KINABUKASAN,, tanghali na ng magising si Davidson. Hindi siya nakatulog sa kakaisip ng napag-usapan nila ng ninong Salvador niya at ang kagustuhan nitong pakasalan niya ang anak nito.
‘What was her name, again? Akira?’ Nakatitig si Davidson sa salamin ng banyo niya. Naalala niya ang sinabi ng ninong niya na hindi pa siya nagkaka-girlfriend. Well, bakit nga ba kailangan pa ng girlfriend ang isang Davidson Montevella? Nasa kanya na ang lahat. Masaya na siya bilang CEO of Montevella Corp. Ang Montevella lang naman ang pinakamalaking Business Industry sa bansa. Ang Montevella Corp. din ang nagmamay-ari ng mga expensive cars na binebenta ng billion sa loob at labas ng bansa- Ang Neon Sports Cars. Napabuga na lang sa hangin ang binata. Sa kabila pala ng karangyaan niya sa buhay ay malungkot pa din siya. Ten years ago ng bawian ng buhay ang Daddy niya sa sakit nitong lung cancer. Naiwan siyang mag-isa na dala-dala ang responsibilidad bilang isang Montevella. Never siyang lumapit sa kanyang ina nang mamatay ang Daddy niya. Katwiran niya ay aanhin niya ang nanay niya kung iniwan lang naman siya nito noong limang taong gulang pa lamang siya. Kaya sobrang lungkot ni Davidson nang iwanan din siya ng Daddy niya. Buti na lamang at nandyan ang ninong Salvador niya para gabayan siya. May mga ibang tao pa namang hindi siya pinabayaan, pero syempre iba pa din ang aruga ng isang ama. Bahagyang napangiwi si Davidson nang maalala nanaman ang ninong niya. Naghilamos na lang siya para maalis sa isipan niya ang sinabi nito. Pagkababa niya galing kuwarto ay agad na sumalubong sa kanya ang limang naka-unipormeng mga katulong kasama ang yaya niya. “Good morning, sir,” sabay-sabay na bati ng mga kasambahay sa kanya. “Dave, kumain ka muna bago ka magtrabaho. Hindi ka daw masyadong kumakain sabi ni Sandra,” ani Yaya Lucing. Ang yayang tinuring na niyang ina dahil ito ang nag-alaga sa kaniya mula ng iwan siya ng kanyang ina. “Kakain ako sa office, ‘ya. Don’t worry,” saglit na sinulyapan ni Davidson ang crystal glass table. As usual, isang plato lamang ang nakalagay sa pinaka dulo no’n at nakalaan para lamang sa kanya. Binalewala na lamang ni Davidson ang bahagyang lungkot na naramdaman. Nang makaalis ng bahay, sakay ng LEXUS dumiretso siya sa Montevella Hotel na pagmamay-ari din ng angkan ng mga Montevella. Pagkababa ng kotse agad siyang sinalubong ng mga staff ng hotel. Nakahilera pa ang mga ito para bumati sa kanya. Sakto din namang nasa lobby ang Auntie Jasmin niya, ang CEO ng hotel at agad na sinalubong siya nito pagka-kita sa kanya. Yumakap ito sa kanya at nagbeso. “What are you doing here, hijo? Kumain ka na ba?” Natawa siya sa tanong ng Auntie niya. Since pagkabata niya ay ito na ang bungad-tanong sa kanya ng Auntie. “Hindi pa Auntie. Shall we?,” tanong niya at inangkla ang braso ng fifty-years old niyang tyahin. “Okay, let’s go,” nakangiti naman itong tinanggap ang braso niya. Naglalakad sila sa lobby ng hotel papunta sa cafeteria nang may isang babaeng bigla nalang bumangga kay Davidson. Natumba ito at sumabog ang folder na dala nito sa sahig dahilan ng pagkalat ng mga papel sa loob niyon. Agad dinaluhan ni Davidson ang babae. “Are you okay?” Tiningala siya nito at inayos ang salamin sa mata na suot. “S-sorry po. Hindi ko po kayo masyadong nakita” “Yeah. Obviously,” malamig na sambit niya na ikinayuko ng babae. “Keirah Gustavo? Are you an applicant?” Sabay silang napatingin sa auntie niya at hawak na pala nito ang isang kopya ng resume. “O-opo. Aplikante po ako,” nakayukong sabi ng babae at inisa-isang pulutin ang nagkalat na papel. “Oh I see,” nang may nakitang staff sa paligid ay agad itong kinausap ng Auntie niya. “Please tell Ms. Ann, na may applicant dito sa lobby. Tell her to prepare an interview immediately, okay,” utos nito. “Yes ma’am,” agad namang tumalima ang staff na inutusan. “Just wait here hija, okay” Napapangiti na lamang si Davidson sa kinikilos ng auntie niya. Muli niyang sinulyapan ang babae. Mula sa suot nitong kupas na puting dress ay isang wrist watch lang ang accessories ng babae. Hindi din nakaligtas sa paningin niya ang medyo buhaghag nitong buhok na tila kinulang sa conditioner. Nagkibit-balikat na lang si Davidson, at niyaya na ang tiyahin. Mula sa reflection ng mga salamin ng lobby ay natatanaw pa din niya ang babae. ‘If she’s not an applicant, I’ll definitely think na nag so-solicit siya’ sa isip ni Davidson. Hindi niya na lamang pinansin ang pumasok sa isipan sa halip ay sinabayan niya na lang ang lakad ng tiyahin. Mula pa din sa repleksyon ng mga salamin, nakita niya pa ang babaeng sinundo ng Secretary ng Auntie niya. Hindi niya mapigilang sundan ng tingin ang papalayong babae. ‘Why did she look so familiar?’Maagang gumising si Keirah para mag-ayos ng sarili. Sunod naman niyang inayos ang mga gamit ni Yuan para sa pag-alis nila. Abala siya sa pagaasikaso nang pumasok si Melanie at Lorraine sa kwartong kanilang kinaroroonan. "Oh, ang aga mo 'ata," pumupungas pa si Lorraine na halatang kagigising lang. "Ngayon na ba ang punta mo sa Benavidez Corp.?" tanong naman ni Melanie saka sinulyapan ang natutulog pang si Yuan. "Isasama mo ba si Yuan?" "Oo. Pero bago yun, may dadaanan muna kami." "Kailangan mo ba ng kasama?" si Lorraine. "Ah hindi na. Saglit lang naman kami eh para maayos mo na rin kung may aayusin ka pa," tanggi na niya. "Eh ikaw bahala, sige na maliligo muna 'ko," anito saka lumabas ng kwarto. Bumubuntong-hininga na napasulyap siya sa natutulog na anak. Magiging okay kaya ako? , anang isip niya. Ngayong araw, pupunta siya sa kumpanya nila na matagal na niyang hindi nakikita. Iniisip niya kung magiging maayos ba ang lahat. Bahala na. •••~~
Keirah PoV "Yuan, is that true? Bakit mo ginawa yon? Pa'no kung nawala ka ha?" pinipigilan ko na lang na 'wag tumaas ang boses habang pinapagalitan ko ang anak ko. "Sorry po, mommy," humihikbing hingi niya ng paumanhin. Disappointed talaga ko sa ginawa niya. Buti na lang may tumulong sa kanila kung hindi...hay nako, ibabalik ko talaga 'to sa sinapupunan ko. Bumuntong-hininga ako para pakalmahin ang sarili ko. Wala naman akong magagawa, sadyang malikot lang talaga si Yuan. "Huwag mo na lang uulitin, okay." Tango naman ang sinagot niya. Halata namang nagsisisi siya sa ginawa niya. "Bakit kasi hindi ka na lang nagpasundo sa driver ng Auntie mo? Edi sana kanina pa tayo nakaalis rito," si Lorraine. "Gusto ko nga silang sorpresahin. Kaya nga hindi ko sinabi sa kanila na uuwi tayo," inirapan ko siya. "Hays, okay okay." Bumuntong-hininga ulit ako. Bakit nga ba ayaw kong sabihin? Wala lang. Mga ilang minuto pa kaming naghintay sa labas ng airport nang may pumaradang pu
(Keirah POV) "Mommy, mommy can I go to the bathroom?" Napatingin ako kay Yuan. Kasalukuyan kong inaayos ang mga passport ko nang magpaalam siya. "Ate Aida, pakisamahan naman si Yuan. Magkita na lang tayo sa waiting area, okay. May aayusin lang ako," pakiusap ko kay ate Aida. "Sige po, ma'am." Pagkatapos magpaalam, iniwan na nila 'ko. Tinatawagan ko rin si Melanie pero hindi naman sumasagot. Mahigit kalahating oras na rin kaming nagaabang dito sa NAIA. 'Nasan na kaya ang mga 'yon?'-------(Davidson POV) "Sir, 1:00 p.m. pa po ang schedule ng meeting niyo, Hongkong time po." "Okay, anything else?" tanong ko kay Sandra. Abala naman ito sa pag-check ng schedule ko sa tablet niyang hawak. "Wala na po, Sir." Nakahanda na ang private plane na sasakyan namin pa-Hongkong. Na-delay nga lang ang lipad dahil nagka-problema sa piloto. Habang naghihintay, hindi ako mapakali. Parang may kakaiba sa nararamdaman ko. Kumain naman ako, pero parang may paru-paro na naglilip
MELTING THE CEO'S COLD HEART:IKATLONG YUGTOSIX YEARS LATER...(Keirah Pov) Sa paglipas ng mga taon, marami na ang nangyari. Meron na 'kong malusog at bibong anak na lalake. Six years old na si Yuan Dave sa susunod na buwan at balak ko na ring dalhin siya sa Pilipinas. "Lorraine, yung visa mo at passport, okay na ba?" tanong ko kay Lorraine. Busy ang gaga sa pagme-make up. "Oh yes, kahapon pa nasa bag ko," hindi niya talaga maitago ang excitement niya na uuwi na pagkalipas ng maraming taon. Bahagya akong natawa sa hitsura niya. London girl na rin ang pormahan nitong si Lorraine. Ang laki rin ng pasasalamat ko sa kanya, kung hindi dahil sa kanya, hindi ko kakayanin mag-isa si Yuan. "Mommy! Mommy, we're home!" Sabay kaming nagkatinginan ni Lorraine at nagkangitian rin. Nagpatiuna na 'kong lumabas ng kwarto niya para salubungin ang kararating kong anak. "Yuan? How's my baby?" hinalikan ko sa pisngi si Yuan. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang gasgas sa may t
THREE MONTHS LATER "Meeting dismissed! You all can go back to work now." Natapos na ang meeting nina Davidson at ng mga tauhan niya ngunit ang kanyang Auntie Jasmine ay hindi man lang tumalima. "Is there anything you want, Auntie?" Tiningnan muna siya malamlam ng ginang bago magsalita. "Are you okay, Davidson? Hanggang ngayon ba ay nasa isip mo pa rin si Keirah?" Tila naudlot ang pag-upo ng binata nang marinig ang sinabi ng tiyahin. "What do you mean, Auntie?" tanong niya saka tuluyang hinila ang swivel chair para makaupo. Hindi niya inakala talaga na magtatanong ng ganoon ang tiyahin niya. Kunsabagay, baka concern lang ito. Botong-boto pa naman ito kay Keirah. Sa totoo nga lang ay ito pa ang numero unong tagasuporta niya pagdating kay Keirah. Kaso wala eh, wala na itong magagawa, tapos na ang sa kanila ng dalaga. Kahit na manghinayang pa ang tiyahin, eh huli na rin naman ang lahat. Hindi niya nga alam kung nasaan si Keirah eh. Sinubukan niyang itanong sa mga kaibigan ng
"Magre-resign ka?" "Ah eh, yes po Sir," nanlalamig ang mga kamay ni Lorraine habang kaharap si Mr. Montevella. "What's the reason? You're one of the most trusted employee ko dito sa Montevella, and you're now resigning?" Hindi naman galit ang amo niya ngunit ang kaba sa dibdib ng dalaga ay hindi maiwasan. "Ahm kasi po..u-uwi po kasi ako ng probinsya, Sir. May aalagaan po akong kamag-anak," nakagat ni Lorraine ang pang-ibabang labi. Sana lang ay hindi mapansin ni Mr. Montevella na nagsisinungaling siya. Bakit naman kasi kailangan pa siyang isama ni Keirah sa England? Mahigit anim na taon na siyang nagtatrabaho sa Montevella Corp. kaya ngayon ay nahihirapan siyang magpaalam. "Sir? Payagan niyo po ako please." Nakita ni Lorraine ang pagbuntong-hininga ni Mr. Montevella. Pinagdaop rin nito ang palad sa harap ng mukha para ipakita kung interesante ba ito sa sinasabi niya. "Well, kung yan ang desisyon mo, Miss Lorraine. Who am I para pigilan ka, 'di ba?" Muli ay