Bakit ayaw ni Toto na malaman ng iba? Ano bang sasabihin nito na kailangan pang isikreto sa iba? At anong pumipigil sa kanya na sabihin dito ang nalalaman niya? Hindi ko naiwasan ang kabahan. Pakiramdam ko ay may importanteng bagay na nalalaman si Toto. Tila ba isa itong malaking sikreto. Pero ano iyon? May kinalaman ba iyon sa katotohanan tungkol sa pagkamatay ni Ciara? Bago pa ako makaimik ay nakuha ng atensiyon ko ang paghinto ng pamilyar na kotse. Napaikot na lang ako ng mata. Mukhang dumating na ang sundo ko. Ang galing din ng radar nila. "Let's go, Lora!" Tila tumalon ang puso ko nang marinig ko ang tinig ni Oryrius Delacorte sa aking likuran. Hindi pala kasama sa loob ng sasakyan ang lintek. Nang lingunin ko siya ay wala itong kangiti-ngiti. Nakakunot-noo ito at tila ba bad trip na bad trip. Ano bang problema nito? "I said, let's go home!" Mariing turan nito. Tila naman bigla akong bumalik sa reyalidad. Pasimple at mabilis kong itinago ang hawak kong calling c
"At anong gagawin mo sa akin? Papatayin mo ako?" Hindi ko itinago ang galit ko. Bumangon ako sa kama. Hindi ko na rin inalintana kahit tanging pang-ibabang saplot lang ang suot ko. "I am not a killer, Lora!" Mariin niyang turan. Kita pa rin ang galit sa mukha nito. "Kung gano'n anong gagawin mo sa akin? Sasaktan mo ako? Gagawin mo ulit 'to? Babastusin mo ako? Bababuyin mo ako?" Nagngangalit kong turan kasabay ng pagtulo ng aking luha. Mariing itong napapikit. Tila nagtitimpi. "I hate you so much right now, Rius!" Bago pa ito makaimik ay mabilis kong tinungo ang walk-in wardrobe. Mabilis akong nagbihis. Napili kong isuot ang ternong hoodie jacket. Kaagad ko ring kinuha ang maleta ko. Hindi pa rin maampat ang luha ko habang nilalagay ang mga damit ko sa loob ng maleta. Nang mailagay ko lahat ng damit na dala ko noon ay kaagad akong umalis roon. Umawang naman ang mapulang labi ni Oryrius nang makita niya ang dala ko. "And what do you think you're doing?" Hindi ko siya pinansin.
Nang hilain niya ang aking kamay ay nagpatianod na lamang ako. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na nagawang mahila ang maleta ko. Hindi na rin ako nagtangkang balikan dahil baka makasagabal pa iyon sa amin. Nagawa ko pang lingunin ang pinagmumulan namin. Hindi ko alam kung tama ba ang nakita ko o namamalikmata lang ulit ako. Nakita ko ang dalawang higanteng hayop na nagpapambuno. Kitang-kita ko rin kung paano marahas na kinagat ng isa sa kanila ang leeg ng isa. Hindi ko lang sigurado kung anong klaseng hayop ang mga iyon. Four-legged animals ang mga iyon at mabalahibo. Hindi ko mawari kung leon ba o malaking aso lang. Bukod sa dalawa ay mayroon pang isa na nakahandusay, hindi na gumagalaw at tila wala nang buhay. Kumabog ang aking dibdib nang mapunta ang tingin ng isa sa mga hayop sa akin. Malayo na kami ngunit tila naabot ng titig nito ang kinaroroonan namin. Labis na nanindig ang balahibo ko nang makita ko ang namumulang mata nito. Nahihintakutan akong nagbawi ng tingin.
Tinapos lamang niya ang halik nang pareho na kaming kapusin ng hininga.Huli na nang ma-realize ko ang nangyari.Bakit ko hinayaang halikan niya ako ng gano’n?Hindi iyon tama.Dapat galit pa rin ako sa kanya.May kasalanan siya sa akin ‘di ba?Hindi porket iniligtas niya ako sa panganip ay okay na.Siya pa rin si Oryrius Delacorte— ang lalaking maaaring maysala sa pagkamatay ng pinakamamahal kong kaibigan.Nasaksihan ko na kanina kung paano siya magalit. At maaaring may mas matindi pa roon.Nang magtama ang aming mga mata ay kitang-kita ko ang sinseridad sa kanyang kulay abong mga mata. Hindi ko rin mawari pero parang may nakita akong lungkot mula roon.Hindi ko lang alam kung tama ako ng pagkakaintindi sa emosyong nakita ko sa kanyang mga mata.“Lora..” mahinang usal niya."Iyong ginawa ko kanina sa mansiyon, believe me, hindi ko talaga sinasadya iyon." Pakiramdam ko ay sinsero siya.Baka nga naman, nabigla lang siya o maaaring na-trigger ko siya kaya niya nagawa iyon.Tila naman ma
Payapa ang aking naging tulog. Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa alapaap. Ngunit ang tila ang naglalakbay kong diwa ay nagising dahil sa malakas na busina ng sasakyan. Napamulat ako ng mata. Awtomatiko kong iginala ang aking paningin. Nang bumaling ako sa aking tabi ay wala na naroon si Oryrius. Nang lumingon ako sa bintana ay kitang-kita ko ang liwanag na tumatagos sa bintana. Mukhang tinanghali na ako ng gising. Bumangon ako sa pagkakahiga, nang mapunta ang ang tingin ko sa aking katawan ay suot ko na ang damit ko kagabi. Hindi ko naiwasan ang panunuyo ang aking lalamunan nang maalala ko ang nangyari kagabi. Hays. Ba’t kasi nagpahalik ako? "Lora?" Kasabay ng pagtawag ay ang pagbukas ng pinto ng silid. Nagtama ang aming mga mata. Ngunit mabilis din akong nag-iwas ng tingin nang maramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi. "Nandiyan na ang sundo natin." Tuluyan itong pumasok sa loob ng silid. Nakakurap-kurap na lamang ako. Nakakahiya 'yong nangyari kagabi. Sobrang nakakah
Wala akong sinayang na sandali. Matapos kong pagdikit-dikitin ang punit na calling card ay nagawa ko namang makuha ang numero. "Sumagot ka, please." Bulalas ko habang palakad-lakad sa loob ng silid. Nakatatlong dial na ako ngunit hindi sinagot ni Toto ang tawag ko. Kaya naman tila nabuhayan ako ng loob nang tanggapin nito ang tawag ko sa pang-apat na dial ko. ["Hello."] Hindi ko naiwasan ang mapakunot-noo nang marinig ko ang boses ng isang babae sa kabilang linya. "H-Hello."Nag-aalangan kong turan. Argh! Mukhang mali pa yata ako ng natawagang numero. ["Hello po, sino po sila?"] Mahina akong napatikhim bago magsalita. "Is this Antony Ostria's number?" Lakas-loob kong tanong. Wish ko lang na hindi ako nagkamali. ["Opo. Sino po sila?"] "I am his friend. Can I speak to him?" ["Pasensya na po. Malabo pong mangyari ang gusto niyo ma'am."] Hindi ko naman naiwasang mapakunot-noo dahil sa narinig ko. ["Hindi niyo pa ba nababalitaan ang nangyari ma'am? Mahigit isang linggo n
Tagos sa puso ang binitawang salita ni Oryrius Delacorte pero pilit kong tinigasan ang puso ko. Ano bang malay ko kung umaakting ang lintek? Umiiling akong humakbang at iniwan siya. Narinig ko pa ang ilang ulit na pagtawag niya sa pangalan ko ngunit hindi ko iyon pinansin. Kaagad akong nagtungo sa walk in wardrobe at nagbihis. Nagsuot ako ng pantalon at puting T-shirt na pinatungan ko ng itim na hoodie jacket. "Please don't leave, Lora." Pagmamakaawa niya. Humarang din siya sa pintuan ng silid upang hindi ako makadaan. "Let me breathe, Rius. Bigyan mo ako ng space at time para mag-isip!" Mariin kong turan. "Bibigyan naman kita ng space at time pero hindi mo naman kailangan umalis ng mansion." "Pwede ba? Hayaan mo na lang ako. Hayaan mo akong umalis!" Itinulak ko siya upang makalabas ako ng kwarto. Muntikan pa siyang mabuwal ngunit hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paghakbang paalis. "It's almost midnight, Lora. It's already dangerous outside." Naramdaman ko ang p
Walang imik kong tinanggal ang kamay ni Oryrius na nakahawak sa siko ko at saka ko siya tuluyang hinarap. "Tell me what I need to do, bumalik ka lang. Lahat gagawin ko, magkaayos lang tayo." Nagsusumamo, hindi lamang ang kanyang tinig kundi maging ang kanyang mga mata. "Hayaan mo muna akong mag-isip, Rius." Pinilit kong maging mahinahon. Mahina siyang napabuntong-hininga at napayuko. "If that's what you want." Mahina niyang turan. Nang hindi siya umimik ay sinamantala ko iyon upang tuluyan na akong pumasok sa hotel room na aking inuukopa. Apat na oras na wala kong ginawa sa loob ng silid kundi humilata lamang. Laman pa rin ng isip ko ang mga salitang binitawan ni Oryrius. Nangungunsumi rin ako kung paano ko sasabihin ang lahat kay Uncle Connor. I don't want to disappoint him. Ako ang nagpumilit na kailangan kong makalapit kay Oryrius upang mag-imbestiga tapos palpak naman pala ako. Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang katok sa pinto. Puno ako ng pagtataka na tum