Share

Chapter 24

Nagmulat sya ng mata pero hindi nya ito nilingon. Pinagmasdan na lang nya ang papalubog na araw, bigla tuloy nya naalala yung araw na dinala sya nito sa may bundok para mapanood niya ang pag angat ng araw. Napangiti sya ng malungkot sa alala nayun. Napahugot sya ng malalim na hininga bago nagsalita.

“Ang ganda din ng sunset noh?”

“Elaine..” He said softly.

Sinubukan sya nitong hawakan pero umatras sya ng konti palayo dito. “Pwede bang humiling Alexandros?”

Tiningnan sya nito ng matagal bago sumagot. “Anything you want, just tell me.”

Ngumiti sya ng pilit at mula sa panonood ng sunset ay inilipat nya ang tingin sa gwapong mukha nito. Mukhang hindi ito nakakatulog ng ayos at nakakapag shave. Gusto sana nya hawakan ang mukha nito pero pinilit nya ang sariling wag gawin yun.

“Gusto ko sana..” kinagat nya ang labi para pigilan pumatak ang mga luha bago magsalita ulit. “Gusto ko sana kasabay ng paglubog ng araw ay ilubog nadin natin sa kailaliman ng isip natin ang pinagsamahan natin.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status