공유

Chapter 15.2

“Wolf?” Hindi ko napigilang maulit. Pakiramdam ko kasi ay nabangag ako at iba na pagkakaintindi ko sa sinabi ni Oryrius.

“Yes.” Tila balewala nitong sagot. Nang mapasadahan ko ng tingin si Carmelou ay nakita ko ang paglunok nito. Hindi rin nagtagal ang titig ko sa kanya dahil agad siyang nag-iwas ng tingin.

Muli ko na lamang ibinalik ang tingin ko sa painting na nakasabit sa dingding.

“May gano’n ba talagang hayop?” Hindi ko inalis ang tingin ko sa painting na nasa harap ko.

“It’s not the animal, Lora. Iba ang tinutukoy ko.”

Kunot-noong bumalik ang tingin ko kay Oryrius.

“So, ano? Sasabihin mong human wolf?” Hindi ko naiwasan ang pag-alpas ng mahinang tawa.

Ano pa bang nais niyang tukuyin kung hindi iyon, ‘di ba?

Familiar ako sa ganoong klase ng nilalang dahil na rin sa mga palabas sa telebisyon.

Hindi naman nabago ang ekspresyon ni Oryrius. Sa halip ay sinalubong nito ang aking tingin.

“ What if I say yes?” Punong-puno ng kaseryosohan ang kanyang mukha
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status