Share

Chapter 16

Hindi pwedeng hindi masagot ang katanungan ko.

Kinabukasan, nang makaalis si Oryrius patungo sa trabaho ay wala akong sinayang na sandali. Agad kong tinungo ang kwarto ng second wife niya. At dahil nakapaghalungkat na ako noon sa gamit ng babae ay agad kong tinungo ang sadya ko. Walang iba kundi ang sketch pad nito sa loob ng drawer. Laking pasalamat ko lang dahil naroon pa iyon.

“Hihiramin ko muna ‘to saglit ha?” Parang timang na kausap ko sa litrato ng babae na nakasabit sa dingding.

Maamo ang mukha nito. Hugis almond ang mga mata nitong malamlam. Neat bun ang pagkakapusod ng buhok nito. Light lang ang make up nito. Bagay na bagay rin ang nude lipstick nito sa kanyang mukha.

Mukha siyang mabait.

Sayang at hindi ko siya nakilala.

At hindi ko mawari ngunit para bang nakita ko na ito.

Parang pamilyar siya sa akin .

“Pasensya ka na, ha. Alam ko naman na importante sa’yo ‘to bilang artist pero kailangan ko lang talaga.”

Tumitig ako sa larawan kahit alam ko naman na hindi iyon sasagot.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status