Share

KABANATA 74

Author: GennWrites
last update publish date: 2026-05-28 19:59:02

BANDANG alas-diyes nang matapos ang welcome party para kay Marikit. Paglabas nila mula sa restaurant ay malamig na ang hangin sa BGC. Kumikinang ang mga ilaw ng siyudad habang unti-unting humuhupa ang dami ng tao sa paligid.

Nakatayo si Julian sa tabi ng isang itim na Porsche habang naghihintay kay Marikit. Dating military officer si Julian at matagal na rin itong nagtatrabaho bilang driver at security ng pamilya Valejo.

Pagkakita nito kay Marikit ay agad itong tumango.

"Ma'am."

Ngumiti naman s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Gretchen Maghanoy
kikilanin palang niya author
goodnovel comment avatar
Enen Tinod
more update pa authur lalo ng gumanda ang story mo authur
goodnovel comment avatar
Jovie Minglana
Mahal pa rin ni Marikit si Mikael pero pahirapan mo na yan mag laway ka ngayon. Paano kaya kapag magharap silang lahat si Celine may kaagaw na sa, spot light niya losyang hah ngayon hindi na... thanks author sa update si Matthew na lang kulang ang kuya ni Marikit kilan kaya, malaman na magkapatid.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 74

    BANDANG alas-diyes nang matapos ang welcome party para kay Marikit. Paglabas nila mula sa restaurant ay malamig na ang hangin sa BGC. Kumikinang ang mga ilaw ng siyudad habang unti-unting humuhupa ang dami ng tao sa paligid.Nakatayo si Julian sa tabi ng isang itim na Porsche habang naghihintay kay Marikit. Dating military officer si Julian at matagal na rin itong nagtatrabaho bilang driver at security ng pamilya Valejo.Pagkakita nito kay Marikit ay agad itong tumango."Ma'am."Ngumiti naman si Marikit. "Sorry, pinaghintay ka pa.""Walang problema po."Isa-isa nang nagpaalam sina Danica at Enzo habang si Raiko naman ay bahagyang tumigil sa harap ni Marikit."Text me pagdating mo."Tumango siya. "Ikaw rin."Makalipas niyon ay kanya-kanya na rin silang sumakay sa kani-kanilang sasakyan. Tahimik na sumakay si Marikit sa sasakyan ni Gabriel habang si Julian naman ang nagmaneho ng Porsche nito pauwi.---MAKALIPAS ang halos apatnapung minuto, dahan-dahang pumasok ang convoy sa loob ng Val

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 73

    TAHIMIK na nakinig si Danica sa sinabi ni Marikit. Nang makitang kalmado pa rin ang babae, hindi na rin ito nagsalita pa tungkol kay Mikael.Kung tutuusin, posible namang hindi na rin makilala ni Mikael si Marikit ngayon. Malaki na ang ipinagbago nito sa loob ng limang taon. At sa paglipas ng panahon, kahit gaano pa kalalim ang naging damdamin ng isang tao, kusang napapawi rin iyon.Kaya sa halip na pag-usapan pa ang nakaraan, mabilis na binago ni Enzo ang atmosphere. "Hoy, welcome back dinner ito ah," aniya habang itinataas ang wine glass. "Bawal drama."Napatawa si Danica. "Ikaw talaga."Isa-isang itinaas ng lahat ang kanilang baso bilang pagsalubong sa pagbabalik ni Marikit sa Pilipinas."Welcome back, Miss Valejo."Bahagyang ngumiti si Marikit habang marahang nakikipag-toast sa kanila. Maya-maya pa ay muling nagsalita si Enzo habang nakatingin kay Gabriel."Ngayong bumalik na si Marikit, mas mapapadali na buhay mo bilang CEO."Napailing agad si Gabriel saka bahagyang natawa. “Asa

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 72

    MATAPOS makipag-usap sa telepono sa kanyang abogado, agad na ring sumakay si Marilit na isang itim na Porsche at binabagtas ang kahabaan ng Makati.Nasa backseat si Marikit, at marahang nakasandal ang kanyang ulo sa bintana habang pinagmamasdan ang mga ilaw ng siyudad na mabilis na naglalaho sa dilim.Kasabay niyon ay muling nag-vibrate ang kanyang cellphone. Agad naman niyang sinagot ang tawag nang makitang si Danica iyon."Hello, Ate Dan."Mula sa kabilang linya ay agad niyang narinig ang excited na boses ng kaibigan. "Nasaan ka na?"Bahagyang napangiti si Marikit. "Malapit na. Traffic lang sa Ayala.""Sige lang, hindi naman kami nagmamadali. Hinihintay ka lang namin.""Okay."Pagkababa ng tawag, muling bumalik ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Tahimik na napabuntong-hininga si Marikit. Dalawang araw pa lamang mula nang bumalik siya sa Pilipinas.At kahit limang taon na ang lumipas ay parang wala pa ring nagbago. Pareho pa rin ang siyudad. Pareho pa rin ang mga ilaw. At pareho p

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 71

    LIMANG TAON ANG LUMIPAS...Sa gitna ng Makati Central Business District, nakatayo ang punong himpilan ng Altaverde Group.Sa pinakatuktok ng gusali, sa loob ng malawak na opisina ng CEO, kapansin-pansin ang isang bagay na hindi inaasahang makikita sa opisina ng isa sa pinakamakapangyarihang negosyante sa bansa.May mga stuffed toys sa isang sulok. May maliit na bookshelf na puno ng children's books. May easel na may mga makukulay na drawing. At sa dingding ay nakadikit ang iba't ibang artwork na halatang gawa ng isang bata.Sa harap mismo ng executive desk ay may maliit na study table na espesyal na ginawa para sa isang munting prinsesa.Tahimik na nakaupo roon si Mithi. Magli-limang taong gulang na siya ngayon. Nakasuot siya ng isang pink dress habang marahang iniindayog ang kanyang mga paa. Nakahati sa dalawang maayos na bun ang kanyang buhok na pinalamutian ng maliliit na pearl clips.Sa harapan niya ay isang tablet. Tahimik siyang naglalaro ng educational puzzle game habang seryos

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 70

    SAMANTALA, makalipas ang ilang araw, nanatiling malamig ang simoy ng hangin sa Metro Manila habang papalapit ang kalagitnaan ng Marso.Abala si Stella sa paghahanda ng mga gamit ni Marikit para sa nalalapit nitong pag-alis papuntang California.Naayos na ni Professor Kent Morales ang lahat. Aprubado na ang visa. Nakahanda na rin ang matutuluyan nito roon. Pati ang mga dokumentong kailangan para sa pag-aaral ay kumpleto na.Ilang araw na lamang at lilipad na si Marikit. Mahigit dalawang buwan na rin mula nang makalabas siya ng ospital. Sa buong panahong iyon, halos hindi siya pinayagang lumabas nina Roberto at Stella. Pahinga, nutrisyon, at gamutan. Iyon lamang ang inatupag nila para sa kanya.Kaya naman malaking bahagi ng mga nakalipas na araw ni Marikit ay ginugol sa loob ng bahay. Madalas ay nakatayo lamang siya sa tabi ng bintana. Tahimik na pinagmamasdan ang mundo sa labas. At habang papalapit ang araw ng kanyang pag-alis, lalo siyang nakakaramdam ng kakaibang pagkabalisa...---I

  • Mine Even After Divorce   KABANATA 69

    MABILIS na lumipas ang mga sumunod na linggo. At sa isang kisapmata, sumapit ang araw ng unang buwan ni Mithi.Bilang nag-iisang apo na babae ng kasalukuyang henerasyon ng pamilya Altaverde, natural lamang na pinaghandaan iyon nang mabuti ng buong pamilya. Isinagawa ang selebrasyon sa isa sa mga luxury hotel na pagmamay-ari ng Altaverde Group sa Makati.Mula sa mga kilalang negosyante, prominenteng pamilya, hanggang sa matataas na personalidad sa iba't ibang industriya, halos lahat ng inimbitahan ay may mahalagang katayuan sa lipunan. Maliban kay Marikit at sa pamilya Valejo na hindi man lang inimbitahan. Na para bang hindi nag-exist ang mga ito sa buhay ng Altavede.Bago pa man magsimula ang mismong salu-salo, isa-isang dumating sa Altaverde Villa ang mga kamag-anak upang personal na makita si Mithi at magbigay ng kani-kanilang regalo. Dahil dito, halos mapuno ng mga kahon, gift bags, at mamahaling present ang buong receiving area ng mansyon.Sa gitna ng masayang kaguluhan, unti-unti

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status