"Ano bang pinagsasabi mo? Siyemre hindi noh." Mabilis kong bulalas.
Pinilit kong itinago ang kabang aking nadarama.
Mukhang malakas ang radar ng damuho. Dapat siguro igihan ko ang pag-arte. Baka mamaya ay mahalata niya ako. Hindi ako pwedeng pumalpak. Hindi pwedeng mapurnada ang plano namin.
"Alam mo, masyado kang nag-a-assume ng mga bagay-bagay. Joke lang naman 'yon. At saka may sinabi ba akong killer ka?"
Ngunit hindi pa rin nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito. Tila hindi siya kumbinsido.
Napatikhim na lang ako.
"Pakakasalan ba kita kung killer ang tingin ko sa'yo?"
Wala na akong choice kundi echosin siya.
Mahina naman siyang napabuntong-hininga. Ngunit hindi naman siya umimik kaya naman sinamantala ko iyon upang ibahin ang usapan.
"I'll just change my clothes."
Kaagad na rin akong tumayo at bumaba sa kama. Binilisan ko talaga kilos ko upang huwag na siyang makaangal pa. Kulang na lang ay mag-transform ako bilang si 'the flash'. Kandatalisod tuloy ako dahil sa pagkataranta.
Wala din naman akong narinig na pagtutol mula sa kanya ngunit naramdaman ko ang pagsunod ng tingin niya sa'kin. Mula sa pagkuha ko ng damit sa maleta ko hanggang sa pagpasok ko sa banyo ay naramdaman ko ang titig nito sa'kin.
Bahala siya sa life niya.
Bahala na siya kung hindi siya maniwala. Kung magtatagal kasi ako sa harap niya ay baka lalo lang niya akong mahalata.
Nang matapos akong maglinis ng katawan at magbihis ay kaagad rin akong lumabas. Pagod ako at gusto ko na talagang magpahinga. Napili kong isuot isang loose T-shirt na kulay baby pink at pajama. Hindi na ako nag-abalang magsuot ng bra dahil makapal at malaki naman ang T-shirt na suot ko. Nang lumabas ako ay nadatnan ko si Oryrius na prenteng nakasandal sa headboard ng kama. Abala ito sa pagtitipa sa kanyang cellphone.
Awtomatikong napataas ang kilay ko.
Bakit nandito pa ang loko?
At bakit parang nakapwesto na ito sa kama?
Ibig sabihin ba nito ay magtatabi kaming matulog?
Argh! Pa'no na lang kung 'di ako makatimpi at bigla ko siyang masakal?
At saka paano na lang kundi pala pagtulog ang gagawin namin?
Naramdaman ko ang pagkabog ng aking puso nang maisip ko ang reyalidad.
Mag-asawa na kami ngayon.
Paano kung hilingin niyang mag-honeymoon kami?Argh! No way!
Dapat mapaalis ko siya.
Ngunit bago ko pa maipahayag ang aking pagtutol ay bumaling ito sa kinatatayuan ko at kaagad na nagsalita.
"C'mon. Matulog na tayo." Walang itong kangiti-ngiti ngunit malumanay naman ang tinig nito. Kaagad rin nitong itinago ang kanyang cellphone sa drawer ng bedside table at umayos ng higa.
Napalunok na lamang ako.
"Ano kasi eh--" Napakurap-kurap ako. Hindi ko alam kung paano ko isesegwey ang pagpapalayas ko sa kanya sa sarili niyang kwarto.
"Masanay ka na ngayon, Lora. We're
husband and wife now."Naramdaman ko ang panunuyo ng aking lalamunan. Hindi ko naiwasan ang paggapang ng kilabot sa aking katawan.
Totoo ngang plinano ko ito pero parang hindi yata ako lubusang handa.
"I know, you're not yet ready with this. But don't worry, I'll give you time to adjust."
Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.
Akala ko may magaganap na jugjugan. Mabuti na lang at bait-baitan ang peg niya ngayon.
Tila naman sumindi ang bombilya ko sa utak. Hindi ko naiwasan ang pagsilay ng tusong ngiti sa aking labi.
Since bait-baitan siya, sasamantalahin ko ang pagbabalat-kayo niya.
"Hindi kasi ako sanay na may katabi sa kama eh." Panimula ko.
Tumitig naman ito sa'kin at bahagyang nagsalubong ang kilay.
Kaya naman pinilit ko ring ngumiti ng matamis para pak na pak ang acting.
"Baka pwedeng sa ibang kwarto ka na lang muna matulog." Hindi ko inalis ang aking ngiti. Sinadya ko talagang magpa-cute para wala siyang choice kundi pumayag.
Ngunit hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Nanatili itong titig na titig sa'kin.
Patay! Mukhang hindi papayag ang lintek.
"The bed is too big for us Lora."
Nalaglag ang balikat ko sa narinig. Sinsabi na nga ba eh. Argh! Kairita!
"C'mon. Let's sleep now. Just occupy the other side of the bed."
Hindi nito pinansin ang dismayado kong mukha. Pumuwesto ito ng higa. Tumagilid ito at tumalikod sa espasyong para sa'kin.
Napakuyom na lang ang kamao ko. Kaagad nanlisik ang aking mga mata.
Mabigat ang hakbang kong tinungo ang kama. Nagpupuyos pa rin ang damdamin ko nang maupo ako roon.
Ano ba naman 'yan! Sayang effort!
Matalim akong napatitig sa matipuno niyang likod.
Nakakaasar talaga ang lalaking 'to! Simpleng bagay lang ang hinihiling ko, hindi pa niya mapagbigyan.
Padabog akong nahiga sa kanyang tabi. Sinadya ko talaga. Baka sakaling magbago ang isip niya. Ngunit hindi naman niya pinansin ang pagdadabog ko.
Kairita talaga!
Hindi man lang niya ako nagawang lingunin kahit saglit.
Mukhang wala na talaga akong magagawa. Kaasar talaga!
Pinilit ko na lamang kinalma ang nagpupuyos kong damdamin. Tutal malawak naman ang espasyo, hindi naman siguro ako magigising na magkayakap na kami. At saka, hindi naman niya siguro ako gagapangin.
Pero iba pa rin 'yon handa.
Iginala ko ang aking paningin. Minimalist ang istilo ng silid. Wala akong akong pwedeng ipanghampas sa kanya kung sakali man. Maliban kasi na painting ng buwan na mayroong bulaklak ng cherry blossom ay wala na akong makitang ibang display sa silid. Ang tanging gamit sa loob ay ang kama at bedside table.
Wala pala akong pwedeng gamiting armas kung sakali mang magkarambulan.
Hay naku! Bahala na nga. Hindi naman niya siguro ako papatayin. Nakakaloka naman kung mabyudo siya agad.
Nang muling dumako ang tingin ko sa kanya ay wala naman itong kakilos-kilos. Mukhang nakatulog agad ito.
Ang wish ko lang, huwag akong sapian ng masamang espirito at baka magawa kong tabunan ng unan ang mukha niya.
Nang lumilipas ang ilang sandali ay tila hinihila na ang aking mga mata upang pumikit.
Pinagbigyan ko ang hiling ng aking katawan.
Sa pagpikit ng aking mata ay gumuhit ang isang imahinasyon sa aking balintataw.
Hindi ko sigurado kung imahinasyon ba o nanaginip ako.
Malinaw kong nakita ang seryoso ngunit napakagwapong pagmumukha ni Oryrius Delacorte.
Sayang talaga ang genes ng loko.
Nakakahalina ang kulay abo nitong mga mata na tila hinihigop ang aking kaluluwa. Kumibot ang mapula at mamasa-masa nitong labi. Sa 'di ko mawaring dahilan ay tila ba gusto ko iyong halikan.
Ipinilig ko ang aking ulo upang iwaksi ang makamundong isipin.
Bumaba ang aking tingin.
At tila nanuyo ang lalamunan ko sa sunod kong nakita.
Matipuno ang dibdib nito at ang mga braso nitong parang alaga sa gymn.
Hindi ko tuloy naiwasan ang mapalunok.
Ano ba naman kasi 'tong nakikita ko?
Bumaba ang aking paningin upang huwag nang pagpantasyahan ang kanyang muscles ngunit lalo namang nanunuyo ang aking lalamunan sa sunod kong nasaksihan.
Yummy!
Pandesal lang sapat na.
At mukhang kahit tingin lang nakakabusog na.
"Lora.”
Tila bumalik ako sa katinuan dahil sa pagtawag. Nang imulat ko ang aking mga mata ay natagpuan ng aking paningin ang nakakahalinang mga mata ni Oryrius Delacorte. Nakaupo ito sa aking tabi at kunot-noong nakatunghay sa'kin.
"You're thinking too much."
Hah? Pa'no niya nalaman?
Napakurap-kurap ako.
Hindi kaya sa sobrang lutang ko ay hindi ko na namalayang nagsalita ako?
Godness! Huwag naman sana.
Baka mamaya niyan, kung anu-ano na palang kabulastugan ang lumabas sa bibig ko.
"I think I should do something to satisfy your curiousity."
Hindi ko naiwasan ang mapakunot-noo.
"Anong pinagsasabi mo?"
Gumuhit ang munting ngisi sa labi nito .
"And since it's our first night as married couple , we should do this."
Nanlaki ang mata ko nang pumaibabaw siya sa'kin. Bago pa ako makahuma ay nagawa na niyang hawakan ang dalawa kong kamay.
"Ano ba?" Pinilit kong magpumiglas ngunit lalo lamang niyang diniinan ang pagkakapinid sa kamay ko.
"Rapist ka ba, ha?" Bulyaw ko. Hindi ko napigilan ang sarili kong gawaran siya ng matalim na tingin.
Ngunit mahina naman siyang natawa.
Argh lintek! Anong nakakatawa sa sinabi ko? At saka, mukha bang katawa-tawa ang facial expression ko?
"With this body and looks, Lora, I don't need to force someone to have sex with me. Babae ang maghahabol sa'kin."
Muli itong natawa.
"Coz I'm yummy."
Kitang-kita ang ningning sa mga mata nito. Lalo tuloy kumulo ang dugo ko.
"Ang yabang mo! Pakawalan ko nga ako!" Kumawag-kawag ako at lalong nagpumiglas.
"Later, my mate. I just need to do this."
Naghuramentado ang puso ko nang lumapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Hoy! 'Langya ka! Anong gagawin mo ha?" Pinanlakihan ko siya ng mata.
Lalong lumapit ang mukha nito sa'kin.
Napapikit na lamang ako at napatili.
Ngunit hindi pa rin siya nagpaawat. Naramdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa aking leeg.
Tila dumaloy sa katawan ko ang bulta-bultaheng kuryente nang dumampi ang labi niya sa aking balat. Nang maramdaman ko ang pagsipsip niya roon ay tila ako nanghina. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa at namalayan ko na lamang ang sarili kong umuungol.
Pakshet! Bakit ako umungol?
Hindi ko alam kung gaano katagal ang labi nito sa aking leeg ngunit nang tigilan niya ako ay para na lamang akong naestatwa.
Parang biglang naglaho ang galit ko.
Nagtama ang aming mga mata at hindi nakaligtas sa aking paningin ang munting kislap sa kulay abong nitong mga mata.
"You are marked as mine now, Loralee."
Hindi na ako nakaimik. Narinig ko iyon ngunit tila ayaw gumana ng sistema ko.
Tulala pa rin ako hanggang sa tuluyan na itong umalis sa ibabaw ko. Muli pa niya akong binalingan ng tingin bago siya humiga sa kanyang pwesto.
Naghahalo ang panghihina at pagkadismaya sa sistema ko.
Bakit kasi sa leeg ko siya humalik pwede namang sa li--
Naputol ang tumatakbo sa aking isipan nang muli itong magsalita.
Nagbitaw ito ng mga salitang labis na nagpapula sa aking pisngi.
"Please stop your dirty thoughts and let's sleep now."
“Of course, I know.”Tila panandaliang tumigil ang ikot ng mundo ko nang makita ang pagdausdos ng luha sa pisngi ni Loralee. Sinamantala niya iyon upang tuluyang mabawi ang kamay niyang hawak ko. Mabilis din niyang pinunas ang luhang tila hindi niya sinasadyang mapakawalan.“Alam mo ang alin? Tell me, anong nalalaman m—“ Hindi ko na nagawang matapos ang sasabihin ko nang tumunog nag cellphone ko.“Someone is calling.” Namamaos niyang turan kasabay ng pagguhit ng pilit na ngiti sa kanyang labi.“No. We need to talk.” Mabilis kong pinindot ang decline kahit hindi ko na sinuri kung sino ang tumatawag.Mas mahalaga ito kaysa kung sinumang tumatawag.Kailangan naming mag-usap.Hindi pwedeng hayaan ko lang ‘yon. Dahil pa rin kaya ito sa nangyari sa gubat?And she knows what?May nalaman ba siya sa gubat na hindi ko alam?At saka para saan ang lungkot na nakita ko sa kanyang mga mata?Bakit siya naluha?“Dapat sinagot mo yung tawag. Eme lang naman yung sinabi ko kaya huwag mong masyadong in
“Earth to Mister Oryrius Delacorte.” Kumaway sa tapat ng aking mga mata si Loralee dahilan upang mapakurap ako. Awtomatiko rin akong nakapaiwas ng tingin. Kung bakit ba naman kasi hindi ko naiwasang makulong sa malalim na pag-iisip habang nakatitig ako sa kanya. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Naaayon pa ba ang lahat nang ito sa propesiya? May nararamdaman akong habag, panghihinayang at higit sa lahat, lungkot. Mga damdaming hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman. Napabuga ako ng hangin. Naramdaman ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin. “Ayos ka lang ba?”Naulinigan ko ang pag-aalala sa tinig niya. “Yeah. I’m fine.” Bahagya akong tumango. “Sure ka? Eh para kang namaligno kanina diyan eh. At tapos ano ‘yon, ha? May kasama pang buntong hininga?” “I’m okay.” Sinubukan kong salubungin ang tingin niya. Umaasang sa gano’ng paraan ay makukumbinsi ko siya. “Sige nga, eh bakit tulala mode ka kanina?” Bahagya itong nakakunot-noo. Ipiniksi ko ang aking
Flashback….“Tandaan mo nawa palagi ang sinasabi ko, Oryrius. Huwag mong kakalimutan ang nasa libro.” Marahan akong tumango.“Opo, ama. Hindi ako makakalimot. Itinakda ako upang isakaturapan ang propesiya.”Mula sa pagkakatitig sa sa labas ng sasakyan ay hinarap ako ng aking ama. Sumalubong sa akin ang kulay abo nitong mga mata na katulad ng akin. Masasalamin na ang katandaan nito dahil sa namumuti na nitong buhok at nangungulubot na balat. Ngunit sa kabila no’n ay makikita pa rin ang kakasigan nitong taglay dahil sa aristokrado nitong ilong at maputing balat. Hindi nito inalis ang pagkakatitig niya sa akin, na para bang sa gano’ng paraan ay maitatatak sa akin ang kanyang sasabihin.“Panahon mismo ang pumili sa’yo, anak. At hindi mo pwedeng biguin ang tadhana, hindi mo pwedeng biguin ang ating lahi. Tandaan mo nawa palagi, iyan.”Muli akong tumango.“Opo, ama.”Hindi ko na rin mabilang kung ilang ulit ko na bang narinig ang mga salitang iyon mula sa kanya. Mula nang magkaisip ako ay
ORYRIUS DELACORTE’S POVMariin akong napapikit nang humataw sa likod ko ang latigo. Napakuyom ako ng kamao ngunit hindi ko hinayaang may kumawala na kahit anong ungol mula sa akin. Ramdam na ramdam ko ang hapdi lalo pa’t wala akong suot na pang-itaas na damit. At saka, pang-ilang hagupit na ba iyon? Sampu? Labin-lima? Bente?Well, hindi ko na rin alam.Isa lang ang natitiyak ko, humahapdi na ang likod ko dahil sa nagdurugong sugat.“Ano na? Wala ka bang planong magmakaawa, Oryrius?” Nanggigigil ang tinig ni Casfir kasabay ng muli niyang paghataw ng latigo sa likod ko.Muli na lamang kumuyom ang mga kamay kong nakatali sa itaas. Gumuhit ang tapang sa aking mga mata kasabay ng aking pagmulat.Umigting ang panga ko bago ako nagsalita. Matapang kong sinalubong ang kanyang nagbabagang titig. “Kahit kailan, hinding-hindi ako magmamakaawa sa’yo, Casfir!”At kahit kailan, hindi ko hahayaang magmukha akong mahina lalo na sa harapan niya.Nanggigigil naman na napahiyaw ang lalaki kasunod ay
Panghihina. Iyan ang nararamdaman ko nang magkaroon ako ng malay. Napaungol ako kasabay na pag-angat ko ng tingin. Nasa ilalim ako ng isang puno. Nakatayo ay nakatali paitaas ang dalawa kong mga kamay.Pinilit kong magpumiglas ngunit mahigpit ang pagkakatali ng mga kamay ko.Sinubukan kong sumigaw ngunit hindi ako nagtagumpay dahil maging ang bibig ko ay nakabusal ng tela.Iginala ko ang paningin ko ngunit wala akong makitang presensya ng kahit sinuman.Sa di kalayuan, mula sa kinaroonan ko ay Mayroong bungalow house na gawa sa tabla ang dingding at yero ang bubong gayunpaman, hindi ko nga lang alam kung may tao roon.Sinubukan ko ulit ang magpumiglas ngunit hindi pa rin ako nagtagumpay.Taena! Napapadyak na lang ako nang maramdaman ko ang hapdi sa pulsuhan ko.Paano ako ngayon makakaalis dito?Napaluha na lamang ako. Nanghihina ang katawan ko at ngayon pati na rin ang loob ko.Anong parusa ang ibibigay nila sa akin?Hindi na ba ako makakaalis dito?Buntong-hininga na lamang akong n
Walang nang atrasan ‘to.Nandito na rin naman ako kaya bakit pa ako aatras?Humakbang ako palapit sa dulo ng Hardin. Mula sa kinaroonan ko ay ilang hakbang na lamang ang layo ko sa masukal sa gubat.Iginala ko ang aking paningin. Halos wala akong maaninag dahil sa yabong ng mga puno. Mas maganda sana kung sa umaga sana ako narito. Bawal daw ang pumarito dahil trespassing. Pero sino namang magbabawal? Mukha namang walang nakatira rito. Mukhang wala ring CCTV sa paligid.Walang makakakita kaya sinong magbabawal?Iginala ko ang paningin ko. Ni wala nga akong makita na signage na ‘no trespassing’. Kahit nga bakod wala. Para namang hindi totoo ang sinabi ni Oryrius.Hays. Ayaw lang yata niya na pumunta ako rito eh.Naiiling akong iginala ang paningin ko. Ngunit hindi ko napigil ang paggapang ng kilabot sa katawan ko nang may makita akong dalawang kulay pulang bilog sa kakahuyan. Hula ko ay mata iyon ng hayop.Awtomatikong naapatras ang mga paa ko.Tila biglang bumalik sa alaala ko ang