Share

Chapter 7.1

Sa west wing.

Tama! Doon ako dapat magsimula. Kahina-hinalang ipinagbabawal ni Oryrius ang magpapasok roon. Maaaring may itinatago siya roon.

Baka nando’n ‘yong mga ebidensiyang hinahanap ko.

Kaya kailangan na kailangan ko nang makapasok sa west wing. Pero ang tanong, paano at kailan?

Iyan ang mga tanong at isiping bumagabag sa akin pagkagising na pagkagising ko kinabukasan.

Katulad nang nakaraang umaga ay nagising akong wala na si Oryrius Delacorte sa tabi ko. Parang naulit lang ang nangyari dahil pagkabangon ko ay dumeretso agad ako sa bintana upang pagmasdan ang mga magagandang bulaklak sa hardin. Ang kaibahan nga lang, wala na 'yong malaking aso.

"Lora."

Awtomatiko akong napalingon sa pintuan kung saan nagmula ang tinig. Bumungad sa akin si Oryrius na kakapasok lamang ng silid. Presentableng-presentable ang hitsura nito sa suot niyang dark blue three piece suit.

"I will be attending an important meeting today and I might go home late."

Awtomatikong napataas ang isang kilay
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status