Share

Chapter 7.2

Nanginginig ang kamay kong hinugot ang susi sa bulsa ng suot kong short.

Nanuyo ang lalamunan ko nang simulan kong subukan ang susing hawak ko.

Lumakas ang kabog ng puso ko nang hindi sumakto ang unang susi na napili ko.

Muli pa akong sumubok ng isa pa. Ang isa ay naging dalawa hanggang sa nasundan at muli pang nasundan.

"Please naman, makisama ka naman." Butil-butil ang pawis kong nagpalingon-lingon.

Sana lang, wala sa mga katulong ang mapadpad dito.

Muli pa akong sumubok ng isa pa.

Gano'n na lamang ang kabog ng puso ko nang sumakto ang susi.

Nanuyo ang lalamunan ko nang pihitin ko iyon.

Tila lalo ring lumakas ang tibok ng puso ko nang hawakan ko ang doorknob at pihitin iyon.

"Wala na talagang atrasan 'to, self."

Lakas loob kong pinihit ang doorknob at tinulak ang pinto. Sa pagbukas ng pinto, tila ba nag-slow motion ang paligid.

Bumungad sa akin ang kadiliman at katahimikan.

Napalunok na lamang ako.

"Kung sino man po ang may-ari ng room na 'to, sorry na po agad. Pasok p
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status