niya. Marco is very grumpy! Pakiramdam niya may tampo ito sa mundo at masyadong masungit. Ano kayang itsura ng lalaki kapag nakangiti?

Sumunod siya sa lalaki subalit agad din naman siyang napahinto nang makitang may nakahanay na mga tao sa harapan ni Marco. Naging mabagal ang kanyang paglalakad hanggang sa makarating siya sa tabi nito.

"Remove the cover on your face," maawtoridad nitong wika.

Labag man sa loob niya, wala na siyang nagawa kundi ang sumunod. Narinig niya ang pagsinghap ng ilan lalo na ng mga kakabaihan ng masilayan ang kanyang mukha.

"Sila ang mga kasambahay, bodyguards at hardinero dito sa mansion," ani Marco sa kanya bago ibinaling ang atensyon sa mga tauhan nito. "At kaya ko kayo pinatawag ngayon dahil ipapakilala ko sa inyo si Chantal, ang aking bagong asawa..."

Georgina Lee

This story is just Romcom. Light lang to. Tsaka slow lang ang update since may mga tatapusin pa akong story.

| 17
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jennelyn Casiguran
go lng author laging ako naghihintay sa updates m wag m lng paasahin
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 203

    Parang nais nang matawa ni Chantal. She couldn't believe she cried over a simple misunderstanding na puwede naman sana nilang mapag-usapan nang maayos kung sinabi lang nito kung ano ang problema.But Marco didn't do it. Instead, he immediately made an assumption and threw unnecessary hurtful words towards her."Kung inaakala mong ganoon lang kadali na kalimutan ang mga sinabi mo, puwes, nagkakamali ka, Marco. Hindi porket humingi ka ng tawad ngayon at inaamin mong nagkamali ka ay babalik na tayo sa dati na parang walang nangyari. That's not how it works.""No, that's not what I'm saying—"Humarap siya nang tuluyan sa lalaki, at sa kabila ng liit ng kanyang pigura kumpara sa matangkad na pangangatawan ni Marco, nangingibabaw ang matatag niyang aura. "Hindi dahil sinabi mong 'sorry' ay kailangan ko na agad tanggapin at patawarin ka. Hindi mo alam kung gaano kasakit ang mga salitang ibinanggit mo sa akin noong gabing 'yon.""We were okay the day before, and you suddenly acted that way. K

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 202

    Napaatras naman si Marco dahil sa talim ng tingin ni Chantal sa kanya habang magkaharap sila."I...""I what? Kanina ka pa sa hapag-kainan nakatitig sa akin na parang kakainin mo ako nang buhay!" patuloy ni Chantal sa pagkakataong iyon, hindi na niya napigilan ang sarili na duruin ang lalaki."Tapos ngayon, saan man ako pumunta—sa library, sa kusina, at kahit dito sa balkonahe—nakabuntot ka! Ano 'to, Marco? Ano ba talagang gusto mo, ha? Iniiinis mo ba ako? Wala ka bang magawa sa buhay mo at ako ang trip mo ngayon?"Bahagyang namula ang mga tainga ni Marco sa pagkahuli sa kanya. Sa kabila ng matangkad at nakakatakot niyang tindig bilang isang Barcelona, sa pagkakataong ito ay mukha siyang batang nahuling nagnanakaw ng kendi. Pinilit niyang ituwid ang kanyang postura at isinuksok nang mas malalim ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon para piliting magmukhang kalmado."I'm not following you," kaswal at malamig niyang palusot, bagaman halatang bahagyang nabilaukan sa sariling la

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 201

    Bagsak ang mga balikat na tinahak ni Marco ang daan pabalik sa loob ng mansyon. Bawat hakbang niya ay parang may nakataling mabigat na kadena sa kanyang mga paa.Gusto niyang tumakbo diretso sa silid ni Chantal, lumuhod, at ipagtapat na nagkamali siya—na pinalaki lang ng tanga at walang kwenta niyang selos ang lahat. Ngunit nang makarating siya sa ikalawang palapag at matitigan ang nakasarang pinto ng kanyang kwarto, kung saan kasalukuyang nagpapahinga ang babae, ay napatigil siya.Anong sasabihin niya kapag binuksan nito ang pinto? Should he apologize? Of course he should. But the question is, how is he going to start?‘Pasensya na, nagalit ako kasi akala ko naglalandian kayo ng kapatid ko noong nahulog ka sa bench’? Ganun ba dapat?Mabilis na napapikit si Marco sa matinding hiya at inis sa sarili. Damn it. Tunog pa lang sa utak niya, mukha na siyang gago. At mas lalong masakit para sa kanya dahil alam niyang nasaktan niya nang sobra ang babaeng pilit lang namang nagpapakatotoo sa mg

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 200

    Nanatiling nakatayo si Marco sa gitna ng garahe, tila napako ang mga paa sa semento. Bahagyang nakabukas ang kanyang panga, habang ang matalas at galit na titig sa kanyang mga mata kanina ay unti-unting napalitan ng kawalan ng paniniwala at matinding pagkahiya.Nahulog? Nasalo lang?Fuck!What the heck!Did he just get mad for the wrong reasons?Ang eksenang paulit-ulit na nagpapasakit sa dibdib niya sa nakalipas na mga araw—ang eksenang naging dahilan para saktan niya si Chantal gamit ang malalamig at malulupit niyang mga salita—ay isang simpleng aksidente lang pala."Y-You're lying..." pabulong at halos walang boses na wika ni Marco, pilit na humahawak sa huling natitirang hibla ng kanyang pride."Bakit naman ako magsisinungaling sa'yo?"Bumuntong-hininga si Knoxx at marahang tinapik ang balikat ng kapatid, sa pagkakataong ito ay wala nang halong pang-aasar. "Natapilok ang asawa mo noong nakaraan. I just caught her. Alangan naman hayaan ko siyang mapasubsob sa lupa? That's very unge

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 199

    Pinagmasdan ni Knoxx ang kapatid habang dahan-dahan nitong isinisuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Ang aura ni Marco ay parang bagyong nagbabadya, nangingibabaw ang matinding panlalamig at galit.Hindi natagpuan ni Knoxx ang dating pambubwisit sa kanyang mukha. Sa halip, pinalitan iyon ng isang seryosong ekspresyon habang nakasandal sa pinto ng kanyang sasakyan."Anong pag-uusapan natin, Marco?" kaswal ngunit seryosong tanong ni Knoxx. "Kung tungkol 'to sa buko pie, huwag ka nang mag-alala, hindi ko inubos. Nag-iwan ako sa kusina para sa'yo," biro pa niya para kahit papaano ay maibsan ang tensyon sa pagitan nila.Marco, on the other hand, didn't buy it as his reaction remained cold. "I told you to stop messing around with my wife, Knoxx," pabalang at malamig na putol ni Marco, dahan-dahan niyang itinataas ang tingin sa kapatid.Huminga nang malalim si Knoxx bago matapang na sinalubong ang malamig na titig ni Marco. "I am not messing around with her. And I don't se

  • Marrying the Rugged Billionaire (Barcelona Bastards 1)   Kabanata 198

    Habang papunta sa kusina, nakasunod pa rin ang pilyong ngiti sa mga labi ni Knoxx. Nang marating nila ang malawak na dining area at kitchen, agad na kumuha si Chantal ng dalawang plato at tinidor. Naupo si Knoxx sa tapat ng island counter habang pinagmamasdan ang dalaga na tahimik na inihahanda ang buko pie."Chantal," tawag ni Knoxx sa kalmadong boses habang pinaglaruan ang baso ng tubig. "Anong ginawa ni Marco sa'yo?"Napatigil ang kamay ni Chantal sa pagputol ng pie. Humarap siya kay Knoxx nang may blangkong mukha at tipid na ngumiti. "Wala naman, Knoxx. Bakit mo natanong?""Come on. Aside from being your brother-in-law, I am also your friend now. You can tell me what happened," kaswal na wika ng lalaki at isinandal ang likuran sa silya. "Pagpasok ko pa lang dito kanina, parang gusto na akong kainin nang buhay ni Marco eh. At ikaw naman, mukha kang nakikipag-deal sa hindi mo kakilala. May nangyari ba na hindi maganda?" curious niyang tanong.Huminga si Chantal nang malalim at dahan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status